Share

Chapter 203

Author: Lirp49
last update Huling Na-update: 2025-03-13 23:42:00

PINAGMASDAN ng Nurse ang pasiyente nang matulala ito. “Ayos lang po kayo, Ma’am?”

Wala sa sariling tumango si Katherine kahit ang lakas ng kabog sa kanyang dibdib. Bigla siyang nablangko at hindi alam ang gagawin ng mga sandaling iyon.

Nagugulahan pa siya sa nangyayari nang simulan niyang isipin kung kailan siya huling dinatnan?

Sa pagkakaalam niya ay nagkaroon pa siya noong nakaraang buwan kaya napaka-imposible na buntis siya. Bukod roon ay tatlong buwan na silang hiwalay ni Cain, huli silang nagtalik ay iyong bago pa sila mag-divorce.

“Sigurado po ba kayong okay lang kayo, Ma’am?” pag-uulit ng Nurse matapos makitang natataranta at tila natatakot ito.

Para naman walang narinig si Katherine at tuloy lang sa pag-iisip kung sa papaanong paraan siya nagdadalang-tao.

“Nandito na si Dok.”

Doon lang nag-angat ng tingin si Katherine at nakita ang paglapit nito. “Dok, totoo po bang buntis ako?”

Tumango ito habang binabasa ang hawak na lab result. “Ayon dito ay you’re fourteen weeks pregnant.”
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Virgie Acebo
Nku katherinre lumayo kn ky luke
goodnovel comment avatar
Precious Kate
parang tanga naman ni Katherine khit Hiwalay na cla ni Cain Ilang beses parin na my nangyari sa kanila eh bago sya makidnap my nangyari sa kanila nung lasing sya at si cain
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 334

    NAPANGITI nang bahagya si Cain sa naging reaksyon nito. “Well… ‘yan ‘yung una. No’ng hindi pa kami nagkakahiwalay ng limang taon. Ngayon ay pinabago ko na naman.”“I-Ilang percent?” hindi napigilang itanong ni Sherwin sa sobrang pagkabigla.“Hundred?” patanong niya pa iyong sinabi kahit iyon naman talaga ang totoo. “Except sa mga properties na may kahati ako.”Muntik nang malukot ni Sherwin ang dokumento. Nanginginig siya sa galit. “Sa’n mo ‘to paggagamitan? At bakit sa’kin mo pa pinakita? Sa tingin mo ba’y magkaka-interes ako sa yaman mo?! O, kung babalik sa’yo ang kapatid ko sa oras na malaman niya ‘to?!”Umiling-iling si Cain. “Hindi gano’n ang intensyon ko, bayaw. Pinakita ko ‘yan sa’yo para sabihing seryoso ako kay Katherine. Handa kong ibigay sa kanya ang lahat. Ayoko man ‘tong sabihin pero hindi ko talaga kayo makumbinsi sa salita at gawa. Kahit anong gawin kong pagpapakita ng magandang intensyon kay Katherine ay ayaw niyong maniwala kaya pinakita ko ‘yan sa’yo. Ikaw ang pinaka

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 333

    MATAPOS maihatid pauwi ang lasing na si Stella ay dumiretso si Adrian sa lugar kung nasaan si Margaret.Papasikat pa lang ng araw na iyon kaya nabigla ang mga tauhan na nagbabantay dahil sobrang aga nitong bumisita.“M-Magandang umaga, Sir.”Tumango lang si Adrian, hindi pinakitang natutuwa siya at ginagawa ng mga ito ang trabaho. Baka lang kasi tatamad-tamad ang mga ito ngunit hindi naman pala.“Gising na ba siya?” aniyang tinutukoy si Margaret.“Natutulog pa, Sir, nang silipin namin kanina.”Walang salitang naglakad patungo sa kwarto si Adrian para tingnan ito. Pagpasok ay nakita niyang gising na ito, nakaupo sa kama habang nakatanaw sa labas ng bintana. “Gising ka na pala,” aniya.Ngunit hindi man lang lumingon si Margaret, ni hindi nga kumilos. Kaya lumapit si Adrian at tiningnan itong nakatulala, parang mannequin, walang kabuhay-buhay. Tapos ay bigla siyang napatakip sa ilong dahil nangangamoy ito, parang ilang araw ng hindi naliligo.May sumunod naman na tauhan at napansin ang r

