共有

Chapter 5: Sagutan

作者: Yassieebells
last update 最終更新日: 2025-01-09 21:04:22

Alona's POV

"Anong ginagawa mo dito? Tsaka, paano ka nakapasok?" Tanong ko na puno ng pagtataka sa mukha na tanging si Kenneth lamang ang makakapagbigay ng kasagutan sa akin.

Ngiting aso ang iginawad ni Kenneth sa akin na gulat na gulat pagkakita sa kanya. "Binuksan ko yong pinto syempre." Piloposong sagot ni Kenneth kaya naman nakatanggap ito ng malakas na hampas sa braso mula sa akin. "Aray naman! Ba't nanghahampas ka dyan." Reklamo nito, hinimas-himas niya ang braso na bahagyang namula.

"Nagtatanong ako ng maayos kaya huwag mo 'kong dinadaan sa kanal humor mo." Singhal ko.

"Eto naman highblood agad e, ang aga-aga. Kumain ka kaya muna. Sigurado ako pagod ka lang galing work. Tara, saktong-sakto nakapagluto na 'ko." Anyaya ni Kenneth sa akin, mayabang na itinuro ang kanyang mga nilutong pagkain na noon ay nakahain na sa may lamesa.

"Maupo ka na dito.."

Ipinaghila pa ako ni Kenneth ng upuan habang nakasuot ng sobrang tamis na ngiti sa labi nito. Hindi ko magawang matuwa dahil mas nanaig ang inis na nararamdaman ko.

"Ano ba talaga ang ginagawa mo dito? Ano bang kailangan mo, ha?"

"Ikaw.." bulong ni Kenneth pero narinig ko iyon.

"Ano?"

"Wala, sabi ko maupo ka na at kumain." Ipinaghain ako ni Kenneth ng makakain. Wala akong nagawa kundi ang magpatangay kay Kenneth nang alalayan niya akong maupo.

"Kenneth, kung ginagawa mo 'to para hingin 'yong kapatawaran ko, please, ihinto mo na." Seryosong tugon ko, hindi ko magawang galawin ang mga pagkain sa plato ko.

Napasandal si Kenneth sa upuan, nakaharap ito sa akin na noon ay hindi na maipinta ang inis sa mukha ko.

"I'm not doing this para lang sa past natin, I'm doing this dahil concern ako kay Cleo." Sagot ni Kenneth.

"Sinungaling." Inirapan ko siya.

"Psh! Ang feelingera mo naman kasi e. Porket naghahabol na ako sayo, feeling mo nakikipagbalikan na ako? Hindi ba pwedeng hinahabol kita dahil gusto ko na sa akin mapunta si Cleo?"

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Alam kong nagpapalusot lamang si Kenneth para isawalang bahala ko ang nakaraan namin.

"C'mon, Kenneth, hindi na ako tulad ng dati na madali mong napapaikot sa mga kamay mo. Kagaya ng kulay ng budhi mo, alam kong may maitim kang balak ngayon." Agresibong depensa ko.

Natawa si Kenneth sa mga sinabi ko. Bahagya niyang naigalaw ang kanyang panga saka nakangising tinitigan ako.

"Sige, kung meron man, hindi ako magpapatalo. Sisiguraduhin ko na ako ang mananalo at ikaw ang magiging talunan."

"Psh! Nauna ang panaginip mo kaysa sa tulog, Kenneth." Pilyong tugon ko. "Kilalang-kilala kita, Kenneth, kakaiba 'yang pagkakatubo ng sungay mo."

"Kilala din kita, may nunal ka sa pwet."

Nagpakawala ng halakhak si Kenneth na muntik na rin maiyak sa sariling sinabi nito. Samantala, matalim na tingin ang itinapon ko sa kanya na noon ay halos maiyak na sa pagtawa. Sa inis ko ay mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at walang kahirap-hirap na hinawakan ang kwelyo ng damit ni Kenneth. Nasamid pa si Kenneth sa sobrang gulat at higpit ng pagkakahawak ko sa kanya.

"A-aray! Alona.."

"Babawiin mo yon o hindi?" Pinagdilatan ko ito ng tingin para matakot.

"Ba-bat ko babawiin e totoo namang may nu--- Aray!"

Mas hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Kenneth dahil napipikon ako ng sobra. Hindi ko maitatanggi iyon dahil nakita na ni Kenneth ang pwet ko dahil may isang beses ng nangyari sa amin. Argh!

"Alona! Pag ako namatay, mumultuhin kita." Sinusubukan ni Kenneth na alisin iyong kamay

ko pero hindi sapat ang kanyang lakas.

At sa ingay naming dalawa na halos marinig na pati ng mga kapitbahay ay may isang tinig na parehas na nakapagpatigil sa aming dalawa.

