"Kaya mong sumakay?" Tanong sa akin ni Adonis. Nasa harap kami ng isang motor. Luma na ito pero halatang alaga.
"Hindi kaya ma-flat iyan kapag sumakay ako?" Tanong ko. Hindi dahil mataba ako mga besh ha! Siyempre ang lola ninyo first time sumakay ng motor. Tapos 'yung gulong ng motor niya, ang papayat. Nainggit tuloy ako sa gulong.
Tinaasan ko siya ng kilay nang bigla itong humagalpak ng tawa.
"Hindi," he said as he still laughing hard. Ginawa na akong katatawanan ng gago.
"Sakay na. Ihahatid na kita."
Alangan pa rin muli kong sinipat ang motor.
"Nandidiri ka ba? Sanay ka kasi sa kotse eh!" biglang naging seryoso ang lalaking ito! Mukhang nagtatampo.
"Hindi ako nandidiri! Eto nga sasakay na. Siguruhin mo lang na maiuuwi mo ako. Baka 'di pa tayo nakakalayo, pumutok na ang gulong mo!" pagalit kong sabi bago sumakay. Lumundo nang kaunti kaya napakapit talaga ako sa kanya. Natatawang binigay niya sa akin ang isang helmet na agad kong isinuot. Tinulak ko siya sa balikat.
"Tatawa-tawa ka diyan!"
Nasa ganoong kaming naghaharutan noong dumaan ang kotse ni Bryan sakay silang dalawa ni Crystal.
Sumipol ito."Woah, kawawa naman iyang sasakyan ninyo. Ingat na lang!" sigaw niya habang nilalagpasan kami.
Hindi kami umimik ni Adonis. Nagkatinginan lamang kami, tipid ko siyang nginitian. Pinaandar niya na ang motor .
"Kumapit ka." utos niya
Kahit hindi niya sasabihin kakapit talaga ako. Ayoko ngang mahulog.
Masakit kaya!Parang love lang, kapag hulog na hulog ka na may possibility na masaktan ka! Buti sana kung saluhin ka 'di ba?Sa awa ng Diyos, nakauwi naman ako nang ligtas. Walang isa mang gasgas . Kahit pa nga pinaglokoko ako ng kasama ko. Paano kasi, may times na binibilisan niya ang patakbo. Ayan tuloy, kapit na kapit ako sa kanya!
Parang 'di naman gusto, eh halos tumalon na ang puso ko sa kilig!
"Pasok ka muna," anyaya ko sa kanya kahit alam ko naman na tatanggi siya. Okay naman na hindi na kami magkunwari, wala naman nang ibang nakakakita sa amin.
"And we need to talk!" Seryoso niyang saad na nauna pang pumasok sa bahay.
Nakalimutan kong mag-uusap pala kami. Sign of aging mga beh!
Napatakbo ako bigla paloob ng bahay nang marinig ko ang isang sigaw."Ano'ng nangyari?" Humahangos kong tanong. Pero agad din akong napasimangot nang makita ko si mama habang nasa harap na ni Adonis , sinusuri at pinipisil-pisil ang katawan nito.
Naku mama, hindi ko pa nga napipisil iyan inunahan mo na ako!Padabog at halos lumindol sa bigat ang padyak ko palapit sa kanila. Hinila ko si Adonis mula kay mama at pinandilatan si mama."Ma?" I gave her " akin yan look"
"Anak? Bakit may guwapo kang kasama?"
Narinig kong tumawa si Adonis kaya siniko ko ito.
"Ma, doon lang kami sa kwarto ko may pag-uusapan kami." Hinila ko si Adonis patungo sa kuwarto ko.
"Bakit sa kuwarto mo anak? Pwede naman sa sala?" paghabol na tanong ni mama. Mas lalo ko tuloy siya pinandilatan ng mata.
"May istorbo kasi Ma!" Sabi ko na siya ang pinaparinggan.
Hinila ko si Adonis sa aking kuwarto. Sorry mga beh, aggresive ba? Landi ba tignan dahil sa kuwarto ko talaga dinala? Eh kasi rarape-in ko na talaga. Hindi na lasing at willing naman sumama eh.
Joke lang. Ayaw ko kasing marinig ni mama. Mahirap na 'di ba?
