Chapter 2
Tumingin si Kent sa kamay ni Pearl, at bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, halata na bumigat ang pakiramdam nito, bago ito nagsalita, "Isang buwan lang, Daisy, mas mabuti ng huwag kang mag isip ng panlinlang. Kapag may ibang plano yang isip mo, sisiguraduhin kong pag babayaran mo." Bahagyang akong ngumiti sa kanya. "Sige. Basta handa kang samahan si Sydney, pakikipagtulungan ako sa lahat." “Hindi ba bilang ama ni Sydney, ay dapat lang na bigyan mo siya ng regalo sa kaarawan niya?" Mahinahong saad ko sa kanya. Nasa kandungan ko si Sydney, habang nasa byahe kami papunta sa bahay ni Kent. "Mom, andun ba talaga si Daddy?" bahagyang nanginginig ang boses ni Sydney. Kahit pilit nitong pinipigilan ang nararamdaman, ay halata pa rin sa mga mata niya ang matinding pananabik na makita ang ama. "Oo naman." Mahinang sabi ko at hinaplos ko ang likod niya. "Pero mommy, huwag mong sasabihin kay daddy na may sakit ako ha. Baka kasi malungkot siya." Aniya na nagliwanag ang mga mata. Namasa ang mga mata at sumikip ang dibdib ko. "Sige, promise ni mom." Hinaplos ko ang buhok ni Sydney. Iniunat ni Sydney ang kanyang munting daliri, at agad itong inabot sa akin para makipag-pinky swear sa akin. "Wag magbabago kahit isang daang taon…" matamis ang ngiti na saad ni Sydney. Pero para sa akin, ang lahat ay unti-unti nang lumalabo. Ang anak ko. Ang nag-iisang kadugo kong natitira sa mundo. Ay malapit ng mawala. Pero bago mangyari iyon, gusto ko munang bigyan siya ng kahit konting panahon para matupad ang pangarap niya na buo ang pamilya. Pagdating sa bahay ng pamilya Fu, agad sinalubong ng butler at kinuha ang mga gamit nila. "Andyan ba si sir?" tanong ko sa Isang kasambahay. "Opo." Sagot niya at tumango sa akin. Nang marinig ko iyon, ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos ng kasal namin, ay ilang beses lang umuwi sa bahay namin si Kent, at si Sydney ay sa TV lang niya nakikita ang ama. Hinawakan ko ang kamay ni Sydney at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Mula sa malayo, nakita ay nakita na naming nakaupo si Kent sa sofa. Habang nagliwanag naman ang mga mata ni Sydney. Binitawan ko siya at tinapik sa balikat, "Go, puntahan mo siya." Maingat na lumapit si Sydney kay at bahagyang nangingimi. "Dad..." Mahinang sabi nito pagdating sa may harap ng sofa. Bahagyang kumilos ang mata ni Kent. Alam naman talaga niya na dumating kami pero ayaw niya talaga kaming salubungin. Saglit naman itong natigilan ng marinig nitong tinawag siyang daddy ni Sydney. Pagharap si Kent kay Sydney, at nakita niya ang inosenteng mukha nito, na kamukhang-kamukha ko. "Hmm." Napalunok ito at mahina na sumagot. May kinuha itong regalo na nakahanda sa tabi niya. "Gift ko sa birthday mo." Tinanggap ni Sydney ang regalo na puno ng pagtataka ang mga mata. "Thank you..." nahihiya ang boses nito. Nanlalamig ang mga mata ko. Hindi ako natuwa sa naging reaksyon ni Kent. Lumapit ako at hinaplos ang ulo ni Sydney. "Sydney buksan mo. Tingnan mo kung anong regalo ng daddy mo sayo." Ngumiti sa akin si Sydney at binuksan ang regalo. Nang makita ni Sydney ang laman ng regalo ay bahagyang nawala ang ngiti nito pero pinilit ulit nitong ngumiti. "Thank you, Daddy. Nagustuhan ko po." Tiningnan ko ang pares ng diamond earrings at parang may kumirot sa dibdib ko. Pinigilan ko ang galit, "Sydney, hindi ba sabi natin kay uncle maaga ka matutulog. Gabi na, bukas dadalhin ka ng daddy mo sa parke." Tumingin sa akin si Kent ng sabihin ko iyon. Tumango naman si Sydney, Kahit hindi nito nagustuhan ang regalo ng ama ay sobrang saya pa rin ng mga mata nito. Siguro dahil nakikita nito na magkasama kami ng ama niya! "Sige na." Ngumiti ako habang pinapanood si Sydney na umakyat kasama ang yaya niya. Kinuha ko ang hikaw amna regalo ni Kent kay Sydney at bumaling sa kanya "Mr. Hernandez, alam kong busy kang tao. Pero kahit hindi mo seryosohin ang regalo, hindi ka naman siguro magbibigay ng ganitong regalo sa apat na taong gulang na bata." Walang emosyon na sabi ko sa kanya "Wala nang mabili ngayon. Hiniram ko lang ito kay Pearl, Mali ito. Hindi na mauulit." Gusto ko sanang sabihin na hindi na nga talaga mauulit. Hindi na kayang hintayin pa ni Sydney ang susunod na kaarawan niya. Pinigilan ko ang sakit sa aking dibdib at kinuha ang kwento sa pagtulog na inihanda ko kanina. "Bilang isang responsableng ama Sydney, sasamahan mo ako ngayong gabi para basahan siya ng kwento." "Hindi pwede," malamig na sagot ni Kent sa akin. Inaasahan ko na ang sagot na iyon mula sa kanya. "Ayos lang. Ako na ang magbabasa. Kailangan lang kasama kita." halata na pinipigilan lang niya ang inis sa akin. “Hmmm.” malamig na tugon niya. "Alam kong ayaw mo akong makita. Pag nakatulog si Sydney, pwede ka nang umalis at bumalik kay Pearl. Basta bumalik ka bukas bago ihatid si Sydney sa school." Nang marinig ni Kent iyon, ay bahagyang gumalaw ang mga mata niya. Dati, lahat ginawa ay ginagawa ko para manatili siya. Nagkukunwaring akong may sakit, at tatawag pa sa ama ni Kent para pauwiin siya. Akala siguro ni Kent, ay isa na namang pakulo ang ginagawa ko. "Hindi na kailangan. Sa guest room na ako matutulog." Malamig ang mga mata na sagot niya. Wala namang akong ipinakitang reaksyon sa kanya. "Tara na." Aya ko. Sa unang pagkakataon, ay sabay kaming pumasok sa kwarto ng anak namin. Nakakatawa man, pero sa limang taong kasal namin, ay ngayon lang nakapasok si Kent sa kwarto ng anak namin. KENT POV Pinanood ni Kent si Daisy habang nakaupo sa tabi ng kama ni Sydney na dala-dala ang kwento tungkol sa Isang sirenang walang ngipin. Siguro dahil ngayon ko lang binisita sa kwarto niya si Sydney, kaya tuwang-tuwa ito at halata sa mukha niya at palihim niya akong sinulyapan. Ang ganitong atmosphere, yung ganitong mga tingin, ay parang bago lahat sa akin. Gusto ko man sanang umalis, pero inaalala ko ang isang buwan na kasunduan ni Pearl. "Sa puntong iyon, naging bula na ang sirena at bumalik sa dagat..." Ang boses ni daisy ay parang agos ng tubig sa ilog na kay banayad at tahimik. Tinitigan ko si Daisy sa ilalim ng ilaw sa tabi ng kama. Sa ilalim ng mahinang ilaw, ang katawan niya'y mukhang payat at elegante. Ang buhok niya'y nakalugay sa harap ng dibdib. Habang ang kanyang mga mata ay nakatuon lang kay Sydney. Bahagyang nag-iba ang tingin ni ko ng biglang magsalita si Sydney. "Mom, gusto ko po ng gatas." Naisip ni Daisy na ito na ang tamang oras para bigyan ng panahon ang mag-ama. "Sige, kukuha si mom ng gatas para sa’yo." Tumayo agad si Daisy. Akma tatayo na sana ako pero tinapunan ako ng tingin ni Daisy. Agad ko siyang naintindihan kaya muli akong napaupo. Pagkaalis ni Daisy, ay nanahimik ang buong kwarto. Nararamdaman ko ang tingin ni Sydney sa akin, kaya napatitig ako sa kanya. "Bakit?" "Dad, masaya po ako na nandito po kayo ngayon." Mahinang-mahina ang boses niya, at halatang pinipilit niyang maging maayos. Tiningnan ko ang mga mata niya na punong-puno ng pag-asa, at natigilan siya. "Bakit?" tanong niya.Kabanata 43Para kay Daisy, hindi talaga maganda ang mga class reunion. Lalo na ngayon na siya ang sentro ng intriga sa internet, ayaw na ayaw niyang mapalibutan ng mga taong puro tanong lang ang ibabato sa kanya.Nang makita siya ni Nick na parang nag-aalangan, agad niyang nahulaan kung ano ang iniisip nito.“Hindi ‘to class reunion,” sabi nito habang nakangiti. “Babalik lang tayo para makita sina Teacher at si Principal. Ang dami nilang naging malasakit sa’yo nung nasa school ka pa. Ayaw mo ba silang makita ulit?”Kung tutuusin, mas naging awkward pa dahil nabanggit niya iyon. Naalala niya tuloy na noong gusto ko magpakasal, tutol na tutol si Teacher Riza. Sabi nito, sayang daw ang galing niya sa trabaho kung pakakasal lang siya agad.Pero noon, si Kent James lang talaga ang nasa puso’t isipan niya. Gusto niya lang maging asawa nito, buong puso. At ang ending, napahiya siya nang ganito, naging asawa nga siya, pero ganito ang kalagayan.“Si Teacher Riza hindi na niya ako magpapatawad
Kabanata 42Hindi talaga in-expect ni Daisy na ganito ka-shameless si Kent James! At this point, kaya pa rin niyang magsalita ng ganyan sa harap niya, na parang wala lang?This time, tumingin si Daisy ng diretso kay Kent. First time niya in all these years na ginawa ‘yon. Dati, lagi siyang nakayuko, laging humble sa harap nito. Pero ngayon… ayaw na niyang yumuko.Huminga siya ng malalim at kalmado niyang sinabi,“Kent James, I don’t like you anymore. Ayoko na sa’yo. Gusto ko lang ng divorce, at kukunin ko pabalik kung ano ang para sa akin. Si Sydney, babae siya at mahina ang katawan. Kung ayaw mo sa kanya, fine, I won’t force you. Ang hiling ko lang… maghiwalay na tayo. Mag kanya kanya na lang tayo.”Hindi maintindihan ni Kent ang sinasabi niya. Nag-iba ang expression nito, at litong-lito habang nakatingin sa kanya.“Ginagawa mo lang lahat ng ‘to para makasama pa rin ako, ‘di ba? Where do you get the audacity? How dare you talk to me like this?”Napangisi sɪ Daisy nang marinig ‘yon.
