Share

Chapter Seventeen

Auteur: FourStars
last update Dernière mise à jour: 2025-03-28 17:23:28

Nang makauwi sila sa Crystal Lake Mansion, sinalubong sila ni Lucas. Halatang nagulat ang may-edad na butler nang makita sila nito.

“Mr. Strathmore…?” may bahagyang pag-aalalang tanong nito, ngunit nanatili lamang na tahimik si Axel. Hindi niya iyon pinansin at mabilis na umakyat sa kanilang silid. Nakasunod agad sa kanya si Lucas.

Pagdating sa kwarto, maingat niyang ibinaba si Selena sa kama. Nanatili pa rin itong walang malay, mahina ang paghinga.

“Lucas,” malamig ngunit may bahid ng pag-aalala ang kanyang tinig. “Abangan mo ang pagdating ni Russell kasama ang doktor na ipinatawag ko.”

Hindi na nagtanong ang may-edad na butler at agad na sumunod sa utos. Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik ito kasama si Russell at si Dr. Valeza.

Pagpasok ng doktor, bumati ito kay Axel. “Magandang gabi, Mr. Strathmore. Congratulations nga pala sa kasal ninyo ni Mrs. Strathmore.”

Hindi iyon pinansin ni Axel. Ang tanging sinabi niya ay, “tingnan mo si Selena. Gusto ko malaman kung maayos siya, pati
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty Six

    Labis ang tuwa ni Heather noong una habang pinapanood ang video, lalo na’t binabato si Selena ng samu’t saring akusasyon at masasakit na komento online.Pero agad ding napalitan ang tuwang iyon ng pagkainis.Biglang nawala ang video. Hindi na niya ito mahanap kahit anong search engine pa ang gamitin niya. Sigurado siyang si Axel ang nagpabura nito. Sayang ang ibinayad niya sa online troll para manatiling trending ang video.Gayunpaman, nagbabakasakali siyang makuha ang loob nina Atticus at Galatea, lalo’t alam na ng mga ito ang tungkol sa ipinagbubuntis ni Selena na may posibilidad na si Klyde ang ama. Dahil dito, mas tumaas ang kumpiyansa ni Heather na babalikan pa rin siya ni Axel.Ang hindi niya alam, matagal nang alam nina Atticus at Galatea ang buong katotohanan, kinumpirma na ni Axel ang katotohanan."Ganoon ba..." ani Atticus bago nagpatuloy, "hindi ba’t nasa ibang bansa ka? Kailan ka pa nakabalik?""Ilang buwan na rin mula nang makabalik ako, lolo," sagot ni Heather, pinananat

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty Five

    Hindi napigilan ni Selena ang mapangiti at mamula ang pisngi sa sinabi ni Axel. Kaya sa halip na sumagot, ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.Tahimik na pinagmasdan ni Axel ang mukha ni Selena. Nang matiyak na mahimbing na itong natutulog, ipinikit na rin niya ang kanyang mga mata at nagpahinga.Kinabukasan, nagising si Selena sa maingay na tunog ng alarm mula sa kanyang cellphone. Pupungas-pungas niyang iniabot ang kamay sa bedside table at pinindot ang turn-off button.Pagmulat ng mata, napansin niyang wala na si Axel sa tabi niya. Mukhang maaga itong bumangon.Tumayo siya at nag-inat, saka dumiretso sa banyo. Naghilamos siya at nag-toothbrush sa harap ng lababo, pagkatapos ay nagsuot ng simpleng tracksuit dahil wala naman siyang planong lumabas ng bahay.Pagkababa niya ng hagdan, sinalubong siya ng isa sa mga kasambahay.“Magandang umaga, Mrs. Strathmore. Pinapababa ka ni Old Mr. Strathmore para mag-agahan, Ma’am,” magalang na sabi nito.Tumango siya at dumiretso sa dinin

