Alona's POV
"Sa akin mapupunta ang bata dahil mas makakaya ko siyang bigyan ng magandang pamumuhay. Bukod sa oras, alam kong kapos ka sa pinansyal, Alona. Huwag mo ng subukan na umangal pa dahil masasayang lang ang laway mo." Nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng labi ni Kenneth matapos ipamukha na walang magandang kinabukasan na mararanasan si Cleo sa akin kapag sa akin ito mapupunta. Ang yabang ng lalaking 'to. Hindi naman siya magiging mayaman kung hindi siya umutang ng puhunan sa kaibigan nitong CEO. Napakakapal ng mukha niyang magyabang. "Excuse me lang po, attorney." Kinuha ko ang atensyon ng abogado. " Alam ko po na kapos po ako sa pinansyal atleast po kaya ko pong pagtrabahuan ang mga pangangailangan ni Cleo kapag nagkataon nang hindi umuutang." Pagpaparinig ko, nang balingan ko siya ng tingin ay napansin ko na uusok na ang ilong nito sa galit. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Attorney, wala siyang stable na source of income, malaking rason po iyon para masabi na hindi magiging maganda ang buhay ng bata sa poder niya. Alam naman natin na sa pagpapalaki ng bata ay magastos kung kaya kinakailangan ng stable na source of income para hindi ito mapabayaan." Depensa niya, napatango-tango ang attorney na ikinainis ko dahil mukhang nakukuha ni Kenneth ang loob nito. "Attorney, call center agent po ako, siguro naman stable na source of income na po 'yon para masabi na safe si Cleo sa akin at masisiguro na maganda ang buhay na maibibigay ko." Tugon ko naman, napansin ko na napapailing si Kenneth kaya mas lalong kumukulo ang dugo ko. Ano bang ipinaglalaban ng kumag na ito? Hindi porket may negosyo siya't stable ang source of income niya na ipinaglalaban ay kinakailangan na niyang umasta ng ganito sa harapan ko. "Let's not jump to a conclusion, Alona. What if night shift ka, edi maiiwan mag-isa ang bata sa bahay mo, gawain ba 'yon ng mabuting tatayong ina. Hmm?" Taas-kilay na tanong ni Kenneth. "Edi gagawan ko ng paraan, hindi naman 'yon problema e. Tsaka, ano bang alam mo? Ano bang alam ng isang playboy sa pag-aalaga ng bata? Baka nga imbes na magandang asal ang ituro mo sa bata ay puro mga kalokohan na ginawa mo nong kabataan mo. Valid na reason 'yon, Attorney. Hindi siya safe kay Kenneth knowing na dakila siyang playboy." Patutsada ko dahil hindi ako makakapayag na kay Kenneth ito mapupunta. Wala siyang magandang kinabukasan kapag sa kumag siya mapupunta. "Playboy ako pero hindi ako masamang tao." Depensa nito na animoy aping-api sa sinabi ko. "Huwag mo ngang idamay 'yong personal na problema mo sa akin sa pagpapalaki ko sa bata. Sa ating dalawa, sa akin siya dapat mapunta." "Anong sa'yo? Sa'kin! Ako ang babae kaya sa akin siya mapupunta!" Napatayo na ako dala sa inis dahil sa komprontasyon namin ni Kenneth. Napatayo na rin si Attorney at ipinagitna nito ang kanyang kamay upang patigilin kaming dalawa. "Bakit ba kailangan niyong mag-agawan kay Cleo kung nakasaad sa last will ng mag-asawa na kayong dalawa mismo ang mag-aalaga sa kanya?" Natahimik kaming dalawa ni Kenneth sa sinabing iyon ni Attorney. Napaupo ako at napabuntong-hininga ng malalim. Walang saysay na makipagsagutan ako sa lalaki na 'to maghapon dahil hiling ng mag-asawa na kaminh dalawa ni Kenneth ang mag-alaga sa anak nila. "Sa ngayon, mukhang hindi pa kayo nagkakasundo kaya sa seguridad ng bata, sa amin muna siya mapupunta. Kinakailangan niyong ayusin muna ang personal niyong problema sa isa't isa bago namin ibigay ang bata sa inyo. Makakaapekto sa bata kapag nakikita niya kayong ganyan." Paliwanag ni Attorney. Matapos ang diskusyon kasama si Attorney ay nagpaalam na ito kasama ang kawani ng DSWD na pansamantala munang mag-aalaga kay Cleo habang hindi pa kami nagkakaayos ni Kenneth. Nang maiwan kaminh dalawa ni Kenneth ay nagmadali akong lumabas dahil ayaw kong pumirmi sa isang lugar na kasama siya. "Hanggang ngayon, may galit ka pa rin sa'kin ah." Napahinto ako sa paglalakad matapos marinig ang tinig na iyon mula sa likod ko. Kabisadong-kabisado ko ang