Mag-log inSiyempre, may kinalaman din ang mababa niyang tolerance sa alak. Bihira siyang uminom kaya hindi niya akalaing ganoon kababa ang kakayahan ng katawan niyang tiisin ang alak. Dalawang maliit na lagok pa lamang ang nainom niya, ngunit nahihilo na siya. Naglagay si Joyce ng isang shrimp ball sa plato
Sa dami ng taong nakatingin sa kanya, nahirapan si Aleisha na magdesisyon kung ano ang gagawin. Bukod pa roon, alang-alang kay Alexander, hindi siya naglakas-loob na suwayin ang kagustuhan ni Raphael. Bahagya siyang ngumiti at nagsalita. “Dok Rivera, bumaba na po tayo.” “Sige…” “Ang galing!” “Ta
Sa tindi ng pagwawala ni Sophia, hindi lamang si Aleisha ang natigilan. Pati ang lahat ng kasamahan nila sa opisina ay nabigla. Biglang natahimik ang buong silid. Walang nangahas na magsalita habang nakatingin sa kanilang dalawa. Gustong na lamang ni Aleisha na lamunin siya ng sahig sa matinding ka
Kahit nakalabas na sila ng departamento at nakalayo na sa gusali ng operasyon, nakasimangot pa rin si Aleisha. “Aleisha.” Hinila siya ni Raphael upang pigilan sa paglalakad. “Ano’ng problema?” Dahil siya na rin ang nagtanong, nagpasyang diretsahang sabihin ni Aleisha ang saloobin niya. “Desisyon k
“Napakagandang balita naman nito! Congratulations!” “Salamat.” Pinigilan ni Aleisha ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. “Salamat.” Tunay ngang napakasayang okasyon nito. May permanenteng posisyon na siya bilang regular na kawani ng Affiliated Hospital—ano pa ba ang hihilingin niya? May n
Napahagulgol si Aleisha. Sa mga alaala ni Raphael, matatag na babae si Aleisha at bihira itong umiyak. Lalo na pagdating sa pag-ibig. Tila si Alexander lamang ang kayang magpaiyak sa kanya. Ngunit ngayon, umiiyak siya. At siya mismo ang dahilan ng mga luha nito. Hindi alam ni Raphael ang gagawin.
Sa loob ng Hermosa Hotel, bandang alas diyes ng gabi— nakatayo sa harap ng pintong may mga numerong 3027 si Aleisha. "Wala nang atrasan ito!" saad ni Aleisha sa sarili habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay tatalon na ito mula sa kinalalagyan nito. Hindi niya nga
Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya. Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleis
Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon. "Kumain ka! Wala ka talagang kwent
Muntik nang matumba si Aleisha sa sahig. Abala si Don Raul sa pakikinig sa doktor kaya hindi nito napansin ang ginawa ni Raphael kay Aleisha. Ilang saglit pa ay natapos na rin ang pag-uusap ng doktor at ng don. Palabas na ang doktor kaya naman napansin na nito ang dalawa sa may pintuan. "Mabuti at







