Share

Kabanata 2: Noodles

“This will be your room. Dito kana titira kasama ako,” malalim ang boses nito ng sambitin niya ang katagang 'yon.

Pinaikot ko ang paningin sa kabuo-an ng bahay niya gusto kong mamangha dahil napakaganda nito. Pakiramdam ko para akong dumi sa mala-palasiyong mansion na 'to. Ngunit bigla na lamang sumagi sa isip ko si inay na mag-isa lang sirang bahay namin. Matapos kasi ang gabing 'yon sa bar sa condo muna ako ni Dinah tumuloy at ngayon nga ay dinala ako ni Jayden dito sa bahay niya. Dito na raw ako titira dahil nga mag-asawa na kami.

“Ayaw mo ba ng kwarto mo? Maraming kwarto dito pumili ka lang,” aniya pa.

Pero kaysa sumagot napayuko na lang ako dahil hindi ko talaga maiwan si inay. Sino mag-aalaga sa kaniya? Hirap na hirap na 'yon tumayo dala ng sakit nitong cancer sa baga.

“Tell me? Anong bumabagabag sayo?” banayad ang pagkakatanong niya sa akin.

Pinanood ko siya kong paano siya lumapit sa akin gamit ang high tech niyang wheel chair. May kong ano lang siyang pinindut doon at kusa iyong umandar patungo sa direksiyon ko.

Kahit nahihiya nilakasan ko ang loob ko tutal sabi niya siya na ang bahala sa lahat ng gastusin ko. Kaya ko lang naman tinanggap ang trabaho na ito para kay inay.

“Si inay kasi...” pag-uumpisa ko.

Blanko lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kong ano nga ba ang nasa isip niya. Idagdag mo pa kong gaano siya kagwapo, ang mapupulang labi niya at magagandang mata. Nakakalungkot isipin na naging lumpo siya at hindi na muling nakakalakad.

Dahil na-distract ako sa mukha niya hindi ko na naituloy ang dapat na sabihin. Kaya napabuntong hininga na lamang siya pagkatapos n‘on.

“Alrigt.” Inabot niya ang cellphone sa loob ng bulsa at may kong anong pinindut roon tapos ay itinapat sa tainga niya.

Nakatingin lang ako sa ginagawa niya habang ang mga mata niya ay nakatingin din sa akin. Nagtataka man pinili kong tumahimik na lamang at hayaan siya sa gusto niyang gawin.

“I want you to take good care of— what is your mom name?”

Nagulat ako sa biglaang pagtanong niya kaya hindi ako agad nakasagot.

“Name?”

“Antonette...” mahinang bulong ko at muli siyang bumalik sa kausap.

Pinagkuskos ko ang dalawang daliri ko dahil sa kabang nararamdaman. Ipapagamot ba niya si inay?

“Thank you,” sambit niya kaya muli akong nagtaas ng tingin.

“Huwag mo ng isipin ang mama mo may mag-aalaga na sa kaniya simula ngayon. Gusto mo na bang makuha ang paunang bayad?” parang wala lang niyang tanong.

Sunod niyang hinugot sa suot niyang business suit ang isang pakete ng papel at isang ballpen. May isinulat siya roon at kalaunan ay inabot sa akin. Tinanggap ko naman ito at nagtatakang binasa ang nakasulat pero wala akong maintindihan.

“C-Cheque?” patulang basa ko.

“Paunang bayad,”

Napatingin ako sa kaniya at hindi makapaniwalang iginaway-way ang hawak na cheque.

“Magkaano ito?”

“One million,”

Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Isang milyon? Gan'on ba siya kayaman para bayaran ako ng ganito?

“H-Hindi ko matatanggap 'yan okay na ako sa sampung libo kada buwan,”

Pinilit kong ibinalik ang cheque pero hindi niya tinanggap.

“Unang bayad palang 'yan kapag natapos ang kontrata natin doon mo palang makukuha ang limang milyon,”

“Pero kasi...” angal kopa sana kaso pinanlakihan niya ako ng mata.

“No buts,”

Hindi agad ako nakapagsalita dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa utak ko ang nangyayare. Parang kahapon lang problemado ako sa pera pero sa isang iglap nasulusiyonan ang lahat ng 'yon.

“S-Salamat...” iyon na lamang ang nasabi ko.

“P-Paano kong ma inlove ako?” mahinang bulong ko.

“Don't. I won't love you back if you do,” malamig niyang sagot.

Gusto ko lang sana daanin sa biro pero hindi ko inakalang ganito kaseryoso ang sasabihin niya.

“Sungit,” naibulong ko ng wala sa oras. Tatanong lang eh kala mo naman.

Nagtataka niya akong tinignan dahil sa kabang nararamdaman nagmadali akong pumasok sa loob ng kwarto na sinabi niya gagamitin ko. Pagsara ko ng pinto napaupo ako dahil sa labis na pagkabog ng dibdib ko. Hinawakan ko pa ito ngunit ganoon pa rin, patuloy pa rin ito sa pagtibok ng mabilis.

Hindi maari na magkagusto ako sa kaniya hindi ba natatandaan mo noong nagtapat ka nireject ka niya! Suway ko sa puso ko. Tama ang nabasa niyo dahil siya ang lalaking kinabaliwan ko noon. Ang lalaking nagbigay ng matinding trauma sa akin pero heto ako ngayon at kinikilig na naman sa presensiya niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo saka ko lang napansin ang ganda ng buong silid. Black and white iyan ang kulay ng paligid. May malaking king sized bed sa gitna. Maliit na sofa at mesa at ang malakinh cabinet at ang banyo.

Para akong bata na nanakbo patungo sa malaking kabinet at atat itong binuksan. Bumungad sa akin ang mga magaganda at mamahalin na damit. May mga sapatos at heels pa. At ang mga branded na bag na nakikita ko lamang sa ibang mayayaman.

