Share

Kabanata 4: Reciprocate love

Sampung minuto pa lang ako rito sa pamamahay ng pamilyang Deogracia pero pakiramdam ko isang taon na ako. Simula nang tumuntong ako rito naging mabigat na talaga ang pakiramdam ko. Kong noon ay hindi ako pinapansin ni Madam Leona ngayon ay ramdam ko ang matatalim niyang titig. Ni hindi ko ma-enjoy ang soup at steak na nasa harapan ko dahil pakiramdam ko ay pinapanood nila ang bawat kilos ko.

“Son, care to explain kong paano kayo naging mag-asawa?” seryosong pagtatanong ni Madam Leona.

Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos dahil pakiramdam ko may ibang kahulugan ang pagkakatanong niya.

“Mom, alam mo naman na matagal ko nang gusto si Amanda. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para maging akin siya.” sagot ni Jayden na para bang saulo na niya ang katagang 'yon.

Nakaramdam ako nang kaunting kirot sa puso ko dahil napakadali sa kaniya ang gumawa ng kwento. Hindi ko naman siya masisisi dahil pumayag ako sa kontratang ito.

“No, son. I didn't know na matagal mo na siyang gusto. Ilang beses mong pinagtangkaang wakasan ang buhay mo dahil sa babaeng 'yon.”

Miski ako ay naestatwa sa sinabi ni Madam Leona. Ilang beses winakasan ang buhay niya? Ganun ba niya kamahal ang babaeng 'yon para magawa niyang wakasan ang sarili niyang buhay?

“Mom.” may pagbabanta sa boses ni Jayden ng sabihin ito.

“You can't fool me. Papunta ka palang, pabalik na ako. Son, kong ano man ang binabalak mo please stop. Itigil mo na makakasakit ka lang.”

“Huwag mo akong pakialaman, mom. Alam ko ang ginagawa ko. Excuse me.”

Tuluyan ng umalis si Jayden sa hapag at hindi ko alam kong saan siya tumungo. Lalo akong nakaramdam ng kaba dahil isa lang ang napagtanto ko. Alam ni Madam Leona ang plano nang anak niya. Alam niya na nagpapanggap lang kami.

“Huwag kang matakot, Amanda. Kilalang-kilala na kita,” malambing niyang wika sa akin.

Napataas ang ulo ko dahil sa sinabi niya at bumulaga sa akin ang malungkot niyang mukha. Dumaan ang matinding awa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

“Sorry po kong pumayag ako sa gusto nang anak niyo, kong gusto niyo po—”

Inabot niya ang kamay ko, gamit ang kamay niya at umiling-iling siya sa akin na para bang sinasabi niya na naiintindihan niya. Kusa akong yumuko dahil sa kahihiyang nararamdaman.

“Nakikita ko ang dahilan kong bakit mo tinanggap ang kalokohan ng anak ko. Pero nakikita ko rin kong gaano mo kamahal ang isang iyon. Sayo ako nag-aalala, Amanda.”

Muli kong itinaas ang paningin ko sa kaniya. Miski si Dinah ay pansamantalang nagpaalam upang sundan ang Kuya Jayden niya kaya kami na lamang ang naiwan rito.

“H-Hindi ko ho kayo maintindihan,” pagpapanggap ko.

“Hindi mo magawang itago sa mga mata mo kong gaano mo kamahal ang anak ko, Amanda. Simula palang noon mapagsang-hanggang ngayon.”

“P-Po? I'm sorry po...” hinging paumanhin ko dahil pakiramdam ko ay isang kasalanan ang umibig sa katulad ni Jayden.

Umiling lamang siya sa akin at binigyan ako ng totoong ngiti kahit na naroon pa rin ang awa sa mga mata niya. Sandaling bumaba ang tingin niya sa kamay ko at sandali ding nilaro ang sing-sing na isinuot sa akin ni Jayden kanina. Dumaan ang gulat ngunit mabilis din iyong nawala, bago muling tumingin sa mga mata ko.

“Kong ano man ang rason ng anak ko kong bakit ka niya pinakasalan. Pakiusap, huwag na huwag mo siyang iiwanan. Tanggap kita, Amanda. Tanggap ka nang buong pamilya,”

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko dahil sa sinambit niya. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng agam-agam sa puso ko. Para akong nabunutan ng tinik.

“Hindi po kayo galit sa akin?” parang bata kong pagtatanong.

“Of course not, bakit naman ako magagalit sa isang tulad mo na sobrang buting bata?”

“Maraming salamat po, Madam Leona,” sinsero kong sambit.

“Mama na ang itawag mo sa akin.”

Nagulat ako sa sinabi niya at bahagyang nahiya dahil hindi ako sanay sa ganitong treatment. Si Dinah lang talaga ang naging mabuti sa akin. Hindi ko sinasabi na hindi naging mabuti si Madam Leona ngunit palagi rin kasi itong wala at kong nandiyan man ay hindi ko nakakasalamuha.

