共有

Chapter Seventy One

作者: FourStars
last update 最終更新日: 2025-05-28 23:34:23
Inobserbahan ni Eve ang magulong mesa, ang mantsang kape sa damit at pantalon ni Axel. Biglang may sumagi sa isip niya kung paano nagsimula ang lahat.

“Kuya Axel… ipaliwanag mo agad ang lahat kay Selena. Buntis siya. Ayoko may mangyaring masama sa mga pamangkin ko,” malungkot niyang paalala. Matapos ay umalis na siya ng opisina.

Naiwan si Axel. Pagkatapos linisin ang mesa, naupo siya sa swivel chair at humarap sa floor-to-ceiling na salamin. Tahimik niyang pinagmasdan ang syudad, habang pinipisil ang sentido. Wala nang ibang gumugulo sa isip niya kundi ang masakit na eksenang naabutan ni Selena.

Sa kabilang banda...

Sa maingay, puno ng tao, at abalang kalsada, naglalakad si Selena. Walang direksyon ang patutunguhan, hinayaan ang kanyang mga paa na dalhin siya sa kung saan.

Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha, ngunit patuloy na tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Alam niyang walang pagmamahal sa pagitan nila ni Axel… pero bakit labis siyang nasasaktan at lumulu
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (3)
goodnovel comment avatar
FourStars
pasensya na po. ngayong gabi po ay double update tayo ☆ thank you po sa pagbabasa
goodnovel comment avatar
FourStars
Sorry po kung wala update agad. Bawi po ako ♡
goodnovel comment avatar
Len Avenido
pareho pareho na lahat storya naputol haaay hindi na maganda Gnovel
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Nine

    Ngayong nalaman ni Selena ang plano ni Klyde, alam niyang kailangan na niyang kumilos. Ang una niyang gagawin ay balikan si Axel sa Grand Event Hall—umaasa siyang naroon pa rin ang kanyang asawa.Mabilis ang kanyang kilos habang hinahanap ang daan pababa patungo sa hall. Bumaba siya sa hagdanan at bago pa tuluyang makarating sa ibaba, bumungad sa kanya ang pamilyar na pigura ng waitress na aksidente niyang nabunggo kanina sa Grand Event Hall. Labis ang kanyang pagtataka kung bakit naroon pa ito sa ganoong oras.Nang tuluyan siyang makababa, masinsinan niyang inobserbahan ang babae. Napansin niyang may dala itong basket na natatakpan ng tela. Biglang may kumabog sa dibdib ni Selena, kaya nagpasya siyang magtanong.“Ano’ng ginagawa mo rito? Tapos na ba ang party sa hall?” tanong niya, hindi agad dinidirekta ang hinala.Hindi kaagad sumagot ang babae. Sa halip, ngumisi ito ng nakakakilabot at hinawakan ang sariling mukha. Sa isang iglap, nalaglag ang suot nitong silicone mask at wig.Nap

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Eight

    Nagsalitan ng putok ang magkapatid na Russell at River sa kampo ni Klyde. Dalawa lamang sila, ngunit nagawa nilang mapaatras ang mga tauhan nito. Ilan sa mga ito ang napatay kaya naman, wala nang pagpipilian si Klyde kundi ang umurong. Lumabas na sila mula sa ship’s bridge—nakuha na rin naman nila ang kanilang pakay kay Axel.Ngayon, si Selena naman ang balak nitong hanapin upang makuha ang pirma o fingerprint niya, sakaling pumalag o manlaban ito.Mabilis na lumabas si Klyde, mahigpit ang hawak sa papel ng transfer agreement habang papatakas. Sinubukan siyang tamaan ng bala ng magkapatid, ngunit mahigpit ang depensa ng mga tauhan nito na nagsilbing panangga, kaya tuluyan siyang nakatakas.Huminto sa pagpapaputok ang dalawa at agad na lumingon pabalik kay Axel upang tulungan itong makatayo.Nang makabangon si Axel, sabay-sabay na silang lumabas ng ship’s bridge. Habang tumatakbo at sinusundan si Klyde at ang mga tauhan nito, binuksan niya ang kanyang walkie-talkie upang tawagan si Tyl

