“Ms. Hernandez, hindi mo ba alam na ang anak mo ay may namamanang kanser sa buto?
Dalawang buwan na lang ang pinakamahabang itatagal ng buhay niya.” saad sa akin ng doctor. “Kung tama ang pagka alala ko, na ang nanay mo rin ay namatay sa sakit na ito. Pero ang masu-suggest ko sayo, magpasuri muna kayo sa iba pang doctor para sa pangalawang opinion.” Biglang nawala ang lahat ng lakas ko mula sa narinig sa doctor ng anak ko. Paulit-ulit na umuugong sa aking isipan ang mga sinabi ng doktor, at hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking katawan. “Ano po ang nangyari sayo, Mommy?” tanong ng anak kong si Sydney sa malambing niyang boses na may halong pag-aalala. “May nagawa po ba ako mommy na ikinalulungkot mo?” Tiningnan ko si Sydney na nakahiga sa kama ng ospital. Ang payat niyang mukha ay puno ng lungkot at pag alala. “Kung kasalanan ko po pwede po ba akong humingi ng tawad?” sabi niya at pilit siyang ngumiti. Parang kinurot ang puso ko. Hindi ko matanggap na dalawang buwan na lang ang natitirang buhay ng anak ko. Wala na akong mga magulang, walang ibang pamilya, at ang aking kasal ay patay na at sa papel na lamang. Si Sydney na lang ang tanging dahilan ko para magpatuloy sa buhay. Pinigilan ko ang aking luha at mahinahong nagsalita. “Hindi ako malungkot. Masaya ako, dahil malapit ka nang gumaling.” Nagliwanag ang mga mata niya at masaya siyang nagtanong “Talaga po? Si Daddy po ba, pupunta po ba siya para dalawin ako ngayon mommy?” Ang malaki niyang mata ay puno ng pag-asa na pilit niyang tinatago, pero agad ding siyang nanglupaypay pagkatapos niyang magsalita, tila natatakot siyang umasa. At ang mga salitang iyon ay mas masakit pa sa pagbabalat ng balat ko at ng aking buto. Pinipigilan ko ang panginginig ng katawan ko. “Oo. Hindi ba nangangako si Mommy na dadalawin ka ni Daddy ngayong araw?” “Talaga po?” tanong niya ng mahina at tila hindi sigurado. Alam ko kung saan nanggaling ang kakulangan ng tiwala niya sa sarili, dahil lumaki siyang alam na hindi ako mahal ng kanyang ama. Ang isang apat na taong gulang na bata ay hindi pa nauunawaan ang komplikadong emosyon sa pagitan namin ng kanyang ama. Ang alam lang niya, gusto niya ng isang buo at normal na pamilya, at kahit konting pagmamahal galing sa kanyang ama. Pero unti-unti na siyang nawawala at hindi ko kayang ibigay ang gusto niyang buong pamilya.. “Sydney, nangangako si Mommy na dadalhin ko ang Daddy mo para makita mo siya ngayong araw. Happy birthday anak ko.” Hinaplos ko ang buhok niya at yumuko para halikan siya sa noo. Masayang ngumiti si Sydney sa akin. Pagkatapos kong patulugin si Sydney, tinawagan ko ang Secretary ni Kent at huminga muna ako nang malalim. "Hello, nasaan si nasaan si Kent? Sabihin mo sa kanya na napag isip na ko." Saad ko. Sandali na tumahimik ang kabilang linya pero matapos ang ilang segundo na katahimikan ay sumagot din ito. " Muli pong Ise-celebrate ni sir Kent ang kaarawan ni ma'am Pearl. Pero kung gusto mo po siyang makausap, ma'am Daisy, ipapaalam ko po kay sir Kent bukas." Naninikip ang lalamunan ko ng marinig ko ang pangalan ni Pearl. "Sabihin mo kay Kent na ito na ang huling tawag ko at wala nang kasunod pa." Pagkasabi ko niyon ay binaba ko ang telepono. Makalipas ang sampung minuto, ay muling tumawag ang secretary ni Kent at ibinigay ang address ng hotel kung nasaan si Kent. Pagdating ko sa hotel, ay agad akong sinalubong ng secretary ni Kent. Pagkarating namin sa harap ng pintuan ng private room, bago pa man ako nakapasok, ay narinig ko na ang mga boses mula sa loob. "Kuya Kent, sabihin mo na ang totoo sa harap ng ate ko ngayon. Ikaw at si Daisy ay kasal na nang matagal at may anak pa. Wala ka man lang bang nararamdaman sa kanya?" Namutla ako dahil sa aking narinig. Sa isang mababang tinig na parang lasing, at may halong lamig at galit, ang siyang sumunod na maririnig sa buong paligid. "Akala mo ba magugustuhan ko ang isang babaeng may masamang ugali at nakakadiring tulad niya? At tungkol sa anak niya? Hindi pa nga sigurado kung akin talaga 'yon." Kalmado at malamig na saad niya na siyang pinakamasakit sa lahat. Parang tinusok ako ng maraming karayom. Matatanggap ko pa siguro kung kamuhian ako ni Kent. Kamuhian niya. Pero hindi ko matanggap na tinawag ni Kent ang anak namin na "anak sa labas". Itinulak ko ang pinto, at agad napalingon sa akin ang lahat. Nang makita nila ako na nakatayo sa labas ng pinto, nag-iba ang kanilang mga ekspresyon sa mukha. Nakaupo si Kent sa may unahan upuan, kung saan ay palagi siyang sentro ng atensyon. Tumingin sa akin si Kent at bahagyang nakakunot ang kanyang noo. Sa tabi naman niya ay nakaupo ang isang glamorosa at magandang babae, si Pearl ang binanggit kanina ng secretary ni Kent at siya rin ang dating nobya ni Kent, si Pearl Valdez. Bahagya akong natigilan nang makita ko si Pearl. "Daisy?" gulat na tanong ni Pearl, "Bakit ka nandito? Ah Kent, bakit hindi mo sinabi sa akin..." Alam na ng lahat na pino-proseso na ang annulment ng kasal namin ni Kent. Kaya’t nasabi siguro ni Pearl ang mga salitang iyon sa aking na tila ba siya ang asawa ni Kent. Bahagya naman lumamig ang ekspresyon ni Kent. "Lahat kayo, lumabas na muna..." Hindi na rin maipinta ang mukha ni Pearl. Nagtagpo naman ang mga mata namin ni Kent. Napaka lamig ng tingin niya sa akin, pero naging kalmado pa rin ang pagsagot ko sa kanya. "Hindi na kailangan. Wala naman tayong dapat na itago, kay mananatili na kayo." Kung ako pa rin yung dating Daisy, limang taon na ang nakalipas, hinding-hindi ko kaya magsalita ng ganito ka kalmado. Para sa akin noon, si Kent ay isang malaking pagkakamali na lihim kong inibig. Ngayon, ang natitira na lang sa akin ay ang mga sugat na iniwan niya at ang mapait na realidad. Isa lang ang laman ng isipan ko ngayon: Ang mabigyan ng malinaw na simula at wakas ang para sa aming anak. Nakita ko sa mukha ni Pearl na hindi siya natuwa sa sinabi ko at mahigpit na hinawakan ang braso ni Kent. Habang tinignan naman ako ni Kent sa mata ng malamig. "Pareho pa rin ang mga kondisyon ko. Bakit may gusto ka bang ipadagdag?" Nanatili akong tahimik pero naging matatag ang aking mga mata. "Ang kondisyon ko lang ay ang makasama ka ni Sydney bilang isang ama sa loob ng isang buwan, simula ngayon." Parang kulog ang bagsik ng mga salita kong iyon sa gitna ng lamesa. "Alam ko na! Ikaw ay talagang walang hiya! Gusto mo na namang guluhin si Kuya Kent! Kung hindi dahil sa’yo, hindi sana naghiwalay sina ate at Kuya Kent!" Nagngingitngit sa galit saad ni Shawn, ang kapatid ni Pearl. Habang namumuo naman ang luha sa mga mata ni Pearl na agad lumapit at pinigilan ang kapatid niyang si Shawn, "Tama na, huwag ka nang magsalita..." Pero lalo lang nagalit si Shawn. "Ate! Paano ako hindi magagalit kung hanggang ngayon ay hindi pa gumagaling ang depresyon mo? Kuya Kent, magpapa biktima ka na naman ba sa babaeng ‘to?" Galit na saad nito. Bahagya namang nagbago ang ekspresyon ni Kent at Tumitig sa akin na malamig pa rin ang mga mata. "Imposible." Inaasahan ko na ang sagot na iyon mula sa kanya. "Hindi ko kailangan ang mana o kahit ano pa. Ang tanging hiling ko lang bago ang annulment natin ay ang makasama ka ni Sydney sa loob ng isang buwan." Nang banggitin ko ang pangalan