PINAGMASDAN ng Nurse ang pasiyente nang matulala ito. “Ayos lang po kayo, Ma’am?”Wala sa sariling tumango si Katherine kahit ang lakas ng kabog sa kanyang dibdib. Bigla siyang nablangko at hindi alam ang gagawin ng mga sandaling iyon.Nagugulahan pa siya sa nangyayari nang simulan niyang isipin kung kailan siya huling dinatnan?Sa pagkakaalam niya ay nagkaroon pa siya noong nakaraang buwan kaya napaka-imposible na buntis siya. Bukod roon ay tatlong buwan na silang hiwalay ni Cain, huli silang nagtalik ay iyong bago pa sila mag-divorce.“Sigurado po ba kayong okay lang kayo, Ma’am?” pag-uulit ng Nurse matapos makitang natataranta at tila natatakot ito.Para naman walang narinig si Katherine at tuloy lang sa pag-iisip kung sa papaanong paraan siya nagdadalang-tao.“Nandito na si Dok.”Doon lang nag-angat ng tingin si Katherine at nakita ang paglapit nito. “Dok, totoo po bang buntis ako?”Tumango ito habang binabasa ang hawak na lab result. “Ayon dito ay you’re fourteen weeks pregnant.”
PALAPIT na nang palapit si Luke nang biglang may sumulpot na Nurse sa harap niya mula rin sa direksyon kung saan niya narinig ang ingay kanina. Bahagya pa nga itong yumukod upang ipakita na napansin siya nito saka tuloy-tuloy na naglakad palayo.Sinundan ito ng tingin ni Luke sa pag-aakalang ito ang narinig niya ng mga sandaling iyon. Pagkatapos ay napagpasiyahan ng bumalik sa ward. Pagpasok ay natigilan pa siya nang makita si Katherine.Napalingon ito at mabilis na lumapit. “Sa’n ka galing?”Napakurap si Luke, inobserbahan ang kilos nito hanggang sa tinulungan siyang magtulak ng wheelchair. “Ano… Hinanap ka, kanina pa kasi kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot.”“’Wag ka sanang mabibigla at mag-aalala pero bigla kasi akong hinimatay kanina,” pag-amin ni Katherine.Nilingon ito ni Luke, naroon ang pagtataka na nagsasabi ito ng totoo. “Bakit, anong nangyari?” aniyang sinadya niyang magmukhang nag-aalala.Sa halip na sumagot ay ngumiti lang si Katherine. Hindi epektibo kung magsisinu
KABADONG tumango ang Doctor saka hinarap si Jared, ang tingin ay nanunuot at halata ang tinitimping galit kaya kinabahan pang lalo sa puntong nanginig ang kamay nang iabot ang medical record. “Iyan ang totoo niyang sakit, may gastric ulcer lang siya at hindi malubha… Patawad at hindi ko natanggihan ang in-offer niyang pera dahil nakakaawa talaga siya, halos lumuhod na sa harap ko. Nakikiusap akong ‘wag niyo akong i-report sa nakakataas.”Palihim na nangiti si Sheena sa narinig, nagustuhan niya ang kasinungalingang sinabi nito. Matapos nga ay nagkatinginan pa sila ng Doctor at pasimple siyang tumango sa ginawa nito.Ngayon ay oras na para siya naman itong umarte, siya ang magdadagdag ng final blow upang tuluyan na itong kamuhian ni Jared.Napasinghap siya at tinakpan ang labi. “Oh my! Hindi ko akalaing gano’n klase ang tao si Lian! Nagmakaawa pa siya para masalba ang kanilang negosyo, iyon pala’y kasinungalingan lang lahat! Nakakatakot siyang—“ Natigilan siya nang magtagpo ang tingin n
PASIMPLENG binaba ni Lian ang paa mula sa kama, habang nagbibilang ng isa hanggang sa tatlo—“Anong binabalak mo?” ani Sam sabay ngisi nang malagkit. “Sa tingin mo ba’y hindi ko alam na nagbabalak kang tumakbo papunta sa pinto para takasan ako?”Kumibot ang labi ni Lian sa kaba, hindi niya akalaing mabibisto agad ang binabalak niya. “Labas kung ayaw mong sumigaw ako!” babala niya upang itago ang takot. Oo, natatakot siya para sa kaligtasan dahil sobrang hina niya ng mga sandaling iyon. Walang ibang magpoprotekta sa sarili at anak kundi ang sarili lamang niya.Hanggang sa unti-unti nang humahakbang palapit si Sam. “Sa totoo lang… Gusto ko pa sanang maging mabait sa’yo kasi may pinagsamahan din naman tayo. Hindi ka naging iba sa’kin pero pinapainit mo ang ulo ko.”Nagpalinga-linga sa paligid si Lian, naghahanap ng gamit na pwedeng gamitin sandata kung sakaling sumugod ito. Ngunit ang fountain pen lang sa tabi ang naroon kaya iyon na lamang ang mabilis niyang nakita at itinutok dito. “Si
NAKAKADIRI man gawin ay nilunok ni Lian ang sinuka niyang dugo. Tutal, hindi naman naniniwala si Jared at pinaparatangan pa siyang nagkukunwari. Ngunit hindi niya kinaya at may lumabas pa rin sa bibig at nakita iyon ni Jared. Kitang-kita niya na wala man lang itong kaemo-emosyon sa mukha. Kaya nagbaba siya ng tingin bago pa maiyak sa harap nito saka pasimpleng pinunasan ang labi. “Peke pa rin ba sa’yo ‘to?”Napatiim-bagang si Jared, hindi niya gusto ang paghahamon nito. “Sige! May sakit ka na pero hindi maikakaila na may ibang lalakeng nakabuntis sa’yo at hindi ako!”“Sinabi ko bang ikaw?” singhal ni Lian, saka napangiwi nang muli na naman maramdaman ang kirot sa likod ngunit wala na siyang pakialam pa roon. Ang mahalaga ay masabi niya ang gustong sabihin, “Lagi mo akong pinaparatangan ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa, pati sakit ko’y pinapamukha mong gawa-gawa ko lang? Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan ako lulugar,” matapos ay tuluyan na siyang bumagsak, halos habulin
