Share

CHAPTER 3

Penulis: Truly_yours
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-05 12:05:00

Elara's P.O.V.

Tahimik ang opisina, pero ramdam ko ang pagbabago sa hangin. Para bang may dumaan na malamig na ihip—isang presensyang hindi mo man makita agad, pero alam mong naroroon.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lingunin ang kabilang department, pero ginawa ko.

At doon ko siya nakita.

Nagtataka man, hindi ko maiwasang mapansin ang hitsura niya.

Puting long-sleeve—malinis at presko—pero sapat ang kapit sa katawan niya para idetalye ang bawat linya ng kanyang tikas. Matangkad, may malapad na balikat, at may presensyang hindi mo basta malalampasan. Wala siyang kahit anong suot na nagpapahiwatig ng kayamanan—walang ostentatious na relo o accessories—pero ramdam mo.

Ramdam mo sa paraan ng paglalakad niya.

Sa paraan ng hindi niya paglingon sa mga nakatingin sa kanya.

Sa paraan ng simpleng pag-ayos ng long-sleeve niya—isang kilos na parang hindi sinasadya, pero sapat para ipakitang sanay siyang kumilos nang may kontrol.

At ang mukha niya—

Oxygen, Elara. Huminga ka.

Matalas ang linya ng kanyang panga, parang hinulma ng isang bihasang eskultor. Ang buhok niya, maayos pero hindi sobrang pormal, bahagyang naka-ruffle sa gilid—parang sinadya para hindi maging perpekto.

Pero ang pinaka-hindi ko matanggalan ng tingin ay ang mga mata niya.

Walang emosyon.

Tahimik, pero matalim.

Para siyang isang taong nasanay nang tingnan ang mundo na parang isang larong kabisado na niya. Isang lalaking hindi mo mababasa kung seryoso o nang-aasar, kung tahimik lang o may tinatagong peligro.

At ang pabango niya.

Putangina.

Malayo siya, pero amoy na amoy ko! O baka naiwan lang sa ilong ko ang bakas ng pabango niya? O sa memorya ko?

Shocks, ano bang nangyayari sa akin?

Ipinilig ko ang ulo at umiling, pero hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kanya.

Sandalwood. Vanilla. Isang uri ng amoy na hindi mo basta-basta makakalimutan—hindi dahil matapang ito, kundi dahil may kakaibang tama ito sa sistema mo. Isang pabangong parang humahaplos sa’yo kahit hindi mo gusto.

Mabilis akong napatingin sa ibang direksyon, pilit nilalamon ang sariling reaksyon.

Pero kahit anong gawin ko—huli na.

Hide quoted text

Alam kong nakita niya ako.

At mas malala—nakita ko rin siya.

Dahil sa ilang saglit bago ako umiwas, nagtama ang mga mata namin.

Isang segundo. Dalawa. Tatlo.

Napakabagal ng pag-inog ng oras, para bang ang buong opisina ay naglaho sa paligid.

Walang tunog.

Walang galaw.

Walang ibang tao.

Kundi siya lang. At ako.

Doon ko lang napansin ang isang bagay.

Hindi siya nagulat.

Hindi siya nag-alinlangan.

At lalong hindi siya mukhang nagtatanong kung bakit ako narito.

Para bang alam niya. Para bang… inaasahan niya ’to.

O baka wala lang talaga siyang pakialam.

Napasinghap ako nang mahina nang makaramdam ng kung anong kirot sa dibdib.

Muli kong pinaalala sa sarili na ang lalaking 'yan ang dahilan kung bakit nakita ko ulit ang lintek na ex at ang ex-fake-traitor-friend ko!

Bahagya akong nagulat nang biglang tumikhim si Mr. Montenegro.

"Miss Elara." Binasa niya ang pangalan kong nakadikit sa cubicle ko.

Tangina.

Para akong binuhusan ng yelo.

Ramdam ko ang bigat ng tingin ng lahat.

Mabilis akong napaayos ng upo, pilit na iniiwasang ipakita ang kahit anong emosyon sa mukha ko. Pero alam kong nahuli niya ako—at alam kong nahuli rin ng ibang officemates ko, lalo na nang marinig ko ang mahihinang tawa sa paligid.

Lintek.

"You look completely absorbed in your work."

Sarcastic ‘yon.

Napakurap ako at pinilit ngumiti, pilit ding kinakalma ang sarili.

"Sorry po."

Muli siyang tumikhim at umayos ng tindig, sabay ayos ng kanyang coat.

May kung anong kumpiyansa sa kilos niya—hindi pilit, hindi pinag-iisipan, pero natural lang sa kanya.

"I’m not just here to check on the progress—I also came to see my child."

Para kaming nabingi sa sinabi ni Mr. Montenegro.

Walang gumalaw.

Walang nagsalita.

Tanging ang mahinang tunog ng aircon at ang bahagyang kaluskos ng papel mula sa kabilang cubicle ang naririnig ko.

Pero kahit iyon, parang unti-unting natunaw sa bigat ng mga salitang binitiwan niya.

Nagkatinginan kami ni Mix, ang mga mata niya bilog na bilog sa pagkagulat.

Kita ko ang marahang pagbuka ng kanyang bibig, pero tila hindi niya alam kung may sasabihin ba siya o hindi.

"Child? Anak?" Basa ko sa kanyang labi.

Hindi ko rin namalayan na may kunot na ang noo ko, ang utak ko nagsusumikap intindihin ang narinig.

