Share

Chapter 151

Author: Lirp49
last update Huling Na-update: 2025-02-03 23:16:34

NAGULAT si Katherine sa ginawa nito at umiwas ng tingin habang si Lian ay hindi na maipinta ang mukha sa inis.

"The nerve!" react pa nito. “Tara, Sissy. Umalis na tayo rito bago pa ‘ko masuka.” Sabay hila sa kaibigan. Nang tuluyang makalayo ay binitawan na niya ang kamay nito saka pinagmasdan ang mukha. "Umuwi na lang kaya tayo at baka magkasalubong pa natin sila mamaya.”

Tumango naman si Katherine saka sila umalis sa mall.

Samantala, sa clothing store kung saan ay naroon pa ang dalawa ay pinagpatuloy ni Ashley ay pamimili ng damit.

Naka-assist naman iyong saleslady kanina na mababanaag sa mukha ang tuwa dahil kapag nasiyahan sa kanya ang customer ay baka mabigyan pa siya ng tip.

Si Cain naman ay nagtungo sa counter upang tanungin ang staff, “Pwede ko bang makausap ang manager niyo rito?”

Tinanong naman nito kung anong kailangan sa manager at sinabi ni Cain na mayroon lang siyang gustong ireklamo.

Mayamaya pa ay dumating ang taong hinahanap. "Magandang araw, Sir. Hanap niyo raw po ako
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Malou Balucos Lustre
bakit ako naiinis kay luke nabubweset ako sa kanya c Katherine namn tanga tanga.. d nya alam na knukuha lang ang loob nya ni luke may masamang balak c luke sa kanya..
goodnovel comment avatar
Annjoy Estrella
naku.tiwalang tiwala c Katherine Kay Luke.eh may hidden agenda yon sana patawarin nya na c cain
goodnovel comment avatar
Edna Mon Manocal Mira
dapat mag ingat
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 263

    HINDI muna pinaalis ni Juliet ang bisita. Inaya sila Sherwin na mag-stay kahit ilang minuto lang. Hindi naman tumanggi sila Katherine dahil magbibigay ng pasalubong ang kaibigan."Chocolates and biscuit para kay Sha-Sha saka may bag ako rito na magugustuhan mo," ani Laura habang hinahalungkat ang laman ng luggage."Meron bang para sa'kin?" hirit naman ni Sherwin sa pintuan, nakasandal at pinagmamasdan ang dalawa sa sahig."Chocolates na lang ang sa'yo, hindi ko kasi alam ang size mo," saad ni Laura.Tumango lang si Sherwin saka bumalik sa sala. Ang dalawa naman ay tuloy lang sa ginagawa. Hanggang sa matigilan si Laura, maya't maya ang tingin sa kaibigan. "Ahm, Katherine... May gusto sana akong sabihin."Nag-angat ng tingin si Katherine, naghihintay ng sasabihin nito.Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Laura, saka maingat na sinabi ang totoo, na kasal na silang dalawa ni Jude, "Sorry, kung ngayon ko lang 'to nasabi."Sumama ang loob ni Katherine sa narinig. Pakiramdam niya, nadaya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 262

    MARIIN hinawakan ni Katherine ang handle ng cart saka bahagyang tinulak upang makalayo sa mag-ina. "Maiwan ko na kayo," aniya ng hindi tinitingnan ang dalawa.Pero bigla na lamang humabol si Amelia, ang tingin ay halatang asiwa. "I-Ikaw pala si Ms. Madrigal... Kaya pala tila pamilyar ka. Pinakita ni Diana ang picture mo habang ini-introduce ka sa'min." Pagkatapos ay tinuro ang nakatalikod na si Aaron. "Ang anak ko, kung ano man ang ginawa niya sa'yo ay ako na ang humihingi ng despensa."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Katherine. "Ayos lang po, wala na sa'kin 'yun. Hindi niyo kailangan na mag-sorry, wala kayong ginawang kasalanan." Dahil kung may kailangan man humingi ng kapatawaran, si Aaron iyon.Ngunit umalma ang binata nang marinig ang sinabi nito, "Sa'yo, balewala lang dahil hindi naman ikaw ang nasaktan.""Aaron!" saway muli ni Amelia sa anak."Ba't ako, 'Mmy? Wala naman akong ginawang masama. Siya at 'yung kasama niyang lalake ang gumawa nito sa pagmumukha ko!"Dahil sa taas ng

