Share

Chapter 5

Author: Aila tan
last update Last Updated: 2024-02-02 13:20:16

Tila kinakalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba at takot ng mahigpit na hawakan ng lalaki ang kamay ko.

Hindi ko inaasahang sa ilang araw na pamamalagi niya rito ay ngayon pa talaga siya magigising.

Bakit ngayon pa kung kailan wala si mang Nolan?!

Paano kung may gawin siyang masama sa akin?

Ang nakakatakot at nanlilisik na tingin niya ay mas lalo pang nag patindi ng sindak na nararamdaman ko!

Pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko sa pag kahilo at sa bilis ng tibok ng puso ko!

Hindi ko na magawang huminga ng maayos... Yun marahil ang dahilan kung bakit tila mabubuwal ako sa kinauupuan ko.

"SINO KA?!!" pag uulit niya sa tanong niya kanina pero hindi ko pa rin magawang mag salita.

He caught me off guard!

Pinakatitigan niya ako sa mata kaya naman mas tumitindi pa ang takot na nararamdaman ko!

"I-Uh--" hindi ko magawang mag salita dahil sa takot pero kailangan kong kalmahin ang sarili ko.

Hindi ako magpapasindak sa taong ito kahit na sino pa siya!

This is my house at wala siyang karapatang iintimidate ako sa sarili kong teritoryo!

Mariin akong napapikit at huminga ng malalim para subukang ibalik sa normal ang pag hinga ko habang hawak pa rin niya ng mariin ang nangingimay kong kamay.

"B-bitawan mo nga ako! Ungrateful jerk!! Ganto ka ba mag pasalamat sa taong tumulong at nag ligtas sayo?!" Asik ko sa kanya at mabilis na tumayo palayo sa kanya habang sinusubukang lunukin ang lahat ng takot na nararamdaman ko.

This guy is wounded and probably cannot do much harm, but why am I terrified of him?

Mabilis naman niyang nabitawan ang kamay ko na ngayon ay pulang pula na... Pakiramdam ko ay lalabas ang mga ugat ko roon dahil sa sobrang higpit ng pag kakahawak niya kanina.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko bagkus ay tinitigan lang niya ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay huminto ang tingin nito sa mga mata ko.

May kung anong emosyon ang gumuhit sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.

Pinilit kong unawain kung anong emosyon meron siya ngayon pero matapos niya akong suriin ay nag iwas na siya ng tingin at sinipat sarili niya.

Nakahiga pa rin siya at tinignan ang kabuuan niya.

Halos hubad siya dahil nga nililinisan ko ang mga sugat niya kaya ganun nalang ang pag tataka sa mga mata niya.

Marahil iniisip niya kung bakit ganun ang ayos niya sa harap ng isang hindi kilalang babae!

Naguguluhan at nag tatanong ang mga mata niyang tumingin sa akin matapos niyang suriin ang sarili... He was probably wondering why and what did I do to him that made him almost naked.

"Uhh wala akong ginawa sayo ah! Nililinisan ko lang ang sugat mo!" Defensive na sagot ko kahit wala pa naman siyang sinasabi.

Sa paraan kasi ng pag tingin niya ay parang mali ang iniisip niya! ayoko lang na mag karoon siya ng maling interpretasyon sa ginagawa ko!

Mukhang hindi kumbinsido ang tingin niya sa akin pero hindi naman siya sumagot bagkus ay sinubukan lang niya na bumangon.

"Ugh..!" Daing niya kaya mabilis ko siyang pinigilan na tumayo.

Sa lagay niya ngayon ay wala pa siya sa kondisyon na bumangon o kahit gumalaw man lang pero mukhang matigas ang ulo niya!

"Teka wag ka munang bumangon! Hindi pa magaling ang mga sugat mo!" Saway ko sa kanya pero nag pupumilit pa rin siya.

Tinabig lang niya ako at muling sinubukang umupo.

"Nasaan ako?" sa halip ay tanong niya nang magtagumpay siyang makaupo sa kabila ng pag tutol ko.

Napakalamig ng boses niya at walang bakas ng kahit anong emosyon!

"Hindi mo alam? Nandito ka sa farm ko," sagot ko sa walang emosyon na tanong niya.

Robot kaya siya?

Or an assassin trained to master a poker face?!

"Paano ako napunta dito?" Tanong uli niya na hindi man lang tumitingin sa akin... Abala siyang lagyan ng benda ang sarili.

Ano bang akala ng lalaking ito sa akin? kung siya nga hindi alam ano pa kaya ako?

"Anong malay ko? Bigla ka nalang napunta jan sa pintuan ko... Hindi kita kilala pero basta ka nalang lumitaw rito and you scared the hell out of me!" Mataray at nakangusong sabi ko.

Hindi siya nag salita sa halip ay tumayo siya kahit na kitang kita sa mukha niyang nasasaktan siya ng sobra at nahihirapan.

He was groaning and wincing in pain, but he seemed persistent about leaving despite my protest.

What's his deal anyway? ako na nga itong nag mamalasakit ei!

"Sabi nang wag ka munang tumayo eh! Hindi ka namin inalagaan para lang magawa mong magpakamatay!" Protesta ko ngunit tinabig lang niya ako dahilan para muntik na akong matumba.

"Ouch!" kunot noong daing ko sabay hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

The nerve of this man!

Can you imagine?! Tinutungan namin siya nang halos mamamatay na siya tapos hindi na nga nag pasalamat eh nananakit pa!

Sabi ko na nga ba't dapat hinayaan ko nalang siya eh!

"Saan ka ba pupunta? Hindi ka pa magaling!" Pilit na hinahabol ko siya habang siya naman ay nag mamadaling umalis kahit na hindi pa siya makalakad ng maayos.

"Tumabi ka! Hayaan mo ako!" Maawtoridad na sabi niya dahilan para manindig ang mga balahibo ko.

He is freaking scary!

His voice reminded me of those thugs that killed enzo! hindi kaya siya ang isa sa mga lalaking iyon?!

Pero bakit ko nga ba siya pinipigilan gayong hindi ko nga gustong nandito siya sa una palang.

"Fine! Suit yourself! Leave! kung yan ang gusto mo! Basta wag mong sabihing hindi kita pinaalalahanan ah?!" Sigaw ko sa kanya ng makalabas na siya at pabalibag na isinara ko ang pinto.

Who the hell does he think he is?!

Siya na nga itong tinulungan eh!

Kung ayaw niya rito bahala siya!

Nagpupuyos na ibinagsak ko ulit ang sarili ko sa sofa pero ngayon ay hindi ko na iniinda ang sakit ng pag hampas ng katawan ko rito... Sa araw araw na nakakalimutan kong kahoy ito nasanay nalang ako sa sakit.

Nag tatalo man ang isip ko kung tama ba na hinayaan ko lang ang lalaki na umalis o kung hahabulin ko siya pero mas nananaig pa rin ata ang pagiging maldita ko dahil mas pinili kong hayaan siya.

I've helped him already at kung ayaw niya na ng tulong ko edi problema niya na iyon!

Pero paano kung hanapin siya ni mang Nolan sa akin? Baka isipin ni mang Nolan pinalayas ko na yun.

O paano kung bumuka ang mga sugat niya sa labas at walang makakita sa kanya?

Paano kung makita ulit siya ng gumawa nun sa kanya?

"Arghh! Whatever!" Napapahilamos nalang ako sa sarili kong mukha dahil sa pag iisip.

Pero siya naman ang may kasalanan diba?

Hindi ko naman siya pinaalis... Pinaalalahanan ko naman siya na hindi pa siya magaling pero siya itong matigas ang ulo!

What am I supposed to do? I'm not gonna beg for him to stay if he doesn't want my help!

Tinulungan ko na siya kaya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya after, bahala na siya!

Hindi ko na siya kargo ano?!

Maraming bagay ang tumakbo sa isip ko at marahil ay napagod na ang utak ko dahil hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Halos madilim na ang paligid at dinig ko rin ang mahinang patak ng ulan ng maalimpungatan ako sa pag tawag ni mang Nolan sa pangalan ko mula sa labas ng bahay.

Madaling bumangon ako mula sa pag kakahiga ko sa sofa at dali daling binuksan ang pintuan kung saan agad kong namataan si mang Nolan na basang basa sa ulan habang bitbit ang isang walang malay na lalaki.

Sya yun! Ang lalaking ginamot namin.

Akala ko umalis na siya?

Nawalan ba sya ulit ng Malay?

Shaks! baka patay na siya?!

"Mang Nolan... Bakit kasama niyo ulit ang taong yan?" Tanong ko pero hindi siya sumagot bagkus ay dali dali lang niyang ipinasok sa silid ang lalaki at pinalitan ng tuyong damit.

As expected, nag dugo ulit ang mga sugat niya and I felt guilty!

Wala naman akong kasalanan pero sa paraan ng pagtrato sa akin ni mang Nolan ngayon ay parang ako pa ang masama!

"Anong ginagawa ng lalaking ito sa ulanan?" Mang Nolan finally spoke to me.

Mahimbing na ulit na natutulog ang lalaki na binalutan ni mang Nolan ng makapal na kumot.

"Nagising na ho siya kanina tapos umalis nalang bigla," sagot ko sabay nag iwas ng tingin dahil medyo naiilang ako sa pag titig niya sa akin.

