Share

Chapter 152

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-05 23:07:56

TINIGILAN na ni Luke ang panunukso saka tumayo, hinubad ang suot na damit pero tinakpan pa rin ang katawan upang hindi na ito masiyadong mailang. "Sige, maliligo ako."

Tumango si Katherine ng hindi ito tinitingnan dahil nakakahiyang tumitig sa lalakeng nakahubad kahit kaibigan niya at walang malisya. Mayamaya pa matapos pumasok ni Luke sa banyo ay narinig niyang ang pagkatok sa pinto.

Lumapit naman siya, sumilip sa peephole at nakita si Cain na nakatayo sa labas. Sinasabi na nga ba niya, tama siya ng hinala na darating ito ngunit nag-aalangan siya kung bubuksan niya ba ang pinto o hindi?

Muling kumatok si Cain, hindi tumitigil hangga’t hindi binubuksan ang pinto.

Nabahala si Katherine na baka maistorbo ang mga kapitbahay, kaya kahit labag sa loob ay binuksan na niya ang pinto.

Agad nagtama ang tingin ng dalawa ngunit mas matalim ang kay Katherine. “Anong ginagawa mo rito?!”

Napatiim-bagang si Cain. "’Yung nangyari kanina sa mall, hindi ko alam na gagawin ‘yun ni—”

“Hinihingi ko ba an
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Juanillo
para Kang iwan Katherine nakakainiis
goodnovel comment avatar
Mhelz Carmelita
lhat ng nababasa k hindi ako satisfied kc kong hindi nagkron ng kabit ibang lalaki nman tpus un nman mga babae pinapakita nyo lang n mga babae n walanf dignidad.pat b nman s novel ganito din mababasa k umay
goodnovel comment avatar
Mhelz Carmelita
alam m katherine kong ayaw m sa dati mong asawa hindi sulosyun magpanggap at mag paselos sa dti mong karelasyun n gagamit k ng ibang lalaki.kc may ginawa k man o wala sa tinggin nya syo gobon k kasama. lumayo k sa kanila at mamuhay ng tana pag nka move on kn tsaka mamili kong sino tlga gusto m.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 306

    LUMAKAS ang kabog sa dibdib ni Stella, nanginig ang labi niya ngunit nagawa pa ring ngumiti at magkunwari. "Ahm... n-nag-ring kasi kanina pero hindi ko alam kung sino 'yung tumatawag. But don't worry dahil hindi ko naman sinagot," pagsisinungaling niya pa.Dumilim ang tingin ni Cain. "Alam mo na ayaw kong pinapakialaman ang gamit ko pero ginawa mo pa rin."Nanlamig bigla ang pakiramdam ni Stella ngunit nanatili siyang kalmado, nanatili ang ngiti sa harap ni Cain. "Sorry, hindi na mauulit." Pagkatapos ay dali-daling umalis bago pa ito may mapansin.Hindi niya gugustuhing madagdagan ang inis nito sa kanya. Habang naglalakad patungo sa elevator ay hindi niya napansin ang papasalubong na empleyado at nagkabungguan sila."P-Pasensiya na--" hindi na nito natapos ang sasabihin ng walang ano-ano ay hinawakan nang mahigpit sa braso."Tumingin ka sa dinadaanan mo," mariin at nanggigigil na sabi ni Stella. Ngunit nang makita ang takot sa mukha ng empleyado ay bigla siyang natauhan at binitawan a

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 305

    HUMIGPIT ang hawak ni Katherine sa phone, may kung anong damdamin ang nabubuhay sa kaloob-looban na ayaw niyang tanggapin sa sarili."G-Gano'n ba... Sige," iyon na lang ang sinabi niya. Akmang ibababa ang tawag ng magsalita pa ito."Gusto mo bang sabihin ko na tumawag ka?"Obviously, pero hindi na lamang niya iyon isinatinig.Ngunitr... hindi niya talaga mapigilan ang sarili na magtanong kahit dapat ay wala siyang pakialam, "Ba't nga pala na sa'yo ang phone niya?""... Ako talaga ang humahawak ng gamit niya. I think, normal lang naman ang gano'n sa relasyon na meron kami, right?"Kumunot-noo si Katherine. Hindi man detalyado at direkta ay tila pinapahiwatig ni Stella na may relasyon ito at si Cain."Oh, okay. Sorry sa abala... hindi ko alam na may relasyon pala kayong dalawa." Dahil kasal pa rin naman ito at siya ang asawa kahit na pinoproseso na ang annulment."You don't know?" Saka mahinang natawa. "Siguro ay hindi ka masiyadong interesado sa nababalita tungkol sa'min dalawa ni Cain

