Mahigit isang oras nang naghihintay si Axel sa banquet hall, kasama ang piling bisita at ang buong Strathmore family. Maingat niyang pinili ang mga imbitado, siniguradong walang media outlet ang makakapasok upang ibalita ang kasal nila ni Selena. Inisip niyang baka ayaw lang nito ng labis na atensyon. Pero habang lumilipas ang minuto, unti-unting lumalakas ang pakiramdam niyang may mali. Tumingin siya sa kanyang relo. Halos kasabay nito, lumapit sa kanya ang assistant niyang si Russell bakas sa mukha ang kaba nang lumapit ito. “Mr. Strathmore…” mahina ang boses nito, ngunit ramdam ang bigat ng sasabihin. “Wala si Ms. Payne sa bridal suite niya.” Napakunoot ng noo si Axel. “Ano?” “Hinanap ko siya kahit saan pero wala. Kahit si Silas, wala rin sa katabing silid. Hinanap na namin silang dalawa sa buong hotel pero hindi namin sila nakita,” paliwanag nito, halos habol ang hininga at tumutulo ang pawis sa noo nito matapos magmadaling hanapin ang bride na biglang naglaho. Nagdil
At sa isang iglap, bumalik ang kanyang ulirat.“Sa tingin mo ba titigil na ‘ko porket hinalikan mo ‘ko?” nanginginig ang kanyang boses sa galit habang subod-sunod niyang pinalo ang dibdib ng lalaki.“Puwede bang kumalma ka muna?” bulong ni Axel, mababa ngunit mariin ang tono.“Hindi!” mariin niyang itinulak ito ngunit nanatili siyang nakakulong sa yakap nito.Naramdaman niyang bumuntong hininga si Axel muling nagsalita. “Gawin na muna natin ang kasal, pagkatapos nito, magpapaliwanag ako. Okay?”Tinitigan niya ito, pilit na hinahanap ang katotohanan sa mga mata nito. May sinseridad sa titig ni Axel, isang bagay na hindi niya inaasahan mula rito. Dahan-dahan siyang tumango bilang pagsang-ayon.Magkahawak-bisig silang lumabas mula sa waiting area.Ikinagulat ng mga bisita ang kanilang paglabas. Ilang tao ang nakatayo na, tila nagbabalak nang umalis, at narinig niya ang mahihinang bulungan mula sa paligid.Ngunit hindi nagpatinag si Axel. Wala itong pakialam kahit pa magsialisan ang ilan.
“Ay! Pasensiya na…” akward siyang natawa at mabilis na ibinaling ang tingin sa kanyang plato. Inilatag ng waiter ang pagkain sa kanyang harapan kaya nagsimula na siyang kumain. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya makalimutan ang presensya ng lalaki. May kakaibang awra ito. Ang tindig, ang itsura at ang kumpiyansa sa sarili. Sa isip niya, tila isang preview ang lalaki ng magiging itsura ni Axel kapag nagkaedad. Napabulong siya nang hindi namamalayan. “Siguradong magiging ganyan kaguwapo si Axel kapag nasa kuwárenta na siya… Mas lalong titindi ang appeal niya…” Hindi niya inaasahan na narinig pala siya ng lalaki. “Salamat sa compliment, pero mas guwapo ako sa anak ko noong kabataan ko,” sagot ng lalaki, may halong pagmamayabang sa tinig habang patuloy sa pagkain ng steak. Nanigas ang kamay niya sa pagkakahawak sa kubyertos. Dahan-dahan siyang napatingin sa may-edad na lalaki. “A-anak?” Kalmado lamang na kumakain si Axel na narinig din ang sinabi niya at ng kanyang ama
