Share

Chapter 21

Nakaupo ako rito sa isang bench na malapit lang sa room namin. Lunch break ngayon pero narito ako at naka-earphones ako. Tinitingnan ko sa phone ko ang mga pictures na kinuhan namin ni Teedy. Napapangiti ko habang tinitingnan ko ang bawat larawan.

Natigil ako sa ginagawa ko nang may nagtanggal ng isa sa mga earphones ko tiningnan ko kung sino ito. Si Jairus. Nasa tabi ko ito.

"Can I?" tanong niya. Tumango ako at inilagay niya sa isang tainga ang earphones ko.

Narinig ko siyang natawa. "Akala ko may sounds," sabi niya at doon na rin ako natawa. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag-play ng music.

Kinuha ko na lang earphones ko sa kaniya at tinanggal ko na rin ang pagkaka-connect nito. Nagulat ako nang kinuha niya ang phone ko.

"Ang saya niyo rito. Akala ko kung ano na ang tinitingnan mo," sabi niya at ibinalik na sa akin ang phone ko.

"Bakit ka narito?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Bawal ba?" balik tanong niya sa akin.

"Hindi nama

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status