Share

Contract Marriage By The Crippled Billionaire
Contract Marriage By The Crippled Billionaire
Author: Claxiin

Kabanata 1: Meeting him

Amanda's Point of view

“Ano na? Igiling mo pa, Amanda! Isang buwan kana rito pero hindi mo pa rin maisaulo ang sayaw na 'to!” sigaw ng bakla na nagtuturo ng sayaw sa akin.

Isang buwan na talaga akong nagtatrabaho rito sa luxury bar pero ngayon lang niya ako isinalang sa entablado. Hindi ko gustong gawin ang bagay na ito ngunit kailangan dahil kailangan ni inay ng gamot sa sakit niya. Sa loob nang isang buwan back-up dancer lang ako o kaya ay waitress sa isang tabi. Ngunit ngayon gabi tinanggap ko ang paunang bayad ng baklang 'to para sa malaking halaga ng pera.

“Igiling mo pa! Ano na? Ang tigas-tigas mong gumalaw!” muling sigaw niya sa akin.

Hindi ko kasi alam kong paano ko igigiling ang balakang ko sa bangko na kinauupuan ko. Hindi ko rin alam paano ko sasayawan ang bakal na nakaturok sa gitna ng entablado. Mayroon na lang akong kalahating oras para matuto nito or else kailangan ko ibalik ang perang binayad nila.

“Bwisit! Bahala ka sa buhay mo! Nakakairita kang turuan ni hindi ka marunong gumiling!” panghuling sigaw niya bago niya ako iniwan mag-isa.

Gusto kong maiyak dahil wala man akong magawa kong hindi tanggapin ang lahat ng paninigaw at masasakit nilang salita sa akin. Ginagawa ko kasi ito para kay inay. Para mabuhay pa siya ng matagal dahil dalawa na lang kami magkasama.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ng kong sino kaya ng lingunin ko ito ay nakita ko si Anna.

“Okay ka lang? Hayaan mo na ang isang 'yon. Inggit kasi siya sa ganda mo.” Inabot niya sa akin ang isang bottle water matapos sabihin 'yon. Tinanggap ko naman ito.

Umupo siya sa tabi ko at tulad ko isa rin siyang mananayaw dito. Hindi lang ito ang trabaho ko dahil nagtitinda din ako ng isda sa umaga at paminsan-minsan ay labandera sa hapon. Hindi kasi ako nakatapos ng high school kaya wala akong mapasukan na trabaho at isa pa hindi ako nakakaintindi ng wikang ingles kaya wala na talaga akong pag-asa sa mga magandang trabaho.

Maganda si Anna, maputi siya at sexy ngunit hindi nga lang kalakihan ang boobs niya ngunit bawi sa laki ng pwet. Habang ako ay maputi na parang nyebe, natural na hour glass ang katawan ko at malalaki ang boobs ko. Mukha akong manika ngunit walang laman sa loob. Maganda lang ako ngunit walang silbi sabi ng iba.

Kung nakapagtapos lang ako siguro ay hindi ako nagtatrabaho sa ganitong lugar. Hindi ako magtitiis sa mga pagtatrato sa akin ng hindi maganda.

“Gusto mo ba palit tayo?” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Ang alam ko ay dancer siya sa mga VIP rooms at kadalasan mga mayayaman at sikat ang mga sinasayawan niya. Habang ako sa ay sa class A dahil ito lang ang nakayanan ko.

“Bakit?” pagtataka kong tanong.

Maraming gusto na makapagtrabaho sa VIP, dahil isang oras lang ang gugugulin mo para makapag-uwi ka ng malaking pera. Kaya labis kong pinagtataka kung bakit niya gustong makipagpalit sa akin.

“Tatapatin na kita ayoko kasi sa sunod kong kliyente. Alam mo na may kapansanan at mukhang hindi ako mage-enjoy. Ikaw na doon don't worry hindi ka nila mahahawakan roon dahil bawal 'yon,” mahabang sabi niya.

Napagisip-isip ako sa sinabi niya dahil mas gugustuhin ko na talaga sa VIP, dahil isang kliyente lang pala di tulad sa class A. Kaya kahit nahihiya ako ay tumango na ako bilang pagsang-ayon.

“Thank you! Hayaan mo malaki ang sahod sa VIP room. Sandali may kukunin lang ako diyan kalang,” paalam niya at biglang kumaripas ng takbo.

Nagtaka ako sa ginawa niya pero hindi ako nagtanong. Naghintay akong muli sa pagbabalik niya, kaya ng makabalik siyang muli may dala na siyang damit.

“Heto 'yong isusuot ko mamaya pero ito ang isusuot mo mamaya. Asan na 'yung iyo?”

Inabot niya rin sa akin ang damit niya at itinuro ko na lang ang damit na susuotin ko dapat mamaya. Isa kasi itong sexy na damit na hindi ko kayang suotin. Pero mas nagulantang ako sa damit na ibinigay niya sa akin dahil isa 'yong lingerie na halos wala ng maitatago. Pinaresan pa ng dalawang five inches high heels at itim na maskara.

“Ito ba 'yong damit na sinusuot mo?” pagtatanong ko dahil kahit papaano ay disente pa rin ang damit na isusuot ko mamaya.

Para kasing kulambo itong lingerie na hawak ko. See through talaga siya kaya kung ano man ang nasa loob ay makikita.

“Oo, mas malala nga one time, ang tinakpan ko lang ay ang nipples ko. Kaya maswerte ka kasi may ganiyan pa,” paliwanag niya sa akin.

“Sige,” mahina kong bulong dahil wala na akong masabi.

“Okay, practice lang ako ulit huwag mo kakalimutan, 10 minutes dapat nakapag-ayos kana,”

Umalis na siya matapos sabihin ito kaya wala sa sarili akong napatingin sa malaking orasan dito sa practice room. May limang minuto na lang pala ako para makapag-ayos.

Dumiretso na ako sa vanity mirror ko sa loob ng isang buwan ito ang naging saksi kong paano ko iyakan ang mga gabi na narito ako. Kong ilan beses ako binastos at inaway-away ng iba.

Sinimulan ko ng ayusan ang sarili ko nilagyan ko ng makapal na eye shadow ang mata ko. Nagsuot din ako ng asul na contact lenses at pulang lipstick ang pinahid ko sa cupid shape kong labi.

Inilugay ko lang ang alon-alon kong buhok na hanggang baywang. Nang matapos ako sa pag-aayos dumiretso na ako sa changing room para makapagbihis. Kahit ayoko pinilit kong sinuot ang lingerie at kitang-kita ko sa harapan ng salamin kong gaano kitang-kita ang katawan ko. Nagsuot lang ako ng roba upang maitago ito kapag lumabas na ako.

“Kaya mo 'yan para kay inay!” pagpapalakas loob ko sa sarili.

Pagtapak ng tamang oras naglakad na ako patungo sa VIP rooms. Hinanap ko ang pangalan ni Anna sa mga pinto at nang makita ko ito bumungad sa akin ang pulang pinto. Kinakabahan man nilakasan ko ang loob at binuksan ito. Lamig ng aircon ang unang dumampi sa balat ko, pagkuwan ay sumunod ang madilim na paligid at tanging dim na ilaw lang ang naroon.

“What are you waiting for? Come the f*ck in,” sabi ng baritonong boses na nagpalundag sa akin sa gulat.

Mabilis kong hinanap kong saan nanggaling ang boses na 'yon, bumungad sa akin ang isang gwapong lalake na nakaupo sa wheelchair. Gusto kong manakbo papalayo ng makilala ang lalaking ito. Siya kasi ang pinsan ng best friend kong si Dinah ang lalaking nagpatibok sa bata ko pang puso noon.

“Dance,” malamig niyang utos.

Wala akong nagawa kong hindi ang sundin ang gusto niya. Unti-unti kong hinubad ang roba ko at bumungad sa kaniya ang katawan ko. Sinimulan ko ng sayawan siya ngunit nadistract lang ako ng mangunot ang makapal niyang kilay.

Hindi ba niya nagustuhan ang sayaw ko? Pagtatanong ko sa sarili.

“Go on.”

Muli kong tinuloy ang pagsasayaw ko. Ang bawat indayog ng balakang ko ang nagbibigay ng matinding kaba sa akin dahil nang sulyapan ko siyang muli matatalim na ang bawat tingin niya.

“Stop. Come the f*ck here now, Amanda!” namutla ako ng marinig kong sambitin niya ang pangalan ko.

Naglikot ang mga mata ko at nagsimula na akong manginig hindi dahil sa nakilala niya ako dahil baka isumbong niya ako kay Dinah. Grabe pa naman magalit ang isang 'yon.

“Hindi ako si Amanda sir, kong nakita niyo po ang pangalan na nakadikit saa labas? Anna po ang pangalan ko,”

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal ng sabihin 'yon. Pero mas lalo lang nangunot ang noo niya sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Oo hindi niya ako kilala ng buo pero kahit papaano ay magkakilala kami dahil madalas ako sa bahay nila noon.

“Really huh?” aniya at nginisian ako.

“Oo, sir,” sagot ko.

Galingan mo Amanda sa pagsisinungaling, tandaan mo naka-mascara ka at makapal ang make-up mo.

Hinugot niya ang cellphone sa loob ng bulsa at may kong anong tinipa siya roon tapos ay matalim na tumingin sa akin. Lalo akong nakaramdam ng takot dahil pakiramdam ko may kakaibang mangyayari?

“Sir? Hindi po talaga ako si Amanda,” pilit kong kumbinse sa kaniya.

“Two minutes,” sabi niya na nagpataka sa akin.

“Huh?”

Hindi niya ako pinansin pero tumingin siya sa relo niya at muling tumingin sa akin. Hindi ko mabasa ang mukha niya dahil hindi ko alam kong galit ba siya o ano.

“5,” pagsisimula niyang pagbibilang.

“4,”

“Sir bakit po kayo nagbibilang? Hindi po ako si Amanda,” sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

“3,”

“Sir, naman!”

“2,”

“Amanda! Walangyanka! Nandito ka lang pala!”

Nagulat na lang ako ng bigla na lang bumukas ang pintuan kong na saan ako. Nagiba pa ang kawawang pintuan dahil sa lakas ng pagkakasipa ng kung sino. Mas lalo akong namutla ng makita ang galit na galit na mukha ni Dinah.

“Nandito kalang pala!” singhal niya sa akin.

Isang linggo ko na kasi siya iniiwasan dahil nakakatunog na siya sa trabaho ko. Ayoko na rin tanggapin ang mga pera na itinutulong niya dahil sobra na.

“Kong hindi pa ako tinext ni Kuya Jayden hindi ko malalaman na narito ka!” sermon niya sa akin.

Nakaupo na ako ngayon sa isang mahabang sofa habang pinapagalitan niya ako.

Nakabalot na rin sa akin ang kaninang robang hinubad ko. Wala na rin ang suot kong mascara at burado na ang makapal kong make-up.

“Sorry,” bulong ko dahil guilty ako sa pagsisinungaling ko sa kaniya.

“Kong kailangan mo nang pera narito naman ako diba, Amanda? Pwede mo akong lapitan,” malungkot niyang sabi.

“Pero marami ka ng naitulong sa akin, Dinah at isa pa ang dami ko ng utang sayo. Ayaw ko ng dagdagan pa,”

“Hindi ako naniningil, Amanda,” may babala sa boses niya.

Naalerto ako dahil kapag ganito siya ay galit na talaga siya. Hindi ko na napigilan pa ng maglandas ang mga luha ko. Pagod na rin ako sa buhay ko kong alam lang nila. Kong pwede lang na maging mayaman na lang para hindi ko na problemahin ang pera bakit hindi diba?

