HINDI naman makapaniwala si Belinda sa narinig. "'Pa! Palalayasin mo kami ng apo mo para sa--" nagpigil at hindi niya tinuloy ang sasabihin sa takot na mas lalo pang magalit si Ramon.Kaysa mapahiya pa nang husto ay hinila na lamang niya ang anak. "Tara, Jean. Umalis na lamang tayo rito."Nagmartsa paalis ang mag-ina na masama ang loob kaya nabahala si Katherine. Baka balikan siyang muli ni Jean dahil sa nangyaring ngayon."Ayos ka lang ba, Hija?" ani Ramon.Tipid na tumango si Katherine."Kung gano'n ay pumasok na tayo sa loob at masamang pinaghihintay ang pagkain."Magkasabay na pumasok ang mag-asawa sa mansion. "Ayos ka lang ba talaga? Pwede mo namang sabihin sa'kin kung nahihiya kang magsabi kay Lolo," ani Cain.Saglit na sulyap ang ginawa ni Katherine sa asawa. Kaya nahihirapan siyang magalit o magtampo rito nang matagal dahil kung umakto ito ay para talaga silang tunay na mag-asawa."Ikaw, hindi mo na ba ako balak iwasan?" aniya.Natigilan at saglit na napatitig si Cain saka nap
BAGO pa man masagot ni Cain ang tanong nito ay tumunog na ang kanyang cellphone.Mabilis naman ibinaling ni Katherine ang tingin sa labas ng kotse. Sa pagpikit ng mga mata ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata.Hingang malalim ang kanyang ginawa bago magtanong, "Sinong tumawag?"Hindi agad nakasagot si Cain kahit hawak na ang cellphone at nakikita sa screen ang pangalan ni Margaret."Hello?" malumanay at halos pabulong niyang sagot mula sa kabilang linya."Cain, puntahan mo naman ako rito," saad ng dalaga mula sa kabilang linya. "Natatakot ako," dagdag pa ni Margaret.Dahil nasa passenger seat lang si Katherine ay nahimigan niya ang boses ng dalaga mula sa kabilang linya.Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang sariling humikbi."Wala ba si ate Lyn diyan na makakasama mo?" tanong ni Cain na panaka-naka ang tingin sa asawa."Hindi ko alam kung sa'n siya nagpunta. Puntahan mo naman ako rito, nahihirapan akong huminga."Napabuga ng hangin si Cain. Gusto niyang intindihin
PAPALAPIT na ang dalawa sa puwesto ni Katherine. Sa emosyon niya ngayon ay hindi niya nais na makaharap ang mga ito kaya tumalikod siya at nanghintay ng ilang sandali. Nais niyang lagpasan siya ng dalawa.Ngunit hindi umaayon sa kanya ang pagkakataon. Sa labis na kaba ay nabitawan niya ang hawak na paperbag saktong pagdaan ng dalawa."Katherine?" ani Cain na agad namukhaan ang sekretarya ng pulutin nito ang nahulog kaya lumapit siya upang ito ay tulungan.Una niyang napulot ang libro at nabasa nang bahagya ang naka-imprinta.'Pregnancy'Nang mabilis na hinablot ni Katherine ang libro sa takot na maghinala ito kung ano talaga ang totoo niyang kondisyon."Ano 'yang librong 'yan?" ani Cain.Umiling si Katherine saka mabilis na lumayo. "Wala lang 'to."Mapagduda ang tingin ni Cain lalo na nang titigan ang mukha nitong tila namumutla. "Ayos ka lang ba?"Tipid na tumango si Katherine.Ngunit hindi pa rin kumbinsido si Cain at akmang sasalatin ang noo nito. Pero gaya ng ginawa kanina ay umil
NANG malayo-layo na si Katherine ay biglang natigilan si Cain. Hindi niya ito nais na umalis nang ganoon na lamang.Akmang hahabol siya nang mabilis pigilan ni Margaret. "Sa'n ka pupunta? 'Wag mo sabihing hahabulin mo siya matapos ng ginawa niya sa'kin?""Kaya nga dahil kung totoong sinaktan ka niya, hindi ko palalampasin ang ginawa niya," ani Cain. Matapos ay tinawag si Joey na nasa malapit. "Ikaw na ang maghatid sa kanya pabalik sa ospital," utos niya sa assistant. Pagkatapos ay sinundan si Katherine.Si Margaret ay bigla namang namutla dahil kapag nalaman ni Cain ang totoo ay paniguradong mag-iiba ang tingin nito sa kanya. Gusto niyang sumigaw sa inis ngunit dahil kasama niya ang assistant nito ay hindi niya magawang maglabas ng frustration.Ang tangi na lamang niyang nagawa ay hawakan nang mahigpit ang wheelchair na kinauupuan. Hindi niya matanggap na mas matimbang na si Katherine sa buhay ni Cain.Hindi niya maisip kung paano iyon nangyari pero hinding-hindi niya hahayaang magbag
