Elara's P.O.V.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking tanging minahal ko—pero ipinagpalit lang ako sa ahas kong kaibigan. Bahagya akong nawalan ng balanse nang mapatingin sila sa akin. Mariin akong napalunok bago inayos ang pagkakatayo. "Eneng, dito ka na lang bumaba. Maghagdan ka na lang dahil pataas pa ang elevator," rinig kong sabi ni Manang. Wala rin naman akong balak makasama ang walang kwentang ex at ang traydor kong kaibigan sa iisang elevator. Walang iniwang salita, mabilis akong lumabas at walang lingon-lingong nagtungo sa exit door. Pagkasara ko ng pinto, saglit akong natigilan. Nanginginig ang tuhod ko habang napakapit sa dingding. Akala ko, okay na ako—pero mali pala ako. Okay lang pala ako 'pag hindi ko sila nakikita. Pero noong muli ko silang nakita? Parang biglang nilukot na naman ang puso ko. Gusto kong magwala sa galit. Umiyak. Pero tapos na ako sa era na 'yon. Pinipigilan ang hikbi, tumayo ako at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Nakayuko lang akong naglalakad sa hallway. May nabangga pa ako, pero hindi ko na siya pinansin. "Sorry po," walang gana kong sabi saka nagpatuloy. Pagkapasok ko sa apartment, agad akong sinalubong ng mabangong halimuyak ng air freshener. Wala akong gana. Ibinagsak ko ang katawan sa sofa at saka tumulala sa kawalan. "Hindi rin siya kawalan." Dahil sa pangyayaring 'yon, maaga akong nagising kinaumagahan—or should I say, hindi ako nakatulog! Bad trip naman! "Kasalanan talaga 'to ng lalaking 'yon! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako lalagpas ng floor! Ugh." Dapat pala, nakinig na ako kay Mama noon—lumipat na ng apartment para hindi ko na sila nakikita! Pero bakit ako lilipat? For their information, nauna ako doon! Tama. Sino ba sila para ako ang mag-adjust? No, no. Parang tangang umiiling-iling ako. Mabuti na lang at busy ang mga taong nadadaanan ko. Kung hindi, baka inisip nilang nababaliw ako. O hindi pa nga ba? Eh sobrang saya ng araw ko, oh! Parang tinutuloy lang ang kamalasan ko kahapon! "Jusko naman! Sa lahat ng pwedeng may continuation, ito pa talaga?" Inis akong napasabunot sa buhok ko saka, salubong ang kilay—nagmartsa papasok sa opisina. "Good morning, Elara!" bati ng isa sa katrabaho ko, pero tinanguan ko lang. Wala akong energy makipagplastikan ngayon. "Oy, friend! Aga-aga, naka-busangot tayo, ah?" bungad sa akin ni Mix na naka-ear-to-ear smile pa! Oh, 'edi sana all? "Tigilan mo nga ako, Mixwell," sagot ko, sinadyang banggitin ang buo niyang pangalan. "PUTA, I HATE YOU!" Napa-flick pa siya ng imaginary hair bago nag-cross arms na parang bida-kontrabida sa telenovela. Bahagya akong natawa sa ikinilos ni bakla. Tumikhim ako. "O siya, spill na! Kanina ka pa ngiting-ngiti d'yan, nakakakilabot na!" "Ito na nga, Mhie!" Ay, oh. Bipolar yarn? Bahagya akong napangiwi. Kanina lang, galit-galitan si bakla. "Bilis mag-change ng mood natin, ah?" "Eh kasi, Mhie!" Kasabay ng chika, hinataw niya ‘ko sa braso. Putek, gigil? "May bagong hire sa kabilang department! Waffo!" Bahagyang tili niya pa, kaya agad ko siyang hinampas at sinaway. Napataas ang kilay ko. Hindi naman bago sa kanya ang maloko sa gwapo, pero para ma-hype siya ng ganito? "Ingay mo." "Ay, sorry naman kasi! Basta, beh! Ang gwapo niya!" Para siyang kumakain ng sinigang sa sobrang kilig niya. Palihim akong natawa. Kaya laking pasasalamat ko na naging kaibigan ko 'tong si Mix—dahil parati niya akong napapatawa. Siguro kung naging lalaki 'to, sarap niya sigurong maging boyfriend… kaso bakla siya. "Anong tingin 'yan?" mataray niyang tanong, nakataas pa ang makapal niyang kilay. "Thank you," sincere kong usal saka marahang ngumiti. "Ang random mo! Sige na, magtrabaho na tayo. Baka maabutan pa tayo ni Papa Boss." Ang ngiti ko ay biglang napalitan ng pagkabigla. "Boss?" "Oo, teh! Monthly inspection!" "Ay, shit! Ngayon pala 'yon!" Mabilis kong niligpit ang mga nagkalat na papel, paper clip, rubber band, at kung ano-ano pang nakakalat sa lamesa ko. Pagkatapos ay inayos ko naman ang sarili ko. Itinali ko nang maayos ang buhok ko at nag-retouch ng kaunti. Mahigpit kasi ang boss namin pagdating sa cleanliness. Maya-maya, natanaw ko si Ms. Leah, ang head ng department namin. Mabilis siyang naglalakad papalapit sa amin habang sinasabing... "Nandito na siya. Si Mr. Montenegro." Mabilis ang naging kilos ng lahat. Kanya-kanyang pagpag ng kasuotan at pag-aayos sa sarili—hanggang sa tuluyan nang pumasok si Mr. Montenegro sa department namin. "Good morning po, sir!" sabay-sabay at masiglang bati namin. Nasa late 40s na siya, pero hindi mo mababakas sa mukha niya ang katandaan. Nakangiti man ang lahat, ramdam