Habang pababa kami ng hagdanan ay sobra ang kaba na nararamdaman ko. Napansin ito ni Jairus kaya tinanong niya ako.
"Are you okay, Bebs?" Napatingin ako sa kan'ya nang tanungin niya ako.
"Oo, medyo sumakit lang yung ulo. Puwede bang lumabas muna ako? Magpapahangin lang saglit."
"Okay, samahan na kita." Nakangiting sabi niya.
"Hindi na. Saglit lang naman ako." Tumango lang siya at dumiretso na sa kusina kung nasaan ang Mama niya.
Ako naman ay lumabas ng bahay nila at umupo sa bench na nasa terrace. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. Tandaan mo, Melina hindi siya ang Mama mo. Kamukha niya lang. Nasa ganon akong sitwasyon nang may magsalita.
"Girlfriend ka ba ni Sir Jairus?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong siya yung kasambahay na parang may gusto kay Jairus.
Tinanggal ko ang tingin ko sa kan'ya at umayos ng upo. Napatingin akong muli sa kaniya nang nasa harapan ko na siya.
"Why are you asking that?" Walang reaksyon
Hindi ako makatulog nang gabing 'yon. Iniisip ko kasi si Jairus. Wala na rin naman kasing tumawag sa akin, sa amin. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog basta pagkagising ko ay agad kong kinuha ang phone ko.I dialed his number. Nakailang ring pa bago niya sinagot. Napa-upo ako sa kama ko."Hello? Jairus, are you okay? What happen?""Good Morning, Bebs. How's Metee?"Hindi ako agad nakapagsalita. Paanong ganito ang nararamdam ko?Naiiyak na naman kasi ako. Nararamdam ko yung care niya para kay Metee, ni hindi ko na nga siya maasikaso dahil sa nangyari."Hey, I'm okay. I bumped into a car but It's okay now. You're right I have allergy, ngayon ko lang nalaman." Bahagyang natawa pa siya sa kabilang linya.Ako naman ay nagpipigil pa rin ako na huwag maiyak."A-Are you sure you okay? Where are you now?""Yeah at the hospital. Hindi muna ako papasok ngayon. Sad to say, hindi muna ako papayagan ni Mama sa contest. S
"Thank you," sabi ko kay Chris nang matapos naming makabili.Bumaba kami rito sa bookstore kung saan siya nag-pa-part time."No problem. Sure ka bang dito ka na lang?""Yup, tatawagan ko na lang si Mommy." Tumango siya sa akin at napaalam na papasok na siya.Ako naman ay tinext ko si Mommy na narito ako sa harap ng bookstore. Hindi pa naman madilim kaya ayos lang ako rito sa labas. Kinuha ko ang earphones ko at nakinig na lang muna ako ng music habang hinihintay si Mommy.Limang minuto na ang nakalipas at wala pa rin si Mommy. Nangangawit na rin ako rito dahil kanina pa ako nakatayo."Melina, pasok ka muna rito." Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong si Chris ito.Pumasok ako sa loob ng bookstore at naghanap ako ng puwesto. May mga estudyante rin kasi na narito at ngayon ko lang napagtanto na ginawa na rin pala itong cafe!May nakita akong isang bakanteng upuan, doon na ako umupo. Itinago ko na rin ang earphone
This is the day for the contest. Maaga dapat akong papasok sa school pero nang dahil kay Metee ay medyo na-late ako. Wala kasing maiiwan sa kaniya, may meeting na pupuntahan sina Mommy at Daddy.Mabuti na lang at sinundo ako ni Jairus at sinabihan ako na siya na raw muna ang magbabantay kay Metee pero nag-aalala ako sa allergy niya. May dala naman daw siyang gamot kaya ayos lang.Pagkarating ko sa school ay pumapasok na sila sa bus. Agad akong pumunta roon pero naalala ko ko yung guitar, nasa music room pa 'yon. Tatakbo na sana ako papasok sa school nang nilapitan ako nung babae na nakasama ko sa Music Room."Sayo 'to 'di ba?" tanong niya at nakita kong hawak niya ang gitara na galing kay Jairus."Yeah, thanks." Kinuha ko ito at sabay pa kaming pumasok sa bus. Pumwesto ako sa likuran at ganoon din yung babae. Tumabi siya sa akin. Nang puno at naroon na ang lahat ay umandar na ang bus.Napatingin ako sa phone kong nang mag-vibrate ito. Nagsend
Nasa kotse na kami ni Jairus. Nasa passenger seat ako at si Teedy naman ay nasa backseat. We won, yeah. Pero nananatiling kaming tahimik na parehas."Teedy? I will give you my number then you will give yours, okay?" Iniabot ko sa kaniya ng phone ko at kinuha naman niya ito.Nagpasundo na lang ako kay Jairus dahil gusto kong malaman kung saan nakatira si Teedy. Hindi ko pa natatanong kung kaano-ano niya si Gail, ayaw ko munang ma-pressured siya. Hindi niya kasama si Metee, nasabi niya sa akin na nasa bahay daw nila iyon. May mga tao naman daw sa kanila kaya mababantayan si Metee."Ate, ayan na po ang bahay namin." Napatingin ako sa itinuro niya at nakita kong two storey house ito."Sandali," pigil ko sa paglabas niya.Nakita ko kasi sa gate nila si Gail at may kausap ito."Si Papa," rinig kong sabi ni Teedy. "Ate, kailangan ko ng umuwi."Lumabas din ako sa sasakyan at muling niyakap si Teedy."Mag-iingat ka. I love y
Lumabas ako ng bahay namin at nag-abang ako ng masasakyan. Alam ko pa naman ng direksyon kung saan ang bahay nila. Panay ang tingin ko sa wrist watch ko dahil mag-ga-gabi na rin kasi. Tinatawagan ko ulit si Teedy pero out of coverage na raw ito. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.Maglalakad na sana ako nang may bumusina. Sina Mommy! Tumigil sila sa harap ng bahay at ibinaba ang salamin ng bintana."Anak, may pupuntahan ka ba?" tanong ni Daddy na nasa loob pa rin. Nakatingin din sa akin si Mommy."Opo, puwede pong pa-drive ako roon?" Mababakas sa tono ng boses ko ang pag-aalala."Oo naman. Mukhang importante 'yan, sumakay ka na." Sinunod ko ang sinabi ni Daddy at sumakay ako sa backseat."Saan ba ang punta mo, Anak?" taning ni Mommy sa akin."Mommy, nahanap ko na rin po kasi yung kapatid ko na nakasama ko po sa aksidente. Tinatawagan niya po kasi ako tapos umiiyak po siya. Hindi ko po alam kung anong nangyari. Tinatawagan ko po kaso ou
Tumabi ako kay Jairus at nasa harapan namin si Gail na nagpupunas ng kaniyang luha."I'm sorry. Hinding-hindi ko na kayo guguluhin pa. I need to go," sabi niya at tiningnan ako. Ngumiti ako sa kaniya at pagkatapos ay umalis na siya.Muli kong hinawakan ang isang kamay ni Jairus at napatingin siya sa akin."Magkapatid kayo?" Tanong niya ulit."Yup, it is a long story."Nagsimula na kaming maglakad palabas ng school."Can you tell me? Makikinig ako.""Ofcourse." Tumunog ang wrist watch ko at napatingin ako roon. Naalala ko si Teedy. Gosh, mukhang hindi muna ako makakapunta."May problema ba?""Wala naman. Uwi na tayo." Tumango siya at sinabay na niya ako sa service niya.Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan nila ay kinuha ko ang phone ko at tinext ko si Teedy na hindi ko muna siya mapupuntahan. Sana mabasa niya."Manong Yun, doon muna po tayo sa cafe na pinupuntahan namin ni Mama," rinig kong sabi
Nakaupo ako rito sa isang bench na malapit lang sa room namin. Lunch break ngayon pero narito ako at naka-earphones ako. Tinitingnan ko sa phone ko ang mga pictures na kinuhan namin ni Teedy. Napapangiti ko habang tinitingnan ko ang bawat larawan.Natigil ako sa ginagawa ko nang may nagtanggal ng isa sa mga earphones ko tiningnan ko kung sino ito. Si Jairus. Nasa tabi ko ito."Can I?" tanong niya. Tumango ako at inilagay niya sa isang tainga ang earphones ko.Narinig ko siyang natawa. "Akala ko may sounds," sabi niya at doon na rin ako natawa. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag-play ng music.Kinuha ko na lang earphones ko sa kaniya at tinanggal ko na rin ang pagkaka-connect nito. Nagulat ako nang kinuha niya ang phone ko."Ang saya niyo rito. Akala ko kung ano na ang tinitingnan mo," sabi niya at ibinalik na sa akin ang phone ko."Bakit ka narito?" tanong ko sa kaniya."Bakit? Bawal ba?" balik tanong niya sa akin."Hindi nama
Ipinasok si Miss Yenny sa Emergency Room. Narito ako sa tabi ni Miss Yenny. Hindi ko alam kung ano yung findings ng Doctor. Sasabihin daw kasi 'yon sa relatives niya. Tinawagan ko na rin si Jairus at papunta na raw siya. Napatingin ako kay Miss Yenny na ngayon ay nakapikit pa rin. Napaka-amo ng kaniyang mukha.Tumayo ako nang mag-ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag si Mommy. Lumalabas mo na ako roon para sagutin ang tawag. Paglabas ko ay nakita kong kausap ni Jairus yung Doctor na tumingin kay Miss Yenny. Lalapit sana ako roon nang tumunog ulit yung phone ko. Si Mommy nga pala!Tumalikod ako at sinagot na ang tawag."Hello, 'My?"Habang kausap ko si Mommy ay naglakad-lakad ako."Nasaan ka na?""May biglaan lang po kasi na nangyari pero uuwi na rin po ako.""Okay, sige. Mag-ingat ka, ha. Pagabi na.""Opo, sige po."Ibinaba ko na ang phone ko at muling bumalik kung nasaan si Miss Yenny. Nakita kon