LOGINMatagal na niyang pinagbabayaran 'yon sa loob ng twelve years, pinagsapalaran niya ang kasal niya at halos kahalati ng buhay niya. Sapat na ang lahat ng 'yon!Nag-angat ng tingin si Evelyn upang makatagpo ang mga mata ni Dominic, "Alam mo ba kung anong pakiramdam na thirty meters underwater ka sa malalim na dagat?Nagyelo sandali si Dominic. Malamang! Alam niya. Isa iyong hindi matakasan na bangungot, pinaghalong takot at nakakasakal na pagpapanic."Evelyn, ano ang gusto mong iparating?" Nakulong ang titig niya rito, bakas ang kaubusan ng pasensya.Nanghihina itong ngumiti, "Wala. Kalimutan mo na."Wala itong pakialam sa mga sinabi niya at ginawa, at binuksan niya ang usapin doon. Kalimutan na lang—ayos lang."Evelyn, hindi mo nga alam kung paano lumangoy. Paano ka ba lumaki?" asar ni Dominic nang bahagya, ang tono niya ay nagbibiro.Suminghot si Evelyn, ang boses ay banayad, "Dati alam ko kung paano.""Talaga ba?" Umangat ang gilid ng labi nito, at mukhang hindi naniniwala. Talaga ba
Hinawakang mahigpit ni Anya ang kanyang kabayo, pinapanood ang mabilis na pagtakbo ng puting kabayo na sinasakyan ni Evelyn.Isang malamig na ngisi ang gumuhit sa labi niya.Umingos siya at naisip si Miss Lydia.Miss Lydia, ang babaeng 'to ay dapat na malaglag at mabalian ng buto. Isang baguhan na sakay ng isang spirited horse na maaaring mamatay o malumpo.Kapag ganoon, magiging legitimate sister-in-law na niya si Miss Lydia. Isipin pa lang na isang malaking star ang sister-in-law niya, nakaka-proud!*Clop, clop, clop—*Nagmamadaling tunog ng takbo ng kabayo naman ang nanggaling sa likuran.Isang purong itim na kabayo ang mabilis at parang sibat na tumatakbo patungo sa direksyon ni Evelyn.Samantala, takot na takot naman na si Evelyn.Hindi makontrol ang kabayong sinasakyan niya, tumatama na sa mga puno at galit na tatakbo bigla.Ang tanging nagagawa niya ay kumapit nang mahigpit sa tali gamit ang buong lakas niya, namumuti na nga ang mga kamao niya.Hindi siya pwedeng mahulog. Hindi
Marahan namang binaba ni Dominic si Evelyn sa malaking kama.Ang malakas na amoy ng alak sa kanya ay humalo sa bagong ligong amoy ni Evelyn, lumikha iyon ng hindi mapaliwanag ngunit mapanganib na tensyon sa pagitan nila.Agad na hinigpitan ni Evelyn ang tuwalya sa katawan niya, pinalibot iyon nang mas mabuti sa katawan niya habang humihiling na sana ay lamunin na lang siya ng sahig.Kahit pa kinasal sila at may nangyari na sa kanila noon, pero dahil lang naman iyon sa kasunduan nila at para magka-anak.Hindi naman siya kailanman tinulungang maligo ni Dominic dati at ang relasyon nila ay walang init o normal na pagkagusto kagaya sa ordinaryong magkasintahan.At ang biglaan at hindi inaasahang pangyayari ngayon, pareho silang naging awkward.Nakatayo lang sa harapan ng kama si Dominic at nakababa ang tingin kay Evelyn."Uh.... lumabas... ka na. Okay lang ako!" malamig na bigkas ni Evelyn.Tiningnan pang lalo ni Dominic ang namumula nitong mga pisngi, at ang ilang hibla ng buhok na nakad
Sa mismong pintuan, nakatayo ang pinsan ni Dominic na si Anya Del Rosario.Katatapos lang ng graduation nito sa college noong nakaraan at gustong-gusto nitong magpunta sa mansyon para mag-sketch.Buhat nito sa isang kamay ang isang painting canvas, marahan itong pumasok sa kwarto."Siya ba.... ang sister-in-law ko?"Nakilala ito agad ni Dominic at agad na inabot ang kamay upang tulungang makatayo si Evelyn.Kaya lang ay winaksi ni Evelyn si Dominic.Noong makita iyon, agad na binaba ni Anya ang canvas at nagmadaling lumapit kay Evelyn."Ate, nasaktan ka ba?" Bumagsak ang tingin nito sa bahagyang naka-bent na sakong ni Evelyn at sa dalawang splints sa kaliwang kamay nito."Tulungan na kitang bumalik sa kwarto mo para magpahinga.""Salamat, Anya!" agad na lumambing ang boses ni Evelyn at puno ng pasasalamat.Ang alam niya ay tahimik at malambing na babae si Anya. Eighteen years old pa lang ito at mukhang well-behaved.Maingat na sinuportahan ni Anya si Evelyn at hinayaan na isandal nito
