Share

Chapter 212

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-03-19 23:37:02

NAPANGANGA si Katherine habang nakatitig. “S-Seryoso ka? Hindi ‘yun magagawa ni Lian.”

“Kahit ako rin naman pero pinakita sa’kin ni Jared ang sugat sa leeg ni Sheena. Teka, sa susunod na lang natin ‘to pag-usapan dahil kailangan ko na silang puntahan.”

“Sa’n munang estasyon nila dinala ang kaibigan ko?”

“Hindi ko rin alam. Sige na, kailangan ko na talagang umalis.”

Bago pa man ito mapigilan ni Katherine ay nakailang hakbang na palayo si Levi. Kaya gulong-gulo na siya ng mga sandaling iyon. Hindi niya naman pwedeng sabihin sa magulang ni Lian ang nangyari dahil baka samahan na ni Marilyn ang asawa sa kama kapag nalaman na nasa police station ang anak.

Kinuha niya sa bag ang phone saka nag-scroll, pinag-iisipan na tawagan si Cain pero sa huli ay hindi niya magawa. Naaalala niya ang mga sinabi sa dating asawa at sa tingin niya ay hindi na siya nito kakausapin pa.

Hanggang sa makatanggap ng message mula kay Yohan, kaya naisip niyang ito na lang ang pakiusapan na magtanong-tanong kung nasa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 213

    NATIGILAN si Lian saka nilingon ang kaibigan. Pagkatapos ay niyakap ito nang mahigpit, hindi na naman mapigilan na maging emosyonal. “Salamat talaga, Sissy. Nawawalan na ako ng pag-asa pero mabuti na lang at nandito ka.”Marahan din itong niyakap ni Katherine upang hindi masaktan. “Kaya ‘wag ka nang masiyadong mag-alala. Mailalabas kita rito,” paniniguro niya ngunit nag-iisip din kung paano niya iyon magagawa. Kailangan niya ang malaking halaga para mapiyansahan ito pero paano kung magsampa ulit si Jared o hindi kaya ang fiancée nito ng kaso laban kay Lian? Walang-wala silang pera para sa piyansa.Kaya bago pa magtanong ang kaibigan kung paanong paraan ang gagawin ay d-in-istract niya ito sa pagtulong na magbihis, matapos magamot ang likod nito.Ilang sandali pa ay kumakatok na ang pulis sa labas. “Ma’am, tapos na po ba kayo riyan?”“Oo, sandali lang,” ani Katherine.Mayamaya pa ay lumabas sila sa banyo na namumula ang mga mata dahil nag-iyakan pa sila sa loob. Pagkatapos ay ibinalik

    Last Updated : 2025-03-19
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 214

    NAGTAKA si Katherine kung bakit humarang si Joey pero hindi na niya iyon pinansin at muling hinarap si Cain. “Wala akong balak na manggulo pero kailangan ko lang ang tulong mo… Si Lian.”Walang kaalam-alam si Cain sa sinasabi nito kaya tinanong niya ang assistant. Binulong naman ni Joey ang nangyayari kay Jared at Lian. Napatiim-bagang siya saka matalim itong tiningnan sa mga mata. Kung ano man ang problema ng kaibigan ay hindi niya panghihimasukan dahil labas siya roon. “Busy ako,” iyon na lamang ang sinabi niya at naglakad na palayo. Ang babae naman na kasama ay agad na sumunod matapos tingnan nang masama si Katherine.Nawalan ng sigla si Katherine nang lagpasan siya ng dating asawa. Sa isang iglap ay parang gumuho ang mundo niya nang makitang wala ng kalambing-lambing kung paano ito tumingin sa kanya.Parang gusto na lang niyang mapaupo sa kalsada lalo na nang nagsisialisan na ang mga taong naroon na nakiki-osyuso. Si Joey naman ay humingi lang ng paumanhin at naiintindihan naman n

    Last Updated : 2025-03-20
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 215