Doon biglang nagsalita ang lola ni Axel, si G*****a Strathmore. Kahit may edad na, hindi nawawala ang kanyang pagiging sopistikada at elegante. Sa kanyang presensya pa lang, agad nang nagkaroon ng katahimikan. “Tama na ‘yan, Abigail,” mahinahon ngunit puno ng awtoridad ang tinig nito. “Pero Mom…” nais sanang magdahilan ni Abigail, ngunit agad siyang pinutol ni G*****a. “Tama ang asawa mo,” mahinahong tugon nito habang marahang ibinaba ang tasa ng tsaa. “Nasa tamang edad na si Axel para magdesisyon para sa sarili niya. Dapat nating igalang ang kanyang pinili.” Saka iniangat ni G*****a ang tingin kay Selena, tinitigan siya ng ilang sandali bago muling nagsalita. “At isa pa, marunong kumilatis ang apo kong si Axel. Hindi ako nagkakamali roon.” Sa tono nito, hindi lang iyon isang pahayag, isa iyong kumpirmasyon ng pagtanggap. Kumpiyansa at puno ng tiwala ang tinig ni G*****a, kagaya ng tiwalang ibinigay niya kay Axel noong ipinasa niya rito ang buong Strathmore Group. Natahimik ang
Pinilit niyang makawala ang isang kamay at pilit na inaabot ang kanyang high heels. Nang mahawakan niya ito, hindi siya nagdalawang-isip. Sa isang mabilis na galaw, hinampas niya mismo ang matulis na takong sa gilid ng ulo ng lalaki. “Agh!” napaatras ito, hawak ang duguang sentido. Ngunit sa halip na umatras, lalo pang lumalim ang galit sa mga mata nito. Namula ang kanyang mga mata, nanlilisik, at mas delikado kaysa kanina. Sinubukan siya nitong sakalin pero mabilis niya itong pinalo muli ng high heels niya at mabilis na tumayo mula sa sahig. Nang maabot niya ang pinto ay mabilis niyang pinihit ang seradura nito. Duguan ang kanyang mga daliri sa sobrang lakas ng pagpihit, ngunit kahit makailang ulit niyang pihitin, hindi ito nagbukas. Nakasarado ang pinto mula sa labas Nang lumingon siya patalikod ay saktong nakaamba ang kamay ng lalaki sa kanyang leeg. Mabilis itong sumugod muli at sinubukang sakalin siya ulit. Napaatras siya, ngunit hindi sapat ang kanyang bilis, sa isang igla
Nang makauwi sila sa Crystal Lake Mansion, sinalubong sila ni Lucas. Halatang nagulat ang may-edad na butler nang makita sila nito.“Mr. Strathmore…?” may bahagyang pag-aalalang tanong nito, ngunit nanatili lamang na tahimik si Axel. Hindi niya iyon pinansin at mabilis na umakyat sa kanilang silid. Nakasunod agad sa kanya si Lucas.Pagdating sa kwarto, maingat niyang ibinaba si Selena sa kama. Nanatili pa rin itong walang malay, mahina ang paghinga.“Lucas,” malamig ngunit may bahid ng pag-aalala ang kanyang tinig. “Abangan mo ang pagdating ni Russell kasama ang doktor na ipinatawag ko.”Hindi na nagtanong ang may-edad na butler at agad na sumunod sa utos. Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik ito kasama si Russell at si Dr. Valeza.Pagpasok ng doktor, bumati ito kay Axel. “Magandang gabi, Mr. Strathmore. Congratulations nga pala sa kasal ninyo ni Mrs. Strathmore.”Hindi iyon pinansin ni Axel. Ang tanging sinabi niya ay, “tingnan mo si Selena. Gusto ko malaman kung maayos siya, pati
Naririnig niya ang malakas na boses ng isang babae mula sa sala. Napahinto si Selena at agad na tumayo. May masamang kutob siya. Pagdating niya sa pintuan ng dining hall, sumilip siya. At doon niya nakita si Heather, galit na galit, sinisigawan ang mga kasambahay. Walang nagsasalita, pero bakas sa mukha ng lahat ang init at pagkainis sa presensya ni Heather. Hindi nag-aksaya ng oras si Selena. Mabilis niyang inayos ang ekspresyon, itinago ang nararamdamang inis, at kalmadong lumapit. “Ms. Faulkner, ganyan ba ang tamang asal ng isang babaeng nagmula sa respetadong pamilya?” malumanay ngunit may diin niyang tanong, ang bawat hakbang ay may kumpiyansa. Napatingin si Heather sa kanta at agad na ngumisi, isang ngising puno ng pang-uuyam.. “Kung makapagsalita ka, akala mo naman kabilang ka na sa estadong ginagalawan namin, Ms. Payne.” Bahagyang tumawa si Selena, hindi natitinag sa panunuya nito. “Hindi mo kailangang maging sobrang defensive, Ms. Faulkner. Baka isipin ng iba ay ma
Bahagyang nagulat si Selena. “Saang eskwelahan siya pumapasok?” “Sa Regen Academy. Ang paaralang iyon ay pagmamay-ari ng Strathmore Group. Isa ito sa pinakamahusay na akademya sa bansa. Mataas ang kalidad ng edukasyon at higit sa lahat, mahigpit ang seguridad. Karamihan sa mga estudyante roon ay nagmula sa mga kilalang pamilya.” Saglit siyang natigilan. Kahit ang paaralan pala ay nasa ilalim pa rin ng pangalan ng mga Strathmore. Hindi na siya dapat nagulat, ngunit hindi niya maiwasang mamangha sa lawak ng impluwensya ng pamilya ni Axel. Muling bumalik ang tingin niya kay Lucas matapos niyang maupo sa malambot na sofa. “Maaari ba akong sumama mamaya kapag susunduin si Silas pagkatapos ng klase?” tanong niya. Tumango ang butler. “Siyempre, Mrs. Strathmore.” Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. Sa unang pagkakataon sa araw na iyon, nakaramdam siya ng gaan sa dibdib. Marahil ay dahil magkakaroon siya ng pagkakataong makita si Silas sa kanyang sariling kapaligira
Hindi pa rin nagbago ang madilim at malamig na ekspresyon ni Axel nang muling nagsalita. “Dala na ba ng edad mo kaya hindi mo narinig ang sinabi ko kanina?”Biglang umalab ang dugo ni Mikael sa ulo. “Hindi mo ako puwedeng pagsalitaan ng ganyan, tiyuhin mo ‘ko!”Bahagyang napailing si Axel, may halong ngisi sa labi. “Sa tingin mo ba, karespe-respeto ka?”Saglit na natahimik si Mikael. Halos pumutok ang ugat sa kanyang noo sa sobrang galit, ngunit walang lumabas na kahit isang salita. Tahimik niyang nilunok ang insulto.Samantala, agad namang tinulungan ni Eliza ang anak nilang si Klyde na makabangon at paupuin sa tabi niya, habang si Klyde ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.“Atticus,” ani Galatea, hindi maitago ang tuwa sa boses. “Magandang balita ito, hindi ba?” Mas lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang simpleng balita ay naging dahilan ng liwanag sa puso ng matandang babae, sapagkat sa kanyang isipan, may darating na bagong buhay na maaari niyang kargahin at mahalin.Napa
“Selena, hindi namin tanggap ang isang gaya mo,” sabi ni Mikael, matigas ang tinig. “Kung ipipilit mo ang gusto mo at ipagsisiksikan ang sarili mo kay Klyde, wala na kaming pagpipilian kundi paalisin ka ng Regenshire.”Ang mga salitang iyon ay tila mga pangil na tumusok kay Selena. Matapos matahimik ng ilang segundo, naramdaman niyang lumalalim ang galit sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay na magpakumbaba, lalo pa’t alam niyang walang siyang kasalanan sa lahat ito.Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang mag-asawa, walang bahid ng takot sa kanyang mga mata at pananalita.“Sa sobrang kitid ng utak na mayroon kayo, hindi na ‘ko nagtataka na ganyan ang asal ni Klyde.”Halos sumabog sa galit ang mag-asawang Mikael at Eliza. Mas lalo na si Klyde, na parang gusto siyang sakalin sa tindi ng inis.“Wala kang karapatang insultuhin kami!” buwelta nito. “Ikaw ang may nakakahiyang buhay dito! Nagdadalang-tao ka sa batang hindi mo alam kung sino ang ama! Isang araw pa lang ang nakakalipas nang