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty Four

    Matalas ang tingin ni Axel habang nakatitig sa kanyang tiyuhin. “Ang posisyon ng COO ay hindi ibinibigay dahil lang sa pangako, Tito,” malamig ngunit matatag ang kanyang tinig. “Ito ay para sa taong karapat-dapat at may kakayahang mamuno. At sa lahat ng nangyari ngayon, malinaw na hindi iyon si Klyde.”Saglit na natahimik si Mikael, tila nag-iisip ng isasagot. Ngunit imbes na magsalita, bigla nitong hinila ang anak sa kwelyo at sapilitang pinaluhod ito sa harapan nina Axel at Selena. Bahagyang napaatras si Selena sa gulat sa naging kilos ng tiyuhin ni Axel.“Dad! Ano ba! Bitawan mo ‘ko!” mariing protesta ni Klyde, nagpupumiglas ngunit hindi umubra sa lakas ng ama.“Humingi ka ng tawad sa kanila!” madiin ang boses ni Mikael. “Kahit ilang beses, kahit gaano pa katagal!”Nagpumilit si Klyde na pakiusapan ang ama, ngunit nanatiling matigas si Mikael. Nang makitang wala nang saysay ang lahat, si Galatea na mismo ang nagpahayag, “Tama na ‘yan. Maaari na kayong umuwi.”Agad na hinila ni Eliz

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty Three

    Hindi pa rin nagbago ang madilim at malamig na ekspresyon ni Axel nang muling nagsalita. “Dala na ba ng edad mo kaya hindi mo narinig ang sinabi ko kanina?”Biglang umalab ang dugo ni Mikael sa ulo. “Hindi mo ako puwedeng pagsalitaan ng ganyan, tiyuhin mo ‘ko!”Bahagyang napailing si Axel, may halong ngisi sa labi. “Sa tingin mo ba, karespe-respeto ka?”Saglit na natahimik si Mikael. Halos pumutok ang ugat sa kanyang noo sa sobrang galit, ngunit walang lumabas na kahit isang salita. Tahimik niyang nilunok ang insulto.Samantala, agad namang tinulungan ni Eliza ang anak nilang si Klyde na makabangon at paupuin sa tabi niya, habang si Klyde ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.“Atticus,” ani Galatea, hindi maitago ang tuwa sa boses. “Magandang balita ito, hindi ba?” Mas lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang simpleng balita ay naging dahilan ng liwanag sa puso ng matandang babae, sapagkat sa kanyang isipan, may darating na bagong buhay na maaari niyang kargahin at mahalin.Napa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty Two

    “Selena, hindi namin tanggap ang isang gaya mo,” sabi ni Mikael, matigas ang tinig. “Kung ipipilit mo ang gusto mo at ipagsisiksikan ang sarili mo kay Klyde, wala na kaming pagpipilian kundi paalisin ka ng Regenshire.”Ang mga salitang iyon ay tila mga pangil na tumusok kay Selena. Matapos matahimik ng ilang segundo, naramdaman niyang lumalalim ang galit sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay na magpakumbaba, lalo pa’t alam niyang walang siyang kasalanan sa lahat ito.Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang mag-asawa, walang bahid ng takot sa kanyang mga mata at pananalita.“Sa sobrang kitid ng utak na mayroon kayo, hindi na ‘ko nagtataka na ganyan ang asal ni Klyde.”Halos sumabog sa galit ang mag-asawang Mikael at Eliza. Mas lalo na si Klyde, na parang gusto siyang sakalin sa tindi ng inis.“Wala kang karapatang insultuhin kami!” buwelta nito. “Ikaw ang may nakakahiyang buhay dito! Nagdadalang-tao ka sa batang hindi mo alam kung sino ang ama! Isang araw pa lang ang nakakalipas nang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty One

    Nang lingunin ni Selena ang bagong dating, natigilan siya at hindi makapaniwala. Ganoon din ang reaksyon ng lalaki.“Selena?” mahinang usal ni Klyde, halatang hindi pa rin makapaniwala sa pagkakatagpo nila.Napalingon si Eve sa dalawa. “Magkakilala kayo?”Sumimangot si Selena at inalis ang tingin kay Klyde. Pinili niyang huwag magsalita, ayaw niyang makita o kausapin ang isang manloloko.Napansin iyon ni Klyde, dahilan upang kumunot ang noo nito. Si Eve naman, bagama’t gustong magsalita, ay nagdesisyong manahimik muna at mag-obserba.Napansin din ni Eliza ang tensyon. Gusto sana niyang mag-usisa, pero iba na lang ang sinabi. “Narito na si Klyde, pero wala pa rin si Axel. Siya ang nagpatawag sa atin dito pero siya ang wala,” halatang may bahid ng inis ang tono niya.Kalmado namang sumagot si Atticus, “Sigurado akong papunta na siya. Maghintay lang tayo.”Nagulat si Selena sa narinig. Hindi niya alam na pinapunta rin ni Axel ang buong pamilya ni Eve. Si Axel pala ang may pakana ng pagti

