Share

Chapter Sixty Five

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-05-22 23:54:27

Nang makumpirma ni Axel na hindi siya tinatanggihan ni Selena, marahan niyang hinawakan ang baba nito, iniangat ang mukha, at inilapit ang kanyang labi. Dahan-dahang hinalikan ni Axel si Selena, malambot sa simula, saka naging mas mapusok.

Ilang segundo rin ang itinagal ng halikan nila bago sila kapwa huminto, kapwa mainit ang hininga.

Inikot siya ni Axel paharap sa kanya. Saglit silang nagtitigan bago nagsalita si Selena, halos pabulong, “Pwede ba na…”

Naintindihan agad ni Axel ang nais niyang iparating. “Magdadahan-dahan ako,” tugon nito.

Muling naglapat ang kanilang mga labi, kasabay ng isa-isang pagtanggal ng mga saplot hanggang wala nang matira sa pagitan nila. Maingat siyang binuhat ni Axel habang patuloy pa rin ang kanilang halikan, at dahan-dahan siyang inihiga sa malambot at malawak na kama.

Ang akala ni Selena ay isang mabilis na pagtatalik lang iyon, pero halos paumaga na bago sila natapos. Hindi na rin niya namalayan kung anong oras siya nakatulog sa sobrang pagod.

Makaila
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Sixty Six

    Tumango siya, saka agad bumangon at naligo. Nagsuot siya ng simpleng puting strapped dress at isanh fur coat upang matakpan ang kanyang lumalaki na tiyan.Bago sumakay ng kotse, hinalikan niya sa pisngi si Silas. “Huwag ka nang magpuyat, ha. May pasok ka pa bukas,” hinaplos ang pisngi nito.Sa isang high-end seafood restaurant ginanap ang private meeting. Doon nagpareserba si Russell matapos malaman na paborito ng CEO ng Gold Magnet ang mga lamang-dagat gaya ng lobster, king crab, at tiger shrimp.Pagdating nila sa restaurant, iniabot ni Axel ang susi ng kotse sa valet. Isang staff ang sumalubong sa kanila at sinamahan sila papunta sa third floor kung saan naroon ang SVIP private room. Sumakay sila ng private elevator paakyat.Sa loob ng private room, naghihintay na si Russell kasama ang isa pang lalaki. Binati sila ng mga ito. Naupo sina Axel at Selena sa harap ng bilugang mesa habang nakatayo sa likuran ang dalawa. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang makaramdam siya ng pag-ihi.“M

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Sixty Five

    Nang makumpirma ni Axel na hindi siya tinatanggihan ni Selena, marahan niyang hinawakan ang baba nito, iniangat ang mukha, at inilapit ang kanyang labi. Dahan-dahang hinalikan ni Axel si Selena, malambot sa simula, saka naging mas mapusok.Ilang segundo rin ang itinagal ng halikan nila bago sila kapwa huminto, kapwa mainit ang hininga.Inikot siya ni Axel paharap sa kanya. Saglit silang nagtitigan bago nagsalita si Selena, halos pabulong, “Pwede ba na…”Naintindihan agad ni Axel ang nais niyang iparating. “Magdadahan-dahan ako,” tugon nito.Muling naglapat ang kanilang mga labi, kasabay ng isa-isang pagtanggal ng mga saplot hanggang wala nang matira sa pagitan nila. Maingat siyang binuhat ni Axel habang patuloy pa rin ang kanilang halikan, at dahan-dahan siyang inihiga sa malambot at malawak na kama.Ang akala ni Selena ay isang mabilis na pagtatalik lang iyon, pero halos paumaga na bago sila natapos. Hindi na rin niya namalayan kung anong oras siya nakatulog sa sobrang pagod.Makaila