ni Sydney ay biglang sumakit ang aking puso. "Kung hindi ka aayon, hindi rin ako aayon para sa annulment natin." "Bang!" galit na inihagis sa akin ni Pearl ang mangkok, "Ikaw, kadiri, wala ka bang kahihiyan?” Pinanood ko ang mga tirang pagkain na dumaloy sa aking palda. "Kent, kung nais mo akong alisin sa buhay mo, ito lang ang tanging paraan. Kung hindi, kahit gusto mo ng annulment, ay kailangan mong manatili sa akin ng hindi bababa sa dalawang taon!" ang aking boses ay nakakatakot na kalmado. " Pero kung papayag ka sa gusto ko, kailangan mo lamang manatili bilang ama kay Sydney ng isang buwan. Pagkatapos ng isang buwan, ako na mismo ang lalayo at mag aasikaso sa annulment natin. At hindi ko na patatagalin pa ang pag walang bisa sa kasal nating dalawa." Saad ko sa kanya. Ang kanyang mga mata ay tumingin sa akin at bahagyang naging malamig. "Kent, pakiusap, pumayag ka na sa kanya." Sabi ni Pearl kay Kent saka huminga ng malalim. hindi ko inaasahan na papayag ito mangyayari. "Ate?" malakas na tanong ni Shawn sa kapatid niya. Mahigpit naman hinawakan ni Pearl ang mga kamay ni Kent pilit na ngumiti ng mahinahon. "Isipin mo na lang na para ito para sa atin. At naniniwala ako sa iyo.”Kabanata 16"Ako ang ina ni Sydney. Walang ibang tao sa mundo na mas nagmamahal sa kanya kaysa sa akin. Paano ko naman siya isusumpa para mamatay!""Mas pipiliin ko pang ako ang mamatay!" Galit at desperado ang tawa ni Daisy. Ganito na siya ngayon, punong-puno ng sakit at pighati. Siguro dahil sobrang totoo ang lungkot at pagkabaliw sa mga mata ng babae, nagsimulang magduda si Ken sa sarili."Paano... nangyari 'to?""Syempre hindi mo alam! Ano ba ang alam mo? Minahal mo ba si Sydney kahit minsan? Naging mahalaga ba siya sayo? May cancer siya sa buto. Cancer sa buto!" Ang huling hiling lang ni Sydney ay makasama ang ama niya sa mga huling sandali ng buhay niya. Pero ikaw? Anong ginawa mo? Nakikipag ligaya ka sa babaeng ’yan sa tabi mo! Tiningnan ni Daisy ang mga taong nasa harapan niya na may matinding galit sa mata.Hindi na niya iniisip kung inagaw man ng iba ang lalaki niya, pero bakit? Bakit pati ama ng anak niya kinuha sa mga huling araw ni Sydney? Bakit pati huling pag-asa nila n
Kabanata 15Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya, ubos na ang lakas niya. Kaya kahit hindi siya sang-ayon sa nangyayari, wala na siyang nagawa. Hinayaan na lang niyang buhatin siya ni Ben mula sa sahig at isakay sa kotse. Sa buong oras na 'yon, ni hindi siya nagpupumiglas o tumanggi. Mahigpit lang niyang hawak ang lukot na litrato sa kamay niya.Ang anak niyang si Sydney, kawawang bata, ni minsan ay hindi naranasan ang pagmamahal ng ama habang nabubuhay, niyakap man lang, wala. Ngayon na patay na siya, nilalapastangan pa rin siya ng mga ito. Sino ba talaga ang hindi karapat-dapat ituring na tao?Hospital."Ah Kent, ayos lang talaga ako. Gasgas lang 'to. Umuwi ka na. Sa palagay ko hindi pa rin stable ang kalagayan ni Daisy. Medyo nag-aalala ako kay Sydney.""Kapag nagkamali ang matatanda, hindi dapat nadadamay ang bata. Anak mo pa rin si Sydney."Napa buntong-hininga si Pearl, ibinaba ang tingin at naramdaman ang sama ng loob.Tuwing naiisip niyang may anak si Kent sa ibang babae, h