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 261

    NAGPALIPAT-LIPAT naman ng tingin si Sherwin sa dalawa at baka bigla na lamang magkainitan, maawat niya agad."Matagal na tayong hindi nagsasama, wala na rin akong natandaan tungkol sa'yo kaya tama lang na maghiwalay na tayo nang tuluyan," ani Katherine."Paninindigan mo talaga 'tong kalokohan mong may amnesia ka?""Kung ayaw mo maniwala, wala na 'kong magagawa pa pero tuloy ang annulment."Nagngitngit ang bagang ni Cain habang mariin nakakuyom ang kamao. Hindi siya makakapayag sa gusto nitong mangyari, hindi ngayong nagkrus na muli ang kanilang landas.Kahit kumukulo siya sa galit ay ayaw naman niyang takutin ang asawa at baka lalong lumayo kaya huminahon siya. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung anong dahilan kung ba't mo 'ko iniwan..." aniya, saka hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa table.Kumabog ang dibdib ni Katherine nang hawakan siya kaya mabilis niyang binawi ang kamay bago pa ito makahalatang apektado siya. "H-Hindi ko rin alam kung anong sinasabi mo," an

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 260

    KINABUKASAN, nang paalis na si Sherwin dahil may importanteng lalakarin ay kinausap siya ng security personnel ng building, "Good day, Sir... May naghahanap po sa inyo kanina.""Sino?""Marc Pador, nag-iwan din siya ng calling card." Sabay pakita ng maliit na card.Napakunot-noo naman si Sherwin dahil wala siyang nakikilalang tao sa ganoong pangalan hanggang sa mahawakan na niya ang calling card. "Pambihira..." iyon na lang ang kanyang nasabi dahil empleyado pala ito ni Cain Vergara. "Sinabi mo bang nandito nga kami?"Umiling ito. "Hindi pwede sa'min maglabas ng information. Hindi rin namin sinabi na residents kayo rito."Nakahinga nang maluwag si Sherwin sa narinig. "Thank you, at kung sakaling bumalik ay i-inform mo agad sa'kin." Pagkatapos ay nagpatuloy na siya patungo sa kotse habang iniisip kung sa paanong paraan nalaman ni Cain na doon sila nakatira?Kaya matapos asikasuhin ang kailangan gawin ay sinadya niya ito sa pinagtatrabahuan nito."May appointment kayo, Sir?" tanong ng r

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 259

    PAREHONG napalingon ang magkapatid sa sinabi ni Cain. Nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa dalawa habang nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat."Pa'no ka nagkaro'n ng kapatid?" Saka pinagmasdan nang mabuti si Sherwin, dahil tila pamilyar ito sa kanya.Mariin pa siyang napapikit habang inaalala kung saan niya ito nakita. "... Sa... Sa isang business gathering! Tama! I once saw you!" Sabay turo. "At do'n din sa airport!"Hindi naman nagustuhan ni Sherwin na dinuduro-duro siya kaya tinabig niya ang kamay nito. "Anong sinasabi mo? I don't know you," aniya saka bahagyang inusog palapit sa likod niya ang kapatid. Hindi nagugustuhan ang tingin nito kay Katherine.Napatiim-bagang naman si Cain ng makita ang ginawa nitong pagtago sa kanyang asawa. Pero kinalma niya pa rin ang sarili para hindi na lumala ang sitwasyong gayong medyo malinaw na ang relasyon ng dalawa. Tumayo siya nang maayos saka pinagpagan ang nadumihan na damit sa kabila ng sugat sa kamay."Magkapatid kayo, right?" gusto lang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 258

    NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 257

    PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 256

    NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 255

    HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status