Share

Chapter 12

Nasa balcony ako ngayon nitong kuwarto niya at nakaupo ako sa upuan na narito. Hindi kaya ako gagabihin nito? Magpa-practice pa raw kami e. Nagpaalam sa akin si Jairus na kukunin niya raw muna yung mga intrument na gagamitin namin.

Dumampi ang malakas na hangin sa mukha ko. Ang sarap naman dito. Kitang-kita ko rin ang ang malawak nilang bakuran. May mga naglilinis dito at may hardinero rin. Napatingin siya sa itaas kung nasaan ako at pagkatapos ay ibinalik niya na rin ang tingin niya sa kaniyang ginagawa. Pagkatapos ay may biglang lumapit sa kaniya na isang babae at nag-usap sila. Napatingin din sa akin yung babae. Alam ko na, pinag-uusapan yata nila ako.

Tumingin na lang ako ng diretso at ninamnam ang simoy ng hangin. Kapag hindi siya si Mama balak kong hanapin na lang si Teedy, ang kapatid ko. 

Nakatanaw lang ako sa langit nang may nagsalita. Si Jairus.

"Here," aniya at umupo sa isa ng upuan na kaharap ko. Nasa gitna namin ang isang round table na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status