Magpapasalamat sana akong muli ng maramdaman ko ang presensiya ni Jayden sa gilid ko. Nagtataka ako bumaling sa walang buhay niyang mata. Kailan ko kaya makikita ang saya diyan sa mga mata niya.

“Lets go.” malamig niyang sambit.

Alanganin ang tingin ko kay mama pero tinanguan niya pa rin ako at tinapik ang kamay ko. Sinasabing walang masamang mangyayari. Kusa na akong tumayo at humawak sa kamay ni Jayden na kinagulat niya. Tumungo kami sa isang bakanteng kwarto na sa tingin ko ay isa sa guess room.

“Anong napag-usapan niyo ni mama?”

Hindi pa ako nakakaupo ay agad na itong nagtanong. Inaral ko ang mukha niya pero ganoon pa rin naman, blanko.

“Wala naman, bakit mo naitanong?” balik tanong ko sa kaniya.

Mataman niya akong tinitigan kaya kahit naiilang ako ay sinabayan ko ito.

“Don't forget kong ano ka sa pamamahay na 'to, Amanda. Ayoko na isipin mong totoo ang mga sinabi ko kanina ayoko lang na pagsuspetsahan tayo,”

Parang punyal itong sumaksak sa puso ko ang mga salitang binitawan niya. Tumalikod siya sa akin at nagtungo sa drawer niya. Hindi ko napigilan hawakan ang dibdib ko dahil bigla itong nanikip. Inaamin ko nasaktan ako sa mga salitang iyon.

“Nagkakakintindihan ba tayo?” muling pagtatanong niya pero sa pagkakataong ito may dala na siyang itim na box.

“O-Oo.” utal kong sagot.

Pinanood ko siya kong paano niya binuklat ang itim na box na 'yon. Inilabas niya ang mga litrato ng isang bata.

“This is Amelia, ang babaeng mahal na mahal ko ang bata noon na nagligtas sa akin,” pag-uumpisa niya.

Naagaw ng litratong hawak niya ang atensiyon ko. Kusa ko itong inabot at pinakatitigan.

Bakit pakiramdam ko ay kilala ko ang batang ito? Bakit parang pamilyar siya sa akin?

Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko habang pilit inaalala kong saan ko ba nakita ang batang ito. Kusa ko iyong binalik kay Jayden at hindi ako naging kumportable.

“Are you okay?” pagtatanong niya sa akin.

“Oo, sino pala si Amelia?” pag-iiba kong tanong kahit ginugulo ng litratong iyon ang isip ko.

“May ex,”

“Paano kong bumalik siya?” kuryoso kong tanong.

Paano nga ba kong bumalik si Amelia? Tapos na rin ba ang kontrata na'tin? Gusto ko sanang itanong 'yan kaso pinanghinaan ako ng loob. Nag-isip siya, siguro naging palaisipan sa kaniya ang naging tanong ko.

“I don't know.” aniya.

“Paano kong bumalik siya at muling balikan ka? Tatanggapin mo ba siya ulit?” muling pagtatanong ko.

Napaawang ang mapula niyang labi at bahagyang nagulat sa akin. Muli din bumalik ito sa pagiging seryoso at bigla na lamang dumilim ang itsura niya.

“It's none of your business,” hasik niya.

Nawalan ako nang gana sa naging reaksiyon niya pero at the same time nasaktan. Nakikita ko kong gaano niya pa rin kamahal ang babaeng 'yon. Alam ko rin na kaya niya ginagawa ito upang siguro na muling magbalik ang Amelia na 'yon.

“Asawa mo ako, Jayden. Hindi man totoo pero atlis kahit sa papel. Magkaibigan naman tayo hindi ba? Maaari kang magsabi sa akin ng mga bagay-bagay.” malambing kong sambit.

Saglit siyang nag-isip bago ako hinarap at dumaan ang lungkot sa mata niya. Naging malikot rin ang mata niya at hinahanap siguro ang tamang salitang sasabihin.

Dahil kita ko ang matinding alanganin sa mata niya ako na ang kusang tumayo at tumalikod sa kaniya. Hindi mo na ako umalis bagkus bumaling ako sa kaniyang muli.

“Kapag kailangan mo ng makakaramay narito ako. Kong gusto mong bumalik ang babaeng mahal na mahal mo tutulungan kita. Basta, hayaan mong mahalin kita kahit ayaw mo. ” kusang pumatak ang luha sa mata ko pero agad ko rin itong tinalikuran.

Sapat na siguro iyon para ipaalam na mahal ko siya at hindi ako humihingi ng kapalit. Isa lang ang gusto ko ang maging masaya siya at makabalik siya sa dating buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status