Share

Chapter 175

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-02-25 20:50:22

KINAUMAGAHAN, paggising ni Katherine ay mabigat ang kanyang pakiramdam at makirot ang ulo, marahil sa alak na ininom kagabi. Magkaganoon man ay naghanda na siya para sa trabaho. Kahit biyernes ay ayaw niyang tatamad-tamad dahil maaapektuhan ang performance niya bilang guro.

Habang nasa banyo naliligo ay natulala na lamang siya nang muling maalala ang naganap kagabi. Kulang na lamang ay iumpog niya ang ulo sa pader sa sobrang hiya. Para siyang dalagitang una pa lang nakaranas ng kilig. "'Wag mo na nga 'yung isipin!" saway niya pa sa sarili. "Epekto lang iyon ng alak."

Pagdating sa school ay pansin niya ang pananamlay ng mga co-teacher. May mga nagrereklamo na masakit ang ulo at nasusuka.

Kahit obvious naman ang dinaramdam ng mga ito ay nagtanong pa rin si Katherine, "Ayos lang kayo?"

"Hindi!" halos magkakasabay na sagot ng mga ito.

"Buti pa si Monica, absent."

Ngayong araw ang birthday nito at matagal ng nakapagpaalam na liliban sa trabaho sa araw na iyon.

Natawa si Katherine sa itsura
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 9 - A Place to Hide

    PAALIS na ang kotseng minamaneho ni Sherwin nang saktong dumating ang taxi, sakay si Jude. Magkakasalubong ang dalawang sasakyan kaya itinukod niya ang siko sa bukas na bintana at tinakpan ang mukha gamit ang kamay para hindi siya mapansin nito.“Yumuko ka,” utos niya kay Laura na agad naman nitong ginawa.Nang nasa daan na sila ay saka lang ito umayos nang upo sabay lingon sa pinanggalingan. “Si Jude ba ang sakay no’ng taxi na nakasalubong natin?”“Oo, buti na lang at wala sa’tin ang tingin niya.”Huminga nang malalim si Laura saka pailalim itong tiningnan. “S-Sa’n pala tayo pupunta? Pa’no ang klase mo?”“May alam akong villa at do’n tayo pupunta. Private ‘yun kaya wala kang dapat na ipag-alala. Kung tungkol naman sa klase ko… nag-advance leave na ‘ko.”“Bakit, may lakad ka ba dapat?”“Hindi na mahalaga.”Napakunot-noo si Laura. “Ako pa talaga ang sasabihan mo niyan, parang hindi kita kilala. Mas mahalaga sa’yo ang klase mo, pero aalis ka—it means, mas importante ang lalakarin mo. Sa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 8 - Take Me Away

    BAGO pa man makapagsalita si Laura, bumukas ang pinto at pumasok si Sherwin na tila hinihingal—animo ay galing sa pagtakbo.Agad pinunasan ni Juliet ang gilid ng mata, itinatago ang bakas ng luha saka ngumiti sa bagong dating. “Maaga ka atang umuwi, hijo,” aniya, bahagyang paos ang boses.Lumapit si Sherwin, agad napansin ang luggage na nasa tabi ng sofa. “Tumawag sa’kin si Ate, kaya napauwi agad ako,” aniya, malamig pero mahinahon ang tono.Tumayo si Laura, hinarap ito. “Sinabi ba ni Katherine na tulungan mo ‘ko? Kung ‘yun ang inuwi mo rito, hindi na kailangan at kaya ko ng sarili ko.”Saglit na natahimik si Sherwin. Tumingin siya kay Laura, diretso sa mga mata nito. “‘Wag ka nang tumanggi, kailangan mo ng tulong,” mahinahon niyang sabi. “Hindi sa lahat ng pagkakataon o oras ay dapat mong akuin lahat. May mga taong handang tumulong sa’yo at kami ‘yun.”Napayuko si Juliet, ramdam ang bigat ng sitwasyon. “Tama si Sherwin, anak. Hindi ko maiwasang malungkot at mag-alala dahil wala man l

