LOGINSandaling natigilan si Dominic, nablangko ang utak niya. Ang posisyon nito sa pagitan ng hita niya..... masyadong sobra.Agad niyang tinulungan si Evelyn na makatayo at mahinang nagtanong, "Nahulog ka ba?"Noong makitang mamula ang buong mukha nito, may kung anong init ang yumakap sa d*bdib niya.Sinadya namang taasan ni Evelyn ang boses upang pagtakpan ang pagkapahiya, galit siyang nag-demand:"Ano bang ibig mong sabihin, Dominic? Balak mo ba talaga akong ikulong dito?"Kumapit siya sa armrest, pilit niyang tinayo ang sarili kahit na nananakit ang bukong-bukong ng paa niya, pinanatili niya ang matigas na awra."Bakit mo binlock lahat ng signal sa mansion? Tingin mo ba talaga maikukulong mo ako sa lugar na 'to?!"Pinanood lang ni Dominic ang pamumula nito at galit na ekspresyon, at sa hindi malamang dahilan, nakahinga siya nang maluwag."Akala ko may masamang nangyari," kalmadong bigkas niya."Malakas ang network system ng mansyon. Konektado ito sa sattelites sa itaas." Tinuro pa niya
Noong maipatapon na niya palabas si Rose, bigla na lang natahimik ang mundo niya.Pero ang mga salita nito ay matagal na umulit sa isip niya. Ang paboritong restaurant ni Evelyn ay Saffron and Silk Lounge. Hindi niya ito kailanman dinala roon, pero nagawa niyang i-book ang buong lugar para kay Lydia.Ngayon niya lang napagtanto kung gaano kalaki ang utang niya rito.Kahit noong makunan ito, hindi man lang niya naipadama na may pakialam siya. Pero sana... sa future, magagawa na niya—Teka, ano ba namang iniisip niya?"James!"Mababa ang boses niya pero madiin.Tarantang lumapit si James pagbukas niya ng pinto, mabibilis ang mga hakbang niya."Boss."Wala sa sariling tumipa ang mga daliri ni Dominic sa mesa, lumilikha ng malamyos na tunog ng pagtipa."Magpagawa ka ng bagong restaurant, agad-agad. Restaurant na malalagpasan ang Saffron and Silk Lounge. Walang problema sa pera. Ang mga equipment, ang design ng lugar, at ang team ng chef—lahat dapat delakidad."Tumigil siya sandali, ang m
Masyadong makaluma ang kuha ng footage. Parang mumurahing horror film.Pero alam ni Dominic na lahat ng kuha roon ay totoo. Nangyari lahat 'yon kay Evelyn.Mahigpit na kumuyom ang kamao niyang nasa gilid ng mesa, umumbok na parang lubid ang mga ugat niya sa likod ng kamay. Namuti ang kamao niya sa sobrang higpit.Nakatayo naman si James ilang hakbang ang layo sa kanya, nakayuko ngunit ang mga mata ay hindi mapigil ang titig sa nagngangalit na likod ni Dominic.Parang lumamig ang hangin. Tanging ang mahinang tunog ng video ang naging ingay sa kwarto, kasabay ang marahas na paghinga ni Dominic.Tutok ang titig niya sa screen.Nakita niya lahat 'yon.Ang nakakadiring butiki na gumapang sa sahig at umakyat pagapang kay Evelyn.Kita niya rin ang nginig ng katawan nito at ang marahang pagpikit. Iyon na lahat 'yon.Para na namang piniga ang puso ni Dominic, pinilipit nang walang awa. Bawat sulok no'n ay nanakit.Gumalaw bigla ang footage.Ang manyak na lalaki ay may hawak ng maliit na kutsil
Twenty minutes later, lumapag ang helicopter sa Frostriver Manor.Twenty kilometres ang layo no'n mula sa city ng Cebu, na may mga bundok, dumadaloy na ilog, at magandang tanawin ng kapaligiran.Convenient kay Dominic na bumalik siya sa city para na rin sa trabaho niya sa kumpanya.Ang mabundok na lugar na 'yon ay binili niya ilang taon na ang nakakalipas, para sana sa isang top-tier resort 'yon. Pero noong bumagsak ang kalusungan ni Don Fernando, nakapagdesisyon si Dominic na gawin na lang iyong Frostriver Manor lalo't malapit sa bundok at ilog.Sa loob ay mga magagandang garden na naalagaan, isang organic orchad, at meron ding kuwadra ng mga kabayo. Bawat sulok ng lugar ay nagsusumigaw ng kalinisan at kayamanan, maganda lalo na sa mga taong nagpapagaling mula sa sakit.Kaya lang, masyado namang malungkutin si Don Fernando at hindi makapag-adjust sa lugar. Mas gusto nitong manatili sa dating mansyon.Kaya ang Manor na iyon ay ilang taon ng walang tao.Bumukas ang pinto ng helicopter.
Agad na nagsalita si James, "Madam, maayos na po ba ang pakiramdam niyo? Sobrang nag-aalala po sa inyo si Sir noong mawalan kayo ng malay at mataas ang lagnat ninyo. Buong gabi po siyang nag-aalala. Hindi ko siya nakitang gano'n kailanman—" "James, huwag kang magsalita para sa kanya. Mas alam mo kaysa sa'kin kung sino talaga ang totoong mahal niya. Nagpapasalamat ako na... niligtas niya ako kagabi pero kung ikukumpara iyon sa sakit na naibigay niya sa'kin...." Malalim na huminga si Evelyn. Namula ang mga mata niya, kalakip din ang panlalamig ng mga iyon. Bigla, nawalan siya ng lakas na magsalita.Nanginig nang bahagya ang katawan niya, baka dahil sa takot kagabi, o sa sakit ng sugat niya, o baka sa sakit ng puso niya ngayon. Naintindihan naman agad ni James ang nararamdaman ng amo at inabutan agad ito ng tissue."Kagabi po, pinagalitan po ni Miss Rose si Sir Dominic. Doon po nalaman ni Sir na nakunan kayo. Agad po siyang nag-utos na hanapin ang salarin, determinado pong ikuha kayo
Mabilis na lumapit si Dominic sa tabi ni Evelyn at marahang kinabig ang ulo nito patungo sa d*bdib niya.Hinayaan niya rin itong sumandal sa bewang niya, ramdam niya ang panginginig ng katawan nito mula sa sobrang sakit.Ang panginginig nito ay bahagya lang ngunit walang tigil. Ang buhok nito ay basa na rin sa sarilimg pawis na halos dumikit na sa pisngi nito.Wala itong kahit na anong ingay na ginawa. Tanging mabibilis at malalim na paghinga lang at ang malalim na bakas ng ngipin nito sa labi gawa ng madiing pagkagat nito roon.Lumabas ang dugo sa ibabang labi ni Evelyn, na siyang dumaloy sa gilid ng bibig niya.Namuo na rin ang luha sa mga mata niya, naipon sa loob ng mata niya at pigil niyang huwag bumagsak.Ang senaryong iyon ay tumusok sa puso ni Dominic, mas malalim na tusok kaysa noong sumisigaw at umiiyak ito sa likod ng pinto.Parang hindi mabilang na karayom ang tumusok nang isang bagsakan lang, matalim ang sakit at walang humpay.Ang tanging nagawa niya para dito ay hawakan