"Wow! gusto mo si Keanu Reeves?" tanong niya pagkapasok. Kasalukuyan kong sinasara ang pinto.
Dont worry, hindi ko nilock."Hindi halata! Nagtanong ka pa eh halos siya na laman ng dingding ko."
Napakamot siya sa ulo. Tapos naupo siya sa gilid ng aking kama kahit may couch naman.
"Anlaki ng kwarto mo, wala pa sa kalahati ng inuupahan ko." puna niya.
Tinitigan ko siya habang manghang pinagala ang tingin sa buo kong kuwarto. Pareho silang working student ni Cresh dahil hindi naman sila mayaman. Noong una ayaw kong maniwala, lalo na kay Cresh dahil napakakinis ng balat nito. Pero sa tinagal-tagal ng pagsasama namin, pinaniwalaan ko siya. Magtatatlong taon na kasing server ito sa isang coffee shop.
Bakit hindi ko siya kaklase ngayon? Lumipat kasi siya ng school na malapit sa trabaho niya. Si Adonis? Working student din nagcoconstruction kaya nga ganda ng katawan. Tapos ang bango-bango pa niya kahit ganoon ang trabaho niya.
Sarap amuy-amuyin"Ahem!"
Napatingin ako sa kanya. Napanguso ako habang nakangiti naman siya.
Nagtataka talaga ako na nag-iba ang ihip ng hangin. Last time, he was damn mad at me, iniignore pa niya ako na parang hindi kilala, parang utot lang ba, naamoy na't lahat ignore pa rin. Ngayon panay ang ngiti niya sa akin."Ano'ng plano mo?" I asked as I sit beside him.
He look at me in serious face.
"Ikaw?"
Napalabi ako. Ibalik ba sa akin ang tanong. Kung ako tatanungin, okay lang na magpanggap kami. Save na ako sa kahihiyan, may boyfriend pa akong gwapo. Kahit panggap lang 'di ba?
"Ewan ko sa 'yo?" kunwaring tampo effect ako. Baka effective, suyuin ako.
Nilaro-laro ko ang aking mga daliri.
Alam kong nakatitig lang siya sa akin.Narinig ko siyang bumuntong hininga."May plano ka?"
Hinampas ko na siya. Ako ba talaga magdedesisyon?
Napabuntong hininga rin ako."Do you want Crystal back?"
Kunot noo, tinignan niya ako ng masama. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?" Galit kong tanong ulit.
Nakita ko siyang tumango. Parang may tumusok sa puso ko.Mahal niya talaga si Crystal.
Nakaramdam ako ng inggit sa babae.Kailan kaya ako magkakaroon ng lalaking gaya ni Adonis na mamahalin ako nang gaya ng pagmamahal niya kay Crystal.Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob.
"Let's keep on pretending. You save me from kahihiyan, I save you from Bryan. It's a win-win situation," sabi kong nagpakunot lalo sa noo niya.
"At paano babalik si Crystal sa akin sa plano mo?" duda niyang tanong.
Wow ha! Wala siyang bilib sa akin.
"She will come back to you, I'm sure of that!"
"How?"
Ang kulit! Paano ko nasabing babalik sa kanya? It's a woman instinct. Nararamdaman kong mahal pa talaga siya ni Crystal. Her eyes never lie too.
Ewan ko kung ano dahilan niya para iwan si Adonis pero nasisiguro kong mahal pa niya si Adonis.Magkakabalikan ang dalawa kung patuloy kaming magprepretend.
Natulala ako sa isiping iyon."Huy!" Niyugyog ako ni Adonis dahil sa pagkakatulala ko.
"Ano?" Inirapan ko siya. Hindi pa niya inaalis ang kamay sa balikat ko.
"Paano nga?"
Gusto kong tumawa. Para lang siyang bata na naghihintay ng candy.
Cute niya sa lagay na 'to. Pero siyempre mas gusto ko yung Adonis na mature."Basta!" sabi ko.
Bigla na lamang niya akong kiniliti.
"Ayaw mo sabihin ah!"
"Tama na!, Adonis!" Sigaw ko.
Tumatawa akong sinasalag ang pagkiliti niya sa akin.
Nabuwal tuloy kami sa aking kama. At dahil patuloy siya sa pagkiliti, nadaganan ko siya ng kaunti."Anak huwag, ayaw kitang makulong!" Hysterical ang pagpasok ni mama sa aking kuwarto. May dala-dala itong tray nang meryenda.
Agad kaming umayos ng upo ni Adonis."What are you saying ma?"
"Anak, baka mapatay mo si pogi sa bigat mo. Nakadagan ka na." Over acting na reaction ni Mama.
Nahilamos ko ang kamay sa aking mukha.Humagalpak naman sa tawa si Adonis na lalong ikinabwisit ko.
Nanay ko talaga, wala sa ayos. Hindi siguro nakainom ng gamot sa pagkaloka-loka niya.
Tumayo ako. At hinatak patayo si Adonis."Umuwi ka na nga!" Pagtataboy ko.
Tinutulak ko na siya palabas ng bigla niya akong pinaikot at niyakap mula sa likod."Tita, boyfriend po ako ni Diozza."
Nanlaki ang mga mata ko sa pakilala niya. Pero mas malaki ang mata pati bunganga ni mama.
"Anong ginagawa mo?" Bulong ko. Habang si mama ay parang estatwang hindi pa rin gumagalaw.
"Pretending!" Bulong niya sa akin. Pero jusko po, anlapit ng bibig niya sa teynga ko.
Nakita kong gumalaw na si mama at nilapitan kami. Binitawan na rin ako ni Adonis mula sa kanyang pagkakayakap.
"Seriously? Bulag ka ba hijo?" She sway her hands on Adonis eyes.
I roll my eyes.
Grabe no? Magkakaboyfriend lang ng guwapo ang isang tulad ko, iisipin ng mga tao na ginayuma o kaya naman bulag.Wala na ba kaming karapatang magboyfriend ng guwapo?
Tsk, mapauwi na nga ang mokong na ito. Baka pa magkagulo.Pero infairness. Kinikilig ako.
Hindi ko inaasahan ang gesture niyang iyon. Kinikilig ako na hindi naman dapat!Pa fall talaga tong si Adonis
It's been three months simula noong tinakbuhan ko ang lahat at nagtago. Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko at medyo halata na ang umbok nito. Dahil nga mataba ako, ang nakaraang buwan ay para lamang baby fat iyon.Nasa parke ako ngayon at nagpapahangin. Malamig ang hangin dahil tagsibol dito ngayon sa Canada, kung saan ako napadpad. Nakapamasyal na kami dito noon ni mama, sa kanyang kapatid. Noong nagpaalam ako kay mama at papa ay agad nila akong pinayagan. Walang tanong-tanong. Binigyan ako ng pera at umalis ako na hindi sinasabi kung saan ako tutungo. I always contact them at sinasabing okay lang ako. Naki-usap ako sa kapatid ni mama na huwag sabihing naroon ako.Kaya lamang ay alam na nila na buntis ako. Kaya halos walang araw-araw akong kinukumbinsi bi maa na umuwi na. Paano nila nalaman? Iyon daw ay noong sumugod si Adonis makaraan ng isang linggo na pagkakawala ko. Sinabi ni Joseph sa kanya ang kalagayan ko.Akala ko pagtatakpan ni Joseph iyon, a
"I'm sorry, baby."Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. Hindi ko na alam kung ano ang inihingi niya ng sorry, o ayaw ko lang talaga alamin dahil alam kong masasaktan ako. Pero ayaw ko na talagang tumakbo. Kailangan ko harapin kung ano man ang nasa isipan ko.Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita."Kaya ba pinahihintay mo ako noon dahil sa kondisiyon ni Crystal?" gumaralgal ang boses ko dahil naiiyak na naman ako.Lumapit pa siya sa akin. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Ang aking pisngi ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso."I'm sorry dahil nasaktan na naman kita. Wala na akong ginawa kundi ang paiyakin ka," napapaos niyang saad habang hinahalikan ang aking ulo. "I told you to wait kasi gusto kong maging maayos muna ang lahat. Para hindi ka masaktan at para na rin hindi masaktan si Crystal. But then, I was a
Naglakad ako palayo. Pilit nagpapakatatag at pinipilit na huwag maiyak at huwag lumuha. Pero hindi ko iyon napigilan lalo na dahil wala man lamang Adonis na pumipigil sa akin. Hindi man lamang niya ako hinabol.Naririnig ko si Eula na sinasabihan si Adonis na habulin ako pero wala, hindi niya ginawa.Masakit! Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit. Napatigil ako sa paglalakad nang alam kong medyo malayo na ako sa kanila. Napakapit ako sa pader. Doon na lumabas ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.Hindi ako makahinga, ang sikip ng dibdib ko, lalo na noong maalala ko ang itsura ni Adonis nang makita ako. At ang imahe ng singsing na suot ni Crystal.Oo, bago ako tumalikod ay napukaw ng pansin ko ang daliri nitong mahigpit na nakakapit sa braso ni Adonis.I'm about to collapse nang may biglang umalalay sa akin. Napatingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang abong mga mata ng pinsan ni Adonis. Doon na tuluyang nagdilim an
On the job training is coming. From March to May ang training namin then ga-graduate na kami. Business Administration ang kurso namin dahil wala lang, trip lang naming mangbabarkada!Charotera! balak talaga naming magtayo ng restaurant na magca-cater ng healthy eating, healthy living. You know naman, sa side namin ni Mart na payatot at ako na Diozzang sexy fat mama!Sa loob ng restuarant ay may part naman na beauty products, peg naman iyon ni Mahinhin at sa taas naman ay Gym na peg ni Eula, kaya alam n'yo na kung bakit siya sexy!Sana lang talaga makagraduate kami, kasi naman panay absent ang inatupag namin sa nakaraang buwan.Katatapos lamang naming magfill-up ng mga forms for applying. Iniwan ako ng barkada dahil may mga lakad. As usual magkasama na naman si Mahinhin at Mart. Si Eula, kasama ni Bryan na mukhang may something din sa buhay.Inamin sa akin ni Bryan na ginamit niya lang ako
"Don't scare her!"Dumagundong ang boses ni Adonis habang pahigpit ang hawak niya sa kamay ko. May butil-butil na pawis ang namuo sa noo ko. Nararamdaman ko rin na namamawis ang aking kamay, kili-kili maging ang singit ko dahil sa tensiyon na namumuo sa aming apat.Tumahimik kasi bigla. Nakakabingi, na tanging ang malakas lang na kabog ng puso ko ang naririnig. Hindi ko na kaya, para akong matatae sa kaba. Hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil sa pagkakalukot nito."A-"gusto kong magsalita pero wala ni isang kataga ang lumabas doon. Muli, naiiyak ako dahil kinakabahan. Suminghot pa ako para pigilan.Bigla na lamang silang humagalpak ng tawa. Silang tatlo na ikinagulat ko at ikinakunot noo.Napalabi ako nang mapagtantong pinagti-tripan nila ako. Like! si Diozza ay kanilang biktima sa kadramahan!Padarag kong hinila ang kamay kong hawak ni Adonis habang namumula ako
Nagmukmok ako maghapon sa kuwarto. Mugto na ang mga mata ko at mahapdi na rin. Alam kong kanina pa umalis ang lalaking hindi ko man lamang nalaman ang pangalan. Basta pinsan siya ni Adonis. Pinsan niyang hindi boto sa akin.Hindi ko tuloy alam kung ano na ang paniniwalaan ko. Yesterday, I was very happy, may kapalit pala lahat ng iyon. Napupuno tuloy ng agam-agam ang ang utak ko. Mga tanong na ayaw ko sanang i-entertain pero pilit na nagsusumiksik sa isip ko.Alam ko sa sarili ko kung sino si Adonis. Kilalang-kilala ko na siya at alam kong totoo siya sa akin. Walang halong kaplastikan ang ipinapakita niyang ugali at pagmamahal.Ang problema ay ang pamilyang nakapalibot sa kanya. Kung sino ba sila? Kung anong magiging papel nila sa buhay naming dalawa ni Adonis.Si Crystal pa lang at ang nalaman ko ay problema na, ano pa kaya ang pamilya ni Adonis. Kung makikilala ko sila, paano ko sila haharapin, paano nila ako itururing.Naimagine ko tuloy, baka s