Share

CHAPTER 8

Penulis: Truly_yours
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-11 19:17:35

Elara's P.O.V.

“Let’s meet at the nearby coffee shop later.” Malamig at diretso ang sabi ni Theo, walang bahid ng pag-aalinlangan sa tono niya.

Labag man sa loob ko, wala akong choice. Sa dinami-dami ng puwedeng maging representative ng business department, siya pa talaga?

“Noted, sir,” sagot ko nang walang gana, ni hindi man lang siya nilingon.

Bago pa man ako makaupo sa desk ko, ramdam ko na ang matalim na titig ni Mix. Para bang gusto niyang basahin ang buong buhay ko gamit lang ang tingin. Hindi ko siya pinansin at padabog akong bumagsak sa swivel chair ko.

“Ano ‘yun, ha? Bakit may pa ‘meet me at the coffee shop’?”

Hayun na naman siya, nagwi-wiggle pa ang kilay. Saglit akong napabuntong-hininga.

“I’m sure narinig mo nang hindi ako mag-isa sa project na ‘to?” tanong ko, saka muling bumuntong-hininga.

“Oh my god! So siya ‘yung partner mong taga-business department?” Nanlaki ang mata niya, sabay takip sa bibig na parang may biggest revelation siyang nadiskubre.

Bilib din talaga ako sa radar ng baklang ‘to—mas malakas pa sa WiFi dito sa office.

“Tumpak,” sagot ko habang inaayos ang gamit ko. Pero agad akong natigilan nang mapansin ang kakaibang tingin ni Mix.

“Ikaw ha!” Napakunot ang noo ko. “Di mo naman sinabi sa ‘kin na kapitbahay mo pala si Papa Theo!”

Mas lalong kumunot ang noo ko. “Paano mo naman nalaman ‘yan?”

Nag-cross arms siya. “Kilala mo si Nei? Yung taga-HR department?” Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong. “‘Wag kang maingay, ah. Shinare niya sa ‘min ‘yung address ni Papa Theo!”

Napalayo ako saka siya malakas na hinampas sa braso. “Gaga! Confidential ‘yon!”

“Shhh! Katuwaan lang naman ‘eh. Saka ikaw ha! Di ka nagkukuwento! Kapitbahay mo pala siya. At bakit sa coffee shop pa? Bakit hindi na lang sa apartment mo? O sa kanya? Tapos, sama mo ‘ko.”

Itong baklang ‘to talaga, ang landi.

“Tumigil ka nga! Professional tayo dito, no!”

“Asus! Gusto mo lang siyang solohin, eh—”

Bigla kaming natigilan nang makarinig ng isang tikhim mula sa likod.

Si Theo.

Walang emosyon ang mukha niya, pero ramdam ko ang malamig na presensya niya sa likuran namin. Napalunok ako.

Nagkatinginan kami ni Mix. Nang-aasar ang tingin niya. Napangiwi ako. Baliw.

“Kala ko ba doon na tayo magkikita?”

“Mukha kasing mag-aantay pa ako ng matagal.”

Malamig ang boses niya, sabay tingin kay Mix. Tsk! Sungit. Sorry naman ah? Ito na nga e, bibilisan na.

Kahit si Mix ay bahagyang napasimangot pero naroon pa rin ang mapang-asar niyang tingin.

“Okay, patapos na rin ako.” Tiningnan ko ng masama si Mix bago ko kinuha ang bag ko at sumunod kay Theo.

Tahimik kaming lumabas ng opisina. Ni hindi niya ako tiningnan, pero alam kong alam niyang nakasunod ako. Wala siyang kahit isang salitang sinabi habang naglalakad kami patungo sa coffee shop.

Pinilit kong iwasang tingnan siya, pero kahit anong gawin ko, ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Para siyang taong sanay sa katahimikan—at mas nakakailang pa ‘yon kaysa sa kung ano pa man.

Pagdating namin sa coffee shop, agad kong napansin ang dami ng tao. Occupied lahat ng upuan. Usually, hindi naman ganito ka-punuan ang lugar na ‘to.

“I know a place,” sabi ko nang may maisip bigla.

