Share

Chapter Ten

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-03-22 23:58:02
Isang papel ang bahagyang nakausli mula sa isang drawer sa ilalim ng mesa. Hindi dapat ito pakialaman ni Heather… pero nanaig ang kanyang kuryusidad.

Lumapit siya, saglit na lumingon sa paligid upang tiyakin na walang nakakakita, saka dahan-dahang binuksan ang drawer. Kinuha niya ang papel at mariing binasa ang nilalaman.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa.

Ilang segundo siyang natigilan, ngunit kalaunan, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, isang ngiting may masamang balak.

Maingat niyang isinara ang drawer at itinago ang anumang bakas ng kanyang ginawa. Pagkatapos, kalmado siyang naglakad palabas ng opisina, animo’y walang nangyari. Ngunit sa loob niya, alam niyang may hawak siyang impormasyon na maaaring magamit sa kanyang plano.

Pasado alas-dose ng tanghali nang makauwi si Selena mula sa pagsusukat ng kanyang wedding gown at pamimili ng wedding ring. Pagdating nila sa mansyon, nakita niya ang kanyang nakababatang kapati
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Seven

    Samantala, sa opisina ng COO ng Strathmore Group, naroon si Emmanuel sa opisina ni Klyde. Dumaan siya upang kausapin si Klyde nang masinsinan tungkol sa nangyari kanina.“May paliwanag ka ba sa pag-atras mo kanina?” tuwiran ang tanong ni Emmanuel.Hindi agad sumagot si Klyde. Inikot-ikot niya sa mga daliri ang fountain pen na hawak niya at tila nag-iisip ng mabuti bago nagsalita.“Alam kong dismayado kayo sa naging pag-atras ko, pero may naisip akong ibang plano.”Nakataas ang kilay ni Emmanuel. “At ano naman iyan? Anong planong iniisip mo?”“Malalaman niyo rin,” maiksi ang sagot ni Klyde. “Sa ngayon, mag-abang na lang kayo sa magiging hakbang natin. At isa pa—maging maingat kayo. May nalaman akong may nag-iimbestiga pa rin na mga pulis sa kasong ipinaratang kay Axel.”Suminghal si Emmanuel, malinaw ang galit at determinasyon sa tono. “Hindi na makakalabas ang taong iyon mula sa kulungan. Kinausap ko na ang kakilala ko para agad siyang mailipat sa Maximum Prison.”“Sana nga mailipat n

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Six

    Samantala, si Emmanuel at ang iba pang kapanalig ni Klyde ay tikom ang bibig ngunit halatang nagngangalit sa nangyari. Hindi nila matanggap ang desisyon. Buo ang plano nilang iluklok si Klyde bilang CEO, handa silang gawin ang lahat para magtagumpay. Subalit isang hakbang ni Klyde ang agad bumuwag sa lahat ng kanilang pinaghandaan.Si Alaric ang unang bumati kay Selena. “Congratulations, Selena,” masiglang bati nito.“Salamat, Dad,” tugon niya, may bahagyang pagngiti sa labi.Isa-isang nagsilapitan ang mga naroon upang bumati sa kanya. Nandoon ang mga C-level executives tulad nina Tristan at Jared; ang magkapatid na River at Russell; sina Barry, Cael, at iba pang minor shareholders at miyembro ng Board of Directors na naniniwala kay Axel. Lahat ay masiglang nakikibahagi sa tagumpay na iyon para sa kanya.Lumapit din si Atticus upang personal siyang batiin. “Congratulations,” nakangiting sambit nito.Yumuko si Selena bilang paggalang. “Salamat, Lolo—Chairman,” mabilis niyang binago ang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Five

    “Ayon sa dokumento,” patuloy ni Cael habang binubuklat ang folder, “lahat ng assets ni Mr. Strathmore ay ipinasalin sa pangalan ni Mrs. Selena Strathmore—kabilang ang 51% company shares sa Strathmore Group, real estate properties, cash at bank accounts, investment accounts, stocks sa iba’t ibang kumpanya na nagkakahalaga ng kabuuang $161 milyon, pati na ang jewelry collection, antiques, at artworks na tinatayang may halagang $93 milyon.”Isa-isa niyang binanggit ang bawat detalye, at bawat salita ay tila pabigat nang pabigat kay Selena.Pakiramdam niya ay hihimatayin siya. Hindi niya akalaing sa buong buhay niya ay darating ang sandaling hahawakan niya ang ganitong uri ng yaman. Ngunit sa ilalim ng pagkagulat, may halong kaba at pagkailang—pakiramdam niya, hindi siya karapat-dapat.“Cael,” mariin niyang sabi, “maiintindihan ko kung ilang bahagi ng mga assets ang mapunta sa akin, pero bakit lahat?”Si River ang unang sumagot, kalmado ang tinig. “Mrs. Strathmore, utos mismo ni Mr. Strat