KULANG na lang ay mapapikit si Jared, damhin ang tuwang nararamdaman nang marinig niya ang salita iyon mula kay Lian. Noon pa man ay nangarap siyang bumuo ng pamilya kasama ito. Gusto niya ng anak na kamukha ni Lian o kung hindi naman ay kaugali nito.Ngunit nagbago iyon nang bumagsak ang negosyo ng pamilya. Ang inaasahan niyang tutulong sa kanila, si Fernando ang ama nito ay tinalikuran sila. Gumawa pa ito ng paraan para magkahiwalay sila ni Lian, pero kaya niya naman iyong tiisin. Ipinaglaban niya ngunit sa huli ay ito rin pala ang magpapap*tay sa kanya… iyon nga lang ay hindi ito nagtagumpay, nakaligtas siya sa pambubugbog noon. At ngayon ay umaarte na parang walang ng nangyari, mapagkunwari.Napakasinungaling ni Lian at mapagpanggap gaya ngayon. Kaya sa halip na maging masaya ay may napagtanto siya na mas lalong nagdulot ng pagkamuhi sa dating nobya. Sa inis niya ang mahigpit niyang hinawakan ang pisngi nito. “Wow, muntik na ‘kong maniwala.”“N-Nagsasabi ako ng totoo,” ani Lian.“
HINDI naman agad nakapagsalita si Jared. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Dahil sa kabila ng mga nangyari sa kanila noon ay nanatili ang respeto niya sa Ginang kahit na makailang-beses niya itong ginamit upang mapasunod si Lian.Samantalang hindi na naghintay ng sagot si Marilyn at nagtungo na sa kwarto ng anak, nang makitang wala na roon si Lian ay agad niyang sinundan ang dumaan na dalawang Nurse na may tulak-tulak na hospital bed.“S-Sandali lang po.” Pigil naman ni Jared dahil natatakot siyang baka mag-collapse ito sa oras na malaman kung anong ginawa ni Lian sa sarili.“A-Anong nangyayari, ba’t may dugo sa katawan ng anak ko?” naiiyak na tanong ni Marilyn habang sapo-sapo ang dibdib, nahihirapan huminga.Nabahala naman si Jared dahil hindi niya gustong maapektuhan ang kondisyon nito. “’Wag na po kayong masiyadong mag-alala. Aalamin ko kung anong nangyari.” Saka hinaplos-haplos ang balikat nito.Tumango si Marilyn saka hinawakan ang kamay nito. “Maraming salamat.”Nagbaba ng tingi
NAMUTLA si Sheena sa narinig at takot na takot habang nakatingin sa fiancé. “J-Jared, please help me.” Saka inangat ang kamay, tila gusto itong abutin.“’Wag kang gumalaw kung ayaw mong is*ksak ko ‘to sa leeg mo!” babala ni Lian na mas lalo pa inilapit ang basag na piraso ng baso. Matapos ay tiningnan si Jared. “Anong ginagawa ko rito?”“Inilipat kita rito.”“At bakit?!” Malapit na ang operasyon niya kaya sa paanong paraan napapayag ni Jared ang Doctor na mailabas sa ospital?Hindi naman sinagot ni Jared ang tanong dahil abala siya sa pag-iisip kung paano mapapakiusapan itong pakawalan si Sheena, na lumuluha na ng mga sandaling iyon at nanginginig sa takot.“Humingi ka ng tulong kay Levi?” tanong muli ni Lian.Dumilim pang lalo ang aura ni Jared sa tanong. “Pakawalan mo na siya.”“Hindi!” hiyaw ni Lian saka napatingin kay Sheena dahil ramdam niya ang takot nito. “Ibalik mo ‘ko ngayon din sa ospital!”“Hindi ka makakaalis—““Jared!” tili ni Sheena. “Gawin mo na lang ang gusto niya!”Ti
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb
HALOS isang metro na lang ang layo at mabubundol na si Lian ng sasakyan na paparating. Natapakan man ng driver ang preno pero nagtuloy-tuloy pa rin ang kotse.Si Jared naman na tumatakbo ay nagawang mayakap ang dalaga saka ito prinotektahan. Ang katawan niya mismo ang ipinangharang kung sakaling mabunggo nga silang dalawa.At hindi nga siya nagkamali dahil naramdaman niya ang impact at ang paggulong-gulong nila sa kalsada. Si Ulysses na naghihintay sa kotse ay napalingon matapos makarinig ng pagkabunggo.Nang makita niyang nakahandusay sa sahig ang amo at si Lian ay dali-dali siyang lumabas, tinakbo ang mga ito. "A-Anong nangyari, Sir Jared!" Bahagya siyang nataranta, hindi malaman ang gagawin dahil parehong walang-malay ang dalawa.Ang driver naman ay bumaba at tiningnan din ang nabunggo. "H-Hindi ko sinasadya, bigla siyang sumulpot!"Tumawag naman agad si Ulysses ng ambulansiya saka ito binalingan. "'Wag kang aalis, diyan ka lang!" babala niya rito nang akma itong babalik sa sasakya