Isang tango lang ang sagot ni Theo bago siya tahimik na naglakad. Napipi na ba siya?

Mabilis akong naglakad, nauna sa kanya habang tinatahak ang daan pabalik sa apartment building namin. Hindi naman kalayuan, kaya hindi ko na binigyang pansin kung susunod nga ba talaga siya. Pero sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko.

Pagdating sa lobby, bahagya akong lumingon. “Dito tayo.”

Isang tango ulit. Hindi ko alam kung okay sa kanya o wala lang talaga siyang pakialam.

Pumasok kami sa elevator, at tulad ng inaasahan ko—katahimikan. Naalala ko ang isang eksena dito dati. Parang nag-init ang mukha ko. Putek naman, Elara!

Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong nakatingin siya sa elevator panel. Walang emosyon. Walang kahit anong reaksyon.

Pagdating sa tamang floor, nauna akong lumabas. Dumeretso kami sa dulo ng hallway, kung saan may isang maliit na pintuang bihirang pansinin ng ibang residente. Binuksan ko ito at lumabas.

Pagpasok ni Theo, kita ko ang bahagyang pagbagal ng kilos niya.

Ang lugar na ito ay isang maliit na hidden space sa rooftop—hindi opisyal na garden, pero may artificial bermuda grass na nakalatag sa sahig, at may lumang bookshelf sa gilid na punong-puno ng libro. Tahimik dito. Ang mga matagal nang nakatira sa apartment lang ang madalas pumunta rito.

May ilang tao rin doon, abala sa pagbabasa o kung anong ginagawa nila.

Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko. Ang ex-best friend ko ang unang nagdala sa akin dito. Dito ko rin nahuli ang ex ko—na niloloko ako kasama ng bestfriend ko.

Sa dinami-dami ng lugar, bakit dito pa, Elara?

Kasi naka-move on na ako. Kinukumbinsi ko pa ang sarili ko, pero naroon pa rin ang maliit na kurot sa puso ko. Pilit kong nilulunok ang masasamang alaala. Focus, Elara.

Matapos ang ilang segundo, naramdaman kong lumapit si Theo. Dahan-dahang inikot ng tingin ang paligid. Mukhang hindi niya in-expect na dito ko siya dadalhin.

“Tara doon tayo,” turo ko sa isang mesa sa sulok.

Nauna akong pumunta roon, nilapag ang gamit sa mesa, at umupo sa bermuda grass. Napansin kong nakatayo lang siya, nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala.

“Ano pang inaantay mo? Umupo ka na.”

“Dito?” Turo niya sa damuhan. Napataas ang kilay ko.

“Malamang. Gusto mo sa lamesa?”

Kita ko ang pag-aalangan sa mata niya pero kalaunan, umupo rin siya. Sinubukan niyang mag-Indian sit, pero agad din siyang lumuhod na parang nasa Japanese tea ceremony. Hindi pa siya kuntento—bahagya niyang inangat ang laylayan ng pantalon niya bago tinanggal ang sapatos.

Napangiwi ako at palihim na natawa. Kawawang bata. Halatang anak-mayaman, hindi sanay umupo sa sahig.

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang maliit na monoblock sa likod ng shelves.

“Oh,” inabot ko iyon sa kanya. “Kawawa ka naman.”

Masama ang tingin niya sa akin, parang sinasabing ‘May ganito pala, ba’t ngayon mo lang sinabi?’

Sorry naman, kamahalan.

Umupo siya sa monoblock, saka ako tiningnan. “I didn’t know na may ganitong lugar pala dito sa building natin.”

Sa wakas, nagsalita rin siya. Akala ko napipi na. 

“Exclusive lang ‘to para sa mga residenteng gaya ko,” biro ko. 

Hindi siya natawa. Ni hindi man lang nag-react. Ang hirap patawanin ng isang ‘to. 

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang bigla siyang napatingin sa nakabukas kong laptop. Bahagyang nakakunot ang noo niya, parang malalim ang iniisip. 

Anong meron?

Sinundan ko ang tingin niya. 

Naka-flash sa screen ang profile ng isang influencer—siya ang napili namin… o mas tamang sabihin, ko, para sa project na 'to.