Sandaling natigilan si Dominic, nablangko ang utak niya. Ang posisyon nito sa pagitan ng hita niya..... masyadong sobra.Agad niyang tinulungan si Evelyn na makatayo at mahinang nagtanong, "Nahulog ka ba?"Noong makitang mamula ang buong mukha nito, may kung anong init ang yumakap sa d*bdib niya.Sinadya namang taasan ni Evelyn ang boses upang pagtakpan ang pagkapahiya, galit siyang nag-demand:"Ano bang ibig mong sabihin, Dominic? Balak mo ba talaga akong ikulong dito?"Kumapit siya sa armrest, pilit niyang tinayo ang sarili kahit na nananakit ang bukong-bukong ng paa niya, pinanatili niya ang matigas na awra."Bakit mo binlock lahat ng signal sa mansion? Tingin mo ba talaga maikukulong mo ako sa lugar na 'to?!"Pinanood lang ni Dominic ang pamumula nito at galit na ekspresyon, at sa hindi malamang dahilan, nakahinga siya nang maluwag."Akala ko may masamang nangyari," kalmadong bigkas niya."Malakas ang network system ng mansyon. Konektado ito sa sattelites sa itaas." Tinuro pa niya
Noong maipatapon na niya palabas si Rose, bigla na lang natahimik ang mundo niya.Pero ang mga salita nito ay matagal na umulit sa isip niya. Ang paboritong restaurant ni Evelyn ay Saffron and Silk Lounge. Hindi niya ito kailanman dinala roon, pero nagawa niyang i-book ang buong lugar para kay Lydia.Ngayon niya lang napagtanto kung gaano kalaki ang utang niya rito.Kahit noong makunan ito, hindi man lang niya naipadama na may pakialam siya. Pero sana... sa future, magagawa na niya—Teka, ano ba namang iniisip niya?"James!"Mababa ang boses niya pero madiin.Tarantang lumapit si James pagbukas niya ng pinto, mabibilis ang mga hakbang niya."Boss."Wala sa sariling tumipa ang mga daliri ni Dominic sa mesa, lumilikha ng malamyos na tunog ng pagtipa."Magpagawa ka ng bagong restaurant, agad-agad. Restaurant na malalagpasan ang Saffron and Silk Lounge. Walang problema sa pera. Ang mga equipment, ang design ng lugar, at ang team ng chef—lahat dapat delakidad."Tumigil siya sandali, ang m
"Evelyn Soriano! Contract marriage lang ba ang kasal ninyo ni Mr. Dominic Del Rosario?""Nagbayad ka ba ng trolls para ipahiya si Miss Lydia?""Miss Soriano, nagkaroon ka man lang ba ng totoong marital relationship kay Mr. Dominic?""Miss Soriano, sumagot ka naman!"Patalim nang patalim ang mga tan
Bumalik sa apartment si Evelyn. Patay ang ilaw sa daanan at nangapa pa sa dilim para lang magpalit ng sapatos.Madilim din sa sala. Kinuha niya ang cellphone niya. Lumiwanag sa screen, lumitaw ang higit sa isang dosenang missed calls mula kay Ryan. Marahan siyang nag-swipe sa screen upang tawagan
Sa screen ay kita ang luhaang mukha ni Lydia, mukhang nasa rooftop, malakas na tumatama dito ang hangin.Sa tabi nito ay malaking transparent na swimming pool na unti-unting napupuno dahil sa bukas na faucet, mukhang malalim na ang tubig.Nasa 100, 000 na ang mga nanonood sa online at dumaragdag pa
Ilang segundo lang ay gulat na napasinghap ang mga tao.Mas nauna namang nagreact ang mga tiga-media.Kaliwa't kanan ang flash ng camera, maingay ang shutter at walang tigil ang click sound, kumislap sa buong event hall ang mga flash.Kasal na pala ang CEO?Edi ano pala si Lydia? Isang kabit?"Oh m







