Share

Chapter 13 - Desire

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-09 23:13:41

MABIGAT ang paghinga ni Laura, taas-baba ang kanyang dibdib at pinagpapawisan siya ng matindi. Ang mukha niya ay namumula hanggang leeg.

Pagkatapos ay bigla siyang napatingin sa bukas na bintana, biglang nahiya kahit pa wala naman makakakita sa kanila.

“C-Can you, please, close the window?”

Napatiim-bagang si Sherwin habang nakangiti saka tumango. Naglakad palapit sa bintana at pagkatapos ay sa pinto, sinigurong lock at walang sino man ang makakaistorbo sa kanila.

Matapos ay muli niyang binalikan si Laura na yakap ang sarili, pilit tinatakpan sa pamamagitan ng unan ang hubad na katawan. Umangat ang gilid ng kanyang labi saka naglakad palapit sa kama.

Una niyang hinawakan ang paa nito hanggang sa binti paakyat pa sa makinis nitong hita. Pagkatapos ay inalis niya ang sagabal na unan at muling pinagmasdan ang magandang tanawin sa kanyang harapan.

Bigla naman nainis si Laura at kinuha ang unan saka ito hinampas sa ulo. “Anong tingin mo sa’kin—”

Mabilis na hinawakan ni Sherwin ang braso ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 13 - Desire

    MABIGAT ang paghinga ni Laura, taas-baba ang kanyang dibdib at pinagpapawisan siya ng matindi. Ang mukha niya ay namumula hanggang leeg.Pagkatapos ay bigla siyang napatingin sa bukas na bintana, biglang nahiya kahit pa wala naman makakakita sa kanila.“C-Can you, please, close the window?”Napatiim-bagang si Sherwin habang nakangiti saka tumango. Naglakad palapit sa bintana at pagkatapos ay sa pinto, sinigurong lock at walang sino man ang makakaistorbo sa kanila.Matapos ay muli niyang binalikan si Laura na yakap ang sarili, pilit tinatakpan sa pamamagitan ng unan ang hubad na katawan. Umangat ang gilid ng kanyang labi saka naglakad palapit sa kama.Una niyang hinawakan ang paa nito hanggang sa binti paakyat pa sa makinis nitong hita. Pagkatapos ay inalis niya ang sagabal na unan at muling pinagmasdan ang magandang tanawin sa kanyang harapan.Bigla naman nainis si Laura at kinuha ang unan saka ito hinampas sa ulo. “Anong tingin mo sa’kin—”Mabilis na hinawakan ni Sherwin ang braso ni

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 12 - Uncontrollable Feeling

    MABILIS na tinulak ito ni Laura bago pa man mapansin ng binata na kinakabahan siya sa presensiya ni Sherwin. Agad siyang umahon sa pool, ramdam ang init ng pisngi at bilis ng tibok ng puso. Malamig ang tubig pero nag-iinit ang kanyang pakiramdam, dahil sa binata.Para bang bawat gawin nito ay unti-unting winawasak ang pader na matagal niyang itinayo para protektahan ang sarili sa kahit na sinong magtangkang pumasok sa kanyang puso.Minsan na siyang nabigo at nagmahal sa maling tao kaya hinding-hindi na niya hahayaan ang sariling umibig muli. Pero si Sherwin… naiiba ito, para siyang hinahatak palapit kaya bago pa siya tuluyang lamunin ng sariling damdamin, ay mabilis niyang kinuha ang tuwalya at tumalikod.“A-Aakyat na muna ako,” aniyang hindi ito tinitingnan, saka mabilis na naglakad pabalik sa villa.“S-Sandali lang, Laura!” ani Sherwin, ngunit tuloy-tuloy lang ito. Kaya agad niya itong sinundan. “Sandali lang, hintayin mo ‘ko!”Binilisan ni Laura ang paglalakad hanggang sa tuluyan n

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 11 - A Splash of Trouble

    NANLALAKI ang mga mata niya habang nakatitig kay Sherwin. Pagtalikod ng tindera para balutin ang binili nilang souvenir ay mabilis niya itong kinurot sa braso.“A-Aray ko naman!” reklamo ng binata. “Ba’t ba napapadalas ang pananakit mo sa’kin… ganito ka ba ‘pag kinikilig?”Nahigit ni Laura ang hininga saka ito pinanlisikan ng tingin. “Aba’t! Kanina ka pa, a! Gusto mo talagang masaktan, e, ‘no?”Sa halip na matakot ay natawa lang si Sherwin pagkatapos ay tinalikuran ito at hinintay na matapos ang tindera.Paglabas nila sa lugar ay muli siyang tiningnan nang masama ni Laura. “Bakit na naman?”“Sa susunod, ‘wag mo nang sasabihin ‘yun sa iba at baka kung ano pang isipin tungkol sa’ting dalawa.”“Ayos lang ‘yun, wala naman makakakilala sa’tin dito.”“E, pa’no kung meron?”Tumitig si Sherwin ng ilang segundo bago ngumiti. “‘Wag ka masiyadong ma-paranoid. Trust me, walang makakakilala sa’tin dito.”Doon lang tuluyang kumalma si Laura. “O-Of course, may tiwala ako sa’yo.”Ngumiti si Sherwin.

