Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Fifty

Share

Chapter One Hundred Fifty

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-08-05 23:51:03

Nagkatinginan muli sina Barry at Tyler, kapwa seryoso ang mga mukha. Tila ba bumigat pa lalo ang problema nila sa binanggit ni Selena.

“So, ano na ang gagawin natin?” ani Tyler, habang patuloy na naririnig ang mga yabag sa labas at ang hindi na mapigilang pagsira sa pinto. “Wala na tayong ibang pwedeng pagpilian kundi diyan lang. Lahat ng ibang daan ay bantay-sarado. Maraming tauhan si Knox El Greco na paikot-ikot sa buong akademya ngayon.”

Napakunot-noo si Selena. “Knox El Greco… siya ba ‘yong—?”

Tumango si Tyler. “Oo. Siya ‘yung lalaking nakasagupa ni Barry kanina. Ang dahilan kung bakit hindi kami nakalusot agad pababa ni Neera.”

Mabilis na ikinuwento ni Tyler kung paano sila nadiskubre ng mga tauhan ni Knox habang papunta sila sa underground facility. Ani niya, mas nauna si Neera na makarating sa ilalim dahil pinauna na niya ito, habang siya naman ay sinadyang magpaiwan upang i-distract ang mga humahabol.

“Pinahabol ko ang sarili ko para ma-delay sila, pero hindi ko inasahang may
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
makaligtas sana ta makalayu s Lugar.. update po ulit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty Five

    Kumunot ang noo nina Axel at Russell. Si Neera naman, bahagyang tumaas ang kilay, isang tahimik na pahayag na hindi siya kumbinsido.Ramdam iyon ng tatlo. Kita sa mukha nina Vincent, Carl, at Rustom ang pangamba.“Totoong hindi namin alam kung sino ‘yong lalaki!” giit ni Carl, halos napapasigaw.“Kung hindi niyo alam,” malamig na wika ni Russell, “ipaliwanag niyo nga kung bakit napakaraming naka-setup na computer sa apartment na tinutuluyan ninyo?”Walang sumagot. Tahimik na nagpalitan ng tingin ang tatlo, para bang may pinag-uusapan nang hindi binubuka ang bibig, bago muling tumingin kina Axel, Neera, at Russell.Si Vincent ang unang bumasag ng katahimikan. “Hindi kami ang gumagamit no’n. Bagong hideout lang namin ang apartment na ‘yon nang pasukin niyo. Pagdating namin doon, naroon na ang mga computer.”“Ang bilin lang sa amin ay bantayan ‘yon, huwag gagalawin,” dagdag ni Rustom, mababa ang boses.“Tama sila,” sabat ni Carl. “Sinabihan pa nga kami na huwag galawin. At syempre, hindi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty Four

    Ngunit hindi niya inasahang ang imaheng makikita niya ay ang mukha ng kanyang kapatid na babae.Mabilis na tumindig ang lahat ng balahibo niya, lalo na nang marinig ang kasunod na sinabi ni Axel. Hawak pa rin ang cellphone, tila may tinatawagan ito. “River, pumunta ka sa St. Aurelia Medical Institute. Hanapin mo ang pasyenteng nagngangalang Margarita Rosewood at ang room—”“Huwag!” halos pasigaw at pasabog ang boses ni Vincent. “Walang kinalaman dito ang kapatid ko! Huwag ninyo siyang gagalawin! Subukan ninyo at magkakamatayan tayong lahat!” Nagngangalit ang kanyang mga mata, halatang desperado at handang isugal ang lahat. Hindi siya kailanman papayag na may mangyari sa natatangi at natitirang kadugo niya sa mundo.“Ano naman kaya ang magagawa mo kung sarili mo nga, hindi mo mailigtas?” malamig na wika ni Axel, tila ba sinadyang maglagay ng asin sa sugat ni Vincent.Masakit man ang mga salitang iyon, ngunit alam ni Vincent na totoo ang sinabi ni Axel. Napapikit siya nang mariin, kumak