Para kasing galit siya at hindi siya madalas magalit sa akin kaya hindi ako mapalagay.

"At hinayaan mo lang siya? Muntik nang mamatay ang taong iyan! Mabuti nalang at nakita ko siya nang pabalik ako dito sa farm, basang basa sa putikan at walang Malay," tila diskompyadong sabi niya sa Akin.

I felt bad, but I'm also annoyed.

Mang Nolan is like a father to me, but I don't appreciate him talking to me that way... He had no right to scold me like a child and make me feel like a bad person, lalo na kung wala naman akong kasalanan at lalong lalo na kung dahil lang sa estrangherong lalaking ito!

"Well what am I suppose to do?! Beg him to stay? pinigilan ko naman siyang umalis pero tinabig lang niya ako... It's not my fault he's ungrateful!" Sagot ko kay mang Nolan na may himig ng pagkainis.

I don't like what he's implying... It feels like he's trying to say na pinaalis ko ang lalaki despite his condition.

I'm hurt that he thinks I'm heartless.

Bata palang kilala na niya ako pero ngayon ay parang nakalimutan niya iyon ng dahil sa taong iyan!

"Pasenya na," paghingi ng paumanhin ni mang Nolan ng marahil ay nahimigan nya ang pagkainis ko, "Alam kong mahirap sayo ang nandito at tulungan ang taong iyan... Hindi ko dapat ipinilit na tulungan natin siya, pero alam kong mabuti ang puso mo at alam kong gusto mo rin ang tulungan siya, hayaan mo pag maayos na ang lagay niya ay ililipat ko siya sa hospital para doon mag pagaling pero sa ngayon pwede bang pagtiisan mo muna siya?" pakiusap niya sa mababang tinig na halos mag makaawa na.

Seriously bakit sobrang attached siya sa taong yan?

Kung alam lang niya kung gaano kagaspang ang ugali ng taong iyan malamang mag dadalawang isip rin siyang tulungan yan!

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.... "It's okay mang Nolan, I know you're just trying to help... Here mag palit na kayo ng tuyo at mag pahinga na," I said tossing him a towel before I left him there.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para doon ituloy ang naputol na pag papahinga ko kanina.

Medyo sumama ang loob ko sa kanya pero hindi ko ugaling mag tanim ng sama ng loob... And we're probably just tired and overwhelmed about what happen.

I'm sure hindi naman niya sinasadyang saktan ang damdamin ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Coincidentally Fated   EPILOGUE

    "Guilty!" Yan ang huling sinambit ng judge sa korte na naging dahilan ng malakas na ugong ng hiyawan at at iyakan sa kabuan ng silid.Ito ang huling araw ng hearing ng mga Luciano at walang pag sidlan ng tuwa ang puso ko nang malaman na lahat ng kasabwat sa mga krimen ay makukulong na rin sa wakas! Ang lahat ng ilegal na negosyo at operasyon ng mga Luciano ay naisara na sa wakas.Hindi ko maiwasang maluha sa sobrang saya habang tinitignan ko kung paano kaladkarin ng mga pulis ang mga Luciano pabalik sa kani-kanilang selda kung saan sila mabubulok at pag babayaran ang mga kasalanan nila."It's all gonna be okay love...wala nang manggugulo pang muli sa atin," Marahang sambit ni seb sa tabi ko sabay h******n ako sa tuktok ng ulo.Hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha lalo na nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng korte. Napakaraming pamilya rito na kagaya ko ay nag luluksa rin at nag bubunyi kahit papaano.Naparami pala talagang nabiktima ng mga Luciano...kagaya ko ay hindi rin nila m

  • Coincidentally Fated   Chapter 62

    "Well Well! Finally!" baling ni Kristy sa kagigising lang na si Seb.Kahit halata sa kanya ang panghihina ay pinilit pa rin niyang tumayo at lumapit sa akin. Kagaya ko ay nakagapos rin ang mga kamay niya kaya hindi niya ako magawang hawakan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala at awa. Guilt was written all over his face, kaya mas lalo akong nahabag sa kalagayan namin ngayon.All we ever wanted was to live a happy and quiet life! Was that too much to ask?!"Pasensya na! wala akong magawa...I promise, everything will be okay hmm?" may luhang tumutulo sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya, judging by our situation right now pero ngumiti pa rin ako ng pilit sa kanya at tumango.Alam kong walang kasiguraduhan ang kalagayan namin ngayon pero ayaw ko nang dumagdag pa sa bigat ng kalooban niya."Oh aren't you sweet! but don't make promises that you cannot keep Seb! dahil ngayong gabi ay siguraduhin kong mabubura na sa mundong