Nang lingunin ni Selena ang bagong dating, natigilan siya at hindi makapaniwala. Ganoon din ang reaksyon ng lalaki.“Selena?” mahinang usal ni Klyde, halatang hindi pa rin makapaniwala sa pagkakatagpo nila.Napalingon si Eve sa dalawa. “Magkakilala kayo?”Sumimangot si Selena at inalis ang tingin kay Klyde. Pinili niyang huwag magsalita, ayaw niyang makita o kausapin ang isang manloloko.Napansin iyon ni Klyde, dahilan upang kumunot ang noo nito. Si Eve naman, bagama’t gustong magsalita, ay nagdesisyong manahimik muna at mag-obserba.Napansin din ni Eliza ang tensyon. Gusto sana niyang mag-usisa, pero iba na lang ang sinabi. “Narito na si Klyde, pero wala pa rin si Axel. Siya ang nagpatawag sa atin dito pero siya ang wala,” halatang may bahid ng inis ang tono niya.Kalmado namang sumagot si Atticus, “Sigurado akong papunta na siya. Maghintay lang tayo.”Nagulat si Selena sa narinig. Hindi niya alam na pinapunta rin ni Axel ang buong pamilya ni Eve. Si Axel pala ang may pakana ng pagti
Agad siyang umakyat sa kwarto para magbihis, isang simpleng blouse at jeans ang pinili niya. Kaunting make-up lang ang inilagay sa mukha, sapat para hindi magmukhang pagod.Isinama niya si Silas na agad namang pumayag. Pagkatapos magpaalam kay Lucas, mabilis na pinaandar ni Eve ang sasakyan at sinimulan ang biyahe papunta sa Strathmore Manor.Mahigit isang oras din ang naging biyahe nila. Matatagpuan ang engrandeng mansyon sa labas ng siyudad, sa tabing-dagat at napapalibutan ng luntiang gubat at matatangkad na puno. Mula sa daan pa lang ay tanaw na ang mapayapang tanawin ng dagat at mga punong nagsisilbing harang mula sa ingay ng siyudad. Ito rin ang dahilan kung bakit dito napiling manirahan ng mag-asawang Atticus at Galatea.Huminto ang sasakyan sa harapan ng mataas na bakal na bakod. Sa di-kalayuan, tanaw na ang malaking mansyon at ang malawak na hardin na puno ng iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak. Nang pindutin ni Eve ang doorbell, kusa itong bumukas. Automated ang sistema n
Sa main headquarters ng Strathmore Group.Mabilis na lumakad si Russell papunta sa opisina ni Axel matapos mapanood ang isang viral video sa social media kung saan sangkot si Selena.Binuksan niya ang pinto ng opisina at tuluyang pumasok. Tumayo siya sa harap ni Axel na abalang nakaupo sa kanyang mesa.Napansin agad siya ni Axel at itinaas ang tingin. Kita sa mga mata nitong naramdaman ang tensyon sa kilos ng kanyang assistant. “Bakit?”Huminga nang malalim si Russell bago nagsimulang magsalita. “Mr. Strathmore, may kumakalat na viral video sa social media.”Tumaas ang kilay ni Axel. “At ano naman ang pakialam ko diyan?”“Sir… nandoon din si Mrs. Strathmore sa video. Kinompronta siya ng mga magulang niya, pati na rin ang stepsister niya, at…” huminto siya saglit, nag-alinlangang ituloy.“At ano?” malamig ang tono ni Axel, ngunit halatang gusto niyang marinig ang kabuuan.Napalunok si Russell bago nagpatuloy. “Sir, sinabi ng stepsister niya na aksidente lang daw ang pagkakabuntis kay M
“Selena, wala ka na bang natitirang delikadesa? Lalayasan mo si Dad kahit kinakausap ka pa niya?” bwelta ni Nessa, punong-puno ng panunumbat ang boses.“Kinakausap ka pa ni Tito Ricardo, matuto kang rumespeto. At isa pa, kailangan mong magpaliwanag sa kanila dahil sa mga naging maling desisyon mo,” dagdag pa ni Klyde na tila ba pinapangaralan siya.“Kinakausap ko ba kayo? Manahimik ang mga walang kinalaman,” mariing patutsada niya sa dalawa, may kasamang pag-irap.Halos sabay na kumunot ang noo nina Nessa at Klyde, halatang hindi natuwa sa tinanggap na sagot.“Bakit ganyan ka magsalita?!” sigaw ni Ricardo sabay turo sa kanya, halos nanginginig na sa galit. Hindi na nito kayang itago ang pagkainis sa ugali ni Selena. Ang anak na minsang masunurin sa kanya at tahimik, ngayo’y tila ibang tao na sa kanyang harapan.“Totoo naman ang sinabi ko,” sagot niya, malamig at walang bahid ng paggalang kahit pa halos pumutok ang ugat sa noo ng ama.Mabilis namang sumingit si Nessa. “Kaya ba ganyan k