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty

    Agad siyang umakyat sa kwarto para magbihis, isang simpleng blouse at jeans ang pinili niya. Kaunting make-up lang ang inilagay sa mukha, sapat para hindi magmukhang pagod.Isinama niya si Silas na agad namang pumayag. Pagkatapos magpaalam kay Lucas, mabilis na pinaandar ni Eve ang sasakyan at sinimulan ang biyahe papunta sa Strathmore Manor.Mahigit isang oras din ang naging biyahe nila. Matatagpuan ang engrandeng mansyon sa labas ng siyudad, sa tabing-dagat at napapalibutan ng luntiang gubat at matatangkad na puno. Mula sa daan pa lang ay tanaw na ang mapayapang tanawin ng dagat at mga punong nagsisilbing harang mula sa ingay ng siyudad. Ito rin ang dahilan kung bakit dito napiling manirahan ng mag-asawang Atticus at Galatea.Huminto ang sasakyan sa harapan ng mataas na bakal na bakod. Sa di-kalayuan, tanaw na ang malaking mansyon at ang malawak na hardin na puno ng iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak. Nang pindutin ni Eve ang doorbell, kusa itong bumukas. Automated ang sistema n

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Nine

    Sa main headquarters ng Strathmore Group.Mabilis na lumakad si Russell papunta sa opisina ni Axel matapos mapanood ang isang viral video sa social media kung saan sangkot si Selena.Binuksan niya ang pinto ng opisina at tuluyang pumasok. Tumayo siya sa harap ni Axel na abalang nakaupo sa kanyang mesa.Napansin agad siya ni Axel at itinaas ang tingin. Kita sa mga mata nitong naramdaman ang tensyon sa kilos ng kanyang assistant. “Bakit?”Huminga nang malalim si Russell bago nagsimulang magsalita. “Mr. Strathmore, may kumakalat na viral video sa social media.”Tumaas ang kilay ni Axel. “At ano naman ang pakialam ko diyan?”“Sir… nandoon din si Mrs. Strathmore sa video. Kinompronta siya ng mga magulang niya, pati na rin ang stepsister niya, at…” huminto siya saglit, nag-alinlangang ituloy.“At ano?” malamig ang tono ni Axel, ngunit halatang gusto niyang marinig ang kabuuan.Napalunok si Russell bago nagpatuloy. “Sir, sinabi ng stepsister niya na aksidente lang daw ang pagkakabuntis kay M

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Forty Eight

    “Selena, wala ka na bang natitirang delikadesa? Lalayasan mo si Dad kahit kinakausap ka pa niya?” bwelta ni Nessa, punong-puno ng panunumbat ang boses.“Kinakausap ka pa ni Tito Ricardo, matuto kang rumespeto. At isa pa, kailangan mong magpaliwanag sa kanila dahil sa mga naging maling desisyon mo,” dagdag pa ni Klyde na tila ba pinapangaralan siya.“Kinakausap ko ba kayo? Manahimik ang mga walang kinalaman,” mariing patutsada niya sa dalawa, may kasamang pag-irap.Halos sabay na kumunot ang noo nina Nessa at Klyde, halatang hindi natuwa sa tinanggap na sagot.“Bakit ganyan ka magsalita?!” sigaw ni Ricardo sabay turo sa kanya, halos nanginginig na sa galit. Hindi na nito kayang itago ang pagkainis sa ugali ni Selena. Ang anak na minsang masunurin sa kanya at tahimik, ngayo’y tila ibang tao na sa kanyang harapan.“Totoo naman ang sinabi ko,” sagot niya, malamig at walang bahid ng paggalang kahit pa halos pumutok ang ugat sa noo ng ama.Mabilis namang sumingit si Nessa. “Kaya ba ganyan k

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status