  • Coincidentally Fated   Chapter 61

    "Maraming salamat ho," sambit ko sa tindera na pinag bilhan ko ng tubig na maiinom sa di kalayuan. Isang buwan na rin ata kaming nandito kaya kahit papaano ay nakakabisado ko na rin ang lugar at ang kaunting tao na naninirahan malapit sa amin. Liblib ang lugar na pinaglalagian namin ni Ezrah pero kapag lumabas ka ng kagubatan ay mayroon din namang mga nakatira. Pagkatapos kong bumili ng isang galon ng malinis na tubig ay namili na rin ako ng kaunting pagkain na sapat para sa aming dalawa. Sa loob ng isang buwan naming pamamalagi dito at naging payak ang pamumuhay namin ngunit hindi maikakaila na mas masaya kami ngayon. Kahit papaano ay nawala ang mga isipin namin dahil tahimik naman ang lahat. Walang unexpected bwisita na darating nalang bigla, wala nang tampuhan dahil sa mga lihim ng nakaraan at wala nang mga Luciano na nagdadala ng kapahamakan.I know it's too early to tell pero sana ay naiwan na talaga sa nakaraan namin ang lahat.Maging si Ezrah ay hindi ko na nakikitang umiy

  • Coincidentally Fated   Chapter 60

    "Well, you remember how my family died, right?" panimula ko na siya namang tinanguan niya kaya naman tumikhim ako bago nag patuloy sa pagkukwento, "It's true that she's my ex Fiance but we broke up because she's one of the main reason bakit nawalan ako ng pamilya," saglit na tumigil ako dahil masakit pa rin sa akin na alalahanin ang pagkawala ng pamilya ko."Wait- I thought the Luciano killed them?" Naguguluhang tanong niya kaya tumango ako."Yes pero kasabwat siya...Noong mga panahon na nasa amin ka pa at inaalagaan nila mom ay nag karoon kami ng malaking pag tatalo, Nalaman kasi ng mga Luciano na kami ang witness ni dad sa pag kamatay ni Enzo ...They tried to bribe us not to testify, they tried to buy our silence, but of course, we said no. She wanted me to accept the money, but I refused. At first, I thought she understood, but weeks later, I found out that she's having an affair with one of the detectives," Huminga ako ng malalim bago nag patuloy."Noong araw na namatay ang pamily

  • Coincidentally Fated   Chapter 59

    SEBMatapos mamili ng kaunting supplies na gagamitin namin sa pag alis ay muli akong bumalik sa kotse at nag handa na bumalik sa farm.Malalim akong bumuntong hininga para klaruhin ang isip ko bago ko muling kausapin si Ezrah. Batid kong hindi maganda ang inasal ko kanina sa kanya...dala ng labis na pagkabalisa ay hindi ko nanaman nagawang isa-alang alang ang nararamdaman niya.Napakasakit sa aking marinig ang mga sinabi niya kanina pero naiintindihan ko siya. Nasasaktan ako hindi para sa akin kundi para sa kaniya dahil ilang beses na akong nangangako sa kanya pero palagi ko siyang binibigo. Tama naman siya sa sinabi niya...napakahirap ko ngang mahalin pero hindi ko magagawang iwanan siya kahit kailan. Naiintindihan ko kung bakit niya ako itinataboy ngunit matagal tagal na rin kaming nag sama para malaman ko kung ano talaga akong laman ng puso niya.Alam kong naninibugho lang siya kay Kristy pero wala naman siyang kailangang ipag alala dahil kung ano mang meron sa amin ni Kristy ay wa

  • Coincidentally Fated   Chapter 58

    "This isn't just about her Seb," Saglit akong tumigil sa pag sasalita para humigit ng malalim na paghinga bago nag patuloy, "I'm tired Seb...Mahal na mahal kita pero sobrang sakit mong mahalin! ang makasama ka? yan ang tunay na depinisyon ng kapit sa patalim! The more I hold onto you, the more it hurts. The deeper it cuts! The harder it bleeds! At ang tanging paraan lang para hindi na ako masaktan ay ang bitawan ka ng sapilitan!" puno ng emosyong sumbat ko sa kanya habang nag lalandas ang malayelong butil ng luha ko sa aking pisngi Maging ang mga luha ko ay nanlamig na rin dahil sa sakit. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang binigkas ko sa kanya pero pareho namin iyong ikinatulala. Maging ako ay nabigla na ganun na pala kalalim para sa akin ang sakit sa dibdib ko.Kaya ba ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon? kaya ba mas pinipili ko nalang siyang itaboy? dahil ba sobra na? dahil ba hindi ko na talaga kayang magtiis pa? Ganito na ba talaga kalalim ang sakit para ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status