    NAPAKURAP si Cain sa alok nito at nakuha pang tingnan si Joey na tila nakamasid sa magiging reaksyon niya. “H-Hindi,” tanggi niya kahit may parte sa kanya nan a-excite sa sinabi nito.“Sandali lang naman,” pagpupumilit pa ni Katherine, ayaw sumuko hangga’t hindi siya napagbibigyan.Muling napatingin si Cain sa assistant na tumatango-tango na sa kanya, nagpapahiwatig ng pag-oo nito. Kulang na nga lang ay sabihin na sumama na siya sa loob.“Sandali lang?” pag-uulit niya sa sinabi ni Katherine.Tumango ito. “Saglit lang talaga.”Napahinga naman si Cain saka lumabas sa kotse at sinundan ito. Pero nang nasa tapat na ng unit ay nakatanggap siya ang message mula sa assistant.Joey: Sir, umalis na po ako at lumalalim na ang gabi.Napailing na lamang si Cain saka nag-reply.Cain: Humanda ka sa’kin bukas.Joey: Joke lang, Sir. Nandito pa ‘ko sa labas. Hintayin ko po kayong matapos.“Pasok ka.”Nag-angat siya ng tingin matapos marinig ang boses ni Katherine na nasa loob na ng tirahan nito.Itina

    Last Updated : 2025-03-20
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 216

    NATIGILAN si Katherine sa narinig, bigla siyang nakakita ng pag-asa para sa kaibigan. Ngunit sa pagkakasabi nito ay tila lumalabas na tutulong lang si Luke dahil sa kanya at hindi dahil sa kaibigan din nito si Lian.Magkaganoon man ay hindi na niya iyon pinagtuonan ng pansin kahit pa may hindi sila pagkakaunawaan. Ang mahalaga sa kanya ay mailabas ang kaibigan sa selda bago pa ito mapatawan nang mas mabigat na kaso.“Talaga bang matutulungan mo si Lian?”“Oo naman, punta ka rito nang mapag-usapan natin ang detalye—“ saka sinabi ang address kung nasaan ito ngayon.Nagtaka naman si Katherine dahil hindi address ng ospital ang sinasabi nito. “Na-discharge ka na ba?”“Ang boring kasi sa ospital kaya nag-decide na ‘kong umuwi na lang at doon magpahinga tutal wala naman ng rason para mag-stay ako roon kung wala naman problema sa’kin.”“Okay, pupunta na ‘ko riyan.”Pagkatapos ng pag-uusap nila ay naligo na siya at nag-ayos. Mga ilang minuto lang din ay narating na niya ang sinasabi nitong lu

    Last Updated : 2025-03-21
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 217

    NAGPUMIGLAS si Katherine dahil palapit na si Luke. “Ano ba, bitawan mo ‘ko! Idedemanda ko kayong lahat!” pananakot niya pa upang pakawalan lang ng Guard.“Hayaan mo lang siya,” ani Luke, na tumigil ilang hakbang ang layo. “Bibigyan lang kita ng isang araw para magdesisyon, Katherine. At kapag wala akong nakuhang sagot ay asahan mong wala kang makukuhang tulong mula sa’kin.”Kumuyom ang magkabilang kamay ni Katherine dahil sa pamba-blackmail nito. Hindi niya akalaing masama pala talaga ang ugali ng itinuring niyang kaibigan. Matapos ay marahas niyang binawi ang braso na hawak ng Guard at matalim na tiningnan si Luke. “Salamat, ha?” sarkasmo niyang sabi at nagmartsa paalis sa lugar.Hinatid lang ito ng tingin ni Luke, puno ng kumpiyansa na mapapasuko niya si Katherine. Dahil alam niyang nagmamatapang lang ito pero pagdating sa mga mahal sa buhay ay handang gawin ang lahat.“Ayos lang po kayo, Sir?” tanong ng Guard.Tumango lang si Luke saka naglakad nang paika-ika pabalik sa table. Huma

    Last Updated : 2025-03-22
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 218

    NANG magising si Lian ay nasa isang maliit na siyang silid, ibang-iba sa kwarto niya sa ospital. Purong puti ang nakikita, kama at maliit na drawer lang ang gamit na naroon. Wala rin bintana at ang pinto ay may maliit na bintanang rehas.Nang tingnan ang sarili ay iba na rin ang suot niyang damit. Maraming straps na ginagamit sa mga taong nawala na sa katinuan. Bigla siyang kinabahan at bumangon sa kinahihigaan, lumapit sa pinto saka sumilip-silip sa labas. “May tao ba riyan? Naririnig niyo ba ako?!”Ngunit nage-echo lang ang boses niya sa lugar. Hanggang sa makarinig siya ng lagabog mula sa kung saan at nagsimulang umingay. May sumisigaw at meron din naghahanap ng taong hindi niya kilala.Sobrang gulo ng mga sandaling iyon kaya hindi niya mapigilang mag-panic. Walang duda na dinala siya ni Jared sa mental facility.“Pakawalan niyo, ‘ko! Hindi ako baliw!” Gusto niya man kalampagin ang pinto ay hindi niya magawang makawala sa straps ng suot niyang damit. “Nakikiusap ako! ‘Wag niyo ‘kon