namin ang biglang pagbigat ng hangin. Hindi dahil nandito ang boss—kundi dahil sa mismong presensya niya. Dahan-dahang tumango si Mr. Montenegro bilang tugon sa aming pagbati, ngunit hindi siya ngumiti. Matalas ang kanyang mga mata habang iniikot ang tingin sa buong departamento, tila sinisiyasat ang bawat sulok, bawat tao, bawat detalye na maaaring hindi umabot sa kanyang inaasahang pamantayan. Sa kabila ng pormalidad ng kanyang kilos, may kung anong hindi maipaliwanag na tensyon ang dumaloy sa amin. Para bang ang isang maling galaw ay maaaring magdala ng hindi inaasahang resulta. Ramdam ko ang pag-aayos ng ilan sa kanilang upuan, ang mabilis na pag-click ng keyboard ng iba, at kahit ang pilit na pagpapakitang abala sa trabaho. Humakbang siya pasulong, at bawat yapak niya ay tila mas nagpapalakas sa tibok ng aming mga dibdib. Hanggang sa huminto siya malapit sa desk ng team leader namin. Tumikhim siya nang bahagya—sapat lang upang iparamdam na hindi siya narito para sa isang pangkaraniwang pagbisita. "Ano ang progress natin?" tanong niya, malamig ngunit walang bahid ng padarag na tono. Diretso, matalas, at walang espasyo para sa paliguy-ligoy na sagot. Nagkatinginan kami saglit bago sumagot ang team leader namin. Ngunit kahit anong gawin namin, alam naming lahat—ang presensya ni Mr. Montenegro ay hindi basta-basta. At sa kabila ng presensya niya, may isa pang presensyang hindi ko inaasahang makikita ko rito. Iba rin talaga maglaro ang tadhana, ano?Elara's P.O.V.Mariin akong napalunok nang makita ang pawis niya. From his neck, pababa sa matigas niyang dibdib na para bang binuhusan ng mantikilya. Sobrang kinis. Sobrang macho. Literal na nalulusaw na ang utak ko. At ‘yung amoy niya?Sandalwood vanilla. Ang signature smell niya. Hindi ko nga alam kung pabango ba ‘yon o natural scent niya, pero nakaka-addict. It smelled like warmth, danger, and a very expensive kind of lust.Parang gusto kong langhapin habang buhay. Hindi ko alam kung paano pero nakadagan na siya sa akin ngayon. His body heavy, warm, and alive. Ramdam ko ang bigat niya, ang init ng hininga niya sa pisngi ko. One arm braced above my head, the other tracing shapes on my bare thigh.“You’re soft,” he whispered, his voice gravelly. “So soft.”Hindi ako makasagot. Parang tinutunaw ng presence niya ang buong pagkatao ko. Ang tingin niya? Makalaglag-panty. Ang lips niya? Not too red pero mukhang malambot, yung tipong isang halik lang, busog ka na. Literal na busog ka n
Elara's P.O.V. Halos mag-t-twenty-five hours na rin simula noong pumayag ako sa gustong mangyari ni Ms. Yannie. At grabe... literal na bed rest lang ang ginagawa ko! Nakakabagot. Nandito lang ako sa loob ng guest room—na kwarto ko na rin ngayon. At guess what? Para akong donya na nakahilata lang buong araw. Pero this time, choice ko ’to. Wala lang, ganito siguro talaga kapag buntis? Nakakatamad bumangon, pero nabobored din ako kakahiga. Ano bang pwedeng gawin? Hmm? Alam ko na! Yung cellphone ko... "Yung cellphone ko? Nandito lang yun ah... Ay, oo nga pala." Napabuntong-hininga na lang ako nang maalalang kinumpiska pala ’yon ni Ms. Yannie dahil halos di na ako natulog kagabi kakapanood ng K-drama. Daig ko pa ang grounded na teenager sa sitwasyon kong to. Siyempre, sabi ni lola, bad daw para kay baby. Pero ang boring talaga! I need my phone now. Mabilis kong pinindot ang bell button. Sinadya nilang ikabit ’yon dito sa kama para sa emergency purposes daw—so ako, this is an emergenc
Elara's P.O.V.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo—pero mali yatang ginawa ko 'yon dahil mas lalo lang akong nahilo.Damn this pregnancy! Ugh!Mariin akong napapikit. At nang unti-unting bumalik sa dati ang paningin ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto...“B-Bakit...? Bakit hindi ko mabuksan? Letche.” Wag mong sabihing balak pa nila akong ikulong dito?!“Nalintikan na...” Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang naka-lock nga ang pinto. Ganito na ba ang bagong paraan ng pag-welcome ng bisita?Saglit akong lumayo sa pinto at bumuntong-hininga. Kalma, Elara. Sabi ng doctor, this is not good for your health—and for the baby. I know, I didn’t expect to have a baby this early and everything was unexpected and shocking... pero nandito na ’to, and I already decided to have this baby with me. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ’to. My baby is also a victim.So, calm down, Elara. Calm down...Pero punyeta, sino bang niloloko ko? Kahit gaa
Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa
Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini
Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,