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Thirty Four

    Nagpatuloy si Cael, hindi natinag sa ingay. “Si Selena ang anak ng tinatawag na Mafia King ng Rutherford—si Braxton Draxwell, at ang kanyang ina ay ang nag-iisang anak na babae ng pinakamayamang pamilya sa Celestia, ang tinatawag na Royal Family, si Seraphina Godfrey.”Parang sabay-sabay na napasinghap ang lahat. Mas lalong lumakas ang ingay ng mga tao sa loob ng silid; may mga napabulalas ng “imposible,” ang iba nama’y napatingin kay Selena na tila ngayon lang nila tunay na nakita.Halos lumuwa ang kanilang mga mata at malaglag ang mga panga sa narinig nilang pahayag mula kay Cael.Samantala, si Klyde, na mula pa kanina’y tahimik lamang na nakaupo at nakikinig, ay lihim na napakuyom ng kamao. Ramdam niya ang pag-init ng dugo sa kanyang mga ugat. Alam na niya ang lahat ng iyon—dahil isa siya mismo sa mga nakasaksi sa mga nangyari ng gabing iyon sa mansyon ng pamilya Montreve.Sa isip ni Klyde, kung alam lang niya noon na may kakaibang pinagmulan pala si Selena, baka pinili niyang huwa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Three

    Nagsimula na namang magbulungan ang mga naroon. May mga sang-ayon, may mga nagdududa.Isang minor shareholder ang biglang nagsalita. “Bakit hindi na lang si Mr. Alaric Strathmore?”Lalong lumakas ang bulungan sa buong conference hall.“Puwede rin,” sabat ni Isabella Wakely, ang Chief Compliance Officer. “Dati na ring naging CEO si Mr. Alaric bago si Mr. Axel. Bumaba man siya sa posisyon, patuloy pa rin siyang aktibo bilang Chief Marketing Officer ng Strathmore Group. Maganda ang record niya, at sa totoo lang, siya ang dahilan kung bakit nakapasok tayo sa maraming foreign projects at investors.”Sumang-ayon ang karamihan sa paliwanag ni Isabella. Wala mang salita, kita sa mga mukha nila ang pagkilala sa kontribusyon ni Alaric. Isa siya sa mga haligi ng kumpanya—masipag, matalino, at walang kapantay ang dedikasyon.Ngunit sa kabila ng suporta, bigla itong nabasag nang marinig nila ang tinig ni Alaric.“Ayoko.”Isang salita lang, ngunit sapat para manahimik ang lahat. Parang biglang tumi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Two

    “Sa madaling salita, lahat ng problemang kinakaharap ng Strathmore Group ay nag-ugat sa kawalan ng moralidad ng ating CEO,” buwelta ni Warren Cruz, isa sa mga minor shareholders.“Ano pa nga ba?” sabat ni Lawrence Wyatt. “Hindi sana hahantong sa ganito kung naging maingat si Axel. Involve man siya o hindi, alam niyang ang Strathmore Group ang unang maaapektuhan. Wala nang iba!” galit na sabi ni Gregory Cervantes.Nagsimulang mag-ingay ang iba matapos marinig ang sinabi ni Gregory. May mga nakipag-argumento, ipinagtatanggol ang kanilang CEO at pinaninindigang inosente ito. Lumakas ang mga boses, naghalo ang mga opinyon at emosyon sa loob ng silid.“Tama na! Manahimik ang lahat!” saway ni Atticus, mabigat ang tono ng boses na agad nagpatahimik sa buong conference hall.Nagsalita mula si Atticus, galit ang tinig. “Solusyon ang hinahanap ko! Kaya tigilan niyo ang argumento ninyo sa mismong harapan ko!”Matalas ang boses nito na umalingawngaw sa buong conference hall, dahilan para bahagyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status