Share

Chapter Two Hundred Ten

Penulis: FourStars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-17 21:11:04

“Neera, nasaan ang baril mo?” mabilis na tanong ni Barry habang nagmamasid sa paligid.

“Naiwan ko sa kotse,” mariing sagot ni Neera, halatang iritado sa sarili. “Bwisit! Kung alam ko lang na mangyayari ang ganito!”

Hindi na nag-aksaya ng oras si Axel at agad nagbigay ng utos, matigas ang boses ngunit bakas ang pag-aalala. “Neera, umalis na kayo rito kasama sina Selena at ang mga bata. Delikado kapag isa sa kanila ang natamaan ng bala.”

Habang nagsasalita, bahagyang lumambot ang ekspresyon niya nang lingunin si Selena at ang kambal, kitang-kita ang pangamba sa kanyang mga mata. Ngunit sa kabila nito, nanatili ang kanyang tindig bilang protektor, handang harapin ang banta kahit mag-isa.

Magsasalita pa sana ulit si Axel para utusan si Barry na kunin ang baril sa kotse, subalit bigla siyang napatigil nang makarinig ng sunod-sunod na putukan.

Hindi lamang galing sa namamaril sa kanila.

Nakikipagpalitan ng putok ang mga tauhan ng lalaking yumakap kay Selena na si Braxton, hanggang sa isang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
update po ulit
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty

    Nagpalakpakan muli ang mga tao matapos niya magsalita.Matapos ang kanyang speech, iniabot niya ang mikropono pabalik sa emcee. Nagpasalamat bago bumaba ng entablado.Pagbaba ng entablado, sinalubong siya ng mga negosyante at empleyado na mula sa iba’t ibang kumpanya. Mga taong nagmula sa malalaki at kilalang kumpanya sa Regenshire.Kagaya kanina, nakipagkamay rin siya sa mga ito. Nakangiti at propesyonal.Nang makaramdam ng pagod sa patuloy na pakikipag-usap at halubilo, nagpaalam siya na magpapahinga na muna. Kaya naman agad siyang inakay ng magkapatid na Russell at River sa pahabang lamesa.Mesa kung saan nakaupo ang mga miyembro ng Board of Directors. Naroon din sa lamesa sina Atticus at Alaric na parehong nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi.Naupo siya sa pagitan ni Atticus at Alaric.Pagkaupo niya ay narinig niya ang boses ni Atticus.“Selena, inaasahan kita at ng buong Strathmore Group. Huwag mo kaming bibiguin.”“Huwag ka mag-alala, Lolo. Hindi man ako kasing husay ni Axe

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Nine

    “Sino ‘yang kasabay mong pumasok, Mr. Strathmore?”Isa sa mga empleyado ang naglakas-loob na magtanong, tila kinain ng kuryosidad. Paano ba naman, sa paglakad pa lang ni Selena ay para siyang babaeng nagmula sa isang marangal at mataas na estado ng pamilya. Ang bawat hakbang ay may dalang halo ng pagiging elegante at sopistikado.Napangisi si Klyde, kunot-kilay pero halatang nag-e-enjoy sa eksena. “Mukha ngang hinihintay ninyo ang pagdating ko,” aniya na may biro sa tinig. “Pagpasok ko pa lang, nag-uusisa na agad kayo. Pero sana iwasan ang may halong malisya…” bahagya siyang tumingin kay Selena “…lalo’t nasa harapan ninyo ang bagong CEO.”Sabay-sabay na napa-“Huh?” ang lahat. Napanganga sa kanilang narinig.Bumilis ang pagsulak ng usapan at nagkandarapang lumapit ang mga empleyado. Ang iba ay muntik pang matapilok dahil sa pagmamadaling makalapit.Tumindig sila sa harap ni Selena at sabay-sabay na yumuko.“Magandang gabi sa inyo, Mrs. Strathmore!”“Ikinagagalak ka naming makita at mak

