Share

Chapter Sixty Six

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-05-23 23:55:48
Tumango siya, saka agad bumangon at naligo. Nagsuot siya ng simpleng puting strapped dress at isang fur coat upang matakpan ang kanyang lumalaki na tiyan.

Bago sumakay ng kotse, hinalikan niya sa pisngi si Silas. “Huwag ka nang magpuyat, ha. May pasok ka pa bukas,” hinaplos ang pisngi nito.

Sa isang high-end seafood restaurant ginanap ang private meeting. Doon nagpareserba si Russell matapos malaman na paborito ng CEO ng Gold Magnet ang mga lamang-dagat gaya ng lobster, king crab, at tiger shrimp.

Pagdating nila sa restaurant, iniabot ni Axel ang susi ng kotse sa valet. Isang staff ang sumalubong sa kanila at sinamahan sila papunta sa third floor kung saan naroon ang SVIP private room. Sumakay sila ng private elevator paakyat.

Sa loob ng private room, naghihintay na si Russell kasama ang isa pang lalaki. Binati sila ng mga ito. Naupo sina Axel at Selena sa harap ng bilugang mesa habang nakatayo sa likuran ang dalawa. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang makaramdam siya ng pag-
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Seven

    Kumuyom ang kamao ni Selena. “Hayop ka!” galit niyang sigaw. “Talagang halang ang kaluluwa mo, Klyde! Pamangkin mo sina Asher at Samuel! Paano mo nagawang gamitin ang buhay ng sarili mong kadugo para lamang pagbantaan ako?”Napasinghal si Klyde. “Ano naman ngayon?” malamig niyang sagot. “Wala akong pakialam kahit kadugo ko pa sila. Kung magagamit ko sila laban sa inyong dalawa ni Axel para makuha ang gusto ko, hinding-hindi ako magdadalawang-isip!”Nanigas ang panga ni Selena sa matinding galit. Ramdam niya ang namumuo at nag-aalab na poot sa kanyang dibdib habang pinakikinggan ang mga salitang puno ng kasamaan mula kay Klyde.Ngunit si Selena ang ngayon ay napangisi. “Pare-pareho kayong tatlo nina Heather at Nessa—patuloy na nabubuhay sa ilusyon,” sabi niya. “Klyde, hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na ikaw ang karapat-dapat na tagapagmana ng pamilyang Strathmore?”“Tumahimik ka, Selena!” pasigaw na sagot ni Klyde. “Ano ang masama sa maghangad? At isa pa, totoo namang ako ang d

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Six

    Nag-isip si Tyler. Inalala niya ang itsura ng crew. “Mahaba ang buhok, balingkinitan, at parang may—”“May sugat at peklat sa magkabilang braso?” putol ni Selena.Agad na tumango si Tyler. “Paano mo nalaman?”“Dahil sa mismong harapan ko inalis ni Heather ang silicone mask at wig na suot niya,” sabi ni Selena. “Maliban kay Nessa, kasabwat din nina Klyde at Lyka si Heather sa pagdukot sa mga anak namin ni Axel.”“Nessa? Sino ’yon?” tanong muli ni Tyler.“Kakambal siya ni Neera,” sagot ni Selena. “Si Nessa at Neeranang supposed stepsister ko kina Ricardo at Nadine.”Tumango-tango si Tyler. “Mrs. Strathmore, kailangan na nating magmadali. Ngayong alam na natin na kay Heather ang kambal, kailangan na natin siyang mahanap para mabawi ang mga bata.”Nagpatuloy silang dalawa sa pagtakbo, patuloy na hinahanap si Heather.Samantala, si Axel, kasama sina Russell at River, ay patuloy ring tumatakbo habang hinahanap naman si Klyde. Hindi na nila alam kung nasaan ito dahil mabilis itong nakataka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Five

    Sa isang iglap, may nabuo agad na desisyon si Selena sa kanyang isip.Si Heather, na nakatayo sa di-kalayuan, ay tahimik lamang na pinanood ang paglapit ni Selena sa bakal na railings. Ilang sandali pa, bumitaw si Selena sa railings at tumalon. Lumapad ang ngisi sa labi ni Heather.Hindi napigilan ni Heather ang mapangiti sa galak kaya naglakad siya palapit sa bahaging kinaroroonan ni Selena upang tiyaking tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin. Bago pa man siya tuluyang makalapit, narinig niya ang malakas na tunog ng tila may bumagsak sa tubig. Sumilip siya pababa, ngunit dahil sa dilim ng gabi, wala siyang malinaw na makita.Mula sa iba’t ibang direksiyon ay sinubukan niyang hanapin si Selena, subalit walang anumang senyales na may umaahon mula sa dagat. Dahil dito, inakala ni Heather na tuluyan na itong nalunod at nilamon na ng karagatan.Napangisi siya sa isiping iyon at marahang sinabi, “sa wakas, wala ka na sa landas ko, Selena. At tungkol sa mga anak ninyo ni Axel—huwag ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Four