Tahimik lang siyang nakatingin. Hindi gumagalaw. Napansin ko ang pag-igting ng panga niya. Halos imperceptible, pero andoon. Parang may bumagabag sa kanya—o may pilit siyang nilulunok na emosyon.

“Siya ba ang influencer na napili mo?” tanong niya, malamig ang boses. 

Nagkibit-balikat ako. “Yeah, siya ‘yung may pinakamagandang engagement rate, saka—”

“Palitan mo.”

Napasinghap ako. “Ha?”

Doon niya ako tiningnan. Direkta. Matigas. 

“Sabi ko, palitan mo.”

Nanlamig ang kamay ko. Bakit?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 30

    Elara's P.O.V.Mariin akong napalunok nang makita ang pawis niya. From his neck, pababa sa matigas niyang dibdib na para bang binuhusan ng mantikilya. Sobrang kinis. Sobrang macho. Literal na nalulusaw na ang utak ko. At ‘yung amoy niya?Sandalwood vanilla. Ang signature smell niya. Hindi ko nga alam kung pabango ba ‘yon o natural scent niya, pero nakaka-addict. It smelled like warmth, danger, and a very expensive kind of lust.Parang gusto kong langhapin habang buhay. Hindi ko alam kung paano pero nakadagan na siya sa akin ngayon. His body heavy, warm, and alive. Ramdam ko ang bigat niya, ang init ng hininga niya sa pisngi ko. One arm braced above my head, the other tracing shapes on my bare thigh.“You’re soft,” he whispered, his voice gravelly. “So soft.”Hindi ako makasagot. Parang tinutunaw ng presence niya ang buong pagkatao ko. Ang tingin niya? Makalaglag-panty. Ang lips niya? Not too red pero mukhang malambot, yung tipong isang halik lang, busog ka na. Literal na busog ka n

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 29

    Elara's P.O.V.Halos mag-t-twenty-five hours na rin simula noong pumayag ako sa gustong mangyari ni Ms. Yannie. At grabe... literal na bed rest lang ang ginagawa ko!Nakakabagot. Nandito lang ako sa loob ng guest room—na kwarto ko na rin ngayon. At guess what? Para akong donya na nakahilata lang buong araw. Pero this time, choice ko ’to. Wala lang, ganito siguro talaga kapag buntis? Nakakatamad bumangon, pero nabobored din ako kakahiga.Ano bang pwedeng gawin? Hmm? Alam ko na! Yung cellphone ko..."Yung cellphone ko? Nandito lang yun ah... Ay, oo nga pala." Napabuntong-hininga na lang ako nang maalalang kinumpiska pala ’yon ni Ms. Yannie dahil halos di na ako natulog kagabi kakapanood ng K-drama.Daig ko pa ang grounded na teenager sa sitwasyon kong to.Siyempre, sabi ni lola, bad daw para kay baby. Pero ang boring talaga! I need my phone now.Mabilis kong pinindot ang bell button. Sinadya nilang ikabit ’yon dito sa kama para sa emergency purposes daw—so ako, this is an emergency!Isa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 28

    Elara's P.O.V.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo—pero mali yatang ginawa ko 'yon dahil mas lalo lang akong nahilo.Damn this pregnancy! Ugh!Mariin akong napapikit. At nang unti-unting bumalik sa dati ang paningin ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto...“B-Bakit...? Bakit hindi ko mabuksan? Letche.” Wag mong sabihing balak pa nila akong ikulong dito?!“Nalintikan na...” Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang naka-lock nga ang pinto. Ganito na ba ang bagong paraan ng pag-welcome ng bisita?Saglit akong lumayo sa pinto at bumuntong-hininga. Kalma, Elara. Sabi ng doctor, this is not good for your health—and for the baby. I know, I didn’t expect to have a baby this early and everything was unexpected and shocking... pero nandito na ’to, and I already decided to have this baby with me. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ’to. My baby is also a victim.So, calm down, Elara. Calm down...Pero punyeta, sino bang niloloko ko? Kahit gaa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 27

    Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 26

    Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 25

    Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status