    Last Updated : 2025-03-23
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 219

    MABILIS na napabalikwas ng bangon si Katherine, pawis na pawis at nanginginig siya sa takot nang bangungutin tungkol kay Lian. Kulang na lang ay umiyak siya sa sobrang sama ng kanyang panaginip.Nang mahimasmasan ay tiningnan niya ang oras, pasado alas-diyes na ng gabi pero wala pa rin ang kanyang hinihintay, si Cain.Kaya muli niyang tinawagan si Joey, “Pasensiya na sa istorbo pero nasabi mo na ba kay Cain na gusto ko siyang makausap?”“Yes, Miss, itinawag ko sa kanya kanina pero wala naman siyang sinabi.”“Gano’n ba? Sige, pupuntahan ko na lang sa bahay niya,” ani Katherine.“Sa tingin ko’y hindi pa siya umuuwi ngayon. Nasa Villa siya ngayon sa Bulacan to attend an event.”Mariin napapikit si Katherine. Sobrang layo at hindi niya pa napupuntahan ang lugar na iyon. Sa huli ay nagpasalamat na lamang siya kay Joey saka tinapos ang tawag.Gustuhin niya man puntahan si Cain ura-urada ay napakadelikado naman para sa kanya na bumiyahe nang mag-isa sa ganoong dis-oras ng gabi. Kaya napagpas

    Last Updated : 2025-03-24
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 220

    NANLAKI ang mga mata ni Katherine sa sinabi nito. Magkaganoon man ay agad na hinawakan niya ang kamay nito, gustong siguraduhin na hindi lang ito nabibigla, na talagang tutulong ito. “A-Anong gusto mong kapalit? Iyong kaya ko sana.”Hindi pa naiisip ni Cain kung ano ang gusto niyang maging kapalit. “S-Saka na lang natin ‘yan pag-usapan.”Tumango naman si Katherine at nang ibaba ang tingin sa kamay nilang magkahawak ay parang napapasong binitiwan niya ang kamay nito. “Magagawa mo bang mahanap agad si Lian? Nag-aalala talaga akong baka lumalala ang kondisyon niya ngayon.”“Hindi ko maipapangako pero susubukan ko.”Mariin naglapat ang labi ni Katherine, hindi malaman kung dapat niya bang ikatuwa ang narinig. Magkaganoon man ay mas mainam na iyon kay sa wala. “Salamat sa tulong tatawagan na lang kita.”“Ba’t ‘di ka muna mag-stay? Malayo ang biniyahe mo, tama?” agap ni Cain. Pansin naman niya na tila nag-iisip ito kaya may pahabol pa siya. “Babalik na rin naman ako mamayang hapon, ba’t ‘di

    Last Updated : 2025-03-25

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 259

    PAREHONG napalingon ang magkapatid sa sinabi ni Cain. Nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa dalawa habang nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat."Pa'no ka nagkaro'n ng kapatid?" Saka pinagmasdan nang mabuti si Sherwin, dahil tila pamilyar ito sa kanya.Mariin pa siyang napapikit habang inaalala kung saan niya ito nakita. "... Sa... Sa isang business gathering! Tama! I once saw you!" Sabay turo.Hindi naman nagustuhan ni Sherwin na dinuduro-duro siya kaya tinabig niya ang kamay nito. "Anong sinasabi mo? I don't know you," aniya saka bahagyang inusog palapit sa likod niya ang kapatid. Hindi nagugustuhan ang tingin nito kay Katherine.Napatiim-bagang naman si Cain ng makita ang ginawa nitong pagtago sa kanyang asawa. Pero kinalma niya pa rin ang sarili para hindi na lumala ang sitwasyong gayong medyo malinaw na ang relasyon ng dalawa. Tumayo siya nang maayos saka pinagpagan ang nadumihan na damit sa kabila ng sugat sa kamay."Magkapatid kayo, right?" gusto lang niyang makasigurado. "Pa'

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 258

    NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 257

    PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 256

    NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 255

    HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 254

    BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 253

    NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 252

    DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 251

    KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status