“Hindi mo ako masisisi ang dami ko ng utang na loob sayo at nahihiya na ako kahit sabihin mo pa na mag best friend tayo,”

“Edi sana sinabi mo para nahanap kita ng matinong trabaho kong ayaw mo na pala ng tulong ko! Hindi 'yong ganito na sasayaw ka sa ganitong lugar! Mabuti na lang talaga narito si Kuya, paano kong iba ang sinayawan mo tapos binastos ka?” sigaw niya sa akin.

Lalo akong nakonsensiya dahil tama naman talaga ang sinasabi niya. Kong ibang tao siguro baka kanina pa ako pinaglalamayan.

“Alam mo naman na hindi ako nakatapos diba? Kahit anong trabaho hindi ko magagawa dahil bobo ako!” muli kong sigaw sa kaniya.

Tumahimik ang buong paligid miski si Jayden na nasa isang sulok ay hindi kumibo o nagsalita. Naramdaman ko na lang ng lapitan ako ni Dinah at naramdaman ko ang yakap niya.

“Sorry, concern lang ako sayo paano pag napahamak ka? Walang makakatulong sayo lalo na't iniwasan mo ako,” nagtatamponang tono niya.

Kaya nang tignan ko siya nakalabi na siya at hindi na galit ang itsura niya. Nawala ang bigat sa loob ko nang makitang hindi na siya galit. Ayoko kasi na may nagagalit sa akin baka iwanan nila ako dahil sa ugali ko.

“May aalok akong trabaho sayo pero hindi mo kailangan maging matalino dahil mag-aalaga ka lang naman,” sabi niya.

Sa loob-loob ko ay na-excite ako dahil kahit anong work basta hindi kailangan gumawa ng mahihirap na trabaho okay na ako.

“Kailangan ni Kuya Jayden ng pansamantalang asawa. Payag kaba? Dalawang milyon ang paunang bayad. Tapos kapag natapos na ang kontrata niyo babayaran ka ulit ng limang milyon,”

Hindi pa agad nagproseso sa utak ko ang sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Pansamantalang asawa, kapalit ng pitong milyon? Mapapagamot ko na si Inay kapag tinanggap ko ito hindi ba? Bumaling ang tingin ko kay Jayden na tahimik lang na nakamasid sa akin. Siguro hinihintay niya rin ang sagot ko.

“Payag kaba?”

“Wala ba siyang girlfriend?” Alanganin kong pagtatanong.

“Meron pero iniwan kasi siya simula ng malumpo siya. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi na makakalapit kay kuya ang malanding 'yon!” umaksiyon pa siya na gigilitan niya ito ng leeg kapag nagkita sila.

Napaisip mo na ako ng malalim bago siya sinagot.

“Payag na ako,”

Para gumaling si inay gagawin ko ang lahat.

“Then sign this marriage contract, Amanda. And you get my surname.” malamig na sambit ni Jayden.

Hindi ko siya agad napansin kong hindi lang niya inabot sa akin ang isang pulang malaking envelope. Hindi naman sila excited at may marriage contract na agad.

Kinuha ko ito pinirmahan. Nanginginig pa ako ngunit nilabanan ko 'yun hanggang sa matapos na ang lahat. Si Dinah na ang kumuha nito.

“Yes! Sa wakas sister-in-law na kita!” masayang-masayang sabi ni Dinah.

Hindi ko na sana sila papansinin pero pilit talaga ako hinihila patungo sa direksiyon ni Jayden. Nang magtama ang mga mata namin nakakita ako ng sobrang saya roon. Hindi ko na dapat siya tinitigan dahil ang lahat ng pilit kong kinalimutan noon ay muling nagbalik.

“You are finally now Amanda Deogracia,” masayang sambit niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
lalapooh
kulambo HAHAHAHAHAHAH...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status