    “Gagawin mo ang lahat?” ulit ni Heather. “Sigurado ka ba sa binibitawan mong mga salita, Selena?”Napakagat ng labi si Selena. Alam niyang parang hindi niya pinag-iisipan ang kanyang sinasabi, ngunit desidido siyang gawin ang lahat para sa mga anak niya. Bakit niya hahayaang may masamang mangyari kina Asher at Samuel? Hindi niya kakayaning mawala sa kanya ang kambal. Habambuhay niya iyong pagsisisihan.“Oo,” tumango siya. “Sigurado ako. Kahit ano pa ang ipagawa mo, gagawin ko. Sabihin mo lang.”Buong paninindigan niyang binitiwan ang mga salitang iyon. Wala naman siyang pagpipilian. Mas mabuting sundin niya ang gusto ni Heather, lalo na’t malinaw na nakuha na nito ang interes niya.Dahan-dahang ibinaba ni Heather ang baril at inilayo ito sa ulo ng mga paslit.“Sige, kung gano’n,” sabi niya habang umiinog ang paningin, wari’y nag-iisip ng ipapagawa. Hindi iyon magiging madali—siguradong may kapalit ang bawat pangako.Sumilay ang isang malamig at nakakatakot na ngisi sa labi ni Heather

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Three

    Nagtama ang kanilang balikat dahilan para mapangiwi sa sakit si Heather pero bago pa siya magsalita para pagsabihan ang nakasagi sa kanya, naunahan siya nito.‘’Ano ba?! Hindi ka man lang tumitingin sa dinadaanan mo! Tabi!’’ sigaw ng babae.May karga itong isang tao na walang malay. Hula niya ay babae ang karga nito na halos kala-kaladkad na nito.Mula sa kinatatayuan niya sa likod ng isang makapal na haligi, mahigpit na kinuyom ni Heather ang kanyang mga kamao. Kitang-kita niya si Nessa na padabog na binuhat muli si Selena at nagmamadaling lumapit sa gitna ng helipad.Ilang saglit pa’y nakita niya ang mga tauhan na lumapit din sa kanya kanina na lumapit din sa babaeng may dala kay Selena. Napasinghap si Heather at bahagyang sumilip.Tatlong lalaki ang lumapit sa babae—lahat naka-itim, may seryosong mga mukha. Isa sa kanila ang lumapit kay Nessa.“Iyan na ba ‘yong babae?” malamig na tanong ng lalaki.Tumango si Nessa. “Oo. Wala pa ring malay. Katulad ng bilin ni Lyka.”Ipinatong ng la

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Two

    Ngumisi muli si Lyka bago inilapit ang mukha kay Heather at may ibinulong dito.Matapos iyon, hindi na nagsalita si Heather. Kinuha niya ang tulak-tulak na pushcart, itinabi sa isang gilid, at tumayo sa harap ng pinto ng isang private suite.Kumatok siya sa pinto.“Sir? Ma’am? May tao ba riyan sa loob?”Nang walang sumagot, mas nilakasan niya ang pagkatok hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto. Si Barry ang humarap.“Sino ka?” tanong nito.Sinuri ni Barry ang itsura ng babaeng walang tigil sa pagkatok. Sa unang tingin, mukha itong isa sa mga crew ng barko, pero may kung anong kakaiba sa kilos nito.“Mabuti naman at may iba pang kasama sa suite sina Mr. at Mrs. Strathmore,” sabi ng babae. “Pasensya na sa abala.”Kumunot ang noo ni Barry. Ramdam niyang may dahilan ang biglaang pagsulpot ng babae.“May problema ba?” tanong niya. “Kung mayroon, sabihin mo na agad.”Tumango ang babae, halatang nagmamadali. “May nangyari sa mag-asawa. Pinapunta nila ako rito para tawagin kayo. Sabi ni Mr. S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status