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty Three

    Sa matagal na panahon, buo ang paniniwala nilang inanod na kung saan ang bangkay nito o tuluyan nang nilamon ng tubig at nakalibing sa kailaliman ng dagat. Ngunit ngayo’y malinaw ang katotohanan na hindi nila ito makita noon dahil nananatili pala itong humihinga, at ngayon ay malinaw na mas malakas kaysa dati.Tinitigan ni Neera nang mariin ang tatlo, tila sinusunog ng tingin ang kanilang mga kaluluwa. “Itatanggi niyo pa rin ba?” madiin niyang tanong, ang boses ay malamig ngunit puno ng paghahamon.Nanatiling tikom ang bibig ng tatlo, pilit iniiwas ang tingin. Ngunit sa kabila ng katahimikan, hindi nagpatinag si Vincent.Itiinaas nito nang kaunti ang baba, pilit ipinapakita ang tapang. “Pero hindi ibig sabihin n’on ay magsasalita na kami,” ani niya na may mapanuyang ngisi. “Mas pipiliin naming mamatay kaysa umamin!”“Huwag ka mag-alala, pagbibigyan kita sa hiling mong ‘yan,” malamig na sambit ni Axel habang bahagyang tumango sa limang tauhan niya.Hindi na kailangan ng paliwanag, agad

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty Two

    Simula nang dalhin sa lugar na ito ang tatlong lalaki, walang araw na hindi sila dumanas ng pahirap at paulit-ulit na pagtatangka para sila’y paaminin at magsalita.Ngunit sa kabila ng lahat, wala pa ring kahit anong impormasyon ang kanilang nakukuha.“Ibig sabihin lang niyan, kulang pa ang pagpapahirap niyo sa kanila,” malamig na saad ni Axel habang nakatitig sa tatlong lalaking nakatali at nakaupo sa sahig.Tumalim ang titig niya, tila ba kayang butasin ang balat ng mga ito sa tindi ng kanyang tingin.“Russell. Neera. Barry.”Agad lumapit ang tatlo, handa sa anumang ipag-uutos niya.Bago pa makapagsalita si Axel, humakbang na si Neera palapit sa mga lalaking nakagapos. Naningkit ang kanyang mga mata, matalim at mabigat ang bawat hakbang. Tila binabasa niya ang kaluluwa ng bawat isa habang mariing nakatitig sa kanilang mukha.“Pahngi ako ng tubig at tela,” malamig na utos niya. Kaagad siyang inabutan ng isa sa mga tauhan ni Axel.Walang alinlangan, ibinuhos ni Neera ang tubig sa ulo

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty One

    Alam nilang hindi na sila sinusundan, ngunit nanatiling mabigat ang pakiramdam.Maya-maya, narating na nila ang private ward ni Selena. Maingat na kumatok si Russell, at pagkarinig ng mahinang “pasok,” ay binuksan niya ang pinto at naunang pumasok, kasunod si Neera.Nag-angat ng tingin si Axel mula sa kinauupuan, at agad napansin ang presensya ng dalawa.Kumunot ang kanyang noo, halatang hindi kuntento. “Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo,” malamig na sambit nito, mababa ang tono pero mabigat ang dating.Bahagyang kinabahan si Russell, ramdam ang pagtusok ng tingin ni Axel. “Pasensiya na, Mr. Strathmore,” mabilis niyang tugon. “Kailangan ko pa kasing siguraduhing hindi na nakasunod sa ‘kin si Ms. Faulkner,” paliwanag niya, sinusubukang gawing kalmado ang boses.Tumaas ang kilay ni Axel, bakas ang pag-aalinlangan. “Anong ginagawa ni Heather dito sa ospital?” tanong niya, puno ng kutob.“Ayon kay Ms. Faulkner,” sagot agad ni Russell, “isinugod si Mr. Faulkner matapos atakihin sa puso da

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixty

    Habang papalapit si Russell sa private ward ni Selena, abala siya sa pag-iisip ng tamang paraan para ilabas ang mga dala nang hindi nakakagulo. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit, isang biglaang paghila sa kanyang braso ang nagpahinto at nagpagulat sa kanya.“Neera?!” halos pasigaw na reaksyon niya, bahagyang nanlaki ang mga mata.Makahulugang tinitigan ni Neera si Russell, ang mga mata’y matalim at may kahulugan. “Ang tagal mo,” sabi nito na may halong pag-aaktong inis. “Kanina pa kita tinatawagan, ngayon ka lang dumating.”Kasabay nito, nagkunwari pa siyang hirap maglakad at kumapit nang mahigpit sa braso ni Russell, na para bang kailangan niya ng suporta.“Ano’ng pinagsasasabi mo—” naguguluhan pang tanong ni Russell.“Ikaw naman!” putol ni Neera, patuloy ang kanyang pag-arte habang mahigpit pa rin ang kapit. “Kanina pa nga kita pinapapunta rito!”Habang nagsasalita, bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya, mula sa kunwaring inis, ay naging seryoso at matalim.Tumango siya nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status