Anak? Narito ang anak ni Mr. Montenegro?

Sino?

Dahan-dahang bumaling ang tingin ng lahat sa isa’t isa, parang naghahanap ng sagot sa tanong na hindi nila masabi nang malakas.

May ilang mahihinang bulungan, may ilang suminghap sa gulat, pero karamihan ay nanatiling tahimik—naghihintay ng kasunod na paliwanag.

"Ang anak niyo po, sir?"

Nag-aalangang tanong ni Ms. Leah, ang boses niya bahagyang tumaas sa huling salita.

Alam kong hindi lang siya ang gustong magtanong niyon.

Lahat kami, gusto ng sagot.

Gusto kong sumagot si Mr. Montenegro.

Gusto kong malaman kung sino.

Pero higit sa lahat…

Ayokong marinig ang sagot niya.

At hindi ko alam kung bakit.

Sinubukan kong lunukin ang buo kong kaba, pero ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.

Hindi ako makatingin nang diretso kay Mr. Montenegro, pero ramdam ko ang presensya niya—ramdam ko ang bigat ng titig niya kahit hindi ko ito sinasadyang hanapin.

Nagtagal ang katahimikan.

Hanggang sa isang lalaki ang pumasok sa department namin.

Halos sabay-sabay kaming napalingon, kita sa mukha ng bawat isa ang pagkalito.

Kunot ang noo naming lahat habang pinagmamasdan siya—parang hinihintay na may magsalita, na may magpaliwanag kung sino siya at bakit siya narito.

Samantala, si Mr. Montenegro ay nanatiling nakatayo sa harapan namin, hindi man lang lumingon sa bagong dating.

Para bang alam na niya kung sino iyon, at hindi na niya kailangang kumpirmahin pa.

At saka niya binitiwan ang isang salita—isang simpleng sagot na parang bomba sa gitna ng katahimikan.

"Yes." Direkta. Walang pag-aalinlangan.

Pero sapat na iyon para mas lalong kumunot ang noo naming lahat.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 30

    Elara's P.O.V.Mariin akong napalunok nang makita ang pawis niya. From his neck, pababa sa matigas niyang dibdib na para bang binuhusan ng mantikilya. Sobrang kinis. Sobrang macho. Literal na nalulusaw na ang utak ko. At ‘yung amoy niya?Sandalwood vanilla. Ang signature smell niya. Hindi ko nga alam kung pabango ba ‘yon o natural scent niya, pero nakaka-addict. It smelled like warmth, danger, and a very expensive kind of lust.Parang gusto kong langhapin habang buhay. Hindi ko alam kung paano pero nakadagan na siya sa akin ngayon. His body heavy, warm, and alive. Ramdam ko ang bigat niya, ang init ng hininga niya sa pisngi ko. One arm braced above my head, the other tracing shapes on my bare thigh.“You’re soft,” he whispered, his voice gravelly. “So soft.”Hindi ako makasagot. Parang tinutunaw ng presence niya ang buong pagkatao ko. Ang tingin niya? Makalaglag-panty. Ang lips niya? Not too red pero mukhang malambot, yung tipong isang halik lang, busog ka na. Literal na busog ka n

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 29

    Elara's P.O.V. Halos mag-t-twenty-five hours na rin simula noong pumayag ako sa gustong mangyari ni Ms. Yannie. At grabe... literal na bed rest lang ang ginagawa ko! Nakakabagot. Nandito lang ako sa loob ng guest room—na kwarto ko na rin ngayon. At guess what? Para akong donya na nakahilata lang buong araw. Pero this time, choice ko ’to. Wala lang, ganito siguro talaga kapag buntis? Nakakatamad bumangon, pero nabobored din ako kakahiga. Ano bang pwedeng gawin? Hmm? Alam ko na! Yung cellphone ko... "Yung cellphone ko? Nandito lang yun ah... Ay, oo nga pala." Napabuntong-hininga na lang ako nang maalalang kinumpiska pala ’yon ni Ms. Yannie dahil halos di na ako natulog kagabi kakapanood ng K-drama. Daig ko pa ang grounded na teenager sa sitwasyon kong to. Siyempre, sabi ni lola, bad daw para kay baby. Pero ang boring talaga! I need my phone now. Mabilis kong pinindot ang bell button. Sinadya nilang ikabit ’yon dito sa kama para sa emergency purposes daw—so ako, this is an emergenc

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 28

    Elara's P.O.V.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo—pero mali yatang ginawa ko 'yon dahil mas lalo lang akong nahilo.Damn this pregnancy! Ugh!Mariin akong napapikit. At nang unti-unting bumalik sa dati ang paningin ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto...“B-Bakit...? Bakit hindi ko mabuksan? Letche.” Wag mong sabihing balak pa nila akong ikulong dito?!“Nalintikan na...” Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang naka-lock nga ang pinto. Ganito na ba ang bagong paraan ng pag-welcome ng bisita?Saglit akong lumayo sa pinto at bumuntong-hininga. Kalma, Elara. Sabi ng doctor, this is not good for your health—and for the baby. I know, I didn’t expect to have a baby this early and everything was unexpected and shocking... pero nandito na ’to, and I already decided to have this baby with me. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ’to. My baby is also a victim.So, calm down, Elara. Calm down...Pero punyeta, sino bang niloloko ko? Kahit gaa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 27

    Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 26

    Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 25

    Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status