Share

Kabanata 3

Penulis: Annewrites
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-19 14:44:43

Chapter 3

"Kasi gusto ka po talaga ni Mommy. Kahit hindi mo po ako gusto daddy, pwede po bang mahalin nyo si mommy kahit konti lang?" Nakangiti na sabi ni Sydney sa ama.

"Pwede po ba na maging mabait kayo kay Mommy sa susunod?" Mahina lang ang boses niya, at nakatingin siya sa kanyang ama gamit ang malaki at madidilim niyang mata. Bahagya namang gumalaw ang mata ni Kent. Tama nga ang hinala niya. Alam niya na hindi lang para sa bata ang ginawa ni Daisy.

"Ito ba ang itinuro sa'yo ng mommy mo?" malamig ang tono na tanong ni Kent, at may halong mapanghamon na ngiti.

"Hindi po!" mabilis na umiling si Sydney, sa ama. At syempre, hindi naniniwala si Kent sa sinabi ng bata. Kaya Medyo nanlabo ang mata nito.

Nararamdaman naman ni Sydney na parang napasama ang sinabi niya at nag iba ang mood ng kanyang ama, pero alam din niya sa sarili niya na katulad siya ng prinsesang sirena na hindi magtatagal ang buhay. Kahit sinasabi ng mommy niya na gagaling na siya, alam ni Sydney sa puso niya na malala ang sakit niya. Pero umaasa siyang balang araw ay magiging bula siya at babalik sa dagat. At sana, pag dumating ang panahon na yon, ay may magmamahal na sa mommy niya.

Tumayo si Sydney at naglakad sa malambot na karpet papunta sa maliit na bookshelf, at kinuha ang isang notebook.

“Daddy, gusto ka po talaga ni Mommy. Tignan n’yo po ito, makikita n’yo sa loob kung gaano niya po kayo kamahal.” Sandaling natigilan si Kent at tumingin sa mga mata ng bata na puno ng pag-asa. Kinuha niya ang notebook na nakabalot ng isang balat at halatang luma na.

“Kailangan niyo po talagang basahin yan.” nakangiting sabi ni Sydney. Alam naman talaga ni Kent na gusto siya ni Daisy. Kahit wala itong sinasabi, alam na niya, kaya tinamad na siyang buksan pa ang diary.

“Hmm,” walang ganang sagot niya.

Pagbalik ni Daisy sa loob ng kwarto ng anak ay dala na niya ang gatas nito, pinainom niya iyon kay Sydney hanggang sa mahimbing na itong nakatulog. Maingat na inaalalayan ni Daisy si Kent palabas sa kwarto.

"Bukas ng umaga, ikaw mismo ang maghatid kay Sydney sa school. Hindi mo na rin kailangan matulog sa guest room. Ako na lang ang matutulog doon." Sabi ni Daisy ng masara ang pinto at medyo nakalayo na sila.

“Bakit, plano mo na naman bang sumiksik sa kama ko mamayang gabi?” saad naman ni Kent at malamig na ngumiti. Ang mga salita na sinabi ni Kent na nag pamutla ng mukha ni Daisy. Para siyang ibinabad sa suka ng marinig niya ang sinabi ni Kent at naalala ang ginawa niya.

Noong bagong kasal pa lang kasi sila, ay totoong nakagawa siya ng ganoong kalokohan. Kahit na utos iyon ng ama ni Kent, ay sariling kagustuhan niya din iyon. Pero sa paglipas ng panahon, napagtanto na rin niya na mali ang lahat ng yon.

“Huwag kang mag-alala, hindi na ‘yon mauulit.” mahinang sabi ni Daisy at kinagat ng mariin ang ibabang labi

“Sana nga.” malamig na sagot ni Kent

Alam ni Daisy na hindi siya nito pinaniniwalaan, pero wala na rin man siyang obligasyong magpaliwanag dito. Ang nararamdaman niya noon para kay Kent ay unti-unti ng nawala sa paglipas ng panahon. Hindi na niya ito mahal.

Biglang tumunog ang cellphone ni Ket, at malinaw na makikita sa screen ang pangalan ni Pearl.

Tahimik siyang lumayo, at mula sa likuran niya ay narinig niya ang mababa, malambing, at banayad na boses ni Kent ng sagutin nito ang tawag.

“Pearl..”

“Oo. Hindi muna ngayong gabi.”

“Magpahinga ka nang mabuti.” Ang puso ni Daisy ay kasing tahimik na ng tubig at wala na siyang nararamdaman.

Kinabukasan ng umaga, si Daisy ang naghanda ng mga gamit ng anak niya papasok sa school, habang nakatayo naman si Kent sa Isang tabi at pinapanood siya.

Tumayo si Daisy at natural na iniabot kay Kent ang tumbler at bag ng bata. Ngunit tiningnan lang ni Kent ang kulay pink na tumbler at pink na backpack at medyo nakataas ang kilay niya.

Aabutin na sana ito ng secretary ni Kent pero pinigilan iyon ni Daisy.

“Kent, ikaw ang magdala nito” Mas naging komplikado ang tingin ni Kent, pero tinanggap pa rin niya iyon.

Ang secretary ni Kent, na sanay makita ang boss niya na laging seryoso at walang emosyon, ay napangiti siya dahil sa kanyang nakikita habang nakahawak ito sa dalawang pink na gamit, para itong bagong ama na dala ang gamit ng anak niya. kaya napangiti na lang siya.

Masaya naman si Sydney sa nakikita niya. Sa tuwing nakikita niya ang ganito kasing eksena ay napakasaya na niya. Dati sa TV lang niya ito napapanood. Pero ngayon, nandito na ang mommy at nandito rin ang daddy niya, ang saya-saya ng pakiramdam niya.

“Kumain ka ng maayos at mag-aral kang mabuti.” Sabi ni Daisy sa anak at hinalikan ito sa noo. Pagkatapos nun ay tumingin siya kay Kent

“Ikaw na ang bahala kay Sydney.” aniya kay Kent na nakatingin sa kanilang mag ina. Agad namang tumango sa kanya ang lalaki.

“Khym, kontakin mo ang major shareholder ng kumpanya at sabihin mo na magkaroon tayo ng meeting sa HGC sa loob ng kalahating oras.” utos ni Kent sa kanyang secretary.

“Sige po sir.” Muling naging propesyonal si Secretary Khym, tumakbo siya para buksan ang pinto ng kotse para makapasok si Sydney. Sabay naman na sumakay sa kotse ang mag-ama. Habang si Daisy ay tahimik lang na pinapanood ang papalayong sasakyan.

Habang sa loob ng sasakyan ay sandaling tumahimik ang mag ama. Hindi naman nag uusap ang mag-ama, kaya pati ang sekretarya ni Kent ay medyo nabibingi na sa katahimikan. Pero ang hindi alam ni Kent, para kay Sydney ang mga oras na iyon, ay sapat na at masayang-masaya na siya basta makasama lang ang daddy niya. Nagsimula siyang ma-excite para sa bukas, at sa mga susunod na araw, at higit pa. Ang pakiramdam ni Sydney ay naging sakim siya sa saya. Biglang tumingin si Sydney kay Kent nang may inaasahan sa mga mata niya.

“Bakit?” takang tanong ni Kent sa kanya.

“daddy… mamaya paglabas ko sa school pwede po ba kayong sumundo sa’kin? Okay lang po kung busy kayo…” mahinang saad ni Sydney, sa ama na may pag aasam at umubo saglit ng kaunti. Habang nagsasalita siya, unti-unting humina ang boses niya. Dahil hindi siya siguro sa sagot ng ama..

Medyo nangitim naman ang mata ni Kent. Matapos ang nangyari kahapon, hindi na niya talaga gaanong kinaiinisan ang bata. At saka, nangako na rin siya kay Daisy na susubukan niyang maging ama kay Sydney. Wala naman sigurong masama kung susunduin niya ito.

“Anong oras matatapos ng klase mo?”

“Alas kwatro medya po!” masayang sagot ni Sydney at biglang lumiwanag ang mukha ni niya.

“Sige,” sagot ni Kent

Pakiramdam ni Sydney para siyang binalot sa malambot na bulak. Kung panaginip lang ang sandaling ito, ayaw na niyang magising. Ngumiti siya nang matamis at nasilayan ni Kent ang ngiting iyon. Medyo naging komplikado ang itsura niya at may halong pagiging awkward.

Kung hindi lang anak ito ni Daisy siguro magugustuhan niya talaga ang batang ito.

Paghatid kay Sydney sa school, Pagkapasok pa lang niya sa classroom, hindi niya mapigilan ang sobrang tuwa kaya nagpadala siya ng voice message sa mommy niya sa kabilang linya.

“Mom! Alam mo ba, sabi ni daddy siya raw ang susundo sa’kin mamaya!” Punong-puno ng pagmamalaki ang boses niya, at sinadya pa niya itong lakasan para marinig ng mga kaklase niya. Napalingon tuloy ang ibang bata sa kanya.

“Sydney totoo ba? Susunduin ka ng daddy mo mamaya?” Curious na tanong ng isang batang babae.

“Syempre naman!” may pagmamalaki na sagot niya at tumango sa bata.

“Ang saya mo naman~” sabi ng batang babae habang nakangiti, masaya rin ito para sa kanya. Kasi noon, sinasabi ng ibang kaklase nila na si Sydney ay walang daddy. Ngayon, wala nang mang-aasar sa kanya o magsasabing wala siyang ama. Lalo tuloy naging excited si Sydney, para sa uwian nila.

“Mom! Alam mo ba, sabi ni daddy siya raw ang susundo sa’kin mamaya!” pinakinggan ni Daisy ang masayang boses ng anak ng makita niya ang pinadala nitong voice message sa kanya.

Hindi niya napigilang ang pag lambot ng kanyang mga mata at bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi dahil sa ngiti, pero kahit ganun ay may kurot pa rin sa puso niya. Sa natitirang oras na buhay ng anak niya, gusto lang niyang mapasaya si Sydney hangga’t kaya niya. Basta masaya si Sydney ay handa siyang gawin ang kahit ano.

“O sige, hindi na ako susundo ngayon ha. Go go, Sydney!” masaya rin siyang nag padala ng voice message sa kanya anak.

Binuksan ni Daisy ang kanyang social media accounts at agad niyang nakita sa feed niya ang unang post na galing sa secretary ni Kent. Nasa picture ang isang pares ng pink na diamond earrings, at ang caption:

“Pinahanap talaga ni CEO itong hikaw na ‘to! Isa na namang araw na kinaiinggitan si ma'am Pearl. Ang daming mayaman sa mundo… sana naman may isa man lang na para sa akin! T_T”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 43

    Kabanata 43Para kay Daisy, hindi talaga maganda ang mga class reunion. Lalo na ngayon na siya ang sentro ng intriga sa internet, ayaw na ayaw niyang mapalibutan ng mga taong puro tanong lang ang ibabato sa kanya.Nang makita siya ni Nick na parang nag-aalangan, agad niyang nahulaan kung ano ang iniisip nito.“Hindi ‘to class reunion,” sabi nito habang nakangiti. “Babalik lang tayo para makita sina Teacher at si Principal. Ang dami nilang naging malasakit sa’yo nung nasa school ka pa. Ayaw mo ba silang makita ulit?”Kung tutuusin, mas naging awkward pa dahil nabanggit niya iyon. Naalala niya tuloy na noong gusto ko magpakasal, tutol na tutol si Teacher Riza. Sabi nito, sayang daw ang galing niya sa trabaho kung pakakasal lang siya agad.Pero noon, si Kent James lang talaga ang nasa puso’t isipan niya. Gusto niya lang maging asawa nito, buong puso. At ang ending, napahiya siya nang ganito, naging asawa nga siya, pero ganito ang kalagayan.“Si Teacher Riza hindi na niya ako magpapatawad

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 42

    Kabanata 42Hindi talaga in-expect ni Daisy na ganito ka-shameless si Kent James! At this point, kaya pa rin niyang magsalita ng ganyan sa harap niya, na parang wala lang?This time, tumingin si Daisy ng diretso kay Kent. First time niya in all these years na ginawa ‘yon. Dati, lagi siyang nakayuko, laging humble sa harap nito. Pero ngayon… ayaw na niyang yumuko.Huminga siya ng malalim at kalmado niyang sinabi,“Kent James, I don’t like you anymore. Ayoko na sa’yo. Gusto ko lang ng divorce, at kukunin ko pabalik kung ano ang para sa akin. Si Sydney, babae siya at mahina ang katawan. Kung ayaw mo sa kanya, fine, I won’t force you. Ang hiling ko lang… maghiwalay na tayo. Mag kanya kanya na lang tayo.”Hindi maintindihan ni Kent ang sinasabi niya. Nag-iba ang expression nito, at litong-lito habang nakatingin sa kanya.“Ginagawa mo lang lahat ng ‘to para makasama pa rin ako, ‘di ba? Where do you get the audacity? How dare you talk to me like this?”Napangisi sɪ Daisy nang marinig ‘yon.

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 41

    Kabanata 41Pearl's face was pale, her delicate features twisted in hatred. Sa likod ng kanyang mga luhang parang perlas, ay isang halimaw na matagal ng nakakulong sa loob niya. At ngayon… ay handa na siyang pakawalan ito.She clenched her fists so tightly that her nails dug into her skin, but she didn’t even feel the pain. Ang tanging nasa isip lang niya ay si Daisy, ang babaeng paulit ulit na pumipinsala sa mga plano niya, ang babaeng nakahadlang sa matagal na niyang pinapangarap na posisyon sa tabi ni Kent James."Kung mawala si Daisy… kung mawawala siya, ako na lang matitira. Ako lang ang mamahalin ni Kent James at ako lang ang papansinin niya." aniya habang naka kuyom ang mga kamay.“Good.” Shawn smirked, his eyes glinting with malice. “Sa wakas, tinanggap mo na kung anong dapat gawin. Hayaan mo akong maglinis ng daan para sa’yo.” sabi sa kanya ni Shawn.“Shawn…” she whispered, her voice trembling, pero hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik sa gagawin nito para sa babaeng

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 40

    Kabanata 40“Ano ba talagang nangyayari?!” tanong ng isa sa mga board of directors ng Hernandez group.“Umalis na lang siya nang hindi man lang nagpapaliwanag. Hindi ba’t sobrang iresponsable nun?” singit naman ng isa pang may share sa kumpanya.“Secretary Ben, magsalita ka naman!” tanong nila kay secretary Ben.Mag isa lang na nakatayo si Secretary Ben sa loob ng conference room kasama ang mga share holders ng kumpanya, halatang kawawa at inosente. Pero ano nga ba ang sasabihin niya? Wala. Wala siyang masabi. Hindi niya kayang ikwento ang totoo sa mga ito at hindi pa rin niya tapos buuin ang kasinungalingan na gusto sana niyang gamitin. Kaya sa huli, nanahimik na lang siya.Lalo namang dumilim ang mga mukha ng lahat nang makita nila ang pananahimik ni Secretary Ben. Parang gusto na nila siyang lamunin ng buo. Pero kahit ganun pa man, may natitira pa rin silang kunting awa at konsensya, dahil pare pareho lang naman silang empleyado ng kumpanya. Pero sino ba ang totoong may karapatan p

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 39

    Kabanata 39Ngayon, si Daisy na ang may hawak ng pinakamalaking shares sa buong Hernandez Group. Maliban kay Kent James, siya ang may pinakamataas na posisyon sa kumpanya kaya natural lang na sa kanya mapunta ang upuan na ito!Pero biglang sumingit ang isang lalaki na solid na supporter ni Kent James. Natawa ito nang may halong pang-aasar at nagsalita nang malakas para marinig ng lahat“Sino ka ba? Isa ka lang namang hamak na babaeng bahay na nag-aalaga ng bata at naglalaba ng damit! Akala mo ba, porke’t may hawak kang ilang shares, kaya mo ng kontrolin ang lahat?” Sadya niya iyong binanggit para insultuhin siya sa harap ng iba. Oo, mahalaga ang shares, pero mas mahalaga raw ang kakayahan. Para sa karamihan, kaya lang lumaki at naging matagumpay ang Hernandez Group ay dahil kay Kent James. Kaya’t sa puso ng mga tao, si Kent James pa rin ang tunay na lider.Para sa kanila, si Daisy ay isang simpleng asawa lang, tahimik at para lang sa bahay. Ayos na sana kung magkulong na lang siya sa

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 38

    Kabanata 38“Hindi mo na kailangan magsabi ng sorry, hintayin mo na lang ang sulat ng aking abogado.” Hindi man lang siya nilingon ni Nick ang reporter, at dumaan lang at tuloy-tuloy na umalis.Tinignan ni Daisy ang babae na may awa at ngumiti:“Miss, kung may oras ka, mas mabuti sigurong tingnan mo kung ano ang kalagayan ng mga legal affairs ng pamilya Suarez.” Pagkasabi nito, mariin niyang isinara ang pinto!Ngayon, lubos nang nawala ang mukha at dignidad ng pamilya Hernandez at ang kanilang paglaban ay naging isang malaking kalokohan.Hernandez Group, Public Relations Department.“Paano ba kayo nagtatrabaho!”“Mga walang kwenta!” Wala na ang dati niyang kalmadong anyo, madilim ang mukha ni Kent at malakas niyang ibinagsak ang hawak na dokumento sa mesa. Tahimik ang buong public relations department! Lahat sila labis ang pagkadismaya, lalo na’t hindi nila inasahan na aabot sa ganito. At higit sa lahat, trabaho lang nila ang PR, hindi sila mangkukulam. Ang lahat ng immoral na bagay n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status