Mag-log inSa sky deck, nakarating sina Selena at Tyler. May ilang tao roon na nagpapahangin at nagmamasid sa paligid.Nang makita ni Selena ang ibang tao, agad siyang lumapit habang inaalalayan si Tyler.“Miss,” nanginginig niyang tanong, “saan banda ang clinic ng barko?”Nagulat ang babae ngunit handa na sanang sumagot—nang bigla na lamang bumagsak si Selena at si Tyler sa sahig.“Ahhh!” napasigaw ang babae sa gulat.Napaatras siya at nakita kung sino ang may hawak ng fire extinguisher.Si Nessa.Dahan-dahan niyang ibinaba ang fire extinguisher matapos ihampas ito nang malakas sa ulo ni Selena.Naroon si Nessa sa sky deck upang magpahinga matapos makatanggap ng malaking bayad mula kay Lyka. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Selena roon—buhay pa.Inakala niyang patay na ito sa kamay ni Klyde. Kaya nang makita niya ito, hindi na siya nagdalawang-isip.Pinulot niya ang fire extinguisher at tahimik na lumapit. Isang malakas na hampas.Dahil sa bigat at lakas ng pagkakahampas, agad na bumags
Nanigas ang panga ni Klyde. Namula ang kanyang mga mata habang nanginginig ang buong katawan niya sa matinding galit. Halatang pilit niyang kinokontrol ang sarili upang hindi tuluyang sumabog.Bago pa man siya mawalan ng kontrol, napahinto siya at mahina ngunit malamig na tumawa.“Kahit anong tapang ang ipakita mo, Selena,” mababang sabi ni Klyde. “Wala ka nang ibang pagpipilian kundi sundin ang utos ko. Hindi lang ang mga anak mo—pati si Axel, papatayin ko kung hindi mo pipirmahan ang transfer agreement na ’to!”Galit na galit siyang inagaw ang baril mula sa isa sa kanyang tauhan at mabilis na lumapit kay Selena, itinutok ang baril sa kanya.Napaatras si Selena at mabilis na umigtad nang makita ang biglaang kilos ni Klyde. Bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa baril na hawak nito. Gusto man niyang tumakbo o umiwas, alam niyang anumang maling galaw ay maaaring magresulta sa agarang pagbaril sa kanya.Habang naguguluhan siya kung ano ang dapat gawin, bigla niyang narini
Kumuyom ang kamao ni Selena. “Hayop ka!” galit niyang sigaw. “Talagang halang ang kaluluwa mo, Klyde! Pamangkin mo sina Asher at Samuel! Paano mo nagawang gamitin ang buhay ng sarili mong kadugo para lamang pagbantaan ako?”Napasinghal si Klyde. “Ano naman ngayon?” malamig niyang sagot. “Wala akong pakialam kahit kadugo ko pa sila. Kung magagamit ko sila laban sa inyong dalawa ni Axel para makuha ang gusto ko, hinding-hindi ako magdadalawang-isip!”Nanigas ang panga ni Selena sa matinding galit. Ramdam niya ang namumuo at nag-aalab na poot sa kanyang dibdib habang pinakikinggan ang mga salitang puno ng kasamaan mula kay Klyde.Ngunit si Selena ang ngayon ay napangisi. “Pare-pareho kayong tatlo nina Heather at Nessa—patuloy na nabubuhay sa ilusyon,” sabi niya. “Klyde, hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na ikaw ang karapat-dapat na tagapagmana ng pamilyang Strathmore?”“Tumahimik ka, Selena!” pasigaw na sagot ni Klyde. “Ano ang masama sa maghangad? At isa pa, totoo namang ako ang d
Nag-isip si Tyler. Inalala niya ang itsura ng crew. “Mahaba ang buhok, balingkinitan, at parang may—”“May sugat at peklat sa magkabilang braso?” putol ni Selena.Agad na tumango si Tyler. “Paano mo nalaman?”“Dahil sa mismong harapan ko inalis ni Heather ang silicone mask at wig na suot niya,” sabi ni Selena. “Maliban kay Nessa, kasabwat din nina Klyde at Lyka si Heather sa pagdukot sa mga anak namin ni Axel.”“Nessa? Sino ’yon?” tanong muli ni Tyler.“Kakambal siya ni Neera,” sagot ni Selena. “Si Nessa at Neeranang supposed stepsister ko kina Ricardo at Nadine.”Tumango-tango si Tyler. “Mrs. Strathmore, kailangan na nating magmadali. Ngayong alam na natin na kay Heather ang kambal, kailangan na natin siyang mahanap para mabawi ang mga bata.”Nagpatuloy silang dalawa sa pagtakbo, patuloy na hinahanap si Heather.Samantala, si Axel, kasama sina Russell at River, ay patuloy ring tumatakbo habang hinahanap naman si Klyde. Hindi na nila alam kung nasaan ito dahil mabilis itong nakataka
Sa isang iglap, may nabuo agad na desisyon si Selena sa kanyang isip.Si Heather, na nakatayo sa di-kalayuan, ay tahimik lamang na pinanood ang paglapit ni Selena sa bakal na railings. Ilang sandali pa, bumitaw si Selena sa railings at tumalon. Lumapad ang ngisi sa labi ni Heather.Hindi napigilan ni Heather ang mapangiti sa galak kaya naglakad siya palapit sa bahaging kinaroroonan ni Selena upang tiyaking tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin. Bago pa man siya tuluyang makalapit, narinig niya ang malakas na tunog ng tila may bumagsak sa tubig. Sumilip siya pababa, ngunit dahil sa dilim ng gabi, wala siyang malinaw na makita.Mula sa iba’t ibang direksiyon ay sinubukan niyang hanapin si Selena, subalit walang anumang senyales na may umaahon mula sa dagat. Dahil dito, inakala ni Heather na tuluyan na itong nalunod at nilamon na ng karagatan.Napangisi siya sa isiping iyon at marahang sinabi, “sa wakas, wala ka na sa landas ko, Selena. At tungkol sa mga anak ninyo ni Axel—huwag ka
“Gagawin mo ang lahat?” ulit ni Heather. “Sigurado ka ba sa binibitawan mong mga salita, Selena?”Napakagat ng labi si Selena. Alam niyang parang hindi niya pinag-iisipan ang kanyang sinasabi, ngunit desidido siyang gawin ang lahat para sa mga anak niya. Bakit niya hahayaang may masamang mangyari kina Asher at Samuel? Hindi niya kakayaning mawala sa kanya ang kambal. Habambuhay niya iyong pagsisisihan.“Oo,” tumango siya. “Sigurado ako. Kahit ano pa ang ipagawa mo, gagawin ko. Sabihin mo lang.”Buong paninindigan niyang binitiwan ang mga salitang iyon. Wala naman siyang pagpipilian. Mas mabuting sundin niya ang gusto ni Heather, lalo na’t malinaw na nakuha na nito ang interes niya.Dahan-dahang ibinaba ni Heather ang baril at inilayo ito sa ulo ng mga paslit.“Sige, kung gano’n,” sabi niya habang umiinog ang paningin, wari’y nag-iisip ng ipapagawa. Hindi iyon magiging madali—siguradong may kapalit ang bawat pangako.Sumilay ang isang malamig at nakakatakot na ngisi sa labi ni Heather







