Sa isang iglap, may pilyang ideya ang pumasok sa isip niya. Mabilis na gumuhit ang munting ngisi sa kanyang mga labi.Sa kunwaring 'di sinasadyang kilos, bahagyang inabot ng siko niya ang baso. Tumaob ito at tumilapon ang kape, tumilamsik sa mesa, sa mga papeles, at higit sa lahat, sa damit at pantalon ni Axel.“Ahh! Axel! Hala!” sigaw niya na parang gulat na gulat. “Hindi ko sinasadya!”Dali-dali siyang yumuko, kunwaring natataranta. “Pasensiya na, Axel. Promise, hindi ko talaga sinasadya. Nagkamali lang ako ng galaw.”Kumunot ang noo ni Axel, nabigla sa pangyayari. Gusto sana niyang makaiwas pero huli na, natapunan na siya. Kukuha na sana siya ng tissue, pero naunahan siya ni Heather. Hinablot nito ang tissue box, lumuhod, at mabilis na pinunasan ang basang parte ng kanyang pantalon.Mabilis na gumalaw ang mga kamay ni Heather, pinupunasan ang basang parte ng pantalon ni Axel. Ngunit nang akmang iiwas na si Axel, biglang humawak si Heather sa kanyang hita. Mahigpit, parang ayaw siya
Ramdam ni Selena ang taos-pusong pag-aalala mula kay Eve. Damang-dama ni Selena na totoo ang malasakit nito bilang isang kaibigan. “Wala ka bang gagawin ngayong araw?” biglang tanong ni Eve. Mabilis na umiling si Selena. “Wala.” “Tara! Gumala tayo,” aya ni Eve sabay hatak sa braso niya, puno ng sigla. “Saan naman tayo maglalakwatsa?” natatawa niyang tanong habang hinahatak siya nito. “Kahit saan!” masiglang sagot ni Eve. Hindi na siya binigyan ng pagkakataong tumanggi at tuluyan na siyang hinila palabas ng mansyon. Maya-maya pa’y nasa loob na sila ng kotse. Agad pinaandar ni Eve ang sasakyan, excited ang mga mata. Kung saan-saan sila nagpunta. Nag-shopping sa iba't ibang luxury boutiques, nagpa-body massage sa isang high-end spa, kumain sa isang underwater-themed fine dining restaurant, at sa isang exclusive art exhibit. Sa bawat lugar na pinuntahan nila, unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Selena. Hindi maikakailang nag-e-enjoy siya na kasama si Eve. Samantala, sa mat
Pagkatapos magpaalam ay hindi na niya hinintay pang sumagot si Selena. Dali-dali siyang lumabas ng private room. Habang naglalakad papalabas ng restaurant, may isang bagay na paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi man niya naintindihan lahat ng pinag-usapan nina Selena at Zane, malinaw niyang narinig ang sinabi ni Selena. Sinabi ni Selena na asawa niya ang lalaking natipuhan niya, si Axel. Napakagat labi si Nessa. Kung totoo ngang asawa ni Selena si Axel, mas lalo siyang naengganyong agawin ito. Aakitin niya si Axel, gaya ng ginawa niya noon kay Klyde. Hindi siya titigil hangga’t hindi siya ang mas nakakalamang kay Selena. Hinding-hindi niya hahayaang maging masaya si Selena. Para kay Nessa, siya lamang ang karapat-dapat sa lahat ng atensyon, papuri, at asawang mayaman at guwapo gaya ni Axel. Sa kanya dapat mapunta ang lahat, hindi kay Selena. Sa loob ng private room, naiwan ang apat na kakasimula pa lang kumain matapos umalis si Nessa. Habang kumakain, hindi n
Patuloy pa rin si Nessa sa pagsasalin nang biglang paluin ni Zane ang mesa. ["Tumahimik ka na!"] sigaw nito, halos manginig sa galit. ["P-pero Sir—"] nauutal na sagot ni Nessa, nanginginig sa takot. ["Mas malala ka pa sa translator nila!"] sigaw muli ni Zane, punong-puno ng pagkairita. Halos hindi na makagalaw si Nessa sa takot at nerbiyos. Nagulat siya nang biglang hablutin ni Selena ang papel mula sa kanyang kamay. "Selena! Ano sa tingin mong ginagawa mo?!" galit na tanong ni Nessa. Hindi siya pinansin ni Selena. Tahimik itong tumayo sa harapan ni Zane at yumuko ng magalang. ["Mr. Virellan, alam kong ilang beses na kaming humingi ng tawad sa sa ‘yo, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong makausap ka at bigyan ng pagkakataon na maging gold supplier ng Dazzling ang Gold Magnet,"] wika niya sa matatag ngunit magalang na tono. Napahinto si Zane, bagamat nananatili pa rin ang galit sa kanyang mukha. ["Hmph! Sa totoo lang, narito ako sa Regenshire para magbakasyon kahit
Tumango siya, saka agad bumangon at naligo. Nagsuot siya ng simpleng puting strapped dress at isang fur coat upang matakpan ang kanyang lumalaki na tiyan. Bago sumakay ng kotse, hinalikan niya sa pisngi si Silas. “Huwag ka nang magpuyat, ha. May pasok ka pa bukas,” hinaplos ang pisngi nito. Sa isang high-end seafood restaurant ginanap ang private meeting. Doon nagpareserba si Russell matapos malaman na paborito ng CEO ng Gold Magnet ang mga lamang-dagat gaya ng lobster, king crab, at tiger shrimp. Pagdating nila sa restaurant, iniabot ni Axel ang susi ng kotse sa valet. Isang staff ang sumalubong sa kanila at sinamahan sila papunta sa third floor kung saan naroon ang SVIP private room. Sumakay sila ng private elevator paakyat. Sa loob ng private room, naghihintay na si Russell kasama ang isa pang lalaki. Binati sila ng mga ito. Naupo sina Axel at Selena sa harap ng bilugang mesa habang nakatayo sa likuran ang dalawa. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang makaramdam siya ng pag-
Nang makumpirma ni Axel na hindi siya tinatanggihan ni Selena, marahan niyang hinawakan ang baba nito, iniangat ang mukha, at inilapit ang kanyang labi. Dahan-dahang hinalikan ni Axel si Selena, malambot sa simula, saka naging mas mapusok. Ilang segundo rin ang itinagal ng halikan nila bago sila kapwa huminto, kapwa mainit ang hininga. Inikot siya ni Axel paharap sa kanya. Saglit silang nagtitigan bago nagsalita si Selena, halos pabulong, “Pwede ba na…” Naintindihan agad ni Axel ang nais niyang iparating. “Magdadahan-dahan ako,” tugon nito. Muling naglapat ang kanilang mga labi, kasabay ng isa-isang pagtanggal ng mga saplot hanggang wala nang matira sa pagitan nila. Maingat siyang binuhat ni Axel habang patuloy pa rin ang kanilang halikan, at dahan-dahan siyang inihiga sa malambot at malawak na kama. Ang akala ni Selena ay isang mabilis na p*gtatalik lang iyon, pero halos paumaga na bago sila natapos. Hindi na rin niya namalayan kung anong oras siya nakatulog sa sobrang pagod. Ma