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 332

    MAY NAIS pa sanang sabihin ang dalaga pero binabaan na ito ni Cain ng tawag.Beep, beep—Mayamaya pa ay pumasok si Joey. “Hindi pa pala kayo tulog, Sir?”“Nagising lang dahil tumawag si Stella. Inatake si tito Ruel pero hindi naging maganda ang pag-uusap namin. Ginamit pa ang kondisyon ng Ama para malusutan ang ginawa nito sa kumpanya.”“Anong gusto niyong gawin ko, Sir?”Umiling-iling si Cain. “Sa ngayon ay wala muna at gusto kong tingnan mo kung anong magagawa nating tulong sa kanila. Kahit papa’no ay hindi naging iba sa’kin si tito Ruel.”“Masusunod, Sir.”Kinaumagahan ay inasikaso agad ng secretary ang inutos ni Cain. Pagbalik ay may ibinalitang isang importanteng bagay, “Sir, kinontak ako ng grupong may hawak kay Miss Margaret. Ang sabi ay… pat*y na ‘raw’ ito.”Napatiim-bagang si Cain. “Pa’no nangyari ‘yun?! Malinaw ko naman sinabi na—“ Saka marahas na nagbuga ng hangin. Hindi na tinapos ang sasabihin sabay kuha sa phone upang tawagan ang leader ng grupo. Ilang sandali pa ay sina

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 331

    NANGHINA at nawalan ng lakas si Cain sa narinig. Tila dumoble ang sakit na naramdaman niya noong matuklasan na naglaho si Katherine at inakalang pat*y na ito.Ngunit kahit bigo ay ayaw niyang sumuko. Hindi niya ito susukuan kahit na makailang ulit pa siyang itulak nito palayo.Kaya kahit nanghihina ay hinabol niya ito habang hila-hila ang IV fluid stand. At naabutan itong kausap si Joey. “Katherine!” tawag niya sabay hila.“T-Teka, sa’n mo ‘ko dadalhin?!”“Hindi pa tayo tapos mag-usap,” iyon lang ang sinabi ni Cain saka ito hinila pabalik sa silid.“Ano ba!” pagpupumiglas pa ni Katherine pero naisara na nito ang pinto sabay lock. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan.” Saka nakipag-agawan sa doorknob ngunit hindi siya nito hinahayaan at kinorner pa sa pinto.Matapos ay idinantay ni Cain ang ulo sa balikat nito. “N-Nahihilo ako.” Walang halong kasinungalingan iyon.Nabahala naman si Katherine. “Ba’t mo kasi pinipilit ang sarili mong kumilos!”“Ayoko lang na umalis ka.” Saka ito niyakap

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 330

    BAKAS sa mukha ni Joey ang pagsisisi. “Kasalanan ko ata ‘to, Ma’am. Hindi ko sinigurong kinakain niya ang pagkaing binibigay ko.”Hinawakan ni Katherine ang balikat nito, marahang tinatapik-tapik. “’Wag mong sisihin ang sarili mo. Kahit sino rin naman, hindi ito gugustuhing mangyari.” Pagkatapos ay tinanggap ang disposable container. “Ako nang bahalang magpakain sa kanya. I’m sure, pagod ka at na-stress sa nangyari.” Bakas sa mukha nito ang pagod at kawalan ng pahinga kaya sinabihan niya itong magpahinga muna kahit sandaling oras lang.Pagkatapos ay pumasok na siya sa silid at nakita si Cain na natutulog, namumutla at tila may iniindang sakit. Halata sa nakakunot nitong noo.Lumapit siya, dahan-dahang inilapag ang disposable container sa table, at naupo sa tabi ng kama. Inangat ang isang kamay, maingat na inilapit sa ilong nito at gusto lang kumpirmahin na humihinga ito nang maayos. Baka kasi nahihirapan na habang natutulog.Kaya nakahinga siya nang maluwag matapos makasiguro na okay

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 329

    NAGHURUMENTADO ang puso ni Katherine sa narinig. Hindi niya iyon dapat maramdaman kaya marahan niyang pinukpok ang dibdib.Ano ba! maghunos-dili ka nga!Saway niya sa sarili.“Katherine?” ani Cain. “Nandiyan ka pa?”“Y-Yes! May ginagawa kasi ako. Ano nga ulit ‘yung sinabi mo?” Kunwaring hindi niya narinig.Nakagat naman ni Cain ang ibabang labi saka mariin napapikit. Minsan na nga lang maglambing tapos hindi pa nito narinig. “Wala… kumusta ka nga pala? Hindi agad ako nakatawag at medyo busy.”“I know, narinig ko—“ natigilan si Katherine matapos madulas.“…So, narinig mo talaga ‘yung sinabi ko?” Hindi ito sumagot kaya inakala niyang binabaan siya ng tawag. Pagtingin sa screen ng phone ay nasa linya pa rin naman silang dalawa. Tuloy, napangiti siya sa paglikot ng sariling imahinasyon.Pakiramdam niya ay namumula ito sa hiya kahit hindi naman niya nakikita.“Nandiyan ka pa?” aniyang may malawak na ngiti sa labi.Matagal bago sumagot si Katherine at tumikhim pa nga, tila may kung anong bu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status