Share

CHAPTER 7 EXPLOSION (PART 2)

LANCE'S POV

Nakasakay na kami sa kotse na sinakyan namin papunta sa Airport, hindi ko alam kung ano itong pakiramdam na kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari, mula sa rear-view mirror ay tiningnan ko si Hartley, tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng kotse habang pinapanood ang pagpatak ng ulan.

Kaba ang bumalot sa akin nang sabay-sabay kaming magkarinig ng isang malakas na pagsabog. Gulat akong napatingin sa isang kulay pulang kotse na naglalagablab at tinutupok na ng apoy. 

Hindi ako pwedeng magkamali, ilang beses ko nang nakita ang pulang kotseng iyon. Kotse iyon ni Zab!

Nag-aalala akong napatingin kay Hartley na ngayon ay may kausap sa kanyang phone, maging ang katabi kong driver ng sinasakyan namin ng kotse ay nakatingin na rin sa kanya. Bahagya kong pinagmasdan ang mukha niya kaya gulat muli ang rumihistro sa akin nang tuluyan ko siyang makilala.

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status