"Mahirap lang ang pinakasalan ko," diretsong sagot ni Selena. Pinutol niya agad ang anumang imahinasyong nabubuo sa utak ng kanyang ama.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ricardo. Nanggalaiti siya sa narinig. Sa kabila ng galit, hindi mapigilang magtaka si Nadine."Selena, mahirap paniwalaan na isang mahirap na lalaki lang ang pinakasalan mo. Paano ka niya susuportahan kung wala siyang pera? At isa pa, ang ganda ng singsing mo. Napakakinang, talagang kakaiba ang disenyo," wika ni Nadine, hindi direkta pero pinahihiwatig na nagsisinungaling siya.Napansin din iyon ni Ricardo. Inobserbahan niya ang singsing ni Selena at nag-isip. "May punto ka. Ang ganda ng disenyo. At sa kulay pa lang ng singsing, hindi maikakailang mahalaga ito."Mabilis na hinila ni Selena ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ricardo."Ano bang pinagsasasabi niyo?" tanong ni Selena. "Peke ang singsing na 'to! Binili lang ng asawa ko 'to sa halagang $10. Kahit ang gemstone na nakadikit, peke!" patuloy niyang pagsis
Nanatiling nakatitig lamang si Selena, pilit itinatago ang panginginig ng kanyang kamay. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa matinding pagpipigil ng galit na patuloy na bumubulwak sa kanyang dibdib.Pilit niyang pinanatiling kalmado ang sarili. Bahagya siyang ngumiti, ngunit hindi naitago ang matalim na sarkasmo sa kanyang tinig."Kasama ba sa pag-aaruga niya ang pagmamaltrato niya kay Silas?"Hindi agad nakasagot ang dalawa. Ramdam niya ang bahagyang pagkailang nila kaya hindi siya nag-atubiling ipagpatuloy."At higit sa lahat," malamig niyang sambit, "akala mo ba, Tita Nadine, nakakalimutan ko ang nangyari noong ikatlong birthday ni Silas?"Natigilan si Nadine sa narinig. Kita sa mga mata nito ang takot at pagkabigla. Hindi niya inasahan na babanggitin ni Selena ang insidenteng iyon. Ang araw na sinadya niyang iwan si Silas sa gitna ng kalsada, nagbabakasakaling masagasaan ito ng dumaraang sasakyan.Hindi niya sukat akalain na masasaksihan mismo ni Selena ang ginawa niya sa hindi i
Unti-unti, isang malisyosong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. At habang dahan-dahang bumabalik ang sigla ng kanyang mga mata, nabuo sa isip niya ang isang plano. Isa na namang paraan upang kalikutin ang katahimikan ni Selena lalo na kung totoo ang iniisip niya.“Kung totoo ‘to… mas lalong kawawa ka, Selena,” bulong niya muli, halos hindi marinig sa hina ng tinig.Sa loob naman ng opisina ni Dr. Valeza, bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ng doktor, agad siyang binati sa pagpasok.“Magandang araw, Mrs. Strathmore,” nakangiting bati ng doktor. “Maupo ka. Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?”Ngumiti si Selena at sumagot, "Maayos naman, Dr. Valeza."Nagkwentuhan muna sila bago sinimulan ang kanyang monthly prenatal check-up at ultrasound. Matapos ang halos isang oras, natapos din ang konsultasyon. Bago siya tuluyang pinaalis, pinaalalahanan pa siya ng doktor tungkol sa mga dapat iwasan at pag-ingatan habang nagdadalang-tao.Paglabas ni Selena sa ospital, dalawang pamilyar na tao aga