may-ari nong boses na 'yon. Paano ko naman makakalimutan ang boses na minsan ay nagparanas ng trauma sa akin? Hinarap ko ito ng buong tapang habang mahigpit na nakahawak sa strap ng shoulder bag ko. Actually, gustong-gusto ko itong ihampas sa pagmumukha niya kanina pa. "Psh! Inilalayo ko lang si Cleo sa taong magaling lang sa umpisa at sa salita." Nakita ko kung paano niya ako pagtawanan ng mapakla ni Kenneth habang nakapamulsang naglakad palapit sa akin. Para bang may matibay na pandikit sa paa ko at hindi na ko iyon maigalaw paalis. "Inilalayo ko naman siya sa taong hindi marunong magpatawad kahit paulit-ulit ka na ngang humingi ng sorry sa kanya." Napahinto ako sa sinabi niya. Tarantado 'to ah. Muntik na akong maiyak nang bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na halos umiyak ako ng dugo sa mga ginawa ni Kenneth sa akin. Hindi sapat ang isang case ng alak para makalimutan iyong mga mapapait na alaala na binigay nito sa akin. Nakatanim pa rin ito sa puso ko na kailanman hindi kayang alisin ng isang sorry ang sakit. "Wala kang alam sa pagpapalaki ng bata kaya huwag ka ng umangal pa at hayaan na ako ang mag-alaga kay Cleo." Pag-iiba ko sa usapan bago pa kami mag-ungkatan ng nakaraan. "Who you? Sino ka para sundin ko?" Nang-aasar na tugon niya. Nakayukom tuloy ako ng kamao at handang-handa isuntok 'yon sa pagmumukha niya. "Let's fix everything about our past then I'm going to let Cleo go with you." Pagpapatuloy ni Kenneth at dahan-dahan na lumapit sa akin hanggang sa maramdaman ko sa aking teinga iyong init ng hininga niya. "Makipagbati ka muna sa akin at pagbibigyan kita sa gusto mo. Think about it, baby." Malumanay nitong sagot at bago ilayo ang mukha nito sa akin ay naramdaman ko na hinalikan niya ang teinga ko dahilan para agresibo ko siyang itinulak palayo sa akin. "Tangina non!" Pagmumura ko nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Pinunasan ko iyong teinga ko na hinalikan ni Kenneth kanina dahil diring-diri ako sa ginawa niya. Hindi ako uto-uto para makipagbati sa kumag na 'yon. Walang kapatawaran 'yong ginawa niya sa akin. Kahit Diyos pa ang mag-utos sa akin, hinding-hindi ko siya mapapatawad.Kenneth's POV"Mauuna pa yata akong mamatay kaysa makuha 'yong gusto ko e. Tangina." Minamasahe ko ang braso ko na sobrang kirot dahil sa pagbubuhat ng mga sinampay kanina at nang pagkabangga nito sa pader kaninang hinabol ko 'yong ipis. Dumagdag pa ang pang-iiwan sa akin ni Alona ng sandamakmak na labahan. Sobrang kirot ng braso ko, 'yong tipo pati salon pas ay aatras at tatakasan ako."Karma na ang tawag dyan." Usal ni Chris at iniabot sa akin ang energy drink na kinuha nya mula sa fridge. After kong maglaba ay talagang sumugod ako dito sa condo ni Rhaiven para magsumbong na parang bata. Akala nila ay kung ano na ang nangyari sa akin matapos ang chat ko sa kanilang habol ko na ang hininga ko. Akala ko nga ay wala na silang pakialam sa akin dahil madaling araw na. Nakalimutan ko yatang parang tapagbantay ng mundo 'tong mga kaibigan ko at kahit na anong oras ay gising pa sila.Nagpatawag ako kay Rhaiven ng family doctor nila para icheck ako. Mukh
"Inutusan kitang alagaan si Cleo, hindi gawing bodega 'tong bahay ko, Kenneth. Saka bakit nakapayong 'yong mga sinampay sa labas? 'Yong mga pusa ko, ba't parang pulubi dyan sa labas na nag-aantay?" Sunod-sunod kong sermon kay Kenneth pagkakita sa kabuuan ng bahay ko.Umusok talaga ang ilong ko sa galit nang makita ang mga sinampay ko sa labas na nakapayong. Nakita ko kanina na may mga dumaraan na napapahinto sa tapat ng bahay ko at may kinukunan ng litrato, akala ko pa naman ay si Kenneth ang pinipicturan nila, 'yong mga sinampay ko pala. At hindi lang 'yon, first time akong sinalubong mga pusa ko na nasa labas. Para silang mga batang kalye na napabayaan sa labas. At ang pinakamalala sa lahat ay nang makapasok na ako ng bahay. Akala ko pa naman ay hindi ako magkakaproblema ngayong araw dahil binigyan ako ni Kenneth ng assurance na gagawin nya ng maayos ang trabaho niya. Pero akala ko lang pala lahat.Lantang gulay siya na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Mukha niya pa lang maki