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 304

    NATAWA si Lian. "You're so funny." Saka marahan inikot-ikot ang hawak na wine glass.Si Ulysses naman sa kabilang dako ng linya ay humigpit ang hawak sa phone, kulang na lang ay ihagis sa sobrang inis. "H-Hindi ko akalain na ganito ka pala ka walang puso.""What?" natatawang sabi ni Lian. "Ako pa talaga ngayon?"Huminga naman nang malalim si Ulysses. "P-Pasensiya na, Miss Lian. Nahihirapan lang kasi ako sa sitwasyon ngayon ni Sir Jared.""And so...? Hindi ko na 'yun problema. 'Wag mo na rin akong tatawagan, ayokong makabalita ng kahit na ano tungkol sa kanya, whether maka-survive man siya o hindi na." Bago pa ito makasagot ay binabaan na agad niya ng tawag.Sa ginawa ay napangiti siya. "Ang satisfying naman nito." Saka bumalik sa upuan, muling uminom ng wine.Ngunit ilang sandali pa ay tumulala sa labas at napapatanong sa sarili... masaya ba talaga siya?Habang tinitimbang kung ano ba ang kanyang nararamdaman ay muling tumunog ang phone. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya tiningnan

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 303

    MABILIS na tinapakan ni Lian ang preno, sumubsob pa nga siya sa manibela. Pero hindi iyon ang main concern niya kung hindi ang kotse na bigla na lang sumulpot at dire-diretso matapos niyang iwasan.Pag-angat ng tingin ay nahirapan pa siyang makita kung anong nangyari dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Hanggang sa naging malinaw na sa kanya na sumalpok ang naturang kotse sa concrete barrier."Oh my God!" hiyaw ni Lian, hindi malaman ang gagawin.Sa huli ay lumabas siya para tingnan ang kalagayan ng sakay sa kotse. Nabigla siya nang makita sa driver seat si Ulysses kaya dali-dali niyang binuksan ang pinto at inalam ang kondisyon nito. "Naririnig mo ba 'ko?" Mahina niyang tapik sa balikat nito.Tumango naman si Ulysses habang tila may iniindang sakit. "A-Ayos lang ako."Magkaganoon man ay sinuri pa rin ni Lian ang mukha at braso nito ngunit nahirapan siya dahil sobrang lakas ng buhos ng ulan. Kaya umikot pa siya at sumakay sa passenger seat upang masuri ito nang maayos."Mukhang ayos ka na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 302

    GIGIL NA GIGIL si Nancy dahil ngayon lang siya natraydor ng ganito ng itinuring niya pang kasangga, iyon pala ay ginagamit lang siya! Sa tagal niya sa industriya ay ngayon lang siya napahiya nang ganito.Hindi naman hinayaan ni Margaret na saktan lang nang ganoon. Lumaban din siya, sinabunutan si Nancy. Hanggang sa matumba ang dalawa, nagpagulong-gulong sa sahig.Ang mga tao na naroon ay umiwas sa takot na masaktan."Dali, tumawag kayo ng security!" sigaw ng kung sino sa malapit."Nakakadiri kang babae ka!" hiyaw ni Nancy na sinabunutan na rin ito. Pilit kinakalmot ang mukha ni Margaret. Kung masisira man ang pangalan niya ng dahil dito ay sisiguraduhin niyang masisira rin ang pagmumukha nito. Hindi siya babagsak ng siya lang!Humiyaw sa sakit si Margaret nang makalmot malapit sa mata. Sa sobrang sakit ay umatras ang tapang niya saka ito tinulak at pilit na gumagapang palayo. "Tulong! Ilayo niyo siya sa'kin!""At sa'n ka pupunta?!" ani Nancy sabay hila sa paa nito. "Hindi pa 'ko tapos

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 301

    ALAM ni Katherine kung ano ang tinutukoy nito. Iyong edited version ng surveillance camera sa may hallway dahil nang hiningi niya ang whole footage sa hotel ng gabing iyon ay deleted na, may kung sinong nagbura."Paki-play ang CCTV footage," utos pa ni Nancy sa operator.Mayamaya pa ay nagpi-play na sa harap ng mga naroon ang video clip kung saan ay makikitang magkasamang lumabas sina Katherine at Chua sa venue. Ngunit dahil edited version na ang naturang footage ay pinagmukhang magkasamang pumasok ang dalawa sa lounge kahit pa ang kasama naman ni Katherine ng sandaling iyon ay ang waiter na umalalay sa kanya. Sunod na ipinakita ang paglalakad ni Chua sa hallway na inaayos ang sinturon."Kung nakikita niyo naman sa last part ng video. Nag-aayos ng sinturon ang asawa ko, sa tingin niyo ba ano ang ginawa nila sa loob?" ani Nancy.Umiling-iling si Katherine, alam niyang hindi ganoon ang nangyari ngunit kataka-takang nahagip si Chua na naglalakad sa hallway kahit ang totoong nangyari ay n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status