Ngunit laking gulat niya nang makita kung sino pala ang hacker, si Silas.Nanlaki ang mata ni Russell at hindi makapaniwala sa nasasaksihan.“Hindi ako makapaniwala talaga…” bulong ni Russell sa sarili, puno ng pagkalito ngunit may bahid din ng paghanga sa bata.Kahit si River ay hindi rin makapaniwala. “Kahit ako. Nakakagulat,” sambit nito habang nakatitig kay Silas na para bang hindi isang bata ang kaharap nila kundi isang certified genius.Naubos na ni Silas ang chocolate chip cookies kaya iniangat nito ang kanyang ulo at umirap. “Pahingi pa ako ng—ehh?! Bakit may dalawang kuya Russell?!” napabalikwas ito sa kinauupuan habang nakanganga, tila lutang ang utak sa pagtataka.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Silas mula sa pagka-bored patungo sa gulat nang mapansin ang pagkakahawig nina River at Russell. Kaya naman napalingon siya sa dalawa, habang ang mga ito ay nagkatinginan at napangiti.“Isa lang ako, Silas. Siya si River, kapatid ko,” paliwanag ni Russell, bahagyang natawa sa rea
Napakasakit din tanggapin ang pagkawala ng kanyang ina, lalo pa’t naiwan sa kanya ang responsibilidad na alagaan si Silas, na noo’y tatlong buwan pa lamang nang pumanaw si Sofia.Nag-usap pa silang tatlo ng ilang minuto hanggang sa nagpaalam na ang mag-asawa sa kanya.“Mauuna na kami. Kailangan pa kasi naming bumalik para asikasuhin ang adoption papers,” wika ni Mrs. Alcaraz.“Oo nga pala,” sabay tingin ni Mr. Alcaraz sa wristwatch na suot nito. “May kailangan pa tayong pirmahang mga dokumento pagkatapos ng pagdalaw natin dito.”Nabanggit sa kanya ng mag-asawang Alcaraz na mag-aampon sila ng bata. Ayon sa kanila, hindi pa rin maibsan ang lungkot at pangungulila sa nag-iisang anak na nawala sa kanila. At dahil sa katandaan, imposible na raw silang magkaanak, kaya ang pag-aampon na lamang ang tanging option na mayroon sila.“Sige na, mauuna na kami,” paalam muli ni Mrs. Alcaraz, ngunit bigla itong bumalik upang tanungin siya. “Ano nga pala ang pangalan mo? Hindi ko na natanong kanina. N
“Sigurado ako… napakabata pa ng anak niyo nang mawala siya,” malumanay niyang tugon habang dahan-dahang tumingin sa puntod ng kanilang anak. Tahimik ang boses niya, puno ng malasakit, at parang may bigat ang bawat salitang lumalabas.Saglit na katahimikan ang sumunod. Ngunit sa katahimikang iyon ay dama ang isang uri ng koneksyon, ang koneksyon ng mga pusong dumaan sa sakit, sa pagkawala, sa pagdadalamhati.“Bente uno anyos lang siya nang mamatay,” ani ng lalaki, namumula ang mga mata habang nakatitig sa puntod ng anak.Napatingin si Selena sa lapida. Dahan-dahan niyang binasa ang nakaukit na pangalan.Lyka Alcaraz.“Lyka?” mahinang bulong niya. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata. “Pwede bang malaman kung ano ang ikinamatay niya?” tanong niya, hindi napigilang mag-usisa.“Sa totoo lang, dinala na lang siya rito na naka-kabaong na. Ipinagbigay-alam na lang sa amin ng lalaking kumuha sa kanya para paaralin na patay na si Lyka,” pag-amin ni Mrs. Alcaraz, habang pinipigil ang muling
Mag-isa niyang ikinuwento ang mga nangyari, kung paanong nagsimula sila sa hirap, kung paano nila kinaya ang lahat pagkatapos mawala si Sofia, at kung paano nagbago ang takbo ng kanilang buhay nang dumating si Axel.“Alam mo, mom, kahit walang feelings sa pagitan namin… napakabuti pa rin niya sa ’kin. Pati kay Silas. Sa tuwing uuwi siya, hindi niya nakakalimutang uwian si Silas ng laruan. Hinahayaan lang niya ang pasaway na ’yon na magtatakbo sa loob ng mansyon. At pagdating sa pag-aaral ni Silas, hindi ko na kailangang mag-alala.”Ikinuwento rin niya kung paanong simula nang tumuntong ng tatlong taong gulang si Silas ay napansin niyang iba ito sa ibang bata. Madaling matuto, masunurin, at higit sa lahat, may puso para sa kapwa.“May mga panahon, mom, na sobrang down na down ako. Iyakin ako noon kasi ang hirap ng buhay. Pero laging may eksenang lalapit si Silas, yayakapin ako ng mahigpit at sasabihang, ‘Tahan na, ate. Magtatrabaho agad ako kapag lumaki ako. Tutulungan kita. Kahit ako
“Hindi kami naglalandian. Pinalayas ko siya sa kwarto namin ng ate mo at pinalayas ng tuluyan sa pamamahay natin,” malamig at diretsong tugon ni Axel. “Bukas, sumama ka sa ‘kin sa opisina ko. Tutal wala ka namang pasok sa eskwelahan.”Walang dagdag o bawas. Ayon lamang at umalis siya, bitbit ang laptop ni Silas, at lumabas ng kwarto.Biglang nataranta si Silas.“Yung laptop ko! Kuya Axel, akin na ‘yan!”Bago pa niya maabot ang laptop ay mabilis na iniangat ni Axel ang kamay, lampas sa abot ni Silas.“Bukas mo na ito makukuha. Matulog ka na. Maaga tayong aalis papunta sa opisina ko,” aniya, saka tuloy-tuloy na lumakad palayo at bumalik sa kanyang silid.Naiwang nagtataka si Lucas. Tiningnan ang pintong isinara ni Axel at saka muling tinapik ang likod ni Silas.Hindi niya inasahan ang naging reaksyon ni Axel. Noong una niyang makita ang ekspresyon nito, matigas, matalim ang mga mata, parang papasabog, akala niya talagang sasabog ito sa galit. Pero nang magsalita si Silas at inilabas ang
Ikinuwento ni Selena ang bawat salitang narinig niya mula kay Klyde habang ito’y nakikipag-usap, ang pagbabanta, ang hacker, ang planong pag-atake sa Strathmore Group.Naging seryoso ang ekspresyon ni Neera. “Ipaalam agad natin ‘yan sa asawa mo bukas,” aniya habang nakatutok sa kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela.“Ikaw na lang magpunta sa opisina niya para mag-report. May pupuntahan lang ako bukas,” sagot ni Selena.“Saan ka naman pupunta?” saglit na napalingon si Neera sa kanya.“Sa sementeryo,” sagot niya ng diretso. “Dadalawin ko lang ang puntod ng mom ko.”Ilang buwan na rin siyang hindi nakakadalaw simula nang maikasal sila ni Axel. Hinahanap-hanap na rin niya ang tahimik na sandali kasama ang kanyang ina.“O sige,” tanging sagot ni Neera at naging tahimik muli ang biyahe nila pauwi.Samantala, sa Crystal Lake Mansion…Biglang naalimpungatan si Axel.Basa ng pawis ang kanyang noo, at parang pagod ang kanyang katawan sa kabila ng pagkakatulog. Umupo siya sa kama at napahawak