TUMAWA si Jean matapos magawang masugatan si Katherine sa braso. Sayang nga lang, dapat ay sa mukha nito tatarak ang patalim pero mabilis itong nakaiwas.“Oh, Katherine. Masarap pala sa tenga habang naririnig ang hiyaw mo.” Sabay tingin sa hawak na patalim na may bahid ng dugo nito. “Kulang ‘to, gusto kong makita na nababalutan ito ng kulay pula.”Kawalan ng pag-asa at takot ang naramdaman ni Katherine ng mga sandaling iyon. Sobrang hapdi ng braso niyang nasugatan pero kailangan niya rin isipin ang sarili na makalayo mula sa nababaliw na si Jean. Ngunit maging ang sariling tuhod ay bumigay na rin sa sobrang takot, hindi na niya magawang makatayo kaya paatras na lamang siyang gumapang huwag lang muli nitong masaktan. Dahil hindi na niya alam ang sunod na mangyayari sa kanya pagkatapos. Baka hindi na lang braso niya ang masugatan.“Ramdam ko ang takot mo,” natutuwang sabi ni Jean habang kagat-kagat ang ibabang labi. Tila may kung anong pinananabikang mangyari.Sobrang lakas ng kabog ng
MATAPOS iyong sabihin ni Katherine ay inilawan ng mga tauhan na naroon ang buong paligid upang makita ang hinahanap.“Luke, nasa’n ka?” sambit niya pa sa pangalan nito. “Luke!” nilakasan niya pa ang pagsigaw upang marinig nito.“Ka—Katherine, nandito ako!” boses ni Luke na halatang may iniinda.Tumakbo naman agad si Katherine sa lugar kung saan nanggagaling ang boses nito kahit madilim ay hindi niya alintana. May nakasunod rin naman na mga tauhan upang bigyan siya ng liwanag.Hanggang sa nakita na nila ito hindi kalayuan sa lugar kung saan bumagsak si Jean. Nakasandal si Luke o tamang sabihin na bahagya itong nakahiga sa mga nakatambak na lumang kahoy.“Luke!” Saka ito nilapitan para lang mangilabot nang makitang may nakatusok na kahoy sa binti nito. “Jusko po!” halos manghina siya ng makita ang kondisyon nito.Kahit dumadaing sa sakit ay nakuha pa rin ngumiti ni Luke upang ipakita na ayos lang siya, na wala itong dapat na ikatakot. “O-Okay lang ako,” anas niya kahit pinagpapawisan at
HABANG nagmamaneho ay nilabas na ni Joey ang panya upang ibigay rito. “Nagdurugo po ulit ang sugat niyo. Tsk, dapat talaga ay dumiretso na tayo sa ospital. Pwede naman kasing mamaya na lang ang statement pero mapilit ang mga pulis kanina,” hindi niya napigilan iyong ikomento.Napangiti naman si Katherine dahil kahit mukha man itong kalmado ay hindi maikakailang kabado ito sa loob-loob. “’Wag kang mag-alala. Akong bahala kay Cain ‘pag nagalit sa’yo.”Napalingon si Joey saka nagpunas ng pawis sa noo. Kanina pa kasi siya kinakabahan. “Thank you, Ma’am,” aniya na nakahinga nang maluwag.Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay nakarating na sila sa ospital. Hinatid ito ni Joey sa emergency room upang magamot ang mga galos at sugat sa katawan.Habang ginagamot ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Cain kaya bahagya siyang lumayo.Samantala, ang naiwan na si Katherine ay ginamot ng Doctor. Nang matapos ay pinayuhan siyang magpahinga bago umalis.“Nurse Kim, ikaw na muna ang bahala rito,” utos
NGUNIT isang araw, matapos alagaan si Luke ay nagtungo na naman si Katherine sa kwarto ni Cain. Sa labas lang sana siya, sisilip nang biglang bumukas ang pinto. Sa gulat ay mabilis siyang tumalikod.Akma pa ngang tatakbo palayo nang magsalita ang taong nagbukas ng pinto. “Ma’am, ano pong ginagawa niyo riyan? Pumasok po kayo.”Boses iyon ni Joey kaya humarap na siya at asiwang nangiti. “O-Okay lang ako rito.”“Para po kay Sir ‘yang hawak niyo?”Napatingin naman si Katherine sa bitbit. Gabi-gabi kasi, sa tuwing pinupuntahan niya si Cain ay nag-iiwan siya ng kahit na anong prutas sa pinto. Isinasabit niya lang sa doorknob saka siya aalis.“Gising po si Sir, tumuloy na po kayo.” Saka nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.Dumiretso agad ang tingin ni Katherine sa kama kung saan nakahiga si Cain.Nagdadalawang-isip man ay pumasok siya at si Joey naman ang lumabas upang bigyan sila ng panahon na makapag-usap.Lumingon si Cain saka mataman tinitigan ang papalapit na si Katherine.“K-Kamusta ka