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 10 - Market Mischief

    BATOK ang inabot ni Sherwin mula kay Laura. Sa lakas ay muntik na siyang sumubsob sa lupa.Ang dalang tray ay tuluyang nabitawan at tumapon. Dahil doon ay napasugod ang mga staff.“Ayos lang kayo, Sir?” tanong ng lalakeng staff.Asiwang tumango si Sherwin. “‘Di ko napansin ‘yung maliit na bato kaya natisod ako,” palusot niya pa, pilit dinadampot ang natapon na pagkain.“Kami na lang ang bahalang magligpit niyan, Sir,” anito. “Balik na lang kayo sa resto kung gusto niyo ulit ng pagkain.”Tumango si Sherwin at binigay ang tray. “Pasensiya na ulit, babayaran ko na lang ‘yung natapon.”“Hindi na kailangan, Sir.”“I insist,” ani Sherwin sabay hawak sa kamay ni Laura at hinila ito patungo sa resto.Pilit naman nitong binabawi ang kamay. “Kaya kong maglakad.”Kaya binitawan na ni Sherwin pero pinauna niya ito. “Baka batukan mo na naman ako, ang bigat pa naman ng kamay mo.”Tinaas ni Laura ang kamay, animo ay mananakit na naman kaya napakislot si Sherwin.“Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo.” S

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 9 - A Place to Hide

    PAALIS na ang kotseng minamaneho ni Sherwin nang saktong dumating ang taxi, sakay si Jude. Magkakasalubong ang dalawang sasakyan kaya itinukod niya ang siko sa bukas na bintana at tinakpan ang mukha gamit ang kamay para hindi siya mapansin nito.“Yumuko ka,” utos niya kay Laura na agad naman nitong ginawa.Nang nasa daan na sila ay saka lang ito umayos nang upo sabay lingon sa pinanggalingan. “Si Jude ba ang sakay no’ng taxi na nakasalubong natin?”“Oo, buti na lang at wala sa’tin ang tingin niya.”Huminga nang malalim si Laura saka pailalim itong tiningnan. “S-Sa’n pala tayo pupunta? Pa’no ang klase mo?”“May alam akong villa at do’n tayo pupunta. Private ‘yun kaya wala kang dapat na ipag-alala. Kung tungkol naman sa klase ko… nag-advance leave na ‘ko.”“Bakit, may lakad ka ba dapat?”“Hindi na mahalaga.”Napakunot-noo si Laura. “Ako pa talaga ang sasabihan mo niyan, parang hindi kita kilala. Mas mahalaga sa’yo ang klase mo, pero aalis ka—it means, mas importante ang lalakarin mo. Sa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 8 - Take Me Away

    BAGO pa man makapagsalita si Laura, bumukas ang pinto at pumasok si Sherwin na tila hinihingal—animo ay galing sa pagtakbo.Agad pinunasan ni Juliet ang gilid ng mata, itinatago ang bakas ng luha saka ngumiti sa bagong dating. “Maaga ka atang umuwi, hijo,” aniya, bahagyang paos ang boses.Lumapit si Sherwin, agad napansin ang luggage na nasa tabi ng sofa. “Tumawag sa’kin si Ate, kaya napauwi agad ako,” aniya, malamig pero mahinahon ang tono.Tumayo si Laura, hinarap ito. “Sinabi ba ni Katherine na tulungan mo ‘ko? Kung ‘yun ang inuwi mo rito, hindi na kailangan at kaya ko ng sarili ko.”Saglit na natahimik si Sherwin. Tumingin siya kay Laura, diretso sa mga mata nito. “‘Wag ka nang tumanggi, kailangan mo ng tulong,” mahinahon niyang sabi. “Hindi sa lahat ng pagkakataon o oras ay dapat mong akuin lahat. May mga taong handang tumulong sa’yo at kami ‘yun.”Napayuko si Juliet, ramdam ang bigat ng sitwasyon. “Tama si Sherwin, anak. Hindi ko maiwasang malungkot at mag-alala dahil wala man l

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status