Share

Chapter Eighty Five

Penulis: FourStars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-16 23:02:29

Ngayon ay naisakatuparan na ang plano ni Ricardo sa tulong ng anak niyang si Nessa.

Tiningnan niya ito nang may tuwa. “Maaasahan talaga kita, Nessa. Hindi kagaya ng nakakatanda mong ate na si Selena,” malambing ang tono kay Nessa pero may bahid ng pangungutya kay Selena.

“Syempre naman, Dad. Kahit ano gagawin ko para sa pamilya natin,” masayang saad ni Nessa, pero ang tunay na dahilan ng kanyang kasiyahan ay ang maaaring sapitin ni Selena sa kamay ni Nigel Giordano.

“Napakaswerte ko dahil may anak akong kagaya mo,” ani Ricardo sabay yakap kay Nessa, punung-puno ng pagmamalaki at kagalakan.

“Tara na’t pumasok na tayo. Ang ginaw dito sa labas,” aya ni Nadine.

Natutuwa rin si Nadine, dahil kitang-kita niyang tuwang-tuwa si Ricardo kay Nessa at higit sa lahat, wala na silang problema sa utang.

“Bukas lumabas tayo para kumain sa restaurant,” masiglang mungkahi ni Ricardo habang papasok sa bahay, hawak-hawak pa rin ang limpak-limpak na pera na ibinigay ng tauhan ni Nigel at binibilang ito h
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Seven

    Humigpit ang hawak ni Axel sa manibela, bakat ang mga ugat sa kanyang dalawang kamay. Mabigat ang dibdib niya, parang pinupunit, habang nakikinig sa sinapit ni Selena sa sarili nitong pamilya.“Hindi ko na mabilang kung gaano ako katagal nagtiis sa pagmamalupit nila sa ‘kin simula pagkabata. Ginawa ko naman ang lahat para bigyang-pansin ako ni dad…” anang tinig ni Selena, mababa ngunit puno ng hinagpis.Naalala pa niya ang bawat pagkakataong sumasali siya sa mga kompetisyon sa eskwelahan. Lahat ng iyon ginawa niya upang patunayan ang sarili. Pinagbubutihan niya hindi lamang ang pag-aaral kundi pati ang bawat laban, bawat pagsali sa anumang paligsahan, lahat para sa isang bagay. Ang makuha ang atensyon ng kanyang ama na si Ricardo.Pero anong naging kapalit ng lahat ng effort niya?Naalala niya ang isang insidente na hindi niya malilimutan.“Hindi ka na dapat nakikipag-agawan ng atensyon sa kapatid mo! Hinayaan mo na lang sanang manalo si Nessa! Wala namang kwenta ‘yang ginagawa mo!”M

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Six

    Ramdam ni Nigel ang biglaang pagbabago ng paligid, at nang lumingon siya, nakita niya ang madilim na ekspresyon ni Axel, tila’y may malamig na aninong nakatingin sa kanya.“Mr. Strathmore, may problema—”Bago pa matapos ang sasabihin ni Nigel ay bigla itong bumagsak sa sahig, bagsak na parang tuod.Nag-blackout si Nigel sa biglaan at malakas na suntok ni Axel.Ilang saglit pa ay nagkamalay siyang muli. Masakit ang kanyang katawan, lalo na ang mukha na tila binasag ang panga niya. Duguan ang kanyang ilong at masakit ang panga. Pinunasan niya ito gamit ang manggas ng kanyang coat habang tinutulungan ng tauhan na makatayo.“Anong ibig sabihin nito, Mr. Strathmore!?” galit ngunit halatang takot na tanong ni Nigel.Hindi pa rin nawawala ang nakakatakot na ekspresyon ni Axel. Halos umuusok sa galit ang boses nito.“‘Yan ang dapat kong itanong sa’yo, Mr. Giordano. Bakit kasama ng mga tauhan mo ang misis ko?”Nanigas ang buong katawan ni Nigel. Hindi makapaniwala sa narinig.“Misis?!” bulalas

