Share

Chapter 33

"Naku po mang Nolan, parang malaki yata yan!" Natatarantang sambit ko kay mang Nolan ng makita ko ang malakas na pag agos ng dugo mula sa putikan niyang paa.

Hindi ko mapigilang mapangiwi at mapasinghap ng malakas nang nakita kung gaano kalaki ang sugat na natamo niya.

Nakaupo siya ngayon sa pilapil ng palayan ay sinusuri ang paa niya.

Mag tatanggal kasi siya ng kuhol sa palayan habang nanunuod ako sa kanya at nakikipag kwentuhan ng bigla nalang siyang mapasigaw sa sakit nang makaapak siya ng kung anong matalim sa ilalim ng putik.

Hindi ko alam kung bubog ba iyon o shell dahil sa dami ng dugong humahalo sa putik at sa paa niya ay mukhang malaking sugat iyon.

"Argh... Ayos lang ako iha," sagot niya nang mapaupo ulit sa pilapil dahil hindi ko siya kayang buhatin na makatayo.

Parang ako ang nasasaktan sa sugat niya kaya tinawag ko nalang si seb para matulungan siyang makatayo.

"Seb! Help us!" Sigaw ko kay seb na nag tatali ngayon ng mga baka sa puno.

Wala namang pag aatubili na tumakbo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status