LOGINSi Lyka, na nasa kabilang linya, ay bahagyang nakakunot ang noo matapos patayan siya ni Nessa nang hindi man lamang hinihintay ang sasabihin niya. Hindi niya napigilang mainis nang maalala ang huling sinabi nito.“Sa tingin niya ba, matatakot kami sa pagbabanta niyang iyon?” bulong niya.Agad niyang kinuha ang walkie-talkie at tinawagan si Klyde.“Mr. Strathmore,” tawag niya. “Dadalhin na ni Nessa si Selena sa tuktok ng barko.”Sa kabilang linya, relax na nakaupo si Klyde sa malambot na sofa habang marahang umiinom ng champagne. “At ang mga anak nila?” malamig nitong tanong.Napatingin si Lyka sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog sa loob ng crib. “Kasama ko,” sagot niya.Katatapos lamang niyang looban ang private suite nina Axel at Selena. Ang target niya—ang kambal na anak ng mag-asawa—at matagumpay niyang naisagawa ang utos na ibinigay sa kanya ni Klyde.“Dalhin mo rin ang mga bata sa helipad,” mariing utos ni Klyde.“Masusunod, Mr. Strathmore,” tugon ni Lyka bago patayi
Isang patalim ang dahan-dahang idinikit ni Nessa sa kanyang leeg.“Subukan mo lang sumigaw,” bulong ni Nessa, halos didikit ang labi sa tainga ni Selena, “at babaon ang kutsilyong ito sa lalamunan mo.”Bahagyang idiniin niya ang talim, sapat para maramdaman ni Selena ang lamig nito sa balat.“At huwag kang mag-alala,” dagdag niya habang nakangising tumatawa, “hindi ka mag-iisa sa kabilang buhay. Isasama ko pa ang mga anak mo.”Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Selena. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Kumirot ang dibdib niya sa takot—hindi para sa sarili niya, kundi para sa kanyang mga anak.“Huwag… huwag ang mga anak ko,” umiiyak niyang pagsusumamo. “Nessa, maawa ka. Mga pamangkin mo pa rin sila…”Ngunit sa mga mata ni Nessa, wala nang bakas ng kahit anong awa—tanging isang babaeng handang wasakin ang lahat para sa sarili niyang paghihiganti.“Aba, at bakit naman ako maaawa sa’yo at sa mga anak mo?” tumaas ang kilay ni Nessa. “Ikaw ang dahilan ng lahat ng paghi
Tumaas ang kilay ni Lyka, halatang hindi impressed sa mga tanong niya. “Simple lang ang kailangan mong gawin. Gusto ni Mr. Strathmore na magmanman ka para sa kanya.”Natigilan si Nessa nang marinig ang apelyido.“Mr. Strathmore?” ulit niya, unti-unting bumababa ang kutsilyo sa pagkakahawak. “Sino sa mga Strathmore ang tinutukoy mo? Kasi ang kilala ko lang… si Klyde.”Sandaling natahimik si Lyka bago tuluyang sumagot. “Siya nga.”Napangisi si Nessa, malamig at puno ng hinanakit. “Ano naman ang kailangan sa akin ng manggagamit na ’yon?” tanong niya, halata sa boses ang matinding galit kay Klyde.“Bago ’yon,” putol ni Lyka, “hindi ba’t matagal mo nang gustong maghiganti sa stepsister mo?” Sandaling tumigil ito bago muling nagsalita. “Pinapunta ako rito ni Mr. Strathmore. Kailangan niya ang tulong mo para pabagsakin ang sarili niyang pinsan.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Nessa. “Ano naman ang kinalaman ko sa away niya at ng pinsan niya?”“Ang pinsan ni Mr. Strathmore—si Axelius Strathmor
Tumawa nang malakas ang babae. “Surprise!” ani Nessa, taas-baba ang kilay. “Ang tagal mo namang napagtantong ako ’to. Dahil ba sobrang ganda na ng buhay mo ngayon kaya nakalimutan mo na ako? Ha?” Ang ngiti nito ay parang kutsilyong humihiwa sa hangin.“P-paano ka nakasakay ng barko?” mahina ngunit mariing tanong ni Selena. “Imposible… imposible na ikaw lang mag-isa ang nakagawa ng paraan. At lalong imposibleng tulungan ka ni Nigel—”Hindi na niya natapos ang sasabihin.“Manahimik ka!” sigaw ni Nessa, malakas, basag, at puno ng poot na nagpatigil sa hangin sa pagitan nila. “Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng hinayup*k na ’yon!” Nagngingitngit na halos magdugtong ang mga ngipin niya. “Demonyo ang hayop na ’yon!”Namula ang mga mata ni Nessa sa galit. Mabilis na bumalik sa isip niya ang mga panahong kinaladkad siya ng mga tauhan ni Nigel papasok ng sasakyan at dinala sa night club nito.Pagdating doon, hindi siya tinanong, hindi siya pinakinggan. Ipinuwesto agad siya bilang
“Ganoon ba. Tara, ihahatid na kita pabalik sa suite natin,” sabi ni Axel habang tumatayo para alalayan si Selena.Tumayo rin si Selena, hawak ang kamay ni Axel. “Huwag na. Baka naninibago lang ako. Motion sickness lang siguro—unang beses ko kasing sumakay ng barko.”“Sigurado ka?” tanong ni Axel.Tumango si Selena. “Oo. Doon na muna ako sa open deck para magpahangin sandali.”“Sige,” sang-ayon ni Axel. Lumingon siya kay River. “Samahan mo siya roon.”Tahimik na tumango si River at sinundan si Selena palabas ng Grand Event Hall, patungo sa open deck.Paglabas nila, sumandal si Selena sa railings at malalim na huminga, nilalanghap ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Pinagmamasdan niya ang madilim na karagatan habang sinasalubong ng alon ang gilid ng barko. Maliban sa maingay na usapan mula sa loob ng hall, tanging lagaslas ng alon ang maririnig sa labas—payapa at nakakalma.Habang nagpapahinga, may tumawag sa kanya.“Mrs. Strathmore!”Napalingon si Selena, pati si River. Nakita nil
Ilang minuto silang namili ng pagkain bago sabay na naglakad pabalik sa kanilang mesa. Pagdating nila roon ay akmang uupo na sana si Selena nang may biglang humawak sa kanyang braso—isang babae, halatang nagmamadali at kinakabahan.“Mrs. Strathmore, puwede ba kitang makausap kahit sandali lang?” pakiusap nito, mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Selena.Agad napansin nina Russell at River ang sitwasyon at lalapit na sana para ilayo ang babae, ngunit pinigilan sila ni Selena sa isang mahinang senyas.“O sige, pero sandali lang, ha? Nagugutom na kasi ako at gusto ko nang kumain,” mahinahong sagot ni Selena.“Ganoon ba. Huwag kang mag-alala, Mrs. Strathmore. Sandali lang naman—ilang minuto lang ang kailangan ko,” mabilis na sabi ng babae.Tumango si Selena. “Okay. Ano ba ang kailangan mo?”“Ah, oo nga pala. Ako si Lorraine Harrington,” pakilala nito. “Lumapit ako dahil gusto ko sanang itanong kung puwede kang mag-invest sa maliit kong shop na gumagawa ng handmade perfume.”Sinimulan ni