MABABANAAG ang lungkot sa mukha ni Helen habang hinahaplos ang likod ng kamay nito.Mapait naman na napangiti si Katherine. “Wala po kayong dapat na ihingi ng tawad. Saka po… napagbayaran na ni Jean ang nagawa niyang kasalanan.”Iyon nga lang ay buhay nito ang naging kapalit. Buong akala ni Katherine ay may pag-asa pa itong mabuhay dahil hindi naman kataasan ang pinaghulugan nito. Ngunit ayon sa kanyang nabalitaan ay masiyadong delikado ang pagkakabagsak nito, ang ulo mismo ang na-damage at nabali pa ang leeg.“Nakakalungkot lang po isipin na nang dahil sa galit niya sa’min, na hindi ko alam kung saan nagmumula ay humantong sa kanya ang gano’n ka pait na trahedya,” patuloy pa ni Katherine.Tumango-tango naman si Helen. “Nakakalungkot nga pero kumusta ka ngayon, may nanggugulo ba?” Inaalala niyang baka biglang sumugod si Belinda matapos pumanaw ng anak.Umiling lang si Katherine. “Wala naman po.”“Mabuti naman kung gano’n…” Saka napahinga. “Iyong kasama ko nga pala, si Stella. Matagal
NANG mapansin ni Grace na natulala ito ay napagtanto niya na isang mabigat na resposibilidad ang ipinasa niya kay Katherine. Ngunit kailangan niya itong gawin para sa kaawa-awa niyang anak.Hanggang sa pinili na lamang niyang magpakababa at lumuhod sa harap nito. “Nakikiusap ako, Katherine. ‘Wag mo sanang iiwan si Luke kahit pa anong mangyari sa kanya.”Nabigla si Katherine sa ginawa nito kaya mabilis niyang inalalayan ang Ginang na tumayo. “’Wag niyo po ‘tong gawin, Tita.”Ang mga taong naroon, pasiyente maging ang mga staff ay napapatingin na sa kanila lalo na kay Grace. Hanggang sa tuluyan ng lumapit si Roberto upang sawayin ang asawa. “Ano bang ginagawa mo? Hindi ka ba nahihiya? Pini-pressure mo si Katherine. Sa tingin mo ba’y ikatutuwa ni Luke kapag nalaman niya ‘tong ginagawa mo?”Tiningnan naman ni Grace ang mukha ng asawa. “Roberto, ginagawa ko lang kung anong makakabuti para sa kanya,” iyak pa niya saka ito niyakap.Bakas man ang lungkot sa mga mata ay nagpakatatag si Roberto
MATAPOS magtungo sa cemetery para makapagpaalam sa Abuela ay sunod naman na pinuntahan ni Katherine ang kaibigan sa ward nito.Pagpasok sa kwarto ay nginitian niya ang isang kasamang pasiyente ng kaibigan saka nagtuloy-tuloy patungo sa bintana dahil doon ito nakapuwesto. Hinawi niya ang kurtina at nakitang may pinagkakaabalahan ito.“Anong ginagawa mo?” Saka ito nilapitan upang silipin ang laptop pero mabilis nitong sinara bago pa siya may makita. Kaya hindi niya maiwasang tingnan ito ng kakaiba. “Nagtatatrabaho ka ba?”“May tinitingnan lang ako,” ani Lian.Nagpakawala ng buntong-hininga si Katherine. Gusto man itong pagsabihan ay ayaw niya naman na mauwi muli sila sa pagtatalo.“Ano palang ginagawa mo rito?”“Kumusta ang operasyon mo?” balik tanong ni Katherine.“Nasabi ko na kay Mommy ang kondisyon ko at gaya mo, tumutol siya na i-keep ko ‘tong bata.”Kinuha naman ni Katherine ang upuan sa tabi saka naupo sa harap nito. “Ayaw mo pa rin magpa-opera?”Matagal bago nakasagot si Lian, l
MABILIS na lumipas ang mga araw. Kasalukuyang nasa kotse sina Katherine at Luke patungo sa airport habang nasa ibang sasakyan naman ang magulang ng binata. Ngayong araw ang alis nila ng bansa patungo sa Canada.Magkatabi ang dalawa, si Luke ay abala sa phone habang si Katherine naman ay nakatanaw sa labas ng kotse. Pinagmamasdan ang paligid na paniguradong matagal niya ring hindi makikita.“Anong iniisip mo?” biglang tanong ni Luke.Napalingon si Katherine saka tipid na ngumiti. “Wala.”“Nagsisisi ka bang sasama sa’min?”Napakunot-noo si Katherine sa tanong nito. “Ano? Hindi. Ba’t mo naman ‘yan nasasabi?”“Kasi marami kang maiiwan. Nandito ang buhay mo pero handa kang iwan dahil sa’kin.”“Kasi mahalaga ka,” ani Katherine saka marahang hinawakan ang braso nito.Tinangka naman ni Luke na hawakan ang kamay nito pero hindi na itinuloy. “Pa’no kung hindi na ‘ko gumaling? Anong gagawin mo?”“Ano ba ‘yang sinasabi mo? ‘Wag kang mag-isip ng negative. Naniniwala akong gagaling ang binti mo, ok
PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb