CHAPTER 4
Mukhang nakalimutan ng sekretarya ni Kent na i-block siya sa social media. Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Daisy, pero wala man lang bakas ng emosyon sa mukha niya. Yung diamond earrings na na-deliver kahapon, ngayon nasa kay Pearl na. Ang bilis niya talagang kumilos, nakakabilib. Tama nga naman, dahil si Pearl ang totoong mahal ni Kent. Napangiti na lang ng bahagya si Daisy ng papatayin na sana niya ang cellphone niya. Nang biglang may dumating na message. “Daisy babalik ako sa bansa after ten days.” Itim ang avatar ng sender, na may initials na ( jyc) Matagal na itong nasa contact list ni daisy pero anim na taon na silang walang komunikasyon. Biglang bumigat ang paghinga ni Daisy, tumahimik lang siya, at hindi na nag reply sa nagpadala ng mensahe sa kanya. Alas-kwatro medya noon. Katatapos lang ni Kent sa isang mabigat na meeting. Nakalimutan na niya si Sydney kaya kinailangan pa siyang paalalahanan ng kanyang sekretarya. Sumakay agad siya sa kanyang business car papunta sa school ng bata. Habang hinihimas niya ang sintido niya dahil sa pagod. “Bilisan natin.” mababa at seryoso ang boses na utos niya sa driver. “Opo sir.” Agad naman na tumango ang driver. Ang plano sana ni Kent na kunin muna ang bata, at ihatid ito kay Daisy, bago siya pumunta sa bahay ni Pearl. Tahimik lang sa loob ng sasakyan nang biglang tumunog ang cellphone ni Kent. makikita sa screen ng cellphone niya ang pangalan ni Pearl. Bahagyang gumalaw ang mata ni Kent bago niya sinagot ang tawag. Narinig niya sa kabilang linya ang nanginginig na boses ni Pearl at halatang umiiyak, “Kent, mamamatay na si Erika, May bula na ang bibig niya. At sabi ng doktor, may malalang sakit siya sa katandaan at baka hindi na makaligtas ngayon...” Si Erika ay isang aso na alaga ni Pearl na regalo ito sa kanya ninKent noong birthday niya. Nang nagkahiwalay silang dalawa, si Erika ang naging kasama at tumulong kay Pearl para makaalis sa depression. Para kay Pearl, parang anak na rin niya si Erika, “Huwag kang matakot. Papunta na ako.” Bahagyang nagdilim ang mukha ni Kent, pero naging kalmado pa rin ang tono niya. “Hindi... bilisan mo, please,” nanginginig na ang boses ni Pearl, at halatang umiiyak na ng husto. “Baka hindi na siya umabot...” Halos bumigay na siya habang sinasabi ito. Bahagyang sumikip ang dibdib ni Kent. Habang pinapakinggan niya ang pag-iyak ni Pearl, bigla niyang naalala ang isang pares ng mga mata na puno ng pag-asa. Pero sa huli, ay mas nanaig ang pag-aalala niya kay Pearl kaysa sa batang si Sydney. Hindi daw mabubuhay si Pearl nang wala siya. “Sige, pupunta na ako d’yan.” “Lumiko ka. Punta tayo sa Santillan Hospital.” agad na utos ni Kent sa driver pagkababa niya ng tawag, “Opo, sir.” nagulat sandali ang driver pero agad din siyang sumagot. Kinuha ni Kent ang phone niya at nagpadala ng mensahe sa kanyang Secretary, pinakiusapan niya ito na ito na muna ang sumundo kay Sydney. Pagkatapos ay ibinaba niya ang kanyang cellphone, bahagyang dumilim ang tingin niya at tiningnan ang strawberry cake na inihanda pa mismo ng sekretarya niya para sa bata. Pumikit na lang siya, dahil ayaw na iyong tingnan pa. Habang si Sydney naman ay nakatingin sa langit habang unti-unting umuulan. Malamig ang hangin at dumadampi ito sa kanya. Namumutla na ang maliit niyang mukha dahil sa ginaw. Lahat ng kaklase niya ay nasundo na. Pati yung huling batang babae na umalis, na patanong pa sa kanya, “Sydney, di ba sabi mo susunduin ka ng daddy mo ngayon?” tanong sa kanya ng batang babae. “Sinungaling siya. Wala naman siyang daddy eh, Maniniwala pa kayo sa kanya kahit nagsisinungaling siya?” Biglang sabat ng batang lalaki at tumawa, Biglang nawala ang kumpiyansa sa mga mata ni Sydney at parang may bumigat sa dibdib niya. Pero wala siyang naisagot, kasi wala rin naman siyang patunay na totoong may daddy siya. Kasi ang ibang daddy ay dumadalo sa parent-child activities at parent-teacher meetings, pero ang daddy niya, ni minsan, hindi pa niya nakita. “Anong ba ang pinagsasabi mong bata ka? Pasensya na po, teacher.” saway ng ama ng batang lalaki at sabay alis. “Sydney, hindi ba susunduin ka ng daddy mo ngayon?” Lumuhod ang guro ni Sydney sa harap niya at tinanong siya. Gusto sanang sabihin ni Sydney na susunduin siya ng daddy niya. Ngunit baka kasi busy pa ito, at naging abala pa siya sa ama. “Teacher, si Mommy po ang susundo sa akin.” mahinang sagot niya at ngumiti sa teacher niya. “Sige, tatawagan ko siya,” mahinahong sagot sa kanya ng teacher niya. “Salamat po, teacher. Pasensya na po sa abala.” sabi niya at pinilit niya na itinatago ang lungkot sa kanyang mga mata. Nang makatanggap ng tawag si Daisy ng tawag mula sa teacher ni Sydney ay nagmamadali siyang pumunta sa school ng bata, malakas ang ulan. Malakas ang hangin at ulan kaya halos hindi niya madilat ang kanyang mata. Pagdating niya sa school ng bata ay hingal na hingal siya at nakita niya ang anak niyang na nakaupo sa isang sulok, habang nanginginig sa lamig. Sa sandaling 'yon, pakiramdam ni Daisy ay parang sinaksak ang puso niya at dahan-dahang dumugo. Naalala pa niya ang masayang boses ni Sydney kanina nang sabihin nito na ang daddy niya ang susundo sa kanya ngayon. Biglang umakyat ang dugo niya pataas at may lasa ng dugo ang lalamunan niya. "Sydney…" Pinunasan niya ang luha niya sa gilid ng mata at pinilit na ngumiti, Itinaas naman ni Sydney ang kanyang maliit na mukha, at nang makita ang mommy niya. Ang lahat ng lungkot at tampo niya sa ama ay naging mahina at malambing na boses, "Mommy." Sa murang edad ni Sydney, wala siyang sinabi o kahit ang magreklamo. Tinawag lang niya ang mommy niya ng mahinahon. Nang sandaling iyon ay nagsisi si Daisy. Kung hindi lang siya nagpupumilit na makasama si Kent, baka si Sydney ay isinilang sa isang pamilyang puno ng may pagmamahal at may isang ama na nagmamahal sa kanya at inang nag-aalaga. Lumapit siya sa anak at niyakap ito ng mahigpit. "Andito na si mommy, uuwi na tayo, huwag ka nang umiyak, baby." Tumango si Sydney, habang tahimik na umaagos ang luha niya sa pisngi. Umuwi na si Daisy kasama ang anak niya. Pagdating sa bahay, ay agad na nilagnat si Sydney dahil sa sobrang hina ng katawan nito. Hinawakan ni Daisy ang mainit na pisngi ng anak at sobrang sumakit ang puso niya. Napatingin si Daisy sa cellphone niya ng tumunog ito at nakita na tumatawag ang sekretarya ni Kent. Tinakpan muna niya kunot ang anak at lumabas ng kwarto. “Pasensya na po, Ma'am Daisy, May biglaang lakad si sir Kent, ngayon kaya pina-pasundo niya si Sydney sa akin. Kaso po abala ako sa mga dokumento at hindi ko agad nakita ang message niya. Ngayon lang ako nakarating sa school ni Sydney at nalaman kong kayo na po ang sumundo…” paumanhin na sabi nito mula sa kabilang linya, Ayaw na sana marinig pa ni Daisy ang paliwanag nito at naging matalim ang lamig sa mga mata niya. “Saan siya pumunta?” tanong niya nang kalmado pero sa malamig na boses. Natahimik saglit ang Sekretarya Kent sa kabilang linya. “Secretary Khym, bilang asawa ng CEO ng HGC ay may karapatan akong malaman kung nasaan ang asawa ko.” Malamig na saad ni Daisy dito. “May sakit daw ang aso ni ma'am Pearl at umiiyak siya na nakiusap kay sir Kent na pumuntahan siya. Kaya po... pumunta si sir Kent doon.” Walang emosyon ang mga mata ni Daisy. Ang anak niya, ay hindi man lang pinagkakaabalahan gaya ng aso ni Pearl. Nakakatawa! Muling naramdaman si Daisy ng lasa ng dugo sa lalamunan niya. “Mom…” Pagharap niya, nakita niyang lumalabas si Sydney mula sa kwarto, matamlay itong nakangiti kahit halatang nanghihina. “mom, huwag ka nang magalit kay Dad, please…” “Alam ko hindi niya sinasadya.” “Busy lang si Dad, at naiintindihan ko naman…” Sa sandaling 'yon, pakiramdam ni Daisy ay parang gumuho ang mundo niya. Umubo si Sydney ng malakas, pero lumapit pa rin ito sa kanya at niyakap siya. “Ma, ang gusto ko lang, masaya ka.” Nanginig ang ilong ni Daisy sa sobrang pigil ng luha niya.Kabanata 16"Ako ang ina ni Sydney. Walang ibang tao sa mundo na mas nagmamahal sa kanya kaysa sa akin. Paano ko naman siya isusumpa para mamatay!""Mas pipiliin ko pang ako ang mamatay!" Galit at desperado ang tawa ni Daisy. Ganito na siya ngayon, punong-puno ng sakit at pighati. Siguro dahil sobrang totoo ang lungkot at pagkabaliw sa mga mata ng babae, nagsimulang magduda si Ken sa sarili."Paano... nangyari 'to?""Syempre hindi mo alam! Ano ba ang alam mo? Minahal mo ba si Sydney kahit minsan? Naging mahalaga ba siya sayo? May cancer siya sa buto. Cancer sa buto!" Ang huling hiling lang ni Sydney ay makasama ang ama niya sa mga huling sandali ng buhay niya. Pero ikaw? Anong ginawa mo? Nakikipag ligaya ka sa babaeng ’yan sa tabi mo! Tiningnan ni Daisy ang mga taong nasa harapan niya na may matinding galit sa mata.Hindi na niya iniisip kung inagaw man ng iba ang lalaki niya, pero bakit? Bakit pati ama ng anak niya kinuha sa mga huling araw ni Sydney? Bakit pati huling pag-asa nila n
Kabanata 15Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya, ubos na ang lakas niya. Kaya kahit hindi siya sang-ayon sa nangyayari, wala na siyang nagawa. Hinayaan na lang niyang buhatin siya ni Ben mula sa sahig at isakay sa kotse. Sa buong oras na 'yon, ni hindi siya nagpupumiglas o tumanggi. Mahigpit lang niyang hawak ang lukot na litrato sa kamay niya.Ang anak niyang si Sydney, kawawang bata, ni minsan ay hindi naranasan ang pagmamahal ng ama habang nabubuhay, niyakap man lang, wala. Ngayon na patay na siya, nilalapastangan pa rin siya ng mga ito. Sino ba talaga ang hindi karapat-dapat ituring na tao?Hospital."Ah Kent, ayos lang talaga ako. Gasgas lang 'to. Umuwi ka na. Sa palagay ko hindi pa rin stable ang kalagayan ni Daisy. Medyo nag-aalala ako kay Sydney.""Kapag nagkamali ang matatanda, hindi dapat nadadamay ang bata. Anak mo pa rin si Sydney."Napa buntong-hininga si Pearl, ibinaba ang tingin at naramdaman ang sama ng loob.Tuwing naiisip niyang may anak si Kent sa ibang babae, h
Kabanata 14"Ah Kent, ikaw… anong ginagawa mo?"Naglakad papalapit si Pearl at hinarang si Kent na papunta na sana, habang nakatingin sa kanya na may halong sisi."Kahit ano pa man, babae pa rin si Daisy. Paano mo nagawang gawin 'to sa kanya?"Tumalikod siya, yumuko at tinangkang tulungan siDaisy na tumayo mula sa lupa.Bago mamatay si Sydney, ang hiling lang niya ay makasama ang tatay niya kahit ilang araw lang. Pero palagi na lang inaangkin ng babaeng ito si Kent, at dinala pa siya para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo ng gabi na na-confine si Sydney sa ospital.Tuwing nakikita niya ang babaeng ito, naaalala ni Daisy ang lungkot at sama ng loob ni Sydney, lalo na noong gabing namatay siya, habang 600,000 na fireworks ang pinaputok para lang sa kanya."’Wag mo akong hawakan!""Madumi ka!” Pinigilan ni Daisy ang kamay ni Pearl at pinilit tumayo gamit ang lahat ng lakas niya. Tumingin siya kay Pearl nang malamig at parang basura ang tingin niya rito.Dati, hindi niya sinisisi si Pea