"Waahhh!"

Natigilan kaming dalawa, napatingin sila parehas sa kwartong kinaroroonan ng tinig na iyon. Nagkatitig kaming dalawa pagkatapos ay nag-unahan na makapasok sa kwarto na iyon para puntahan si Cleo na umiiyak. Muntik madulas si Kenneth sa pakikipag-unahan sa akin.

Sana natuluyan. Joke.

"Cleo?" Tugon ko nang tuluyan ng makapasok sa kwarto na kinaroroonan nito. Nilapitan ko ang bata saka pinatahan mula sa pagkakaiyak. "Shh! Tahan na. Nandito na si Ninang."

Dahil si Kenneth ang huling ng nakapasok sa kwarto, nakatunganga siyang pinapanood kami ni Cleo na naroon sa kama. Nakita niya kung paano ko siya ngisian at belatan.

Matapos naming mapatahan si Cleo ay iginaya na namin ito sa kusina upang mapakain na. Nag-unahan pa kami ni Kenneth kung sino ang kakandong kay Cleo pero sa huli, nanalo ulit ako.

Napakamot na lamang si Kenneth sa kanyang ulo dahil sa inis.

Walang nagawa si Kenneth kundi ang pagsilbihan ang bata ng makakain nito. Ipinuwesto niya paharap ang upuan sa gawi namin ni Cleo hawak-hawak ang isang plato. Si Kenneth na ang nag-antubiling humawak non para mapakain si Cleo.

"Ano, masarap ba ang luto ni Ninong?" pagtatanong ni Kenneth sa bata.

Tumango si Cleo, nagpapahiwatig non na nasarapangan nga siya sa niluto ni Kenneth. Sa aming dalawa, si Kenneth talaga ang mas marunong kung usapan sa pagluluto.

"Ninang, subuan mo naman si Ninong." Suhestiyon ni Cleo na ikinagulat namin parehas. Nagkatitigan kaming dalawa. Palihim na napangiti si Kenneth sa gustong mangyari ni Cleo samantalang kinikimkim ko naman ang inis.

"Cleo, hindi siya gutom." Palusot ko at inirapan siya. Sinandukan ko ulit ng makakain si Cleo gamit ang kutsara na hawak dahil gusto kong takasan ang ipinapagawa ng bata sa akin.

Baka kapag pumayag ako na subuan si Kenneth ay sa sobrang pagkainis ay maisaksak ko sa lalamunan niya ang isusubo kong kutsara.

"Ahhh...." Nakaabang ang bunganga ni Kenneth upang subuan ko. Nagdilim ang paningin ko sa pag-iinarte na yon ni Kenneth. Wala akong nagawa kundi ang subuan na lamang ito.

"Hmm.. ang sarap." Usal ni Kenneth matapos ko siyang subuan na noon ay pinasadahan ko ng iritableng tingin.

"OA." iritableng tugon ko habang nakatingin ng nakataas kilay kay Kenneth.

"Oh, bakit? Totoong masarap naman talaga e." Depensa niya. Pinunasan ni Kenneth ang gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng kanyang palad pagkatapos ay tinitigan niya ako na hindi maipinta ang inis sa mukha ko.

"Psh! Bida-bida! Paanong masarap e wala naman akong nilagay na ulam don. Puro kanin lang 'yon." Alyansa ko, inipit ko ang nakaharang na buhok sa mukha ko sa likod ng aking teinga.

"Hindi naman pagkain ang tinutukoy kong masarap e." Nangising sagot ni Kenneth.

Napakunot-noo na tinitigan siya. "E ano?"

Natawa pa ng bahagya si Kenneth bago ito tuluyang sinagot ang tanong ko. "Ang sarap kumain na lalo na kung sobrang ganda ng nagpapakain sa'yo." Nagpakawala pa siya ng kindat.

Imbes na kiligin ako ay inis ang namuo sa dibdib ko. Gusto kong kurutin si Kenneth sa braso pero hindi ko magawa dahil narito si Cleo. Napamura nalang ako sa loob-loob ko dahil sa pangbabadtrip ni Kenneth sa akin ng umaga na 'yon.

"Che! Ulamin mo 'yang pagiging maharot mo." Pasimple ko itong sinikmurahan si Kenneth saka kinuha si Cleo upang paliguan na.

Matapos namin mapakain ang bata, ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan. Kalaro naman ni Cleo si Kenneth sa may sala na kapansin-pansin ang pagiging masigla nito. Nagmistulang playground ang kabuuan ng sala dahil don naghahabulan ang dalawa. Nagkalat din roon ang ilang mga laruan ni Cleo.

Samantala, atat na atat ako na umalis si Kenneth dahil gusto ko ng kapayapaan. Kapag nararamdaman ko ang presensya niya ay mas lalong bumibigat ang dibdib ko sanhi ng inis at galit. Hindi ko kayang magtagal sa isang lugar na naroon si Kenneth.

"Hello? Yap, uuwi na 'ko. Okay, see you, love."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang usapan na iyon ni Kenneth at ng kausap nito sa telepono. Napalingon pa ako saglit sa gawi niya at nang magtama na ang aming tingin ay mabilis akong umiwas ng tingin.

"Aalis na 'ko."

"Sige."

Hindi na ko nag-aksaya ng oras para ihatid palabas si Kenneth. Hinayaan ko na lumabas na lang siya ng mag-isa. Panigurado kasing magkakasagutan na naman kami kaya mas pinili kong manahimik na lamang at magpatay malisya sa narinig ko.

Nahirapan pang makaalis ni Kenneth dahil hindi

siya pinapayagan ni Cleo. Natagalan pa siya lalo doon dahil umiyak ang bata. Wala itong nagawa kundi ang patahanin at mamalagi doon ng ilang pang oras. Mas lalo tuloy akong nabuwisit dahil napapansin ko na mas gusto ni Cleo si Kenneth.

"Siguro naman hindi ka bulag. Mas gusto ako ng bata oh?" nakaduro si Kenneth sa batang nakatulog sa kanyang bisig.

Inirapan ko siya na noon ay nakakrus ang mga braso ko sa inis. "Asan?" nagkunwari pa akong naghanap sa paligid.

"Eto oh." Itinuro niya ulit si Cleo.

"Asan ang pake ko." singhal ko pagkatapos ay nilayasan ko na si Kenneth at kinuha nalang ang selpon ko saka naupo sa pang-isahang sofa na nasa tapat niya.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 19: Dark Agenda

    "The board of committee ay nagkasundo na para sa gaganaping pagpipili kung sino ang susunod na magiging CEO ng kompanya ni Benj. And according sa kanila, nasa inyong dalawa ni Brix ang pagpipilian nila dahil ikaw bilang isa sa mga malapit niyang kaibigan at si Brix na step brother niya." Pagbabalita ni Attorney Robles sa akin nang minsan ay may ipinaayos ako sa kanyang papeles para sa negosyo ko."Really? So kailan ang botohan nila? Is there a chance na ako ang mananalo?" Tanong ko. Kung mayron man na umako sa naiwan ni Benj ay ako yon dahil ako ang nakakaalam sa mga plano niya."They need a lot of time to think, Kenneth. May tendency na ikaw dahil matalik na kaibigan ka ni Benj at hindi maikakaila na alam mo ang mga plano niya sa kumpanya but, mas mataas parin ang tendency na si Brix dahil kapatid niya ito." Sagot ni Attorney."Wait, step brother niya si Brix. Hindi sila magkadugo. How come na malaki ang tendency na siya ang pipiliin? Bastardo lang siya ng tatay ni Benj, hindi tuna

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 18: Lipat-Bahay

    "Nakalimutan mo na ba kung paano humawak ng ballpen at 'di mo pa pinipirmahan 'yan?" Usal ni Kenneth sa akin dahil kanina pa kami dito sa lamesa ni Attorney. Nasa lapag ang papel kung saan nakasaad na pumapayag na ako sa kagustuhan nila na tumira na kami sa iisang bahay.Natawa na lang si Attorney sa nasaksihan niya sa amin sa kanyang harapan. Masama kong tinitigan si Kenneth at kung wala lang si Attorney sa harapan namin malamang sa malamang ay kanina ko pa siya tinadyakan dala ng inis ko sa kanya."Kung 'di ka naman kasi tanga, kanina pa sana ako tapos. Paano naman ako makakapirma ng maayos kung nakaposas 'tong kamay ko?" Singhal ko saka sinundan ng tingin ang isa kamay kong nakaposas na katabi ng isa rin niyang kamay. Pati ba naman sa posas gusto niya ay share kami. Tsk! Sa sobrang higpit non ay parang mababali na ang muscle ko sa pulsuhan ko. "Tanggalin mo nga kasi 'to.."Nagpumiglas pa ako para tanggalin ang posas sa palapulsuhan ko. Nakakaramdam na din ako ng kirot sa higpit non.

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 17: Who knows?

    Kenneth' POV"Fuck that woman!" Iritadong singhal ko matapos itungga ang isang bote ng alak. "She keeps throwing accusations at me—it’s getting on my nerves."After ng meeting na 'yon with Attorney Robles ay napagdesisyunan ko munang lumayo kay Alona dahil mainit pa ang tensyon sa pagitan namin dalawa. Umuwi muna sila ni Cleo sa bahay niya habang ako ay kasama ko ngayon ang mga one call away kong mga kaibigan dito mismo sa condo ko. Inilabas ko na ang sama ng loob ko sa kanila about sa nangyari kanina. Gusto ko rin ng makakausap ngayon."Tumama naman sya ah," Rhaiven commented, Nakangisi pa ang loko. Sina Luis at Chris naman ay natawa na lang sa sinabi nito.Pinagtaasan ko sya ng kilay pero hindi manlang sya natakot. "Its not funny, Rhai."Umayos siya ng upo saka humarap sa akin. "Sa tagal mong naging girlfriend si Alona, sa tingin mo ba hindi nya kabisado kapag ganyan na may tinatago ka? Nagsisinungaling ka pa lang, buking ka na nya. Kung ako sayo, tigilan mo na 'yan. Gawin mo na an

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 16: Suspicion

    Alona's POV"Please be honest to me, Alona, Kenneth, does anyone of you know about Alex?"Nagpalipat-lipat ng tingin si Attorney Robles sa amin ni Kenneth matapos niyang itanong ang bagay na 'yon sa amin. Nagkatinginan muna kami ni Kenneth bago kami sabay na umiling at nagkibit balikat. Inalala ko ang bawat segundo at minuto na magkasama kami ni Krissha kung may naipapakilala ba syang Alex sa akin noon pero sa kaibutiran ng isip ko ay wala talaga akong maalala. Kaming dalawa lang ang magkasanggang dikit noon kaya hindi pamilyar sa akin ang pangalan na Alex. "Si Alex ang huling nakausap ni Benj sa selpon niya and nadiskubre rin ng mga pulis na may huling messages na ipinadala ang lalaki na 'yon sa mga kaibigan nyo bago ang insidente.." Inilapag ni Attorney Robles ang selpon nina Benj at Krissha sa may table dahilan para kunin ko ito at suriin. Nakita ko ang sinasabi ni Attorney na mga palitan ng mensahe pero hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila."Do you mean, possible na hindi

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)   Chapter 15: Tension

    Kenneth's POV"Mauuna pa yata akong mamatay kaysa makuha 'yong gusto ko e. Tangina." Minamasahe ko ang braso ko na sobrang kirot dahil sa pagbubuhat ng mga sinampay kanina at nang pagkabangga nito sa pader kaninang hinabol ko 'yong ipis. Dumagdag pa ang pang-iiwan sa akin ni Alona ng sandamakmak na labahan. Sobrang kirot ng braso ko, 'yong tipo pati salon pas ay aatras at tatakasan ako."Karma na ang tawag dyan." Usal ni Chris at iniabot sa akin ang energy drink na kinuha nya mula sa fridge. After kong maglaba ay talagang sumugod ako dito sa condo ni Rhaiven para magsumbong na parang bata. Akala nila ay kung ano na ang nangyari sa akin matapos ang chat ko sa kanilang habol ko na ang hininga ko. Akala ko nga ay wala na silang pakialam sa akin dahil madaling araw na. Nakalimutan ko yatang parang tapagbantay ng mundo 'tong mga kaibigan ko at kahit na anong oras ay gising pa sila.Nagpatawag ako kay Rhaiven ng family doctor nila para icheck ako. Mukh

  • Co-parenting With A Playboy (Playboy Series #3)    Chapter 14: Masamang Balak

    "Inutusan kitang alagaan si Cleo, hindi gawing bodega 'tong bahay ko, Kenneth. Saka bakit nakapayong 'yong mga sinampay sa labas? 'Yong mga pusa ko, ba't parang pulubi dyan sa labas na nag-aantay?" Sunod-sunod kong sermon kay Kenneth pagkakita sa kabuuan ng bahay ko.Umusok talaga ang ilong ko sa galit nang makita ang mga sinampay ko sa labas na nakapayong. Nakita ko kanina na may mga dumaraan na napapahinto sa tapat ng bahay ko at may kinukunan ng litrato, akala ko pa naman ay si Kenneth ang pinipicturan nila, 'yong mga sinampay ko pala. At hindi lang 'yon, first time akong sinalubong mga pusa ko na nasa labas. Para silang mga batang kalye na napabayaan sa labas. At ang pinakamalala sa lahat ay nang makapasok na ako ng bahay. Akala ko pa naman ay hindi ako magkakaproblema ngayong araw dahil binigyan ako ni Kenneth ng assurance na gagawin nya ng maayos ang trabaho niya. Pero akala ko lang pala lahat.Lantang gulay siya na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Mukha niya pa lang maki

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status