Hindi ko maipaliwanag ang sobrang kasiyahan na nadarama lalo na ng magkatitigan kami ng malambot na kama. Wala pang segundo nagawa kong talunin ito. Unang sayad palang ng katawan ko sa malambot na kama kusang napapikit ang mga mata ko.

Pero agad din iyon naputol ng pumasok sa isip ko ang oras kaya mabilis akong tumayo. Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko si Jayden na naglalagay ng mainit na tubig sa noodles na nasa harapan niya. Namula pa siya ng makita ako ngunit ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa.

“Iyan lang kakainin mo?”

“Yes,” tipid niyang sagot.

Humakbang na ako papalapit sa kaniya at inagaw ang noodles na dapat niyang bibigyan ng mainit na tubig.

“What are you doing?” may bahid ng inis ang boses niya.

Hindi ko siya pinansin at naglakad ako patungo sa malapit na trash can at walang pagdadalawang isip na itinapon ang noodles doon.

“D-Did you throw my...” hindi makapaniwalang tanong niya habang nakatingin pa rin sa trash can.

Hindi ko talaga siya pinansin. Hindi healthy ang kinakain niya dahil nakakasakit sa bato ang gusto niyang kainin tapos umagang-umaga pa. Dumiretso na ako sa may refrigerator niya at nagbuklat ng pwede kong lutuin. Wala akong ibang nakita kong hindi ang sangkatutak na fresh milk at cheese. Napangiwi talaga ako ng bumaling sa kaniya.

“Hindi ka nag-grocery?”

Umiwas lang siya ng tingin sa akin kaya napatampal na lang ako sa sarili kong noo. Sunod kong binuksan ang mga drawer niya at sa awa ng diyos nakakita ako ng isang plastic ng pasta at tuna. Pwede na ito para makagawa ako ng pasta.

Lahat ng nakita kong ingredients sa loob ng ref kinuha ko. Nagbalat ako ng sibuyas at inalisan ko ng sabaw ang tuna. Nagpakulo na rin ako ng tubig para sa pasta. Sa isang malaking kaldero binuhos ko roon ang fresh milk, at isang marayupot na gatas. Nang matantiya kong malambot na ang pasta inilipat ko ito sa kaldero at hinalo-halo sinunod ko na lahat ng sangkap at ng matapos ay tinakpan ko ito. Sunod kong tinrabaho ay ang paggawa ng sandwich.

Isang simpleng sandwich lang ang ginawa ko. Nang maluto na ang pasta na ito ay kumuha na ako ng malaking pinggan at nilagyan ito. Itinabi ko na rin sa platong 'yon ang sandwich at isang basong tubig na may lemon. Inilapag ko ito sa harapan niya.

“Kain kana.” sabi ko sa kaniya at nginuso ang niluto ko.

Isa sa gusto kong ginagawa ang pagluluto. Pinagmasdan niya lang ang niluto ko na para bang lalasunin ko siya.

“Ayaw mo ba? Kong ga—”

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang kinuha ang pinggan sa akin at sumubo bigla. Ang kaninang kunot niyang noo napalitan ng maaliwalas. Naging sunod-sunod ang pagsubo niya hanggang sa maubos niya ang nilagay kong pasta sa plato niya.

“G-Give me more,” bulong niya at itinulak pa sa akin ang plato niyang sobrang linis.

Natawa na lang ako bago ko kinuha ang plato niya at ibinuhos na ang lahat ng pasta na nasa kaldero. Hindi naman ako gutom kaya ipapakain ko na lang sa kaniya ang lahat ng niluto ko.

“Nga pala bakit walang kalaman-laman itong ref mo? Tapos puro noodles lang nakita ko sa drawer. ” Pinagbuhos ko pa siya ng tubig sa baso.

“I don't cook,” tipid niyang sabi.

Napalabi ako dahil ang tipid talaga niya magsalita. Kala mo naman kada letrang bibigkasin niya may bayad.

“Hindi ako sanay sa noodles baka pwede mo ako bigyan ng pera pang groceries?”

Hindi na ako nahiya sa sinabi ko dahil totoo naman na hindi ako mabubuhay kong puro noodles. Masisira pa bato ko sa alat n'on saka hindi healthy.

“What?” hasik niya na para bang may nasabi akong nagpagulo sa mundo niya.

“Sabi ko bigyan mo ako pang groceries kasi hindi tayo mabubuhay sa noodles! Ang yaman-yaman mo tapos kinakain mo noodles? Hindi iyon healthy —”

Nagulat ako ng ilapag niya ang sampung tig-libo sa harapan ko. Napatameme pa ako habang pinagmamasdan ang perang 'yon.

“Buy all you want. Gusto ko pag-uwi ko mamaya may nakahandang pagkain. This is just for now bukas bibigyan kita ng mas malaking halaga,”

Napatunganga talaga ako dahil matapos niyang sabihin 'yon iniwan niya na akong mag-isa dito sa mamahaling kusina niya. Kinuha ko na lang ang pera na binigay niya at binulsa. Okay na 'to para makabili ako ng kaunting pagkain at stock dito sa bahay.

Ako na ang kusang naghugas ng plato at ang natirang sandwich ang kinain ko dahil kailangan kong mag-groceries pagkatapos nito. Mabilis ko lang natapos ang paghuhugas ng pinggan at walang paalam na akong lumabas ng bahay.

Nagcommute na lang ako dahil hindi naman ako marunong magmaneho ng sasakyan. Pagdating ko sa malapit na supermarket binili kona ang dapat kong bilhin.

Dahil simula sa araw na ito ay tiyak na ipapatikim ko sa masungit na 'yon ang mga putahe ko na hindi niya makakalimutan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status