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Eight

    Pagkalabas ng sasakyan, lumabas din si River at Russell, nakasunod kay Selena.Habang si Barry, ang drayber, dinala ang kotse sa underground parking lot ng hotel para iparada.Nagsimulang malakad si Selena papunta sa direksyon ng main entrance ng hotel, kasunod ang magkapatid sa likuran niya. Habang naglalakad, napahinto si Selena ng marinig niyang may tumawag sa kanya. Hindi siya lumingon para tingnan kung sino ang tumawag sa pangalan niya dahil pamilyar sa kanya ang boses nito, si Klyde. Hindi na niya kailangan manghula dahil pamilyar sa kanya ang boses ni Klyde.Ilang segundo siya nakatayo hanggang sa nagpatuloy siya sa paglalakad. Binilisan ni Klyde ang lakad niya ng makitang walang balak si Selena na hintayin siya.Sinabayan niya si Selena sa paglalakad sa tabi nito pero may agwat sa pagitan nila. Gayunpaman, sa kahit na sinong makakakita sa kanila ay kahit sino ay iisiping magkasama silang nagpunta ng hotel.Nang makapasok na sila sa loob. Nakilala sila ng mga hotel staff, isa-i

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Seven

    Samantala, sa opisina ng COO ng Strathmore Group, naroon si Emmanuel sa opisina ni Klyde. Dumaan siya upang kausapin si Klyde nang masinsinan tungkol sa nangyari kanina.“May paliwanag ka ba sa pag-atras mo kanina?” tuwiran ang tanong ni Emmanuel.Hindi agad sumagot si Klyde. Inikot-ikot niya sa mga daliri ang fountain pen na hawak niya at tila nag-iisip ng mabuti bago nagsalita.“Alam kong dismayado kayo sa naging pag-atras ko, pero may naisip akong ibang plano.”Nakataas ang kilay ni Emmanuel. “At ano naman iyan? Anong planong iniisip mo?”“Malalaman niyo rin,” maiksi ang sagot ni Klyde. “Sa ngayon, mag-abang na lang kayo sa magiging hakbang natin. At isa pa—maging maingat kayo. May nalaman akong may nag-iimbestiga pa rin na mga pulis sa kasong ipinaratang kay Axel.”Suminghal si Emmanuel, malinaw ang galit at determinasyon sa tono. “Hindi na makakalabas ang taong iyon mula sa kulungan. Kinausap ko na ang kakilala ko para agad siyang mailipat sa Maximum Prison.”“Sana nga mailipat n

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Six

    Samantala, si Emmanuel at ang iba pang kapanalig ni Klyde ay tikom ang bibig ngunit halatang nagngangalit sa nangyari. Hindi nila matanggap ang desisyon. Buo ang plano nilang iluklok si Klyde bilang CEO, handa silang gawin ang lahat para magtagumpay. Subalit isang hakbang ni Klyde ang agad bumuwag sa lahat ng kanilang pinaghandaan.Si Alaric ang unang bumati kay Selena. “Congratulations, Selena,” masiglang bati nito.“Salamat, Dad,” tugon niya, may bahagyang pagngiti sa labi.Isa-isang nagsilapitan ang mga naroon upang bumati sa kanya. Nandoon ang mga C-level executives tulad nina Tristan at Jared; ang magkapatid na River at Russell; sina Barry, Cael, at iba pang minor shareholders at miyembro ng Board of Directors na naniniwala kay Axel. Lahat ay masiglang nakikibahagi sa tagumpay na iyon para sa kanya.Lumapit din si Atticus upang personal siyang batiin. “Congratulations,” nakangiting sambit nito.Yumuko si Selena bilang paggalang. “Salamat, Lolo—Chairman,” mabilis niyang binago ang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Five

    “Ayon sa dokumento,” patuloy ni Cael habang binubuklat ang folder, “lahat ng assets ni Mr. Strathmore ay ipinasalin sa pangalan ni Mrs. Selena Strathmore—kabilang ang 51% company shares sa Strathmore Group, real estate properties, cash at bank accounts, investment accounts, stocks sa iba’t ibang kumpanya na nagkakahalaga ng kabuuang $161 milyon, pati na ang jewelry collection, antiques, at artworks na tinatayang may halagang $93 milyon.”Isa-isa niyang binanggit ang bawat detalye, at bawat salita ay tila pabigat nang pabigat kay Selena.Pakiramdam niya ay hihimatayin siya. Hindi niya akalaing sa buong buhay niya ay darating ang sandaling hahawakan niya ang ganitong uri ng yaman. Ngunit sa ilalim ng pagkagulat, may halong kaba at pagkailang—pakiramdam niya, hindi siya karapat-dapat.“Cael,” mariin niyang sabi, “maiintindihan ko kung ilang bahagi ng mga assets ang mapunta sa akin, pero bakit lahat?”Si River ang unang sumagot, kalmado ang tinig. “Mrs. Strathmore, utos mismo ni Mr. Strat

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status