MATAPOS ang nangyaring alitan sa kanilang dalawa ni Cain ay hindi na ito umuuwi, mahigit isang linggo na ang nakakalipas.Sa isip-isip ni Katherine ay tumutuloy ito sa sarili nitong condo o hindi kaya ay kasama lang palagi si Margaret.Masakit man isipin pero ganoon talaga ang buhay. Magtatapos na ang kanilang relasyon-- mali, dahil kasunduan nga lang pala ang namamagitan sa kanilang dalawa."Ayos lang po kayo, Ma'am?" tanong ng katulong matapos mapuna na walang ganang kumain ang amo'ng babae.Tipid na ngumiti si Katherine. "Igawa mo na lang ako ng sandwich at sa office na 'ko kakain," aniya saka tumayo upang kunin ang gamit sa kwarto.Sa pagbaba ay inabot ng katulong ang pagkain na kailangan niya. "Salamat," aniya saka nagtungo sa kotse."Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ng driver.Napabuntong-hininga si Katherine. "Ikaw na po ang pangalawang taong nagtanong sa'kin niyan.""Gano'n po ba, Ma'am? Mukha po kasi kayong matamlay ngayon."Malungkot na napangiti si Katherine. Hindi na r
SANDALING na blangko ang isip ni Katherine sa tanong ng biyenan. Gustuhin niya mang magsinungaling para pagtakpan si Cain, ay ayaw niya namang lokohin si Helen. Dahil malalaman at malalaman din naman nito ang totoo."Hinubad ko po, Ma'am.""Mama or Mommy," ani Helen."Po?" naguguluhang tanong ni Katherine."Iyon ang itawag mo sa'kin. Dapat masanay ka na dahil magulag mo na ako simula nang pakasalan mo ang anak ko."Mariing naglapat ang labi ni Katherine. Hindi niya kayang tawagin ito sa ganoon dahil... para saan pa kung malapit na silang maghiwalay ni Cain."May problema ba?" tanong ni Helen. Agad napansin ang lungkot sa mga mata ng manugang.Umiling si Katherine sabay ngiti upang itago ang tunay na nararamdaman.Marahan namang humaplos si Helen sa braso at buhok nito. "Hindi mo kailangang magkunwari. Kitang-kita kong may pinagdadaanan ka... dahil ba kay Cain?""H-Hindi po," react ni Katherine na agad nagsisi nang mautal. Talagang hindi niya kayang magsinungaling ng hindi pinaghahanda
NAUUNANG maglakad si Helen at naabutang gising na si Katherine na nagtatangka pang bumangon, inaalis ang kumot gamit ang kamay na nasugatan."'Wag ka munang kumilos," aniya sa manugang."Ayos na po ako at sa bahay na lang magpapahi--nga," ani Katherine nang sa paghawi sa kurtina ay tumambad sa kanya si Cain.Gusto niyang itanong kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon ngunit nag-aalangan siya lalo sa harap ni Helen. Baka mauwi lang sila sa pagtatalo.Lumapit si Cain habang nakatitig sa kamay ng asawa na nababalutan ng benda. "Masakit ba?"Tumango si Katherine saka nag-iwas ng tingin."Ba't mo naman hinarap 'yung magnanakaw? Tingnan mo'ng nangyari sa'yo. Kung alam mo'ng delikado ay hindi ka na dapat pa--"Hampas sa likod ng anak ang ginawad ni Helen. "Ba't mo ba siya pinapagalitan?! Dapat nga ay magpasalamat ka dahil naibalik sa'kin ang bag. Alam mo bang nasa loob pa ang gamot ko sa asthma? Napakahalaga niyan dahil mismong doctor ko ang nagprescribe at hindi basta-basta nabibili kung
WALA pang diyes minutos ay tumawag na si Lemuel, "Sir, nandito po ako ngayon sa police station kung saan dinala 'yung taong nagnakaw ng bag ni Madam Helen at nanakit kay Ma'am Katherine. Kaso... wala na po siya rito, nakalaya po matapos makapagbayad ng piyansa."Napakunot-noo si Cain. "Gano'n kabilis?" nagtataka niyang tanong.Hindi pa lumilipas ang dalawang oras matapos ang ginawa nitong krimen pero nakalaya na agad."Mukhang nagmula pa po 'yung lalake sa maimpluwensyang pamilya, Sir. Dahil ang sabi ay may kasamang attorney ang nagpiyansa," pahayag pa ni Lemeul."Alamin mo kung sa'ng lupalop ng Metro Manila ang lalakeng 'yun. At kung sa'ng pamilya siya nagmula," utos ni Cain."Masusunod po, Sir."~*~PASADO alas-diyes ng gabi ay pumarada ang isang pamilyar na sasakyan sa labas ng kilalang club sa lugar.Lumabas mula sa kotse si Joey at Lemuel. Pinagbuksan ng huli si Cain na nasa may backseat."Dito niyo siya natagpuan?""Yes, Sir. Ang sabi ng informant ay halos gabi-gabing nagtutungo
PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb