Share

CHAPTER 27

Author: Truly_yours
last update Last Updated: 2025-05-09 05:43:59

Elara's P.O.V.

"Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.

Pretend to be his what...?

"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.

Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat.

"Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko.

"Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!

Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 27

    Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 26

    Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 25

    Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 24

    Elara’s P.O.V."Don't look at me like that," nakangiwi kong sabi kay Mix. Para akong masusuka sa katotohanang siya ang ama? Letche naman, gano'n na ba talaga ako katigang at pati bakla kong best friend, papatulan ko?I mean, he’s kinda handsome and if he were a man, I probably—!Oh my gosh?! What the hell am I thinking? Bakla pa rin siya!“Ew-ew-w, no!” Mariin akong napailing."I know right?! Hindi pwedeng ako ang ama niyan! I can be the mother, though." Natawa siya sabay iling ulit. "But no, there must be a mistake." Saad niya saka tinapik ang lalaki. Napatawa na lang ako sa situation namin. Pag naiipit talaga, bigla na lang napapa-English."Ano?" tanong sa kanya ng bouncer. Inis na napairap si Mix."Ito ang dahilan kung bakit tayo nag-break! Ang slow mo kasi! I-rewind mo!" Napanganga ako nang bahagyang tumaas ang boses ni Mix—medyo maarte, medyo pabebe.Nagulat ako nang biglang padabog na tumayo 'yung bouncer. Matalim ang tingin niya kay Mix. Bawat hakbang niya, sumasabay ang muscle

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 23

    Elara’s P.O.V.“Bakla ka! Ano na na namang issue mo, teh?” sigaw ni Mix, nakapamewang at halos bumaon sa bungo ko ang matinis niyang boses. Napapikit na lang ako sa inis.“Sabi ko na, ‘wag kang gumawa ng gulo! Tapos may pa-elevator scene pa kayo ni Theo?” dagdag niya, sabay taas ng kilay. Huminga ako nang malalim bago sumagot.“Ehh, hindi naman namin sinadyang ma-stock sa elevator, diba?” Napairap ako habang pasimpleng lumingon-lingon.Breaktime na namin ngayon, pero sa halip na bumaba sa cafeteria, dito lang kami ni Mix nakatambay sa department. Sa dami ng nangyari kanina, wala na akong lakas pa para dumaan sa hallway at harapin sila. Sigurado ako, sa bawat bulungan at sulyap, ako na naman ang bida sa kwentuhan nila.“Teh, naman kasi!” ani Mix, sabay hampas sa braso ko ng clipboard na hawak niya. “Ano bang ginagawa niyo sa elevator, ha? Eh ang paalam mo lang sakin, mag-CCR ka?”Minsan talaga, mas matindi pa si Mix kesa kay Mama.“Gusto ko lang naman sanang mag-sorry sa kanya,” paliwa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 22

    Theo’s P.O.V.“Paano kung ako nga ang ama ng dinadala mo?”I didn’t even know why I said that. It just slipped out. But ever since that Saturday night, I haven’t been able to think straight. I keep having these dreams. Same woman, same scent—always faceless. But the feeling? Sobrang pamilyar. Parang may alaala akong pilit bumabalik pero nababalutan ng usok.Mas lalo kong diniinan ang kapit ko sa pader. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o takot.There’s a part of that night I can’t remember. I was drinking, yeah—drink after drink. I remember feeling dizzy, excusing myself to go to the restroom. On the way, I saw Elara being bothered by some guys. I stepped in. After that… blank.Since then, I’ve been off. Hindi ako mapakali. And now, here I am—cornering Elara in the elevator like I’ve completely lost it. I raised my hand toward her face. Nagulat siya. Her warmth—familiar. Parang déjà vu.She was close. Too close. And I hated that I liked it.Na amoy ko na naman siya. Same scent from my

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 21

    Elara’s P.O.V.Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—yung bigat ng mga matang sumusunod sa akin sa hallway, o 'yung mga pabulong na tawa na pilit tinatakpan ng paper folder.Inis kong naikuyom ang kamao ko. “Lagot sa’kin ‘yang Jerry na ‘yon. Kakalbuhin ko talaga siya—‘wag lang siyang magkamaling magpakita sa’kin.”“Teka lang, girl. Opis hours pa ‘to. ‘Wag ka munang rumampa ng war mode. Baka masisante tayo sa gagawin mo,” bulong ni Mix habang hinahawakan ang braso ko.Napahinga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang umuusok kong sentido. “Yung tsismis na buntis ako? Fine. Totoo naman. Pero ‘yung si Theo raw ang ama?” Umiling ako, halos mapamura. “Tangina talaga. Gusto ko talagang upakan si Jerry.”“Excess me?”Parang may magic spell. Sabay kaming napalingon ni Mix. Nakatayo si Ms. Leah sa likod namin—crossed arms, raised brow, at ‘yung signature niyang deadpan expression. Hindi ko alam kung ilang segundo kaming napatitig sa kanya, pero pakiramdam ko isang buong quarter.Umangat ang

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 20

    Elara’s P.O.V.“Beh, sigurado ka? Kaya mong pumasok today?”Saglit kong nilapag ang cellphone sa ibabaw ng counter, pero kita pa rin ang mukha ko sa camera.“Oo nga, pang-ilang beses mo na 'yang tinanong.” Reklamo ko habang nagdadagdag ng asukal sa kape. “Paalis na nga ako, e. Ubusin ko lang ’tong kape.”Medyo napangiwi ako nang malasahan pa rin ang pait kahit halos makalahati ko na 'yung garapon ng asukal.“Oh, anong mukha ’yan?” Saglit akong natigilan.“Ang pait pa rin, eh.” Pilit kong nilunok ang pait na parang kumapit na sa lalamunan ko.“Malamang, kape ’yan. Saka ganyan talaga pag buntis, nagbabago 'yung panlasa.” Mahina akong napabuntong-hininga.“Thanks sa paalala,” umirap ako habang pinisil ang tulay ng ilong ko.“’Yung vitamins, uminom ka ba?”Inis akong napairap. “Oo. Ininom ko,” sabay lingon sa cam. Simula kahapon, parang naging nanay ko na talaga si Mix.“Ay nga pala! Bakit ka uminom ng kape? Bawal sa’yo ’yan!”See? Para namang ikamamatay ko kung iinom ako ng kape. Inis ko

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 19

    Elara’s P.O.V.Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak-hawak ang pregnancy test. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas na yata ako dito sa kinauupuan ko sa inidoro, habang ang katahimikan ng maliit na banyo ay tila mas lumalalim sa bawat segundo.Kahit ang paghinga ko, parang biglang kinapos. May kung anong humigpit sa dibdib ko—isang kaba na hindi ko maipaliwanag. Hindi ito yung tipikal na nerbyos. Mas malalim. Mas mabigat.Natauhan lang ako ng maramdaman ang luhang kanina pa pala palang dahan-dahang pumapatak sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pilit kong nilunok ang kung anong nakabara sa lalamunan ko—isang emosyon na hindi ko mabigyang pangalan. Takot ba ito? Gulat? Pagkalito? O lahat nang sabay-sabay?Nilunok ko muli, pero kahit yata ubusin ko ang tubig dito sa inidoro, hindi na mawawala ang barang iyon. Nakasuksok na sa kalamnan ko ang posibilidad. Ang katotohanan.Makailang ulit kong pinikit ang mga mata, kinusot ko pa ito ng nangingi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status