Kabanata 41Pearl's face was pale, her delicate features twisted in hatred. Sa likod ng kanyang mga luhang parang perlas, ay isang halimaw na matagal ng nakakulong sa loob niya. At ngayon… ay handa na siyang pakawalan ito.She clenched her fists so tightly that her nails dug into her skin, but she didn’t even feel the pain. Ang tanging nasa isip lang niya ay si Daisy, ang babaeng paulit ulit na pumipinsala sa mga plano niya, ang babaeng nakahadlang sa matagal na niyang pinapangarap na posisyon sa tabi ni Kent James."Kung mawala si Daisy… kung mawawala siya, ako na lang matitira. Ako lang ang mamahalin ni Kent James at ako lang ang papansinin niya." aniya habang naka kuyom ang mga kamay.“Good.” Shawn smirked, his eyes glinting with malice. “Sa wakas, tinanggap mo na kung anong dapat gawin. Hayaan mo akong maglinis ng daan para sa’yo.” sabi sa kanya ni Shawn.“Shawn…” she whispered, her voice trembling, pero hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik sa gagawin nito para sa babaeng
Kabanata 40“Ano ba talagang nangyayari?!” tanong ng isa sa mga board of directors ng Hernandez group.“Umalis na lang siya nang hindi man lang nagpapaliwanag. Hindi ba’t sobrang iresponsable nun?” singit naman ng isa pang may share sa kumpanya.“Secretary Ben, magsalita ka naman!” tanong nila kay secretary Ben.Mag isa lang na nakatayo si Secretary Ben sa loob ng conference room kasama ang mga share holders ng kumpanya, halatang kawawa at inosente. Pero ano nga ba ang sasabihin niya? Wala. Wala siyang masabi. Hindi niya kayang ikwento ang totoo sa mga ito at hindi pa rin niya tapos buuin ang kasinungalingan na gusto sana niyang gamitin. Kaya sa huli, nanahimik na lang siya.Lalo namang dumilim ang mga mukha ng lahat nang makita nila ang pananahimik ni Secretary Ben. Parang gusto na nila siyang lamunin ng buo. Pero kahit ganun pa man, may natitira pa rin silang kunting awa at konsensya, dahil pare pareho lang naman silang empleyado ng kumpanya. Pero sino ba ang totoong may karapatan p
Kabanata 39Ngayon, si Daisy na ang may hawak ng pinakamalaking shares sa buong Hernandez Group. Maliban kay Kent James, siya ang may pinakamataas na posisyon sa kumpanya kaya natural lang na sa kanya mapunta ang upuan na ito!Pero biglang sumingit ang isang lalaki na solid na supporter ni Kent James. Natawa ito nang may halong pang-aasar at nagsalita nang malakas para marinig ng lahat“Sino ka ba? Isa ka lang namang hamak na babaeng bahay na nag-aalaga ng bata at naglalaba ng damit! Akala mo ba, porke’t may hawak kang ilang shares, kaya mo ng kontrolin ang lahat?” Sadya niya iyong binanggit para insultuhin siya sa harap ng iba. Oo, mahalaga ang shares, pero mas mahalaga raw ang kakayahan. Para sa karamihan, kaya lang lumaki at naging matagumpay ang Hernandez Group ay dahil kay Kent James. Kaya’t sa puso ng mga tao, si Kent James pa rin ang tunay na lider.Para sa kanila, si Daisy ay isang simpleng asawa lang, tahimik at para lang sa bahay. Ayos na sana kung magkulong na lang siya sa
Kabanata 38“Hindi mo na kailangan magsabi ng sorry, hintayin mo na lang ang sulat ng aking abogado.” Hindi man lang siya nilingon ni Nick ang reporter, at dumaan lang at tuloy-tuloy na umalis.Tinignan ni Daisy ang babae na may awa at ngumiti:“Miss, kung may oras ka, mas mabuti sigurong tingnan mo kung ano ang kalagayan ng mga legal affairs ng pamilya Suarez.” Pagkasabi nito, mariin niyang isinara ang pinto!Ngayon, lubos nang nawala ang mukha at dignidad ng pamilya Hernandez at ang kanilang paglaban ay naging isang malaking kalokohan.Hernandez Group, Public Relations Department.“Paano ba kayo nagtatrabaho!”“Mga walang kwenta!” Wala na ang dati niyang kalmadong anyo, madilim ang mukha ni Kent at malakas niyang ibinagsak ang hawak na dokumento sa mesa. Tahimik ang buong public relations department! Lahat sila labis ang pagkadismaya, lalo na’t hindi nila inasahan na aabot sa ganito. At higit sa lahat, trabaho lang nila ang PR, hindi sila mangkukulam. Ang lahat ng immoral na bagay n