Nagtatrabaho na noon si Lucas bilang head butler ng pamilyang Strathmore. Siyempre, hindi rin siya pinabayaan ng mga ito. Tinulungan siya, at maging sina Alaric at Atticus ay sumama sa kanyang paghahanap ng lunas. Ngunit kahit ang mga eksperto na kanilang nilapitan, walang magawa.Lumapit si Alaric sa kanya, marahang hinawakan siya sa balikat. “Lucas, mabuti sigurong tanggapin na lang natin. Ang mismong mga eksperto na ang nagsabi. Kahit ang operasyon ay hindi garantiya na gagaling si Carmilla. May tiyansa din na sa kalagitnaan ng operasyon, baka hindi kayanin ng puso niya,” malungkot ngunit totoo ang pahayag ni Alaric.Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Lucas. Hindi niya matanggap na mawawala ang misis niya.Lumipas ang mahigit isang taon ngunit wala pa ring progreso sa kundisyon ni Carmilla. Unti-unti itong namayat, nanghina, at halos buto’t balat na lang ang natira. Awang-awa si Lucas sa kanyang asawa.“Bakit ikaw pa?” bulong niya habang marahang pinipisil ang kamay ni Carm
Napatigil si Selena at tumingin dito. “Oh? Ano mayroon? Bakit gabi ka uuwi?” tanong niya, bahagyang kunot ang noo.“Inaaya kasi ako ni Flora na maglaro ulit sa bahay nila,” sagot ni Silas na may kasabikang tono.“Ganoon ba…” tumango si Selena, bagama’t hindi nakawala sa kanya ang pangalan. “O sige, basta makitawag ka muna sa kanila kapag nakarating ka na, at tumawag ka rin ulit kapag pauwi ka na, ha?”Tumango-tango ang kapatid niya. “Okay! Tatandaan ko iyan, ate. Salamat!” sabay yakap nito kay Selena dahil pinayagan siya.Niyakap rin niya pabalik si Silas, pero nanatiling mabigat ang kanyang iniisip.Habang pinagmamasdan ang kapatid na masayang umaalis, bigla siyang napakunot-noo nang narinig ang pangalan na ‘Flora’.Hindi lamang si Silas ang nakabanggit ng pangalang iyon. Kahapon, narinig din niya ito mismo kay Veronica.Naglaro sa isip niya ang posibilidad. Baka nagkataon lang. Maraming tao ang may parehong pangalan.Napailing na lamang siya at pilit na inalis sa isipan ang mga agam
Nilunok niya ang laway bago nagpatuloy. "May high-rise condominium project na itatayo sa Skyline City na may orihinal na budget na $16.8 million. Pero umabot sa $39.5 million ang kabuuang naging gastos dahil sa sunod-sunod na advance payments para raw sa materyales at sahod ng mga tauhan. Ayon sa nakalagay sa Change Order Report, idinagdag daw ang mga imported na materyales gaya ng high-grade steel, Italian tiles, at special glass panels pero sa aktwal na inspeksyon, wala ni isa sa mga ito ang natagpuan sa site. Mas mababa pa nga ang klase ng materyales na ginamit."Humugot siya ng malalim na hininga, halos nanginginig na ang tinig. "Bukod doon... pinalobo rin ang gastos dahil sa inflated labor cost at consultancy fees na ipinasa sa tatlong subcontractors na halos walang dokumentadong output. Ang mas nakapagtataka, mahigit $4.2 million ang na-withdraw bilang ‘emergency cash advance’ pero walang supporting receipts o inventory record kung saan ito ginamit. At ang supplier na pinagkunan
“Hayaan mo na. Ang mahalaga, nautakan rin natin sila kahit pa nagawa nilang mautakan rin tayo,” sabi ni Axel, may bahagyang inis ang tono ng boses.Napanguso sa pagkainis si Silas, halatang determinado pa ring hanapin ang kalabang hacker. “Huwag ka mag-alala, kuya Axel. Hindi ako papayag na matalo ako ng hacker na iyon! Hindi ako magpapatalo at sisiguraduhin kong magwawagi ako!” mariing sigaw nito, galit at puno ng apoy ang tinig.Dahil dito ay mas lumabas pa ang pagiging competitive ni Silas. Ayaw na ayaw talaga nitong natatalo o naiisahan pagdating sa mga laban ng hacking at intelligence.Maging sa simpleng laro ay hindi niya tinatanggap ang pagkatalo, kaya lalong tumindi ang determinasyon niyang mapabagsak ang hacker na umaatake sa system ng kumpanya ni Axel.Nawala bigla ang inis na nararamdaman ni Axel nang marinig niya ang sinabi ng nakababatang kapatid.Sa halip, isang malamig na katahimikan ang namayani sa kabilang linya. “Malalaman din natin kung sino ang may pakana nito. Sa
Sandali siyang napatingin sa loob ng silid bago muling nagsalita. “Kamusta naman kayo habang wala ako? Lalo na ‘yung kambal?”“Mabait sila,” tugon ni Neera na may ngiti. “Umiiyak lang kapag nagugutom.”Tumango-tango si Selena, gumaan ang loob sa narinig.“Oo, wala namang nangyaring kakaiba habang wala ka rito, Mrs. Strathmore,” dagdag pa ni Lucas na tila nag-uulat.Napanatag ang loob ni Selena, nagalak siyang malaman na walang sumunod na nangyaring masama sa mga anak niya habang wala siya.Bigla niyang naalala si Silas.“Ah, oo nga pala. Asan si Silas? Sabi ng kasambahay narito raw siya kasama ninyo magbantay sa kambal.”“Narito nga kanina ‘yong batang pasaway na ‘yon,” sagot ni Neera. “Pero bigla na lang tumakbo pabalik sa kwarto niya.”Nagtaas ng kilay si Selena. “Bakit naman?” puno ng pagtataka ang mukha.“Ang sabi ni Silas, tumawag daw si Mr. Strathmore sa kanya. Siguro natuwa ng husto kaya doon na sila nag-usap sa kwarto niya,” paliwanag ni Lucas.“Ano naman kaya ang pinag-usapan
Pero matigas ang puso ni Veronica. Mariin siyang umiling at nanatiling nakapulupot ang kamay kay Selena, halatang ayaw pang bumalik sa bahay.Tahimik lamang na nakaupo si Selena, pinagmamasdan ang palitan ng mag-lola. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon.Naawa siya kay Deric, na paulit-ulit nang sumusubok makiusap ngunit hindi pa rin natinag ang matanda.Halatang gusto lamang ni Veronica na makaramdam ng kalayaan, kahit pansamantala, mula sa pagkakakulong sa kanilang bahay at buryong.Nakisabat na si Selena sa usapan ng mag-lola nang makita niyang nauubusan na ng palusot si Deric para makumbinsi si Veronica na sumama na sa kaniya pauwi.“Uhm… mas mabuti siguro kung sumama ka na sa kaniya,” mahinahon niyang sabi habang nakatingin kay Veronica.Nawala ang simangot sa mukha ng matanda at napalitan ng tuwa nang lingunin siya nito. “Siguro nga. At isa pa, gutom at inaantok na rin ako. Kanina pa tayo daldal nang daldal,” sagot nito, tanda na sa wakas ay nakumbinsi na rin siya.Nakahinga nang