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Sixty Four

    Mariin ang titig ni Selena habang tahimik na nakatingin kay Heather. “Kaya nga labis ang pasasalamat ko kay Axel. Kung hindi dahil sa kanya, baka hanggang ngayon ay takot na takot pa rin ako... o baka natuklaw na ako ng ahas na ’yon.”Ngumiti si Heather. “Tama ka. Mabuti na lang talaga at walang nangyari kay Axel. Nag-iisang anak lang siya at tagapagmana ng mga Strathmore. Kapag may nangyari sa kanya, siguradong malulungkot ang lahat... lalo na si tita Abigail. Hindi malabong ilabas niya lahat ng galit niya.”Sabay na kumuyom ang mga kamay ni Selena na nakapatong sa tuhod. Alam niyang totoo ang sinabi ni Heather. Kung may nangyari kay Axel, siguradong hindi siya patatahimikin ni Abigail, baka nga siya pa ang sisihin.Huminga siya ng malalim bago nagsalita, pilit kinakalma ang sarili. “Maliksi at malakas si Axel. Higit sa lahat, hindi siya basta-basta susugod kung hindi siya sigurado sa gagawin niya. Nakita naman natin lahat ang ginawa niya,” aniya, bakas sa tinig ang paghanga.“May pu

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Sixty Three

    Nanlaki ang mga mata ng tatlo sa rebelasyong iyon.Napakagat ng labi si Attcus, gigil ang tinig. “Kung totoo ang sinasabi mo, baka isa sa mga kasambahay o tauhan ang may kagagawan nito. Kung gano’n, dapat—”“Huwag,” agad na putol ni Axel. “Hayaan mo lang muna sila, lolo. Sa ngayon, obserbahan natin ang kilos ng bawat isa. Kung agad tayong gagalaw, baka mas lalo lang silang mag-ingat at magtago.”Tumango-tango si Alaric, sang-ayon sa opinyon ng anak. “Tama siya, Dad. Kapag gumawa tayo ng aksyon ngayon, mas mahihirapan tayong mahuli kung sino man ang may kagagawan sa nangyari kay Selena. Kailangan nating ipakita na parang sumuko na tayo. Na tila ba hindi natin kayang alamin ang totoo tungkol sa insidente.”Natahimik si Atticus. Napaisip ng ilang segundo bago tumango. “Kung ‘yan ang tingin ninyong pinakamainam na estratehiya, sumasang-ayon ako.”Tatayo na sana silang lahat nang biglang magsalita si Galatea. “Gusto kong manatili ang usapan na ito sa ating apat lamang. Walang ibang makakaa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Sixty Two

    Nanlaki ang mga mata ni Selena nang makita niya sa sahig ang isang ahas na halos kasinglaki ng braso niya. Agad siyang kinabahan at natakot nang mapansing gumagapang ito papunta sa kanya. Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang unti-unting lumalapit ang ahas.“Ahhhhh! Ahas! May ahas! Ahhh!” sigaw niya sa matinding takot. Nanginginig ang kanyang katawan habang umiikot ang kanyang paningin, pilit naghahanap ng kahit anong bagay na maaaring gamitin bilang panangga o panlaban.Dahil sa lakas ng kanyang sigaw, umalingawngaw ito sa buong manor. Lahat ng tao’y napalingon, at ang iba nama’y dali-daling tumakbo patungo sa pinanggalingan ng sigaw. Si Axel, na katatapos lang ayusin ang ilang papel sa study room at pabalik na sa guest room nila ni Selena, ay napatigil at napatakbo nang marinig ang boses ng babae.Sa labas ng kwarto, nasalubong niya si Alaric na buhat-buhat si Silas.“Axel! Si Selena!” ani Alaric, bakas sa mukha ang kaba at takot.Hindi na nagsalita si Axel. Agad niyang pinihit a

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Sixty One

    Napansin ni Abigail ang matalim na tingin ni Selena na may galit, mariin, at mapanumbat kaya mas lalo pang uminit ang ulo niya.“Selena!” sigaw niya, halos mabingi ang paligid. “Ano bang kasalanang ginawa sa ’yo ni Heather para saktan mo siya?! Porke’t pinoprotektahan ka ng anak at asawa ko, akala mo may karapatan ka nang manakit ng iba?!”Halos mapuno ng galit at pagkasuklam ang dibdib ni Abigail. Hindi lang siya basta galit. Pakiramdam niya, pinagsamantalahan ni Selena ang tiwala ng pamilya nila.Sa isip niya, malakas ang loob ni Selena na gawin ang gusto nito dahil sa pinapanigan ito ng buong pamilya, maliban lamang sa kanya.Maingat ngunit mariing hinatak ni Abigail si Selena upang makatayo ito mula sa pagkakaupo sa damuhan.Sumimangot si Selena sa sinabi ni Abigail at sa akusasyon nito. “Madam Strathmore,” malamig niyang bungad, “bago mo ako husgahan, alamin mo muna ang buong pangyayari. Baka isipin ng iba, madali kang mapaniwala kung ano lang ang huling nakita mo.”Napasinghal s

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Sixty

    Sa loob-loob ni Alaric, matagal na siyang may pagdududa kay Heather. Kahit pa matagal na itong nakasama ng pamilya niya, nahalata na niya ang ambisyon at pagnanais nitong mapabilang sa pangalan ng Strathmore. Hindi dahil sa pagmamahal kay Axel, kundi dahil sa estado at kayamanang hindi masukat. Lalong nanaig ang suspetsa niya nang piliin ni Heather na umalis ng bansa noong panahong may kinakaharap na mabigat na krisis ang Strathmore Group. Hindi na nagsalita pa si Abigail. Ramdam niyang kahit anong sabihin niya sa asawa ay hindi nito maiintindihan ang side niya. Pinili niyang hindi makipag-argumento. Pinakalma niya ang sarili bago nagsalita. “Tara sa dining hall, sigurado ako kanina pa naghihintay sa atin sina Mom at Dad.” Matapos magsalita ay hinawakan ni Abigail sa braso si Heather at inakay ito papunta ng dining hall. Tahimik namang sumunod sa kanila si Alaric. Susunod na rin sana si Selena nang marinig niyang nagsalita si Axel sa tabi niya. “Huwag mo na lang pansinin ang sina

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty Nine

    Ginising na ni Selena si Silas upang bumangon at mag-ayos ng sarili. Eksakto namang kumatok ang kasambahay para sabihing nakahanda na ang agahan nila. Pagkatapos magpalit ng damit, sabay na silang bumaba, kasunod ng kasambahay, papunta sa dining hall. Pagbaba pa lang nila sa hagdan, agad niyang napansin ang bagong bisita ng araw na iyon. Ang magulang ni Axel, nakaupo sa malambot na sofa sa sala si Atticus. Nginitian siya ni Alaric. “Magandang araw. Ngayon lang kami nakabisita ni Abigail dito dahil kakarating ko lang mula sa business trip ko sa Mayvaria,” paliwanag nito. “Kamusta naman ang stay mo rito sa Strathmore Manor?” “Maayos naman, Dad,” simpleng sagot ni Selena. Habang nag-uusap sila, bumaba na rin si Axel na nagmula sa study room. Pagkakita sa ama, agad itong nagtanong. “Dad, kailan ka pa nakabalik?” “Kanina lang. Dumiretso na kami rito ng mom mo matapos niya akong sunduin sa airport,” sagot ni Alaric. “Dapat nagpahinga ka muna, Dad,” sabing may bahagyang pag-aalala

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Fifty Eight

    Tatanggihan na sana ito ni Heather, pero may pumasok na ideya sa isip niya.“Okay lang ba sa ’yo ’yon, Selena? Aksidente lang naman ito. Siguro ilang araw lang, mawawala na rin ang pamumula ng balat ko.”“Okay lang,” sagot ni Selena. Tumingin siya kay Silas na tahimik lang na tumango.Sa likod ng ngiti ni Heather, iniisip na niya na ito na ang pagkakataon para makalapit sa magkapatid at makagawa ng mas epektibong plano para tuluyang mawala si Selena sa landas niya.Tulad ng sinabi ni Selena, tinulungan nilang magkapatid si Heather. Ikinukuha nila ito ng pagkain, inumin, at gamot. Kahit panay ang utos ni Heather, sinunod pa rin ito ni Selena, bagaman halatang hindi siya komportable.Makalipas ang ilang oras, sinabi ni Heather na inaantok na siya at piniling magpahinga. Lumabas si Selena ng silid at pinayuhan si Silas na magpahinga rin.Bababa na sana siya ng hagdan nang hindi niya inaasahang makasalubong si Axel sa hallway.“Tapos na ba ang online meeting mo?” agad niyang tanong.Tuman

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status