แชร์

Chapter Eighteen

ผู้เขียน: FourStars
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-29 23:18:52
Naririnig niya ang malakas na boses ng isang babae mula sa sala. Napahinto si Selena at agad na tumayo. May masamang kutob siya.

Pagdating niya sa pintuan ng dining hall, sumilip siya. At doon niya nakita si Heather, galit na galit, sinisigawan ang mga kasambahay.

Walang nagsasalita, pero bakas sa mukha ng lahat ang init at pagkainis sa presensya ni Heather.

Hindi nag-aksaya ng oras si Selena. Mabilis niyang inayos ang ekspresyon, itinago ang nararamdamang inis, at kalmadong lumapit.

“Ms. Faulkner, ganyan ba ang tamang asal ng isang babaeng nagmula sa respetadong pamilya?” malumanay ngunit may diin niyang tanong, ang bawat hakbang ay may kumpiyansa.

Napatingin si Heather sa kanta at agad na ngumisi, isang ngising puno ng pang-uuyam.. “Kung makapagsalita ka, akala mo naman kabilang ka na sa estadong ginagalawan namin, Ms. Payne.”

Bahagyang tumawa si Selena, hindi natitinag sa panunuya nito. “Hindi mo kailangang maging sobrang defensive, Ms. Faulkner. Baka isipin ng iba ay ma
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Seventeen

    “Selena… ngayong alam na natin na may mga nagpapanggap sa mga awtoridad at hindi basta-basta lang na naglalakad para siguraduhing patay ka, kailangan mong maging mas maingat,” aniya habang hawak nang mahigpit ang manibela.Tumingin si Selena sa labas ng bintana. Kita sa kanyang mata ang lalim ng iniisip. “Alam ko,” tugon niya. “Pero may isa pa akong iniisip. Ano na ang balita mo tungkol sa assistant ni Klyde… si Lyka?”Napabuntong-hininga si Neera. “Hindi naging madali. Halos walang anumang record ang babaeng ‘yon. Para siyang multo. Pero sa isang pagkakataon, aksidente kong nakita ang pangalan at litrato niya sa mga archive ng isang unsolved case na tinatrabaho ng kapwa ko agent.”Napalingon si Selena sa kanya, biglang tumalim ang interes sa mga mata. “Unsolved case? Anong klaseng kaso?”“Assassination. At sa notes ng agent na ‘yon, mukhang iniimbestigahan din niya ang background ni Lyka. Pero wala siyang mahukay, bukod sa isang detalye na si Lyka ay isang hired killer. At hindi bast

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Sixteen

    “Bumalik ka na sa guest room,” aniya, walang pakialam. Mabilis niyang hinila ang kanyang binti, mariing isinara ang pinto, saka ni-lock. Agad siyang nagtanggal ng damit at tumuloy sa banyo upang maligo, may nagbabagang inis sa dibdib.Sa labas ng silid, napatingin si Heather sa nakasaradong pinto, na parang pintuan na ng bangungot sa kanya. Tumayo siya, pinahid ang luha ng galit, at galit na nagpapadyak pabalik sa guest room.“Pesteng hampaslupa na ‘yon! Humanda ka sa ‘kin sa ginawa mong pang-iistorbo!” galit na angil niya, patuloy ang yabag ng galit sa corridor.Sa kabilang dako, sa silid ni Silas, hindi pa rin siya natutulog. Nakaupo siya sa harap ng laptop, seryoso ang ekspresyon, at may nanlilisik na galit sa mga mata.“Humanda kayong dalawa,” mahinang sambit niya, halos pabulong habang mariing nakatitig sa screen. “Ate Lena, sana makita mo ginagawa ni kuya Axel habang wala ka sa bahay…”Samantala, sa ibang lugar, malayo sa kinasasangkutan nilang drama, gising pa rin si Selena sa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fifteen

    Tahimik ang kapaligiran. Pagbaba ni Axel, napansin niyang patay ang lahat ng ilaw. Malamang, tulog na ang lahat sa loob.Maingat siyang pumanhik sa hagdan, naglalakad nang marahan upang hindi makalikha ng ingay. Pagbukas niya ng pintuan ng kwarto nila ni Selena, isang bagay agad ang bumungad sa kanya, ang malamig na samyo ng vanilla-scented candle at ang isang pamilyar, ngunit maling presensya.Nakahiga si Heather sa kama, suot ang silk nightgown na bahagyang nakabuka sa gilid, at sa bawat dampi ng hangin ay halos mahubad.Nagulat si Axel. Agad na lumapit si Heather, isang mapang-akit na ngiti ang nasa labi. Naamoy niya ang alak sa hininga ni Axel, dahilan upang isiping lasing ito. Kaya naman, unti-unti niyang ipinulupot ang sarili sa katawan ni Axel, halos idikit ang sarili rito.“Axel, buti naman at nakauwi ka na. Kanina pa kita hinihintay,” ani Heather, may lambing at pagsuyo sa boses na tila nagpipilit maging ligaya sa sandaling iyon.Kumunot ang noo ni Axel sa biglaang paglapit a

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Fourteen

    Ibubuka na sana ni Lucien ang bibig para magsalita, ngunit naunahan siya ni Cael na biglang sumingit sa kanilang usapan.“Ano bang pinag-uusapan niyong dalawa? Sa sobrang hina ng boses niyo, ni hindi ko marinig!” aniya habang nagkakamot ng tainga, halatang inis sa pagiging tila outsider.“Wala ka na do’n,” sagot ni Axel, sabay lagok ng huling patak mula sa halos ubos nang bote ng grape wine.Umirap si Cael, na tila ba matagal nang kinikimkim ang sama ng loob. “Simula nung maikasal ka kay Selena, parang nakalimutan mo na kami ni Lucien!”Halos sabay na nagtaka’t napaangat ang kilay nina Axel at Lucien. Nagkatinginan sila sandali, parehong hindi makapaniwala sa pagdadrama ng kaibigan. Nang ibinalik nila ang tingin kay Cael, nakita nila itong parang pusang tampururot, nakahalukipkip at nakasimangot.“Cael,” ani Lucien, sumeryoso ang tono, “mabuti sigurong ituon mo na lang ang atensyon mo sa—”Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang private booth. Pu

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Thirteen

    Simpleng, “sige,” lang ang isinagot ni Axel saka nagmaneho papunta sa Clover, isang private nightclub na pagmamay-ari ng mga Vauxhall.Binuksan ni Axel ang pintuan ng private booth kung nasaan sina Lucien at Cael. Tahimik at nag-iisang umiinom si Lucien, hawak ang isang wine glass na may lamang zinfandel. Habang si Cael naman ay masayang nakikipagtawanan sa dalawang female escort sa magkabilang tabi nito.Nang mapansin ng dalawa na bumukas ang pinto at nakita si Axel, ay agad na ngumiti ang mga ito. Tumayo agad si Cael at sinalubong siya nang masiglang ngiti sa labi.Inilagay ni Cael ang braso sa balikat ni Axel. “Bro! Buti naman at narito ka na! Tagal na rin nating hindi nagkakasamang tatlo!” aniya, habang akay-akay siya papunta sa mesa na tila ba sabik na sabik sa muli nilang pagkikita.Pagkaupo niya ay inabutan siya agad ni Lucien ng wine glass. “Salamat,” saad niya sabay tango.“Kamusta na?” kaswal na tanong ni Lucien, ngunit may bahid ng pagsusuri ang titig nito kay Axel.Uminom

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chaoter One Hundred Twelve

    Hindi madali. Marami ang tumutol. Marami ang nagduda. Ngunit mas marami ang namangha.Sa loob lamang ng ilang buwan, unti-unti nang naibalik ni Axel ang kumpanya mula sa bingit ng pagbagsak. Mula sa kumpanya na halos sarado ang pinto, muling nabuhay ang tiwala ng mga investors, clients, at empleyado. Ang reputasyon ng Strathmore Group ay muling umangat at mas tumibay pa kaysa dati.Mahigit limandaang taon na ang nakalipas mula nang itinatag ang Strathmore Group na nagsimula lamang bilang maliit na jewelry at clothing store sa gitna ng Regenshire. Ngunit dahil sa determinasyon ng mga henerasyon ng pamilyang Strathmore, pinalago ito at pinalawak. Pumasok din sa iba’t ibang industriya.At ngayon, higit kailanman, muling pinatatag ito ni Axel.Ang mga dating direktor at shareholder na dati’y bumubulong ng pag-aalinlangan sa kanyang kakayahan, ngayon ay tahimik. Wala nang pumipigil sa kanya. Hindi dahil sa takot kundi dahil napatunayan na niya ang sarili. Siya ang CEO na hindi nila inakala

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status