Kenneth's POV"Finally... peace and quiet." Nilingon ko si Cleo na nakaupo sa playmat habang abalang-abala sa paglalagay ng mga Lego sa bibig ng stuffed toy niyang si Elsa. "Okay, this looks easy," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa lababo para maghugas ng mga pinagkainan namin.Habang binabanlawan ko ang kutsara, tinignan ko ulit si Cleo. Still quiet. Nagtataka ako. 'Yon na ba 'yon? Ganito lang pala 'yun? Eh parang mas mahirap pa ang group project namin dati sa college kaysa sa ganito pero iyon ang inaakala ko dahil isang minuto lang ang lumipas..."Aww, man..." bigla kong naamoy 'yon. Yung amoy na kahit gaano ka pa ka-positive sa buhay, siguradong bibigyan ka ng existential crisis. Napalingon ako kay Cleo na nakaupo pa rin sa playmat, pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya. 'Yung tipong parang proud siya sa nagawa niya. At dun ko na-realize..."Tae."Literal na napaatras ako sa lakas ng amoy. Gusto ko sanang takbuhan ang buong sitwasyon pero ako lang ang kasam
Alona's POV "Enjoying the view, huh?" Aligaga akong naglakad patungo sa kusina nang malaman kong gising na gising pala siya. Hangga't maaari ayoko siyang kausapin dahil assumero siya sa mga bagay-bagay. Lalo pa naman at nahuli niya akong nakatitig sa kanya habang nakahiga na n*******d. Argh! Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga kaya mas nataranta ako lalo na noong mapansin kong tinatahak niya ang daan papunta sa pwesto ko. Jusko! "Ano namang nakakaenjoy sa puro buto-buto mong katawan, ha?" Sinimulan ko nang hugasan 'yong bigas na nilagay ko sa rice cooker. Nasa tabi na siya ng lamesa, malamang ay pinapanood ang bawat kilos ko. "Really? E ba't para kang aso kung maglaway sa katawan ko kanina?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Isinalang ko na ang rice cooker. Isinaksak ko na ito at saka pinindot at baka kumain kami ng hilaw. Pagkatapos ay hinarap ko siya na nakataas-kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang
Alona's POV "Ipis! May ipisssss!"Pagkakita ni Kenneth sa akin na iniluwa ng pintuan ng kwarto ay patakbo itong yumakap sa akin na parang batang bubwit. Halos matumba ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Akala mo hinahabol siya ni Kamatayan sa sobrang takot nito."Aray! Ano ba! Bitaw ka nga. Aray!" Pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap sa akin dahil nasasakal ako. Hinahampas-hampas ko pa siya para kumawala sa akin pero wala 'yon epekto sa kanya."Cy, may ipis, patayin mo baka kainin niya ako. Cyyyyy!" Pagsusumbong niya sa akin at tinawag niya ako sa nickaname ko na siya ang nakaisip non. Imbes na kiligin sa pagtawag niya sa nickname ko ay mas kumulo ako sa galit. Sa inis ko at takot na baka magising si Cleo na mahimbing na natutulog sa loob ay kinurot ko ang beywang niya. Mas mabilis pa sa kabayo ang pagkalas niya ng yakap sa akin kasabay noon ang maluto niyang pagmura."Aray! Ang sakit. Tang---""Ang OA mo!" Singh
Kenneth’s POV“She’s on her way, Attorney. Be ready. Just do everything to make her stop.” Ibinaba ko ang telepono ko at ibinalik sa bulsa ng pants ko. Nakatuon ang pansin ko kay Alona na abalang pumapara ng traysikel sa labas at tanaw na tanaw ko siya mula rito sa bintana ng kanyang bahay. Ngiting-aso ang pinakawalan ko dahil mukhang umaayon sa akin ang tadhana.Noong mawala na si Alona sa paningin ko ay napatingin ako kay Cleo na abalang naglalaro sa may playmat. Ni wala siyang pakealam na lumayas ang kanyang magaling na Ninang. Ganyan nga, huwag kang magkapake sa babaeng ‘yon.Linapitan ko siya upang subukan na lasunin ang utak niya. Kung hindi ko pa kaya sa Ninang, doon muna tayo sa inaanak. Mapipilitan siguro na makisama si Alona sa akin kapag alam niyang mas gusto ako o mas close si Cleo sa akin. Tama.Pumantay ako ng upo sa kanya saka mahina na kinalabit siya. Tinapunan naman niya ako ng tingin. “Cleo, ‘di ba mas favorite mo si Ninong kaysa kay Ninang?”Tatlong segundo muna sig