Share

Chapter Ninety Four

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-06-27 00:37:34

Pagpasok niya ay akita niya si Axel na may kausap sa cellphone, agad niyang inisip na si Selena ang kausap nito. Kaya’t plinano niyang gumawa ng misunderstanding sa pagitan ng dalawa.

Matalim ang titig ni Axel kay Heather. “Hindi ba’t sinabihan ka na ni Russell na may ginagawa pa ako?”

Hindi na hinintay ni Axel ang sagot ni Heather. Tumalikod siya, nilagpasan si Heather, inilapag ang cellphone sa coffee table, at umupo sa mahaba at eleganteng leather sofa. Kinuha ang laptop at agad na nagtipa sa keyboard.

Kumuyom ang mga kamay ni Heather. Halos bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad. Napakagat siya sa labi, pilit pinipigilan ipakitang nasaktan siya sa trato ni Axel.

“Anong may ginagawa? Malinaw naman na nakikipag-usap ka lang sa impakta na ‘yon,” bulong niya sa sarili.

Pero agad niyang pinalitan ang ekspresyon ng mukha. Ngumiti, pinilit magmukhang sweet at kalmado.

Umupo siya sa kabilang sofa, kaharap si Axel. “Axel, kinausap ko na si dad tungkol doon sa kondisyon na gusto mo kapal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Ninety Four

    Pagpasok niya ay akita niya si Axel na may kausap sa cellphone, agad niyang inisip na si Selena ang kausap nito. Kaya’t plinano niyang gumawa ng misunderstanding sa pagitan ng dalawa.Matalim ang titig ni Axel kay Heather. “Hindi ba’t sinabihan ka na ni Russell na may ginagawa pa ako?”Hindi na hinintay ni Axel ang sagot ni Heather. Tumalikod siya, nilagpasan si Heather, inilapag ang cellphone sa coffee table, at umupo sa mahaba at eleganteng leather sofa. Kinuha ang laptop at agad na nagtipa sa keyboard.Kumuyom ang mga kamay ni Heather. Halos bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad. Napakagat siya sa labi, pilit pinipigilan ipakitang nasaktan siya sa trato ni Axel.“Anong may ginagawa? Malinaw naman na nakikipag-usap ka lang sa impakta na ‘yon,” bulong niya sa sarili.Pero agad niyang pinalitan ang ekspresyon ng mukha. Ngumiti, pinilit magmukhang sweet at kalmado.Umupo siya sa kabilang sofa, kaharap si Axel. “Axel, kinausap ko na si dad tungkol doon sa kondisyon na gusto mo kapal

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Ninety Three

    Hindi pa siya antok. Kaya nag-scroll muna siya sa social media habang nakahiga sa kama para magpaantok. Tahimik ang paligid at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa screen ng kanyang cellphone.Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang isang post na siyang pipiga sa kanyang dibdib.May ini-post ang isang kilalang news outlet, larawan ng isang hinihinalang sikat na CEO ng isang malaking kumpanya na kasama si Heather Faulkner, anak ng may-ari ng Faulkner Metalworks.Sa larawan, nakatalikod ang lalaki, suot ang isang dark blue tuxedo. Hindi kita ang mukha. Ngunit si Heather ay masayang nakakapit sa braso ng lalaki, habang ang isa nitong kamay ay nakalapat sa beywang ng lalaking kasama niya.May caption ito:‘Si Heather Faulkner, plus one ng isang CEO ng malaking kumpanya sa charity event na ginanap sa Highcoast.#HeatherFaulknerPlusOne #CEOPlusOne #GlamAndRichLadyNag-scroll pa siya. Puno ang social media ng mga post tungkol kina Heather at sa misteryosong lalaki. May mga netizen pang humuhu

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Ninety Two

    Tinulungan siyang makatayo ni Tyler. “Salamat, Mr. Moore. Buti na lang nandyan kayo ni Barry. Natakot talaga ako sa posibleng mangyari sa pinagbubuntis ko,” aniya, habang napahimas sa kanyang tiyan sa tindi ng kaba. Bigla siyang niyakap ni Ophelia. “Selena! Ayos ka lang ba? Yung baby natin, ayos lang din ba?” anito habang hinahaplos ang tiyan ni Selena. Niyakap niya pabalik si Ophelia. “Oo naman. Tara, umuwi na tayo sa mansyon ninyo.” Masaya siya at nagpapasalamat na walang masamang nangyari sa kanila dahil sa tulong nina Barry at Tyler. Ngunit isang bagay ang hindi mawala sa isip niyaay kung sino ang tumulak sa kanila. Ni hindi man lang nila nakita ang mukha ng taong gumawa no’n. Maraming tao sa mall, maraming nagkakasalubong, pero malinaw sa pakiramdam niya sinadya iyon. May kamay siyang naramdaman. Hindi iyon simpleng pagkakatulak ng aksidente. Palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang gustong mapahamak sila. Napailing si Selena. Tahimik silang naglakad papunta sa parking lot

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Ninety One

    Natigilan sina Heather at Lily. Wala silang nasagot. Tila biglang nanlamig ang paligid para sa kanilang dalawa. Halos hindi sila makakilos sa kinatatayuan nila dahil alam nilang totoo ang lahat ng sinabi ng kahera. Napahiya silang pareho, hindi lamang sa isa’t isa, kundi pati sa mga nakapaligid sa kanila.Habang parehong balisa at tahimik sa pag-iisip sina Heather at Lily kung paano nila babayaran ang mga kinuha nilang damit, lumapit naman sina Selena at Ophelia sa kahera. Bawat isa sa kanila ay may hawak na mamahaling kasuotan, waring walang nangyaring tensyon ilang minuto lang ang nakalipas. Inabot ni Selena ang black card na ibinigay sa kanya ni Axel sa kahera, walang alinlangang ngumiti.Tiningnan ni Selena ang dalawang bruha. “Paano ba ‘yan, aalis na kami,” ani niya, may panunuya sa tono ng boses.Tumawa lamang si Ophelia, at sabay silang lumayo matapos maabot ng kahera ang kanilang resibo at shopping bags.Namumula sa galit sina Heather at Lily. Hindi na napigilan ni Lily ang ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Ninety

    Agad na lumapit si Selena at hinawakan sa braso si Ophelia. “Tama na, Ophelia. Hayaan mo na sa kanila ang dress. Marami pa tayong pwedeng pagpilian. Hindi lang ‘yan.”Maingat niyang hinatak palayo ang kaibigan, pilit na pinapakalma kahit siya man ay inis na sa narinig at inasal ng dalaw.Ayaw man ni Ophelia, napilitan siyang sumunod kay Selena, at lumipat sila sa kabilang rack. Nang makapili muli sa kabilang rack, may humablot na naman sa isa sa mga bagong napiling dress ni Ophelia, ngayon ay si Lily na ang nang-agaw.“Bagay ‘yan sa ‘yo, Lily,” ani Heather, sabay ngiting may halong panunukso.Napakunot ang noo ni Selena. Ramdam ang tensyon sa pagitan nila, at halatang nainis din si Ophelia, pero pinili nilang kumalma at magpatuloy sa pamimili, pilit iniiwasan ang dalawang bruha.Ngunit hindi ito natapos doon. Sa bawat damit na pipiliin ni Ophelia, agad itong inaagaw nina Heather o Lily. Sa huling pagkakataon, muntik nang sumabog si Ophelia sa galit at tinangkang sugurin sina Heather a

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Nine

    Sumimangot si Ophelia. “Nawalan na ako ng gana gumala dahil sa Nessa na ‘yon!”Nag-isip si Selena sandali, tinitigan ang kaibigan na halatang inis na inis pa din. “Hmm… gusto mo doon na lang tayo sa bahay namin magliwaliw? Isa pa, ilang oras na lang naman, magta-tanghalian na rin.”Napagdesisyunan na niyang magsabi ng totoo kay Ophelia. Panatag ang puso niya at buo ang loob. Alam niyang si Ophelia ay hindi lang basta kaibigan, isa itong kakampi, isang taong hindi magdadaldal ng lihim o susumbat sa mga desisyong ginawa niya para sa sarili at sa buhay niya.Tinawagan niya si Barry, at agad namang pinaandar ng drayber ang sasakyan na naka-park malapit sa café. Ilang minuto lang ay huminto na ito sa tapat, handang ihatid sila kahit saan nila gustuhin.Binuksan ni Selena ang pinto ng kotse at hinila si Ophelia papasok. Nang makaupo na sila sa loob, agad na napansin ni Ophelia ang napunit na bahagi ng blouse ni Selena.“Ay! Tingnan mo ‘yang suot mo! Magpunta muna kaya tayo sa mall?” alok ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status