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 7 - Nowhere to Hide

    ISANG LINGGONG hindi nagkibuan sina Laura at Sherwin, hindi nga lang pansin ng mga tao sa kanilang paligid.Madali nilang naitago ang alitan na hindi napapansin ni Katherine.Kapag wala ang kaibigan ay mabilis na umiiwas si Laura habang si Sherwin naman ay parang hindi ito nag-e-exist. Nag-uusap lang sila kung kinakailangan at nasa harap ni Katherine.Isang umaga habang abala sa trabaho ay nakatanggap ng message si Laura mula sa biyenang babae.“May business trip si Jude sa Taiwan. Pero ang sabi ng secretary niya ay nasa NAIA sila.”Muntik na niyang mabitawan ang cellphone matapos mabasa ang mensahe. Dali-dali niyang iniwan ang trabaho saka nagtungo sa opisina ng kaibigan.Hindi na niya nagawang kumatok at basta na lang pumasok na ikinagulat ni Katherine. “Oh, may problema ba?”Hinihingal na lumapit si Laura, sabay pakita ng message sa cellphone. “S-Si Jude, nandito sa Pilipinas!”Napatayo si Katherine. “Anong gagawin natin?”Nagpalinga-linga si Laura, animo ay may mahahanap na sagot

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 6 - Boundaries

    PAGKATAPOS ng hapunan ay sabay nang bumalik sa unit sina Laura at Elma.“Ma’am, mauuna na ‘kong magpahinga,” saad ng huli.Tumango si Laura. “Hihintayin ko na lang na dumating sila Katherine.”Pagkatapos ay naglakad na patungo sa silid si Elma. Nang siya na lamang ang naroon ay naupo muna siya sa sofa at mamaya na lamang maliligo pagdating ng mga ito.Makalipas ang ilang minuto ay tumutunog na ang passcode sa pinto hanggang sa pumasok na nga si Katherine, kasunod nito si Cain na buhat ang bata.“Kumain na kayo?” tanong ni Katherine, may bitbit na supot. “Nag-take out nga pala kami, in case na gutumin kayo.”“Katatapos lang din namin, si ate Elma ay nagpahinga na sa kwarto niya.”Naglakad naman patungo si Cain sa kwarto para mailapag sa kama ang natutulog na si Shannon.Sumunod naman si Laura dahil nasa kusina si Katherine, walang titingin. Medyo hesitant pa rin siyang kilalanin si Cain dahil nga sa past ng dalawa. Pero nakikita naman niyang nag-e-effort kaya kahit papaano ay casual an

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 5 - Crossing the Line

    NANLAKI ang mga mata ni Laura at mabilis niyang tinulak si Sherwin palayo. “A-Ang lapit mo,” mariin niyang sabi, sabay iwas ng tingin.Umayos ng upo si Sherwin sa driver’s seat, na parang walang nangyari saka siya nagmaneho. Makaraan ang ilang sandali ay nagsalita siya, “Dahil sa labas naman kakain sila Ate, ba’t ‘di kaya sa unit ko na lang ikaw kumain? Sasabihin ko si tita Juliet na magluto para sa’tin.”Hindi sumagot si Laura, ang tingin ay nanatili sa labas ng sasakyan.Sumulyap saglit si Sherwin. “Silence means yes,” aniyang may munting ngiti sa labi.Umismid lang si Laura nang marinig iyon, hindi na tumanggi o kung ano pa.Pagdating nila sa condo, pinaalala pa ulit ni Sherwin na sa unit niya kakain.Pairap na tumingin si Laura. “Oo na.” Saka siya nagpatuloy papasok sa unit ng kaibigan kung saan siya pansamantalang nakikitira.Pagpasok sa loob, nadatnan niyang palabas na sina Katherine kaya nagtaka siya. “Aalis na kayo? Ang bilis naman, kararating ko lang.”“Pero kanina pa kami du

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 4 - Too Close to Forget

    PALAPIT si Katherine sa table ni Laura nang mapansin itong tila tulala habang hawak ang cellphone.Hindi siya iyong tipo ng kaibigan na nanghihimasok at nangingialam ng personal na buhay ng iba. Pero hindi niya lang mapigilang mag-alala sa kaibigan.Napapadalas na ang pagiging balisa nito, wala sa sarili at laging nagkakamali.Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa likod nito, nakatingin sa cellphone at napansin ang missed calls.Napalingon si Laura at nagkagulatan silang dalawa. “B-Bakit?” Sabay lapag ng cellphone sa table.Ngumiti naman si Katherine sabay bigay ng hawak na dokumento. “Natapos ko na ‘to, pakitingnan na lang.”Tumango-tango si Laura. “O-Okay.”Aalis na sana si Katherine nang matigilan. Hindi niya talaga kayang tiisin ang kaibigan. “May… problema ba? Napapansin ko kasi na parang ang lalim ng iniisip mo.”Ngumiti si Laura. “Ayos lang ako.”Bumuntong-hininga si Katherine saka tumango, hindi na nangulit pang alamin ang umuukopa ng isip nito at bumalik na sa opisina.PAGPA

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status