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Seven

    Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Lyka. Saglit siyang nawalan ng boses.“H-hawak namin ang buhay ng mag-iina mo kaya—”“Sa tingin mo ba,” putol ni Axel, “matatakot mo ako ng gano’n lang?” Bahagya siyang ngumisi. “Paano kung ayaw kong pumirma?”Napanganga si Lyka, halatang hindi inaasahan ang sagot.Napangisi siya sandali bago tumalim ang tingin. “Wala kaming pakialam. Pipirmahan mo ’yan ngayon din—sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw niya. “Hawakan niyo siya!”Agad kumilos ang mga tauhan ni Klyde. Mahigpit nilang hinawakan ang magkabilang braso at paa ni Axel, walang puwang para makawala. Sapilitan siyang pinaluhod, pilit pinipigilan sa bawat pagpupumiglas niya.Dahan-dahang lumapit si Klyde, hawak ang walkie-talkie, nakangisi na parang nagwagi na siya.“Axel,” sambit niya, pinindot ang aparato. “Nasa kabilang linya ang mag-iina mo. Kasama nila ang mga tauhan ko.” Bahagyang yumuko siya para magpantay ang mga mata nila.“Kung hindi ka pa rin pipirma at magmamatigas ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Six

    “Mr. Strathmore, pupunta muna ako sa security room at titingnan ang mga live footage. Baka sakaling may nahagip ang camera—kung sino ang kumuha sa kambal pati na rin kay Mrs. Strathmore,” sabi ni Tyler.“Sige. Tawagan mo agad kami kapag may nakita ka,” tugon ni Axel.Matapos iyon, mabilis na tumakbo si Tyler palabas at nagtungo sa security room upang mag-imbestiga.“Kayo dalawa, tulungan ninyo ang mga caretaker at ilagay sila sa higaan, tapos maghanap kayo ng—”Hindi pa man natatapos ni Axel ang kanyang sasabihin ay may narinig silang boses.Sabay-sabay silang napalingon at hinanap ang pinanggagalingan ng ingay, hanggang sa mapansin nila ang isang walkie-talkie na nasa ilalim ng higaan.Kinuha iyon ni Russell at agad na iniabot kay Axel. Nabalot ng matinding kuryosidad si Axel—wala namang iniwang walkie-talkie ang alinman sa kanila—kaya lalo siyang nagtaka. Dahan-dahan niya itong binuksan at nagsalita.“Hello?”Pagkasabi niya n’yon ay may agad na sumagot sa kabilang linya.“Oh, mabuti

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Five

    Si Lyka, na nasa kabilang linya, ay bahagyang nakakunot ang noo matapos patayan siya ni Nessa nang hindi man lamang hinihintay ang sasabihin niya. Hindi niya napigilang mainis nang maalala ang huling sinabi nito.“Sa tingin niya ba, matatakot kami sa pagbabanta niyang iyon?” bulong niya.Agad niyang kinuha ang walkie-talkie at tinawagan si Klyde.“Mr. Strathmore,” tawag niya. “Dadalhin na ni Nessa si Selena sa tuktok ng barko.”Sa kabilang linya, relax na nakaupo si Klyde sa malambot na sofa habang marahang umiinom ng champagne. “At ang mga anak nila?” malamig nitong tanong.Napatingin si Lyka sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog sa loob ng crib. “Kasama ko,” sagot niya.Katatapos lamang niyang looban ang private suite nina Axel at Selena. Ang target niya—ang kambal na anak ng mag-asawa—at matagumpay niyang naisagawa ang utos na ibinigay sa kanya ni Klyde.“Dalhin mo rin ang mga bata sa helipad,” mariing utos ni Klyde.“Masusunod, Mr. Strathmore,” tugon ni Lyka bago patayi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Four

    Isang patalim ang dahan-dahang idinikit ni Nessa sa kanyang leeg.“Subukan mo lang sumigaw,” bulong ni Nessa, halos didikit ang labi sa tainga ni Selena, “at babaon ang kutsilyong ito sa lalamunan mo.”Bahagyang idiniin niya ang talim, sapat para maramdaman ni Selena ang lamig nito sa balat.“At huwag kang mag-alala,” dagdag niya habang nakangising tumatawa, “hindi ka mag-iisa sa kabilang buhay. Isasama ko pa ang mga anak mo.”Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Selena. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Kumirot ang dibdib niya sa takot—hindi para sa sarili niya, kundi para sa kanyang mga anak.“Huwag… huwag ang mga anak ko,” umiiyak niyang pagsusumamo. “Nessa, maawa ka. Mga pamangkin mo pa rin sila…”Ngunit sa mga mata ni Nessa, wala nang bakas ng kahit anong awa—tanging isang babaeng handang wasakin ang lahat para sa sarili niyang paghihiganti.“Aba, at bakit naman ako maaawa sa’yo at sa mga anak mo?” tumaas ang kilay ni Nessa. “Ikaw ang dahilan ng lahat ng paghi

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status