Kabanata 13Pakiramdam ngayon ni Daisy, kung titingnan pa niya nang mas matagal ang lalaking nasa harapan niya, baka masuka na siya. Pakiramdam niya, para na rin niyang nilalapastangan si Sydney kung tititigan pa niya ito.Habang tahimik si Kent, sinamantala ni Daisy ang pagkakataon, binuksan niya ang pinto at pumasok. Bilang paraan ng pagpapakita ng inis, binagsak niya ang pinto ng malakas!Pagkasara ng pinto at paglingon niya, bumungad agad ang itim-at-puting litrato sa ibabaw ng mesa.Nasa larawan si Sydney, may nakakurbang kilay at nakangiting masaya.Kinuha ito noong Children's Day. Noong araw na ’yon, nag-perform si Sydney sa kindergarten at nanalo ng magandang pwesto. Sobrang saya niya kaya ang liwanag ng ngiti niya.Sadya talagang pinili ni Dsisy ang litratong ito noon. Gusto niya kasing maalala ng anak niya kung gaano siya kasaya, lagi siyang mukhang masigla at masaya.“Bahala na…”Dumulas si Daisy pababa sa pinto, tinakpan ang bibig gamit ang mga kamay, at muling tumulo ang
Kabanata 12Pagkagising niya kinaumagahan, basa na naman ang unan niya ng luha. Namumugto ang mga mata niya habang bumangon siya at binuksan ang kanyang cellphone.Ilang araw na niyang naka-off ang cellphone niya dahil sobrang lungkot niya at ayaw na muna niyang alamin ang kahit ano sa labas. Pero pag-on niya, agad siyang nakarinig ng tunog ng text message. Galing ito sa punerarya inaanyayahan siyang pumunta para asikasuhin ang mga papeles.Doon lang niya naalala na kahit nailibing na ang abo ni Sydney, marami pa palang kailangang ayusin na dokumento at sertipiko."Ayos lang. Pag natapos ko ’to, makakaalis na rin ako rito.""Sydney, sobrang miss ka na ni Mommy."Hinawakan ni Daisy ang pendant sa dibdib niya, at muling tumulo ang mga luha niya.Pinipilit niyang huwag masyadong malungkot, kasi alam niyang si Sydney, bago pa man ito mawala, iniisip pa rin siya at ayaw na ayaw siyang makita na malungkot.Pero hindi niya kaya. Kahit anong pigil niya, bumabalik pa rin ang lungkot. Sa tuwing
Kababata 11Kabanata 11Funeral parlor? Pagkarinig pa lang ni Kent ng dalawang salitang ‘yon, agad niyang binaba ang tawag.Grabe na talaga ang mga scam ngayon, naisip niya. Nagpapanggap pang galing sa funeral home. Wala na talaga silang konsensya!Maayos naman si Sydney niya. Bakit naman siya kailangan dalhin sa funeral home?Maya-maya, tumunog ulit ang telepono.“Mga magulang po ba kayo ni Sydney Hernandez? Kami po ay mula sa funeral home. Sana po makapunta kayo agad para kunin ang death certificate at ayusin ang cremation process ng anak niyo.” Hindi na nagdagdag pa ng ibang sinabi ang nasa kabilang linya at agad binaba ang tawag bago pa tuluyang magalit si Kent.Bawat salitang naririnig niya ay parang tinutulak siya sa hangganan ng pasensiya niya. Sobra na talaga!Ang babaeng ‘to, si Daisy wala na talagang matinong ginagawa! Para lang habulin siya, kaya niyang gawin ang kahit ano! Pati anak nila, idineklara ng patay?Anong klaseng ina ang gagawa nun?!“Ah Kent…” Sa momentong ‘yon