Share

Chapter Eighty Four

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-06-14 23:34:54

Habang pababa ng hagdan, napansin ni Nessa na naghihintay na sa sala si Selena. Agad siyang lumapit dito na waring may siglang dala sa tinig.

"Ito na, Selena. Pakisilip muna kung ito na lahat ng naiwan mong gamit," aniya, may ngiti sa labi pero tago ang panlilinlang sa bawat salitang bitawan.

Kinuha ni Selena ang kahon mula kay Nessa. Medyo mabigat ito kaya ibinaba muna niya sa ibabaw ng coffeetable upang suriin ang laman.

Nandoon ang apat na photo album, mga picture frame nilang tatlo nina Silas at Sofia, isang diary, at lumang music box ng kanyang ina. Matapos silipin ang mga laman, binitbit niya ang kahon at tuluyang lumakad palabas ng bahay.

Paglabas niya ng pinto, agad siyang nagtaka nang makita ang mga lalaking nakasuot ng itim na business suit na nakapalibot sa labas ng bahay. Sandali siyang napahinto, pinakiramdaman ang sitwasyon, bago muling lumakad. Ngunit bago pa siya makalayo, bigla na lang may humawak sa kanyang braso kaya nabitawan niya ang kahon.

Lumingon siya at nakita
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
AANC71320
advryunbfr
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Fifteen

    Ngunit bago pa tuluyang pumutok ang baril, isang malakas na paghablot ang sumunod. Napaatras si Heather nang biglang mahigpit na hawakan ni Axel ang baril, pinipigilan ang pagputok nito.Parehong napatigil sina Selena at Heather—gulat sa biglaang paglitaw ni Axel.“Axel!” sigaw ni Heather, pilit binabawi ang baril. “Ano’ng ginagawa mo?! Bitawan mo ‘ko!”Ngunit hindi gumalaw si Axel. Mahigpit ang kapit niya—at mas matindi ang babala sa kanyang mga mata.Dahil sa mahigpit na hawak ni Heather sa baril, pilit itong inaagaw ni Axel. Sa biglaang paghablot niya, muling nagmintis ang bala—at muli, hindi ito tumama kay Selena.Nakahinga nang maluwag si Selena nang mapansing buhay pa rin siya at hindi tinamaan.Sa gitna ng marahas na agawan nina Heather at Axel sa baril, narinig ni Selena ang papalakas na pag-iyak nina Asher at Samuel mula sa basket na hawak pa rin ni Heather.Mukhang nagising ang kambal dahil sa ingay ng sigawan at sa sunod-sunod na pagputok ng baril. Lalo pang tumindi ang kan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Fourteen

    “Ah—” napahagulhol si Selena sa matinding sakit, napahawak sa kanyang tagiliran habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Tahimik lamang siyang pinanood ni Axel. Sa likod ng malamig niyang ekspresyon, lihim na napakuyom ang kanyang kamao. Ang bawat hikbi ni Selena ay tila kutsilyong bumaon sa kanyang dibdib. Ngunit kailangan niya itong gawin—kailangan niyang saktan si Selena upang makumbinsi si Heather na wala na siyang balak suwayin ang mga gusto nito. Wala na siyang oras para magpaliwanag. Isang maling hakbang lang, at maaaring mapahamak ang mga anak nila. Kailangan muna nilang maging ligtas, mariing bilin ni Axel sa sarili. Ni siya man ay hindi tiyak kung hanggang saan kayang umabot ang kabaliwan ni Heather. Paano kung bigla nitong saktan sina Samuel at Asher? Tumalikod si Axel at naglakad palayo, nilampasan si Selena, diretso kay Heather. “Tara na, Heather,” malamig niyang sabi. Napangiti si Heather at tumango. “Sige. Tara na.” Ngunit bago tuluyang sumunod,

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Thirteen

    “Buhay ka pa pala,” natatawang sabi ni Klyde kay Heather.Tumaas ang kilay ni Heather. Kita sa mukha niya ang panunuya habang pinagmamasdan ang sinapit ni Klyde. “Naaawa ako sa ’yo, Klyde, pero nararapat lang naman ’yan sa ’yo.”Napangisi si Klyde. “Huwag kang mag-alala, Heather. Sasapitin mo rin ang kalagayan ko—maya-maya lang.”Nanginig ang buong katawan ni Heather sa sinabi ni Klyde. Sa namumulang mga mata niya ay bakas ang matinding galit.“Hinding-hindi ’yan mangyayari sa akin. Sa ’yo lang,” malamig niyang sagot.Pagkasabi nito, iniunat ni Heather ang kamay at walang pag-aatubiling pinaputukan si Klyde sa dibdib.Nabigla sina Selena at Axel sa ginawa ni Heather. Agad na napatingin si Axel kay Klyde at sinubukan pa itong agapan, ngunit nang suriin niya ang pinsan ay wala na itong buhay. Mababa na rin naman ang tsansa nitong mabuhay—masyado na itong nawalan ng dugo—kaya hindi na nakapagtataka na tuluyan itong namatay sa isa pang tama ng bala.Dahan-dahang binitiwan ni Axel si Klyde

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Twelve

    Muling naramdam ni Selena ang matinding takot nang itutok muli sa kanya ang baril. Dahan-dahan siyang tumayo, hindi inaalis ang tingin sa sandata.“Kahit patayin mo pa ako ngayon,” mariing sabi niya, may panunuya sa tinig, “nariyan si Axel para ipaghiganti ako. Kahit anong gawin mo, Klyde—si Axel at si Axel pa rin ang tunay na tagapagmana ng mga Strathmore. Hindi ikaw!”“Hindi! Hindi ’yan mangyayari!” galit na sigaw ni Klyde. Nanginig ang kamay niyang may hawak ng baril. “Pagkatapos ko sa ’yo, isusunod ko si Axel—at ang huli, ang mga anak ninyo!”Napangisi siya, tumatawang parang baliw. “Doon na kayo sa kabilang buhay magkikita-kita at magsasama-sama!”Tumawa si Klyde nang tila nawawala na sa sarili, nilulunod ng kasiyahan ang isipin na mawawala na ang sinumang maaaring maging sagabal o hadlang sa kanyang mga plano.Nang makita ni Selena na papindot na ang daliri ni Klyde sa gatilyo ng baril, napapikit na lamang siya at tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha.Ngunit sa halip na

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Eleven

    Matapos niyang gawin ang lahat ng kaya niya, sinuri niya ang pulso nito. Mahina—ngunit naroon pa.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Nessa. Puno ng takot at pagsusumamo ang kanyang mga mata.“Nessa… nakikiusap ako,” umiiyak niyang sabi. “Hayaan mo akong dalhin siya sa clinic. Gagawin ko ang kahit ano. Kahit ano, basta mabuhay lang siya.”Isang malamig at walang-awang tawa ang isinagot ni Nessa. “Sa tingin mo ba may pakialam ako?” aniya. “Ang gusto ko lang ay mawala ka.”Dinampot ni Nessa ang baril at muling itinutok kay Selena, idinidiin sa kanyang noo.“Magpaalam ka na.”Bago pa niya mapindot ang gatilyo, isang malakas na putok ang umalingawngaw.Nanlaki ang mga mata ni Selena.Sa harap niya, bumagsak si Nessa sa sahig at nanatiling hindi na gumagalaw.Nabalot ng katahimikan ang paligid—isang katahimikang mas mabigat kaysa sa ingay ng putok kanina. Nanatiling nakaluhod si Selena, nanginginig, habang unti-unting nauunawaan ang bigat ng lahat ng nangyari.Sa harapan niya, naki

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Ten

    Nang makita nina Selena at Tyler ang nakakaawang itsura ni Nessa—nakatiklop ang katawan na parang hipon at halos hindi makagalaw—nagpasya silang iwan ito at magmadaling magtungo sa clinic upang maagapan ang sugat ni Tyler dulot ng tama ng bala. Tahimik silang umikot at nagsimulang maglakad palayo.Tahimik ding pinanood ni Nessa ang paglayo ng dalawa hanggang sa may mapansin siyang bagay sa sahig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ito at agad siyang gumapang palapit.Isang baril.Saglit siyang nagtaka kung paano ito napunta roon, ngunit hindi na niya inaksaya ang oras sa pag-iisip. Agad niya itong dinampot at, kahit nanginginig ang kanyang mga kamay, mabilis na itinutok sa dalawang naglalakad palayo.Sumilay ang isang masamang ngiti sa kanyang mga labi.Pinindot niya ang gatilyo. Mabilis na lumipad ang bala patungo sa direksyon ni Selena. Dahil unang beses pa lamang humawak ng baril si Nessa, dumaplis lamang ang bala sa tagiliran ni Selena—ngunit sapat na iyon upang mapahin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status