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Five

    Ngayon ay naisakatuparan na ang plano ni Ricardo sa tulong ng anak niyang si Nessa.Tiningnan niya ito nang may tuwa. “Maaasahan talaga kita, Nessa. Hindi kagaya ng nakakatanda mong ate na si Selena,” malambing ang tono kay Nessa pero may bahid ng pangungutya kay Selena.“Syempre naman, Dad. Kahit ano gagawin ko para sa pamilya natin,” masayang saad ni Nessa, pero ang tunay na dahilan ng kanyang kasiyahan ay ang maaaring sapitin ni Selena sa kamay ni Nigel Giordano.“Napakaswerte ko dahil may anak akong kagaya mo,” ani Ricardo sabay yakap kay Nessa, punung-puno ng pagmamalaki at kagalakan.“Tara na’t pumasok na tayo. Ang ginaw dito sa labas,” aya ni Nadine.Natutuwa rin si Nadine, dahil kitang-kita niyang tuwang-tuwa si Ricardo kay Nessa at higit sa lahat, wala na silang problema sa utang.“Bukas lumabas tayo para kumain sa restaurant,” masiglang mungkahi ni Ricardo habang papasok sa bahay, hawak-hawak pa rin ang limpak-limpak na pera na ibinigay ng tauhan ni Nigel at binibilang ito h

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Four

    Habang pababa ng hagdan, napansin ni Nessa na naghihintay na sa sala si Selena. Agad siyang lumapit dito na waring may siglang dala sa tinig."Ito na, Selena. Pakisilip muna kung ito na lahat ng naiwan mong gamit," aniya, may ngiti sa labi pero tago ang panlilinlang sa bawat salitang bitawan.Kinuha ni Selena ang kahon mula kay Nessa. Medyo mabigat ito kaya ibinaba muna niya sa ibabaw ng coffeetable upang suriin ang laman.Nandoon ang apat na photo album, mga picture frame nilang tatlo nina Silas at Sofia, isang diary, at lumang music box ng kanyang ina. Matapos silipin ang mga laman, binitbit niya ang kahon at tuluyang lumakad palabas ng bahay.Paglabas niya ng pinto, agad siyang nagtaka nang makita ang mga lalaking nakasuot ng itim na business suit na nakapalibot sa labas ng bahay. Sandali siyang napahinto, pinakiramdaman ang sitwasyon, bago muling lumakad. Ngunit bago pa siya makalayo, bigla na lang may humawak sa kanyang braso kaya nabitawan niya ang kahon.Lumingon siya at nakita

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Three

    Hindi na nagsalita si Ricardo, ngunit bakas sa nanlilisik nitong titig ang hindi maitatagong inis kay Selena.Matapos itong pagsabihan at pakalmahin, muling bumaling si Nadine kay Selena. Nasa mga labi nito ang isang mapagkunwaring ngiti. “Selena, kamusta ka naman? Ngayong kasal ka na, siguro ay naninibago ka sa buhay may-asawa?”Umiling si Selena, payapa ang tinig. “Hindi naman. Mabait naman ang mister ko.”Nagkunwaring natuwa si Nadine. “Ay, mabuti naman kung gano’n. Si Silas, kamusta na ang batang ‘yon?”“Maayos naman,” sagot niyang walang gana, ayaw nang palawigin pa ang usapan.“May sarili ba kayong bahay na tinitirhan? Binibigyan ka ba ng asawa mo ng pera para sa araw-araw na gastusin? Lalo na ngayong buntis ka, kailangan mong mag-ipon ng panggastos sa ospital” sabat ni Ricardo, tila may halong pagsusuri ang tono.“Nakatira kami sa bahay ng asawa ko. Hindi ko na rin hinahawakan ang sahod niya kasi siya na ang nag-aasikaso ng lahat, mula sa groceries hanggang sa buwanang bayarin.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Two

    “Okay,” maikling tugon ni Nessa bago biglang pinatay ang tawag.Napakunot-noo si Selena, nagtataka. Inakala niyang hahaba pa ang usapan nila ni Nessa, pero basta na lang nitong pinutol ang tawag.Napakibit-balikat na lang siya, inilapag ang cellphone sa coffee table sa harap niya at nagpatuloy sa panonood ng telenobela.Ilang saglit pa, nag-vibrate muli ang cellphone niya. Kinuha niya ito at binuksan ang notification sa WhatsApp, nakatanggap siya ng mensahe.Pagbukas niya ng app, nanlaki ang mga mata niya. Biglang sumiklab ang kaba at takot sa dibdib niya nang makita ang ipinadalang larawan ni Nessa.Sa larawan, makikita ang kamay ni Nessa na may hawak na photo album at ilang mga litrato, nasa harap ng naglalagablab na apoy.Una’y gusto sana niyang balewalain, ngunit nang mapansin kung anong album iyon, bigla siyang nataranta. Kilala niya ang album na iyon, iyon ang lumang photo album ng kanyang ina na naglalaman ng mga litrato nila noon. Naroon din ang mga baby pictures ni Silas, kuh

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status