Kabanata 14"Ah Kent, ikaw… anong ginagawa mo?"Naglakad papalapit si Pearl at hinarang si Kent na papunta na sana, habang nakatingin sa kanya na may halong sisi."Kahit ano pa man, babae pa rin si Daisy. Paano mo nagawang gawin 'to sa kanya?"Tumalikod siya, yumuko at tinangkang tulungan siDaisy na tumayo mula sa lupa.Bago mamatay si Sydney, ang hiling lang niya ay makasama ang tatay niya kahit ilang araw lang. Pero palagi na lang inaangkin ng babaeng ito si Kent, at dinala pa siya para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo ng gabi na na-confine si Sydney sa ospital.Tuwing nakikita niya ang babaeng ito, naaalala ni Daisy ang lungkot at sama ng loob ni Sydney, lalo na noong gabing namatay siya, habang 600,000 na fireworks ang pinaputok para lang sa kanya."’Wag mo akong hawakan!""Madumi ka!” Pinigilan ni Daisy ang kamay ni Pearl at pinilit tumayo gamit ang lahat ng lakas niya. Tumingin siya kay Pearl nang malamig at parang basura ang tingin niya rito.Dati, hindi niya sinisisi si Pea
Kabanata 13Pakiramdam ngayon ni Daisy, kung titingnan pa niya nang mas matagal ang lalaking nasa harapan niya, baka masuka na siya. Pakiramdam niya, para na rin niyang nilalapastangan si Sydney kung tititigan pa niya ito.Habang tahimik si Kent, sinamantala ni Daisy ang pagkakataon, binuksan niya ang pinto at pumasok. Bilang paraan ng pagpapakita ng inis, binagsak niya ang pinto ng malakas!Pagkasara ng pinto at paglingon niya, bumungad agad ang itim-at-puting litrato sa ibabaw ng mesa.Nasa larawan si Sydney, may nakakurbang kilay at nakangiting masaya.Kinuha ito noong Children's Day. Noong araw na ’yon, nag-perform si Sydney sa kindergarten at nanalo ng magandang pwesto. Sobrang saya niya kaya ang liwanag ng ngiti niya.Sadya talagang pinili ni Dsisy ang litratong ito noon. Gusto niya kasing maalala ng anak niya kung gaano siya kasaya, lagi siyang mukhang masigla at masaya.“Bahala na…”Dumulas si Daisy pababa sa pinto, tinakpan ang bibig gamit ang mga kamay, at muling tumulo ang
Kabanata 12Pagkagising niya kinaumagahan, basa na naman ang unan niya ng luha. Namumugto ang mga mata niya habang bumangon siya at binuksan ang kanyang cellphone.Ilang araw na niyang naka-off ang cellphone niya dahil sobrang lungkot niya at ayaw na muna niyang alamin ang kahit ano sa labas. Pero pag-on niya, agad siyang nakarinig ng tunog ng text message. Galing ito sa punerarya inaanyayahan siyang pumunta para asikasuhin ang mga papeles.Doon lang niya naalala na kahit nailibing na ang abo ni Sydney, marami pa palang kailangang ayusin na dokumento at sertipiko."Ayos lang. Pag natapos ko ’to, makakaalis na rin ako rito.""Sydney, sobrang miss ka na ni Mommy."Hinawakan ni Daisy ang pendant sa dibdib niya, at muling tumulo ang mga luha niya.Pinipilit niyang huwag masyadong malungkot, kasi alam niyang si Sydney, bago pa man ito mawala, iniisip pa rin siya at ayaw na ayaw siyang makita na malungkot.Pero hindi niya kaya. Kahit anong pigil niya, bumabalik pa rin ang lungkot. Sa tuwing
Kababata 11Kabanata 11Funeral parlor? Pagkarinig pa lang ni Kent ng dalawang salitang ‘yon, agad niyang binaba ang tawag.Grabe na talaga ang mga scam ngayon, naisip niya. Nagpapanggap pang galing sa funeral home. Wala na talaga silang konsensya!Maayos naman si Sydney niya. Bakit naman siya kailangan dalhin sa funeral home?Maya-maya, tumunog ulit ang telepono.“Mga magulang po ba kayo ni Sydney Hernandez? Kami po ay mula sa funeral home. Sana po makapunta kayo agad para kunin ang death certificate at ayusin ang cremation process ng anak niyo.” Hindi na nagdagdag pa ng ibang sinabi ang nasa kabilang linya at agad binaba ang tawag bago pa tuluyang magalit si Kent.Bawat salitang naririnig niya ay parang tinutulak siya sa hangganan ng pasensiya niya. Sobra na talaga!Ang babaeng ‘to, si Daisy wala na talagang matinong ginagawa! Para lang habulin siya, kaya niyang gawin ang kahit ano! Pati anak nila, idineklara ng patay?Anong klaseng ina ang gagawa nun?!“Ah Kent…” Sa momentong ‘yon