Elara’s P.O.V.
"Elara, aware ka ba na late ka na?" Nakapamewang na sinalubong ako ni Mix, kita sa mukha niya ang pagsisimula ng sermon. "I know," sagot ko, ibinagsak ang gamit sa lamesa habang nagmamadaling hinubad ang coat ko. Hindi ko naman sana gustong male-late, pero kasalanan 'to ng lintek na Theong 'yon! Dahil sa kahihiyan ko kagabi, hinintay ko pa siyang maunang umalis bago ako lumabas ng apartment kanina. Hindi ko kayang makasabay na naman ang bwisit na lalaking 'yon. Mas mabuti nang hindi ko siya makita ngayong araw, lalo na’t presentasyon ko ngayon. Ayokong madistract. Sunod-sunod na ang kahihiyan ko sa kanya—hindi ko na kakayanin kung madagdagan pa. Tiningnan ko ang relo—11:00 AM. Isang oras na lang bago ang meeting. Habang inaayos ko ang mga documents sa harap ko, ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Pinipilit kong huminga nang malalim, pero hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko. "Lara! Tumigil ka nga! Nakakahilo ka, ante!" reklamo ni Mix, nakapikit habang umiiling. Napansin ko lang na paulit-ulit akong nagmamartsa sa paligid, kaya agad akong bumalik sa upuan. "Kinakabahan kasi ako." Iwinisik ko ang kamay ko para maibsan ang panlalamig nito. Napatingin siya sa akin, saka bumuntong-hininga. "Magiging maayos ang lahat, okay? Kaya pumirmi ka." Umirap siya, pero ramdam ko ang concern niya. 12:30 PM na. Tumayo ako at inayos ang blazer ko. Huminga nang malalim. Hindi ako maaaring mag-fail. Ilang taon kong trinabaho ang proposal na 'to. Nangako ako sa sarili kong magiging successful ako sa field na 'to! Ipapakita ko sa ex kong traydor na mas magaling ako sa kanya. Sabi niya hindi ako match sa kanya kasi sikat at successful siya? Ngayon, tignan natin kung sino talaga ang mas may ibubuga. "Oh? Pupunta ka na?" tanong ni Mix nang mapansin niyang tumayo ako. "Kamusta ang ayos ko? Maganda na ba ako? Fresh pa ba? Hindi ba ako mukhang kinakabahan—?" "Elara!" Pinandilatan niya ako at pinutol ang pag-aalalang nararamdaman ko. "You're fine, okay? Kalma lang, bhe. Kaya mo 'yan, fighting!" Tumango ako at humugot ng malalim na hininga. Kaya ko 'to. Bawat hakbang papunta sa meeting room, parang bumibigat ang dibdib ko. Ramdam ko ang pawis na dumidikit sa batok ko, at kahit todo ang aircon, parang nag-aapoy pa rin ang balat ko sa kaba. Bago pumasok, huminga muna ako nang malalim. Focus, Elara. Pagkapasok ko, sinalubong ako ng masayang ngiti ni Ms. Leah, ang head ng marketing department, at ni Mr. Marco, ang head ng business development. Ngumiti ako pabalik—pero agad akong natigilan nang mapansin ang isang pamilyar na pigura sa kabilang dulo ng lamesa. Ang lahat ng kaba at pag-aalala ko kanina? Napalitan ng inis. At doon, sa kabilang dulo ng lamesa—nakita ko siya. Si Theo. Parang walang nangyari kagabi. Teka? Wala naman talagang nangyari kagabi, Elara. Nakita ka lang naman niyang parang tangang kumakanta habang sumasayaw-sayaw! Napairap ako sa sarili ko. Bwisit. Bumibigat ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Anong ginagawa niya rito? Napatingin siya sa akin, bahagyang nag-angat ng kilay—walang emosyon, pero may bahagyang kurba sa labi niya. Gusto kong suntukin ang expression na 'yon sa mukha niya. Wag kang paapekto, Elara. Humigpit ang hawak ko sa laptop ko at nagmartsa papunta sa harapan. "Alright, let’s begin. Elara, go ahead and present your proposal. Theo, you’ll be working with her on this to ensure the business strategy is aligned," sabi ni Ms. Leah. Napanganga ako. What the hell? Siya? Bago pa ako makapag-react, mabilis akong ngumiti. Professionalism, Elara. Professionalism. Pinindot ko ang presentation at sinimulan ang pagsasalita, pilit na pinapanatili ang buo kong boses. Pero sa peripheral vision ko, nararamdaman ko ang tingin niya—matalim, nanunuri. Parang hinuhusgahan ang bawat salita kong sinasabi. "For this campaign, I propose an influencer-based marketing strategy. We’ll collaborate with a well-known book influencer who has a strong following within our target market. This will create organic buzz, leading to higher engagement and sales." Kita ko ang bahagyang pag-lean forward ni Theo. "And how much are we spending for this?" tanong niya, malamig ang tono. Pinanindigan ko ang postura ko. "The estimated budget allocation is around 60% for influencer marketing, 30% for digital ads, and 10% for miscellaneous expenses." Tumaas ang isang kilay niya, mas lumalim ang tingin. "Sixty percent? On an influencer? That’s a massive risk. What if it doesn’t translate to actual sales? We'd be throwing money at hype with no guarantees." Humalukipkip ako. " Marketing ‘to, hindi business strategy. Hindi ba dapat ako ang mas may say rito?" Sinusubukan kong panatilihin ang boses ko na kalmado, pero ramdam ko ang init sa pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil sa inis kay Theo o dahil sa paraan ng pagtitig niya na parang hinuhubaran ang bawat argumento ko. Nag-smirk siya, pero malamig pa rin ang ekspresyon. "Correction. Business strategy namin 'to. Kung hindi aligned ang marketing sa overall growth plan ng kumpanya, sayang lang ang effort niyo." Naramdam ko ang mabilis na pagbigat ng hangin. Narinig ko pa ang mahinang pag-ubo ni Mr. Marco. Lumapit ako ng bahagya, hindi inaalis ang titig ko sa kanya. "Marketing drives sales. Kung walang awareness, walang bibili. You can’t expect growth if people don’t even know the book exists." Hindi siya umatras. "And you can’t expect sustainability if we blow the budget on an unpredictable strategy. Social media ads are measurable and cost-efficient. We’re here to build long-term success, not just hype." "Alright, alright. Enough. Both of you have strong points. What’s the middle ground?" singit ni Ms. Leah, pilit inaayos ang tensyon. Bumuntong-hininga ako bago muling nagsalita. "Fine. What if we start with a test run? We allocate a small portion for an influencer collab and monitor engagement. If it works, we scale. If not, we fully pivot to social media ads." Nagtagal ng ilang segundo bago tumango si Theo. "That’s more reasonable. But we track everything—no wasted budget." Napangiti nang bahagya si Ms. Leah. "Good. I want a revised plan that combines both strategies by tomorrow. Meeting adjourned." Habang nag-aayos ng gamit, lumapit si Theo sa akin, bahagyang nakangisi. "You don’t back down easily, do you?" bulong niya. Tinawid ko ang mga braso ko at tumitig sa kanya. "Neither do you. Pero at least ngayon, may sense na ang sinasabi mo." Nagtagal ang tinginan namin, walang gustong bumitaw. Para kaming nasa isang tahimik na labanan—walang armas, pero matalas ang bawat salita. Hindi pa tapos ‘to. At alam naming pareho… ito pa lang ang simula.Elara's P.O.V.Mariin akong napalunok nang makita ang pawis niya. From his neck, pababa sa matigas niyang dibdib na para bang binuhusan ng mantikilya. Sobrang kinis. Sobrang macho. Literal na nalulusaw na ang utak ko. At ‘yung amoy niya?Sandalwood vanilla. Ang signature smell niya. Hindi ko nga alam kung pabango ba ‘yon o natural scent niya, pero nakaka-addict. It smelled like warmth, danger, and a very expensive kind of lust.Parang gusto kong langhapin habang buhay. Hindi ko alam kung paano pero nakadagan na siya sa akin ngayon. His body heavy, warm, and alive. Ramdam ko ang bigat niya, ang init ng hininga niya sa pisngi ko. One arm braced above my head, the other tracing shapes on my bare thigh.“You’re soft,” he whispered, his voice gravelly. “So soft.”Hindi ako makasagot. Parang tinutunaw ng presence niya ang buong pagkatao ko. Ang tingin niya? Makalaglag-panty. Ang lips niya? Not too red pero mukhang malambot, yung tipong isang halik lang, busog ka na. Literal na busog ka n
Elara's P.O.V. Halos mag-t-twenty-five hours na rin simula noong pumayag ako sa gustong mangyari ni Ms. Yannie. At grabe... literal na bed rest lang ang ginagawa ko! Nakakabagot. Nandito lang ako sa loob ng guest room—na kwarto ko na rin ngayon. At guess what? Para akong donya na nakahilata lang buong araw. Pero this time, choice ko ’to. Wala lang, ganito siguro talaga kapag buntis? Nakakatamad bumangon, pero nabobored din ako kakahiga. Ano bang pwedeng gawin? Hmm? Alam ko na! Yung cellphone ko... "Yung cellphone ko? Nandito lang yun ah... Ay, oo nga pala." Napabuntong-hininga na lang ako nang maalalang kinumpiska pala ’yon ni Ms. Yannie dahil halos di na ako natulog kagabi kakapanood ng K-drama. Daig ko pa ang grounded na teenager sa sitwasyon kong to. Siyempre, sabi ni lola, bad daw para kay baby. Pero ang boring talaga! I need my phone now. Mabilis kong pinindot ang bell button. Sinadya nilang ikabit ’yon dito sa kama para sa emergency purposes daw—so ako, this is an emergenc
Elara's P.O.V.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo—pero mali yatang ginawa ko 'yon dahil mas lalo lang akong nahilo.Damn this pregnancy! Ugh!Mariin akong napapikit. At nang unti-unting bumalik sa dati ang paningin ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto...“B-Bakit...? Bakit hindi ko mabuksan? Letche.” Wag mong sabihing balak pa nila akong ikulong dito?!“Nalintikan na...” Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang naka-lock nga ang pinto. Ganito na ba ang bagong paraan ng pag-welcome ng bisita?Saglit akong lumayo sa pinto at bumuntong-hininga. Kalma, Elara. Sabi ng doctor, this is not good for your health—and for the baby. I know, I didn’t expect to have a baby this early and everything was unexpected and shocking... pero nandito na ’to, and I already decided to have this baby with me. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ’to. My baby is also a victim.So, calm down, Elara. Calm down...Pero punyeta, sino bang niloloko ko? Kahit gaa
Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa
Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini
Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,